Group Chat (GC SERIES #1) - c...

By Vinauxx

2.5M 99.2K 115K

MYSTERY | ROMANCE | PSYCHOLOGICAL THRILLER | HORROR Group Chat tells the story about a girl, Zhavie Fuentes... More

GC 1
GC 2
GC 3
GC 4
GC 5
GC 6
GC 7
GC 8
GC 9
GC 10
GC 11
GC 12
GC 13
GC 14
GC 15
GC 16
GC 17
GC 18
GC 19
GC 20
GC 21
GC 22
GC 23
GC 24
GC 25
GC 26
GC 27
GC 28
GC 29
GC 30
GC 31
GC 32
GC 33
GC 34
GC 35
GC 36
GC 37
GC 38
GC 39
GC 40
GC 41
GC 42
(ViVis) OFFICIAL GROUP CHAT
GC 43
GC 44
GC 45
GC 46
GC 47
Axiel (1st)
GC 48
GC 49
GC 50
GC 51
GC 52
GC 54
GC 55
GC 56
GC 58
GC 59
GC 60
GC 61
GC 62
GC 63
GC 64
GC 65
GC 66
GC 67
GC 68
GC 69
GC70
GC 71
GC SHIRTS NEW DESIGNS (ON SALE)
GC 53 (CHAPTER 53)

GC 57

33.1K 1.2K 2.8K
By Vinauxx

Napatayo kaagad ako nang makitang palabas na si Lander sa loob ng cafeteria.

"Aish! Kailangan ko na palang pumunta ng library para kopyahin iyong notes," saad ko nang mapatingin sa wrist watch ko.

Kahit wala akong ideya kung saan pupunta si Lander, sinabayan ko pa rin siya sa paglalakad. Naiwan ang mga kasama niya sa cafeteria kaya confident akong lapitan at kausapin siya. 

"Hi Lander, hihi!" bati ko.

"Hmm?" Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin, masyadong busy sa phone .

"Wala lang. Baka madapa ka, ha. Puro ka cellphone," nakanguso kong sabi. 

"It's fine. I can manage." Agad din niyang ibinulsa ang hawak niya. "Anyway, where are you going?"

Omg, tumingin siya sa akin, huhu!

"Sa Library, hehe. May kailangan kasi akong gawin. Ikaw saan punta mo?" 

"Library."

Napatakip kaagad ako ng mukha, pero hindi ko ipinakita sa kanya 'yon dahil baka pagkamalan niya akong baliw.

Baliw sa kanya, pft!

"Talaga? Pupunta ka rin ng library?" Parang may mga bituwin sa mga mata ko matapos tanungin 'yon.

"Yup. I just said that, hindi mo narinig?" Mahinang siya natawa at ginulo ang buhok ko. 

"Edi.. sabay na tayo. Doon rin naman punta nating dalawa, pero sana sa susunod sa Simbahan na."

Bakit parang ako lang kinilig sa sariling banat ko? Shet.

"Sure," he smiled.

Omg! Narinig niya ba sinabi ko?

"Sure.. s-saan? Ang ibig kong sabihin, saan pupunta?" 

"Library. Saan pa ba?" Seryoso niyang tanong habang gamit nanaman ang phone niya.

Sabay kaming nagsulat ng pangalan nang makarating sa library. Sunod akong naghanap ng available na table dahil abala siya sa ibang bagay. Ano kayang hinahanap niya? Libro? Mukhang wala naman sa hitsura niya.

Kung alam ko lang na makakasama ko siya rito sana nag-ayos man lang ako. Ang hirap pala nito lalo na kapag dalawa lang kayo ng crush mo. Paano ba magpigil ng kilig? 

Sunod kong inilabas ang mga kailangan kong kopyahin matapos makahanap nang mauupuan naming dalawa.

"Ano 'yan?" I asked.

"Libro." Mahinang sagot niya tsaka umupo.

"Sabi ko nga, hehe." Napakamot na lang ako sa ulo. Ang obvious naman masyado ng tanong ko!

He scanned me, "What are you doing?"

"Tinatapos lang 'yong mga kulang ko. Hindi raw kasi kami pwedeng magsembreak kapag 'di kumpleto, e. Buti ka nga graduating ka na. Ako isang taon pa titiisin."

