TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF...

Od yukiinari07

1.8M 51K 2.6K

Welcome to TRUE CROSS ACADEMY! Special school for the special ones. Normal school? Big N-O! Magic school? Def... Více

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)
CHAPTER 1- "YOU'RE INVITED"
CHAPTER 2-"HEAD MASTER"
CHAPTER 3- "NEW FRIENDS"
CHAPTER 4- "SURPRISE!"
CHAPTER 5- "INJURED"
CHAPTER 6- "DATE? (PART 1)"
CHAPTER 7- "DATE? (PART 2)"
CHAPTER 8- "MEET AKIRA"
CHAPTER 9- "FIRST MISSION"
CHAPTER 10- "THE PROMISE"
CHAPTER 12- "FIRST DAY"
CHAPTER 13- "DARK FOREST"
CHAPTER 14- "ATTACK"
CHAPTER 15- "HATRED"
CHAPTER 16- "KISS?"
CHAPTER 17- "HIS AFFECTION"
CHAPTER 18- "IT'S A DEAL!"
CHAPTER 19- "RIVALRY"
CHAPTER 20- "JEALOUSY"
CHAPTER 21- "THE UNREQUITED LOVE"
CHAPTER 22- "BOOTH LAUNCHING"
CHAPTER 23- "A DAY WITH JUSTIN"
CHAPTER 24- "PREMONITIONS"
CHAPTER 25- "THE GAME OF SURVIVAL"
CHAPTER 26- "HER TRUE FEELINGS"
CHAPTER 27- "FINALLY!"
CHAPTER 28- "HIS SIDE"
CHAPTER 29- "HIS SIDE 2"
CHAPTER 30- "CAPTURED"
CHAPTER 31- "NIGHTMARE"
CHAPTER 32- "SECRETS"
CHAPTER 33- "HEARTACHES"
Special Chapter- "Behind the Past"
CHAPTER 34- "A FRIEND'S FAREWELL"
CHAPTER 35- "POKEMON"
CHAPTER 36- "L.Q."
CHAPTER 37- "LOVE OR HATE (1)"
CHAPTER 38- "LOVE OR HATE (2)"
CHAPTER 39- "LOVE OR HATE (3)"
CHAPTER 40- "SAYING GOODBYE"
CHAPTER 41- "TRUTH AND LIES"
CHAPTER 42- "MISSING PIECE"
CHAPTER 43- "MEMORIES"
CHAPTER 44- "TRAITOR"
CHAPTER 45- "THE UNEXPECTED MEETING"
CHAPTER 46- "BEHIND THOSE EYES"
CHAPTER 47- "ALLIANCE"
CHAPTER 48- "FINAL BATTLE"
EPILOGUE
Special Chapter

CHAPTER 11- "WAY BACK"

41.3K 1.1K 28
Od yukiinari07

YURI'S POV

*YAWN*

"Naiintindihan nyo ba ako, lalo ka na Yuri?"

"*yawn* Oooopppoooo!!!!!"

Kanina pa kasi salita ng salita si Sir Cristoff, puro pag papaalala sa amin ni Akira ng mga dapat naming gawin.

Badtrip pa nga e! sabi 5am daw ang alis namin tapos kanina ginising kami ng 3am! Kailangan daw naming makaalis ng maaga kasi nakatanggap sila ng report na may magaabang daw sa aming kalaban pag alis namin. Ayan tuloy napaaga kami, mukha tuloy kaming zombie ni Akira. (>3<)

Time check: 3:30am. Nandito na kami ngayon sa gate ng Academy. Hindi na kami nagpahatid pa sa bayan kay Sir Cristoff dahil tiyak na hindi sya titigil sa mga bilin nya sa amin.

"Ok, mag iingat kayo ha, wag nyong kakalimutang tawagan kami para malaman namin ang status ng mission nyo. At isa pa palang bagay, iwasan nyo ang gumawa ng gulo o makipag away kung hindi naman kailangan." sinasabi nya iyan habang nakatingin sa akin. Bakit ba kasi ako na lang ang laging nakikita?