Hearing that, Lander nodded twice. He seemed preoccupied with the book he was holding, so I just continued writing. Hays! Ilang lunok ba ang kailangan kong gawin para mapigilan itong kilig ko?

Naalala ko tuloy nang unang pasok ko rito sa university, I saw him playing basketball. Masyado akong na-amaze kaya ang ending, hindi ako pumasok sa unang klase ko at nanuod na lang. Aksidente pa nga niya akong natamaan ng bola, e. Ang sakit nun pero keri lang!

Kung siya naman ang babato sa akin ng bola, why not? Ako pa ang magso-sorry! 

Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang mahuling nakatingin si Lander sa direksyon ko. Bakit ganun? Hindi ko ramdam ang pagod kahit sobrang haba nang sinusulat ko dahil kasama ko siya. 

"Saan ka pupunta? Aalis ka na kaagad?" tanong ko nang bigla siyang tumayo.

"I'll be back," he smiled. Iniwan niya ang bag niya kaya mukhang babalik pa talaga siya. 


Inilipat ko ang isang pahina ng yellow pad at nagpatuloy sa pagsusulat. Inggit talaga ako sa sulat ni Devon, ang ganda! Hindi tulad ng sulat ko na parang dinaanan ng signal number 4 na bagyo.

I stopped writing when someone placed a can of soda in front of me. Si Lander pala kaya agad akong nagpasalamat. He sat down and picked up the book he was holding earlier. Palipat-lipat lang siya ng pahina kaya hindi ko alam kung nagbabasa ba talaga siya.

Teka, paano niya naipuslit 'tong soda? E, bawal ang food and drinks dito sa loob.

Muli kong naramdaman ang mga titig niya habang nakayuko ako kaya muli akong nag-angat ng tingin. Hanggang sa makumpirma kong nakatingin nga siya sa akin habang umiinom ng soda!

"B-bakit mo 'ko tinitignan? Stop staring at me, baka matutunaw ako niyan," biro ko.

"Sorry but, I can't." Mahinang sabi niya.

Agad nagsigalawan ang mga alaga kong bulate sa tiyan nang marinig ang sinabi niya. Ang ganda ko ba masyado kaya hindi niya kayang hindi tumingin? Chos! Butterflies pala 'yon at hindi bulate.

"Bakit hindi mo kaya ang hindi tumingin? Ang ganda ko ba?" Taray! Saan kaya ako kumukuha ng lakas ng loob?

Jusko Zhavie, ang kapal mo, huhu.

"Pft, haha! There's something on your hair. Hindi ko alam na pati buhok pala ngayon kumakain."

Bigla akong napahawak sa buhok ko. Mayroong maraconi galing sa baked mac na kinain ko! Shit, nakakahiya! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa! Kailangan kong mag-isip ng palusot!

"Ganda kasi ng buhok ko kaya pati macaroni hinahabol ako. Ayaw magpaiwan kaya kapit na kapit, hehehe."

Natigil ako sa pagtawa nang bigla niyang inilapit ang kamay niya sa buhok ko.

"Hindi mo natanggal lahat. Kaya ako na ang kukuha, Ms. Fuentes."

Jusko po! Paano magpigil ng kilig?

"But I think, Mrs. Fiezo is better," he added.

Omg ka talaga Lander, huhuhu.

Ang rupok ko sa 'Mrs', feeling ko tuloy nilalambing ako ng boses niya.

"Lander... hmm pwede favor?" nahihiyang sabi ko. 

"Yeah? Sure," he nodded.

"Uhm, nagreport ka dati sa Literature, 'di ba? Kasi required talaga 'yon kay Mr. Torio.. s-siya rin prof mo noong 3rd year ka, right? Hehe."

Shuta! Ang awkward ko.

"Yes, how did you know?" he said as he drank the soda.

"Wala, nakita kasi kita. So.. hmm, may naiwan ka bang copy? Pwede ba kopyahin? Wala na kasi akong oras para gumawa ng power point, e. Kaya balak kong mag-edit na lang at dagdagan, baka abutin pa kasi ako ng sembreak."

He gave me a nod, "Sure, sige." 

"Talaga?! Yay! Salamat!" napasigaw ako kaya agad niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.

Omo! Ang bango ng kamay niya!

"Shh! Nasa library tayo. Lower your voice, okay?"

"Hehe, sorry. Kailan ko pala makukuha? Hmm, bukas?" I pouted, sinusubukan kong magpacute, pero mukhang ang laswa nang kinalabasan.

Umiling siya, "Today."

"H-ha? Bakit? Dala mo ba?"

"Nope, nasa house 'yong laptop kaya sumama ka na lang sa bahay para makuha mo," he smiled.

"Talaga? Ano ba address mo para mapuntahan ko mamaya?" napainom na lang ako upang magpigil pa ng kilig.

He raised a brow, "Huh? You're going with me. Sabay tayong pupunta ng bahay. Susunduin na lang kita mamaya. Where's your last subject mo?"

"Sa science building. 2nd floor, room 69. I mean, 79 hehe." Sagot ko.

"Okay, see you. Una na ako, I got some errands to do," bilin niya sabay suot ng bag.

"Okay po, hehe. Ingat! Study well!"

Inayos ko na ang mga gamit ko nang mapansin ang oras. Mabuti na lang at nakalahati ko na ang mga susulatin ko. I still have two more classes, but I want to finish them as soon as possible so that I can spend time with Lander.

Successful ang pag-excuse ko kay Devon sa isang major subject namin dahil mabait 'yong professor, pero mukhang mahihirapan ako sa last subject dahil sobrang sungit.

"Yes, Ma'am," sagot naming lahat nang sabihin niya ang final requirements.

Malapit nang matapos ang klase, pero wala pa rin akong maisip na pwedeng ipalusot para kay Devon dahil late si Prof na nagc-check ng attendance. Napatakip na lang ako ng bibig nang mapatingin sa labas. Nandito na si Lander!

Nagtama ang mata namin kaya agad kong ibinalik ang tingin ko sa white board dahil baka kiligin ako ng wala sa oras.

"Okay, that's all for today. Lahat ng kulang ipasa na sa akin bukas sa office ko until 3 PM. Sabihan niyo na rin 'yong mga ibang kaklase niyong wala dito. Good bye, class."

Sinuot ko kaagad ang bag ko saka hinabol ang instructor namin, "Wait lang po, Ma'am. May sasabihin po ako," paunang salita ko nang maabutan siya. Napatingin naman sa direksyon namin si Lander.

"Yes, Ms. Fuentes?" nag-angat siya ng tingin.

"Ah, excuse ko po sana si Devon bigla po kasing sumakit 'yong puson niya kanina tapos nahihilo daw po, hehe."

"Ohh, She's pregnant?"

"Pregnant agad? Haha! Hindi po, r-red days lang. Sige po, mauuna na po ako," kinakabahang sabi ko dahil baka hindi lumusot ang rason ko, pero mukhang gumana naman dahil napatango lang siya. 

"Tara na, hehe. In-excuse ko pa kasi si Devon. Sorry sa paghihintay."

"Sanay na," pagtawa niya ng mahina saka napakamot sa ulo. "Sa parking lot tayo, nandoon 'yong kotse ko."

"Oh... bro, may date ka ata?" saad ng kaibigan niyang si JM nang makasalubong namin siya.

Lander, "She needs something from me kaya kasama ko siya ngayon."

"Ah! Anong kailangan niya?" Walang nakuhang sagot si Jm pero patuloy pa rin ang pagngisi niya.

Isang makahulugang ngiti ang huling naging reaksyon ni JM nang muli siyang tumingin sa amin.

"Sige, punta muna ako sa gym, practice lang, haha. Galingan mo, bro!" dagdag niya.

"Wear your seatbealt," utos ni Lander saka pinaandar ang kotse. Ano ba 'yan! Hinihintay ko pa namang siya ang magsuot ng seatbelt sa akin.

"Lander, malayo ba bahay mo?" tanong ko habang pinapanuod siya sa pagda-drive.

"Malapit lang, hmm. Near CB mall, sa may subdivision."

"Ah. Sino ang kasama mo? Mag-isa ka lang ba?" usisa ko.

"Nope, kasama ko 'yong babaeng kapatid ko. Nasa vacation si Mommy with her friends, si Dad nasa ibang bansa."

"Ah, edi kayong dalawa ng kapatid mo?" tumango-tango ako.

"And with our maid, of course."