.......

"Yuri, gising na. Nandito na tayo."  naman eh! tutulog pa ako!

"Ang bilis naman! Ngayon pa lang ako nakakatulog!" reklamo ko kay Akira.

"Anong ang bilis? Malapit na kaya maglunch!"

"Hala! Ano pa ginagawa mo dyan, bilisan mo na dali! Bagal bagal naman ni Akira oh! Kanina pa kasi kita inaaya ayaw mo kumilos. Bilis, gutom na ko." lumabas na agad kami sa tren na sinakyan namin. Mahirap na, baka umandar mapapalayo pa kami.

"Psh, ako pa talaga sinisi. Kanina ko pa nga sya ginigising. Pag pagkain talaga, napakabilis kumilos."

"May sinasabi ka Akira?" tanong ko sa kanya, di ko kasi narinig, parang binunulong kasi.

"Wala. Ang sabi ko saan bang parte ito ng Greenland? San ba tayo tutuloy dito?"

"Nandito tayo sa mismong bayan ng Greenland. Malapit lang dito yung bahay namin. Ano, gusto mo dun na lang tayo?" wala nga palang sinabi si HM na tutuluyan namin. Buti na lang talaga malapit lang dito ang bahay namin.

"Sige! Gusto ko ding makilala parents mo Yuri! Ok lang kaya sa kanila na dun muna tayo?"

Ngiti na lang ang naisagot ko kay Akira. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila ang nangyari sa pamilya ko.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid ko. Dalawang buwan na pala ang lumipas simula ng umalis ako dito. Wala pa ring nagbago sa lugar na ito.

Naaalala ko pa yung mga panahon na lagi kaming pumupunta dito ng sama sama. Memories huh? Dito ako naging masaya at dito din ako naging malungkot.

"Ui Yuri, di mo ba napapansin? Bakit kaya kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao dito sa inyo? Ang wiwirdo naman nila." Aish! Si Akira naman! Nagmomoment pa ako ihhh!!!

"Ikaw kaya ang makakita ng mga estudyante galing sa True Cross Academy, di ka kaya mag freak out? Hello? Majic School po iyon Akira!"

"Oo nga noh? Si Sir Cristoff kasi bakit kasi etong school uniform pa pinasuot sa atin. Gusto ko pa naman magsuot ng jeans at sneaker, mas kumportable kaya yun lalo na pag napa away tayo." reklamo pa nya.

"Siguro para madali tayong makilala ng hinahanap natin? Para madaling maka attract ng kalaban? O kaya para manakot ng kalaban."

"Hmmm, sabagay may point ka. Malayo pa ba tayo Yuri?"

"Malapit na. Konting lakad na lang."

"Buti naman. Napapagod na ako eh. Ang bigat ng bag ko!" T_T

"Hoy Akira! Tig isang bag lang ang bitbit natin kaya wag ka magreklamo. Di hamak na mas malaki ang bag ko sayo no!"

"Pano kasi puno ng pagkain!"

......

"Ok! Were here!" sa wakas, nandito na kami sa bahay namin! Matagal na din akong di nakadalaw dito. Kahit weekends kasi ayaw ko umalis ng Academy. Bukod sa malayo, baka kasi hindi ko na magawang umalis pa kapag pumunta ako dito. Excited ko nang binuksan ang pinto ng bahay namin. Grabe, namiss ko ng sobra ang bahay namin.

" Nandito na a-" kusa akong natigilan pagbukas ko ng pinto ng bahay namin.

"What's wrong Yuri? Bakit ayaw mo pang puma...

.

.

.

.

.

sok?" bahagya ding natigilan si Akira sa nakita nya.

Kusang naglakad papasok ang mga paa ko. Ayaw pa ring mag sink in sa utak ko ang nakikita ko ngayon.

"Why?" naitanong ko na lang sa sarili ko.

"What's happening in here? This place looks like a mess!" naguguluhan ding tanong ni Akira.

Parang dinaanan ng bagyo ang loob ng bahay namin. Lahat ng gamit, sira na. Wala nang pwedeng pakinabangan. Pati mga picture frames at mga paintings sinira ding lahat. Nagkalat din lahat ng mga libro sa loob ng bahay. Mukhang sinigurado ng kung sino man na iyon na wala na akong babalikan. Pero bakit?

"Ikaw na ba yan Yuri?" napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo sya sa labas ng pintuan ng bahay. Si Tita Lorie. Alam ko na kung sino ang makakasagot sa mga tanong ko.

††††

"Hindi ka na dapat pang bumalik dito Yuri." seryosong sabi ni Tita.

Napatigil kami ni Akira sa pagkain ng marinig namin iyon. Nandito kasi kami sa bahay ni Tita Lorie. Inaya nya kami na dito na kumain para makapag kwentuhan na din kami.

"Bakit po Tita? Ano po ang alam nyo sa nangyari? Sino po ang gumawa noon sa bahay namin?" tanong ko sa kanya.

" Mga lalaki sila na nakasuot ng itim....."

Black cloak? Dark Knights.... Sinasabi ko na nga ba. Hanggang ngayon pala ayaw pa din nila tumigil. Naikuyom ko na lamang ang kamao ko. Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Akira ang kamay ko. Hindi sya nagsalita pero nababasa ko sa mukha nya ang gusto nyang sabihin.
'It's gonna be alright. Don't worry'

Iyan ang nababasa ko sa kanya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"I'm fine, don't worry." ngumiti ako ng pilit kay Akira. Binitiwan na din nya ang kamay ko at binaling ko ulit ang atensyon ko kay Tita.

"Ano po ba ang nangyari?" naguguluhan pa ring tanong ko.

"Naaalala mo pa ba nung araw na umalis ka dito? Nung gabi ding iyon, sumugod sila sa bahay nyo. Buti na lang talaga umalis ka na ng araw na iyon Yuri. Narinig ko silang nag uusap. Sabi nila, sa susunod na makita ka nila, sisiguraduhin nilang tatapusin ka na nila."

Nakaramdam ako ng matinding kaba. Ito din yung kabang naramdaman ko ng malaman kong may misyon kami. Sa totoo lang, hindi ako kinakabahan para sa sarili ko. Mas kinakabahan ako para kay Akira. Sigurado ako na madadamay sya dito lalo na at magkasama kami sa misyon.

"Yuri, hanggat maaari, wag ka munang bumalik dito. Ikaw ang target nila. At sigurado akong alam na nila na nandito ka. Mag iingat ka palagi." iyan ang mga huling salita na sinabi sa akin ni Tita bago kami nag decide na umalis ni Akira.

Nandito ulit kami sa bayan ng Greenland. Uumpisahan na namin ni Akira na hanapin ang taong dapat naming makita. Dapat makita namin sya bago dumilim at makumbinsi na sa kanila muna kami makikituloy. Lalo na at imposible na magpalipas kami ng gabi sa bahay namin. Mainam na din ang mag ingat. Pero, saan nga ba namin sya makikita? Ni hindi namin alam ang itsura nya o maski na pangalan. Ang alam lang namin, isa syang lalaki na summoner. Tinignan ko si Akira at mukhang malalim ang iniisip nya. Malamang may gusto syang malaman pero nahihiya syang magtanong.

"Kung may gusto kang malaman, pwede mo namang itanong sa akin." sabi ko sa kanya. Agad naman syang napa tingin sa akin.

"Ahm, ano, gusto ko lang malaman kung bakit ikaw ang target ng mga tiga Dark Knights. Alam mo ba ang dahilan Yuri?" tanong nya sa akin.

"Ah, iyon ba? Simple lang ang sagot dyan Akira, lahat naman tayo ay target nila pero inuuna nila ang mga mahihina. At ako ay nasa huling ranking dahil wala naman akong ability kaya ako ang target nila. Sa katunayan, may napatay na silang dalawang low class na swordsmen." nagulat sya ng  marinig ang mga sinabi ko.