Napahinto ang kotse niya dahil sa traffic signal, hanggang sa mabigla kami nang may motor na biglang umandar at inovertake si Lander. Sobrang bilis kaya nabangga niya ang side mirror ng kotse at natanggal. Napasipa na lang si Lander sa inis matapos bumaba nang makita ang nangyari sa kotse niya kaya napababa na rin ako.

"Tss, putangina!" bulyaw niya saka sinipa ang gulong ng kotse.

"Omg! Ang laki pa ng gasgas!" napasigaw kong sabi dahil sa gulat.

"Get in!" Utos niya kaya agad akong pumasok sa loob.

"Grabe namang driver 'yon! Hindi nag-iingat pati side mirror ng kotse mo babanggain."

"Sinadya 'yun." Napabuntong hininga niyang sabi.

My eyes widened, "Huh? Paanong sinadya?"

"Ang luwag ng daan, Zhavie." Tipid niyang sagot tsaka pinaandar ang kotse niya.

"Ang mahal pa naman ng mga side mirror ng kotse, lalo na siguro itong sa 'yo. Mukhang wala pang plate number iyong motor niya. Kainis siya! Hindi nag-iingat," reklamo ko.

"Pft! Bakit mas affected ka pa?" he teased.

"H-ha? E, k-kasi naman ang mahal naman talaga ng side mirror."

He laughed, "It's fine. Ang akin lang kasi wala pang one week 'tong kotse, natanggalan na kaagad ng side mirror."

"Ah, oo nga napansin ko kanina, 'di ba dati kulay silver 'yong kotse mo? Ngayon naman asul na. Ano ba ang nangyari sa dating kotse mo?"

"Pinusta ko sa car racing, kaso talo... uh natalo ako."

"Ah, sayang, better luck next time, hehe!" gusto ko pang tapikin ang balikat niya pero nagdalawang-isip ako.

"Yeah. Ang galing ng kalaban, e."

Nang makarating kami sa subdivision nila, pinagbuksan kami ng nasa mid-40's na babae, mukhang siya ang kasambahay nila dahil sa suot niya. Kinakabahan pa akong pumasok sa loob dahil sa hiya.

"Wait! Hinga muna ako ng malalim, woah! Inhale! Exhale!" 

He stared at me, laughing, "Why? Wala namang mangyayaring masama sa iyo."

"Sige, okay na. Tara na sa loob." Hinila ang kaliwang kamay niya.

"Kuya! Sino 'yang kasama mo?" said a girl, smiling. Mukhang high school dahil sa suot niyang uniform.

"None of your business," sagot ni Lander sabay hila sa kamay ko. Halos matumba ako sa hagdan dahil sa paghila niya, pero ayos lang hawak naman niya kamay ko, hihi!

Wait.. mukhang papunta kami ngayon sa kwarto niya.

"Magpapalit lang ako, hintayin mo na lang ako dito," bilin niya sabay tapon ng bag sa kama.

Sana ako na lang iyong itinapon niya. Charot!

"Okay, willing to wait!" napangiti na lang siya sa sinabi ko at kumuha ng damit sabay pasok sa banyo.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto niya at talagang ramdam kong lalaking-lalaki talaga ang may-ari dahil sa hitsura. Nang matapos siyang magpalit ng damit, kinuha niya ang laptop niya at inabot sa akin.

"Here, you can take this home, ibalik mo na lang kapag tapos ka na."

"Ha? Sure ka? Nakakahiya baka gagamitin mo," saad ko.

Lander, "It's fine, I have my own computer saka hindi ko na nagagamit 'yan. Wala namang importanteng files kaya ayos lang. The password is TripleLD."

"Triple LD? You mean, Ld Ld Ld?" nakakunot ang noo kong tanong.

"No. Triple na word saka capslock na letter L at D," he explained.

"Ahh! So, word word word LD yung password? Hehehe."

"Pft! Hahaha! Type ko na nga lang," pigil na pigil na tawa niyang sabi.

"Ah 'yon pala, hehe! Hindi ko gets, kaasar! Minsan talaga ang slow ko, e. Hmm, ibabalik ko na lang sa iyo 'to bukas or after two days pagkatapos kong magreport. Thank you!" 

"No problem, tara na sa baba. Let's eat. Dito ka na magdinner," utos niya saka naunang lumabas ng kwarto.