"Paano mo nalaman yan? Bakit hindi nabalita sa Academy na may napatay na estudyante?"

"Wag kang mag alala Akira, hindi naman kasi estudyante ang dalawang iyon. Mga messenger sila ng Academy. Pinatay sila sa labas ng Academy kaya walang nakaalam. Inuuna nila ang mga swordsmen para humina ang Academy. Hindi kasi sila pwedeng pumatay ng mga primary at secondary level na estudyante. Malaki kasi ang chance na matalo sila kapag ginawa nila iyon. Mga tuso sila Akira. Malas ko na lang at ako ang kaisa isang estudyante na walang ability. Pero mas malas sila dahil hindi ko hahayaang matalo nila ako ng ganon na lang."

"Pero kanino mo nga nalaman lahat ng impormasyon na ito?" tanong ulit nya. kulit talaga ni Akira. Sabihin ko na nga ang totoo para manahimik na sya.

"I secretly talk to Sir Cristoff. Sinabi nya sa akin na ako na nga ang target ng kalaban. Itong misyon na ito, may iba pang dahilan kung bakit tayo ang pinadala dito."

"Ano iyon Yuri?"

"Naalala mo yung scroll na sinabi ni HM sa atin? Actually, ang scroll na dapat nating makuha ay hindi lang basta basta technique para matalo ang Dark Knights. Ang totoo nyan, nakasulat sa loob ng scroll na iyon ang mangyayari sa future. A scroll of prophecy to be exact. At ang tanging makakahawak lang ng scroll na iyon ay isang normal na tao. Kaya ako nandito. At ikaw, wag kang mag alala dahil poprotektahan kita. Hindi ko hahayaang mapahamak ka Akira dahil naniniwala akong hindi dapat mapahamak ang healer sa misyon. Dahil kapag napahamak ka, katumbas na din nito ang palpak na misyon." Mahabang paliwanag ko kay Akira.

"Kung ganon, alam ko na din kung bakit ako ang nakasama mo dito Yuri."

"Huh?"

"Kaya ako nandito ay para protektahan ka din Yuri. Pangako ko sayo. Babalik tayo na tagumpay ang misyon natin Yuri."

Magsasalita na sana ako ng bigla na lang magkagulo ang mga tao sa isang bahagi ng bayan. Nang puntahan namin ito ni Akira, nakita namin ang isang grupo ng mga lalaki na nanggugulo sa isang matandang babae.

"Wag ka nang magmatigas tanda! Ibigay mo na lang ang pera mo sa amin!" Sabi ng lalaking nakakatakot ang mukha.

"P-pero wala akong maibibigay sa inyo. M-maawa na kayo sa akin." sabi ng matanda sa lalaki.

"Kung ganon, wala ka palang kwenta!" sabay tulak nya ng malakas sa matanda. Umakma ang lalaki na susuntukin nya ang matanda kaya naman kumilos na kami ni Akira.

Bago pa man nya masuntok ang matanda, napigilan ko agad ang kamao nya. Si Akira naman, nilapitan ang matanda na ngayon ay nakasalampak sa semento. Madami na ding tao ang nakikiusyoso sa amin.

"Hindi naman yata tama na patulan nyo ang matanda. Apat kayo, isa lang sya. Mga duwag ba kayo? Bakit hindi kayo humanap ng katapat nyo?" hindi ko pa din binibitawan ang kamao nya, sa halip, mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"A-ano bang problema mo babae ka! M-matapang ka ha!" alam kong nasasaktan sya pero ayaw nya lang itong ipakita. Hmmm, tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.

"Ikaw yata ang may problema, hindi ako." mahinahong sabi ko.

"I-ikaw! Aray! Bitiwan mo ang kamay ko! Humanda ka sa akin!" pagkasabi nya noon, binitawan ko na ang kamay nya. Ayaw ko talagang gawin ito pero wala akong choice.