Sinuot ko ang bag ko at binitbit ang laptop. Patakbo akong lumabas nang maalalang naghihintay pala si Rhea sa akin dahil may usapan kami kanina. 

"Sorry. Kailangan ko na kasing umuwi, saka anong oras na. Nagpromise din kasi ako sa kaibigan ko na sabay kaming mag dinner."

"Kaibigan? Si Devon?" Tanong niya habang pababa kami ng hagdan.

"Hindi. Si Rhea Lexi," agarang sagot ko.

"Rhea Lexi? Lexi is her last name?"

"Hindi, hehe. Lambojo last name niya."

"Oh, That brat." Mahina niyang sabi.

"Ha?" tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

"Nothing, ihatid na kita. Kunin ko lang 'yong susi ng kotse."

"Huwag na, Lander. Kaya ko na, saka nakakahiya na sa iyo baka nakakaabala na ko," I declined.

"It's okay, Zhavie. Hatid na kita."

Napakamot na lang ako sa ulo, "Huwag na, hehe. Ako na lang mag-isa uuwi, mag dinner ka na."

"Bakit parang ayaw mong ihatid kita? Tsk!"

Sandali akong napatigil dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman. Nahihiya na kasi ako sa iyo. Sige mauna na ako ha? Bye bye!"

He let out a sigh, "Okay, ingat ka. Hatid na kita sa labas ng gate.

Binuksan ko kaagad ang data connection ko nang makasakay ako sa bus upang may mapaglibangan habang nasa byahe. Magsusulat na sana ako ng chat kay Rhea, pero naalala ko na hindi niya pala dala phone niya kaya dumiretso na lang ako sa GC.

-σκοτώνω-

13th: Daig mo pa ata babae 7th eh. Di ka naman babae pero ba't ganun turing nila sa'yo?

Zhavie: Hello sa inyo.

7th: Kaya nga eh! Hahaha. Tangina 13th alam mo kapag umuwi talaga ako ng gabi pagchichismisan agad ako e lalaki naman ako.

Zhavie: HeloOoOoOoO ^,^

Zhavie: Hehehe ok lang. Hangin lang ako.

13th: Nakamiss si 11th. Di pa rin ba nagpaparamdam yun dito hanggang ngayon?

4th: Yeah, pati sina 2nd at 10th pero si 11th talaga wala siyang paramdam.

Zhavie: Hala oo nga! :( kakamiss din pala siya kahit tinawag niya akong bitch.

6th: Totoo naman kasi 'yun 20th, Lol.

Zhavie: Hahaha ganun ba? :D Pero mas bitch ka wag ka papatalo! Hehehehe.

6th: Bakit naman ako magpapatalo? Eh sa umpisa pa lang ikaw na yung talo.

Zhavie: edi waO.

13th: Akala ko ba 7th gagawin mo na silang human centipede? Haha!

7th: LOL. Yun nga e! Wala pa akong kasamang gagawa pero ilalagay ko talaga sa gitna yung isang lalaking matandang top one sa chismis para siya sasalo ng pwet ng nasa harapan niya! Saka tatahiin ko talaga ng sagad, gago yun e kalalaking tao daming dakdak.

Zhavie: Ew ano yun parang magiging bulate? As in centipede? Paano kung najejebs na yung sa unahan edi yung jebs niya mapupunta sa bunganga ng taong nasa likuran niya? Kadiri naman!

8th: Potang ina 7th. Malakas ako mag imagine. Tigilan mo yan. 20th, dinescribe mo pa talaga.

21st: Kaoonline ko lang ganyan na yung topic. Hindi pa ako kumakain pero nasusuka na ako. :(

4th: Di ba sabi ni 1st dati tutulungan ka niya?

7th: 4th, hindi na ako aasa kay Admin. Parang tinitrip lang ako non e HAHA

13th: Ilan ba yung mga chismosa?

21st: Tayo lang online?

7th: Mga lima.

6th: Pwede nang gawin 'yun! Haha.

13th: Onga. :D

Zhavie: Bakit ka ba pinag-uusapan? Dahil umuuwi ka ng gabi? Sa'n ka ba nagpupunta 7th?

7th: Kung saan saan, gala etc. Kala nga nila nag-aadik ako. Pinagkakalat nila.

7th: Sa online games lang ako adik

7th: At sa babae. HAHAHAHA

21st: Baka naman kasi mukha ka talagang adik?

6th: Yeah right, 21st.

7th: Di ah. Sa kapogihan kong 'to mag aadik ako? No way.

Zhavie: Akala ko nung una babae ka 7th. Typings mo kasi hehe.

7th: Lalaki ako. Crush ko nga si 22nd eh. ❤

6th: Crush ka ba?

7th: Bakit? Gusto mo, ikaw?

6th: Nah. May iba akong gusto. busted ka na, sorry :')

13th: Naks!

7th: Ayuko rin naman sa'yo 6th. Hahaha!

Zhavie: Sayang di online si 22nd.

2nd: Online ba si 1st?

6th: No. Why?

7th: Di ata.

2nd: @1st pakicheck pm ko sa'yo Admin.

13th: Mukhang inamag na yung pm mo sa kanya ah haha!

2nd: Walang nakakatawa. :)

13th: Hahaha meron kaya :P

Zhavie: Mention niyo nalang si 1st baka sakaling online mag notif sa kaniya.

13th: @1st

16th: @1st

21st: @1st

Zhavie: Wow hehe. Dininig niyo opinyon ko.

2nd: @1st

7th: @1st

12th: Good evening!

21st: Hello. Good evening.

1st: What's wrong with y'all? Andaming mentions!!!

6th: @20th

Zhavie: Bakit?

6th: ikaw nag suggest na imention si 1st.

Zhavie: Ay hehe. May kailangan kasi si 2nd.

2nd: 'Yung pm ko 1st, paki-seen.

1st: 2nd, okay as you wish.

12th: Anong ganap?

2nd: Salamat.

1st: Done.

2nd: Tapos mo na nabasa lahat Admin? Haba non, ah.

1st: Sabi mo iseen ko lang diba?

13th: HAHAHAHAHAHAHA. onga naman.

2nd: Pakibasa po, Admin.

1st: what if i don't want?

Zhavie: You'll see. - 2nd

Zhavie: Hahaha joke!

2nd: Out na 'ko. Pakibasa na lang Admin.

21st: Hahaha hindi ka pinansin, 20th.

Zhavie: Hahaha wala akong pake kahit hindi ako pansinin. :D

21st: Lah? Nagjojoke lang ako.

6th: Your joke isn't funny.

1st: What's the best thing to do when your mood is bad?

6th: Manira ka din ng mood ng iba haha.

7th: Gawa tayo human centipede!!! XD

8th: Nuod porn haha.

21st: Ang jeje ng XD omg

Zhavie: Bad na nga yung mood. Tapos bad rin yung may ari ng mood na 'yun. Aww

1st: 20th, Oh? Really? Pero mas masama pa rin pagmumukha mo kesa sa mood ko.

Zhavie: Hehe. Di kita papatulan kasi bad mood ka.

1st: Any other suggestions?

Zhavie: Pm me hehe.

1st: For what?

Zhavie: Para mabawasan yang mood mong bad at maging good hehe.

1st: No thanks!

8th: Tangina marunong ka na humarot 20th ah. I like that ;)

1st: What's with the emoji?

8th: Solid ZhaXiel 'to 1st. Pm daw oh, dali na wag na pakipot di mo bagay lol.

1st: .|.

Zhavie: Out na nga muna ako :< Bye. Lowbatt na ako hehe.


"Rhea!" sigaw ko nang makita si Rhea na papunta sa direksyon ko habang pinaglalaruan ang puting bracelet niya sa kaliwang kamay.

"Ang tagal mo, friend! Kanina pa kita hinihintay. By the way, bumili ako ng chicken and pizza doon na lang natin kainin sa kwarto ko."

"Traffic kasi, e. Pwede bang sa kwarto ko na lang? May kailangan pa kasi akong gawin, e."

Tumango siya bago tumingin sa dala ko, "Ano 'yan, laptop? Ah, teka! Bibili lang ako ng softdrinks sa baba. Hintayin mo na lang ako sa kwarto mo, katukin na lang kita."

Naghilamos muna ako saka nagpalit ng damit nang makapasok sa unit ko. Hindi ko na isinarado ang pinto upang makapasok kaagad si Rhea. Bubuksan ko na sana ang laptop ni Lander matapos i-charge ang phone ko, ngunit narinig ko ang boses ni Rhea kaya sumigaw akong nasa kwarto ako.