"Sige game ako dyan. Akira, mukhang kailangan natin silang turuan."

"Gusto ko yan Yuri!" tumayo na din si Akira. Agad naman kaming sinugod ng apat na lalaki.

Nakailag ako sa atake ng isa sa kanila at sinuntok ko agad sya sa tyan. Wiiiii! Flying saucer! Wahhh! Sorry, napalakas yata iyon. Nasira tuloy ung pader. Bumaling naman ako sa lider nila. Wah madaya! Bakit may hawak syang kutsilyo!

"Wait lang! Break muna kuya! Maduga ka eh! Bawal weapon!" sigaw ko sa kanya habang umiiwas sa mga sugod nya.

"Hahaha! Nasaan ang tapang mo bata? Kanina lang ang yabang mo pa."

"Ah! Shit ka!" Bwisit! Nahagip ng kutsilyo ung uniform ko, napunit tuloy sa bandang balikat. Ayoko pa naman na nasisira o nadudumihan ang damit ko! Grrrrr! (~_~メ)

"Nakakainis ka na ha! Bwisit! Humanda ka sa akin!"

Hindi na ako makapagpigil kaya naman ginamit ko na din ang sword ko. Humanda ka sa galit ni Yuri, siguradong hindi mo magugustuhan ito. Muehehehe!

"Wahhh! Ayoko na! Patawad! Hindi na ako manggugulo! Promise! Wahhh!" sigaw ng lalaki.

"Yuri! Napakabrutal mo naman! Bakit mo ginawa iyon?" sabi sa akin ni Akira.

"Hoy! Sino kaya ang brutal sa atin? Tignan mo nga, hindi ko na makilala yang mga kasama nya. Ginawa mong punching bag!" may tinatago ding bad side itong si Akira eh!

"At least hindi ako katulad mo na damit ang pinagtripan!"

"Dapat lang sa kanya yon! Tignan mo, sinira nya ang damit ko! Huhuhu! Ayoko nga ng sirang damit eh!" Yup I shredded his clothes instead na saktan sya. Pero wag ka, tinira ko naman yung brief nya noh! (>3<)

"Ikaw talaga Yuri, kaya ayaw kita galitin." sabi pa ni Akira. Tinignan ko naman yung mga lalaki. Nagulat pa ako kasi bigla na lang silang nawala. Nung hinanap ko sila, ayun! Ang bibilis magsitakbo, may balak pa naman ako sa kanila.

"Mga taga True Cross Academy pala kayo. Ano ang kailangan nyo dito?" tanong sa amin ng matandang babae na tinulungan kami.

"Ah, may hinahanap po kasi kaming tao. At the same time, naghahanap po kami ng matutuluyan." sagot ni Akira.

"Ganon ba? Mukhang matutulungan ko kayo."

"Talaga po?"

"Oo, mabuti pa, sumama kayo sa akin sa bahay ko."

"Kaya nyo po bang maglakad? Baka po napilayan kayo?" tanong ko.

"Medyo masakit nga ang balakang ko iha." hmmm, kung ganon wala akong choice. Inabot ko kay Akira ang bag ko at lumuhod ako patalikod sa matanda.

"Papasanin ko na po kayo lola." nagtataka man, pumasan na din sya sa akin.

Nagsimula na kaming maglakad nila Akira. Bahagya namang inilapit ng matanda ang bibig nya sa tenga ko at may binulong.

"May kakaiba sa iyo Hija. May itinatago kang sikreto...."

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

... Od Ode

Fantasy

540K 14.2K 26
151K 6.6K 87
May kakaibang club sa Owkward Academy. Masyadong piling-pili at exclusive ang mga members nito. May campus crush, top ranking student, MVP - lahat ng...
751K 16.2K 57
Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon magmula ng mawala si Rain. Maraming nagb...
7.2K 484 27
Sampung taong gulang ang batang si Angela nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente. Isang araw bago ang unang anibersaryo ng kaniyang kamata...