"Gaga ka! Hindi mo sinasarado pintuan mo mamaya manakawan ka," saad niya sabay lapag ng pagkaing dala niya sa small table malapit sa kama ko.

"Gaga ka din, hmp! Walang mananakaw dito, baliw hahaha!"

"Ikaw ang nanakawin!" tumawa siya bago buksan ang pizza.

Umiling ako, "Wala atang may gustong nakawin ako kasi wala silang mapapala, hehe."

"Meron, gaga!" Nagpipigil niyang tawa sabay palo sa balikat ko.

"Ano naman? Hindi naman kami mayaman kaya kahit humingi ng pera 'yong kukuha sa akin, walang maibibigay mga magulang ko, pft!"

"Mayroong nanakawin sa'yo. 'Yang ano mo... hmm, alam mo na, haha," sagot sabay tingin sa akin ng pataas at pababa.

Natawa na lang ako at inilipat ang tingin sa laptop na nasa harapan ko.

"Teka. Nakalimutan ko na tuloy 'yong password ng laptop na 'to," saad ko matapos niya akong abutan ng pizza.

"Nakalimutan mo? Kanino ba 'yan?" tanong niya habang ngumunguya.

"Sa crush ko, ahihihi! Ano na nga ulit 'yun? Triple... hmm, triple... Ay ayun! Triple LD!" banggit ko.

"Triple LD?"

"Oo. Teka i-open ko lang. I-rereport ko kasi sa prof ko 'yong ginawa niyang report dati. Alam mo ba na galing ako ng bahay niya kanina? Grabe, hanggang ngayon kinikilig pa rin ako."

"Oh... kaya ka pala nagabihan."

"Hehehe, sarap nitong pizza," nakangiting sabi ko.

"Itong fried chicken, ayaw mo?" 

"Allergic ako sa manok, kaya minsan lang ako kumakain ng manok kasi namumutla talaga ako."

"O, sige bukas ko na lang kakainin 'to. Madami ka bang gagawin? Baka nakakaabala ako, ha?" she asked, looking at the laptop.

"To be honest madami talaga. Last day na bukas e, pero ayos lang naman. Written works saka edit ko lang 'tong ire-report ko bukas para 'di halata," I answered without looking at her.

"Tara, samahan kita! Ako na magsusulat doon sa mga kailangan mong isulat," saad niya sabay kuha ng papel sa tabi ko.

"Talaga? Sige, hindi ako aangal. Kaunti na lang natira, tinapos ko kasi sa library kanina. Ayos lang ba? Baka masakit pa rin kamay mo?"

"Ayos lang, left handed naman," tumawa siya.

Kalahating oras bago natapos si Rhea sa mga sinulat niya at nagpaalam na ring bumalik sa unit niya. 

Quarter to 10 na nang matapos ako kaya nilinis ko na kaagad ang mga kalat ko. Gusto ko pa sanang maghalungkat sa laptop ni Lander pero mukhang wala naman akong makikita dahil halatang hindi niya talaga nagagamit, at walang gaanong laman.

Nang matapos ako sa lahat, kinuha ko na ang phone ko saka naghanap ng nakakarelax na kanta upang makatulog na ako. Nasa kalagitnaan na ako sa paghiga nang bigla akong makatanggap ng isang notification at message galing sa isang member ng GC.

Vince Vince wants to connect with you.

Author's Note: 
Hi, ViVis! (^◡^ ) Let's interact on my Facebook account: Vinassy Park 

Continue Reading

You'll Also Like

159K 3.9K 23
Hindi lubos akalain ni Emma na sisingilin sila ng kanilang nakaraan matapos ang sampung taon dahil sa pagtawag sa Bloody Mary. Ngayon, buhay nila ang...
1.9M 49.1K 164
Frankie (Epistolary with narration)
44.3K 1.1K 27
Detective Aihara at Spy Mitsubara mag sasama sa ma-ala sundalong labanan? Paano kaya nila matatapos ang kanilang misyon kung simula Pag ka bata mag k...
Confirm (COMPLETED) By SY

Mystery / Thriller

220K 10.7K 99
If she confirmed your friend request, she will hunt you down. Genre: Paranormal/Mystery/Thriller •••EPISTOLARY Highest Rank # 7❤ Ended: April 26, 20...