My Baby cost 10 MILLION

By PurpleSwallow

1M 23.6K 1.5K

More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38
Chap. 39
Chap. 40
Chap. 41
Chap. 42
Chap. 43
Chap. 44
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 32

19K 450 25
By PurpleSwallow

Chap. 32 CYDRIC VS. KRISTINE

  

Lumabas si Clint sa silid ng asawa, habang nagsisisigaw si Kristine sa loob. Nararamdaman ni Clint ang matinding tensyon sa kanila ni Kristine at ni Cydric. Mas lalong bumibigat ang dibdib n’ya tuwing napapaisip pa s’ya kay Yheng..

Umalis si Clint at pumunta sa kabilang building. Nagbabaka sakali s’ya na makita si Yheng. Kaya naisipan n’yang pumunta sa nursery room; para makita narin ang sanggol..

Hindi maunawaan ni Clint na habang papalapit s’ya sa nursery room; nakakaramdam s’ya ng kaba..tuwa at pag-aalinlangan..Umaasa s’yang sana nandoon si Yheng..

Binilisan ni Clint na makapasok agad sa nursery room nang makasalubong n’ya sina Yheng at Cydric..

Laking gulat ni Clint nang makita ang bakas ng pasa at galus sa mukha ni Yheng..pati ang namumugtong mata nito ay napansin din ni Clint..gusto man n’yang yakapin si Yheng ngunit hindi n’ya magawa..

Lumapit s’ya sa dalawa ngunit humarang si Cydric..

“Clint, tigilan mo muna si Yheng..asawa mo muna ang asikasuhin mo, pwede ba.”

-Cydric

Biglang hinawakan ni Yheng ang balikat ni Cydric at hinarap si Clint..agad nitong pinakawalan ang isang malakas na sampal sa magkabilang pisngi ni Clint..

PAK..PAK

“Bakit Clint? Anong ginawa ko sa ‘yo? Bakit mo ako pinaniwala? Clint, nagtiwala ako..Pero ito..ITO ANG KAPALIT NG LAHAT...CLINT NILOKO MO AKO!! WALA AKONG MINAHAL NG GANITO SA BUONG BUHAY KO..IKAW LANG!

Clint..ayaw kong maging dahilan na mawasak ang pagsasama ninyo..TIGILAN NA NATIN ITO..BAGO PA MAWASAK ANG LAHAT..”

-Yheng

“Yheng..I’m sorry..I...” Hindi pa man natapos ni Clint ang sasabihin..

“Tama na! Ayaw ko nang makarinig na ano pa mang paliwanag! Walang patutunguhan ang lahat ng ito..H’wag mo nang ipaggiitan pa..DAHIL KAILANGAN KONG LUMAYA..SA NAKARAAN..SA NGAYON AT SA ‘YO. ISIPIN MO NA LANG NA HINDI NATIN KILALA ANG ISA’T ISA..LUBAYAN MO NA AKO.”

-Yheng

Tuluyang umalis si Yheng..sumunod naman si Cydric..Naiwang nakatayo si Clint..

Napapikit si Clint matapos marinig ang sinabi ni Yheng..

“Ayaw ko, Yheng..AYAW KONG MAGSIMULA ULIT...”- Clint

------------------------------------------

Hinabol ni Cydric si Yheng..hanggang sa makapasok sila sa loob ng silid..

At doon muling umiyak si Yheng..

“I’m sorry, Yheng..kasalanan ko ang lahat..” - Cydric

“Cyd, ang hirap tanggapin..ang sakit...hindi ko akalain na maging ganito ang sasapitin ko..matapos ko s’yang mahalin..hindi ko akalain minahal ko na pala s’ya nang matagal na panahon..ngayon ko nauunawaan kung bakit hindi ko kayang MAGMAHAL NG IBA...simula nang unang gabing nagsama kami..aaminin ko sa ‘yo..UMASA AKO NOON NA MAKITA KO S’YANG MULI; KAHIT NA NATATAKOT AKONG MAKITA S’YA AT DI KO ALAM KUNG ANONG GAGAWIN.. PERO DITO..DITO SA PUSO KO PINANGARAP KO S’YA.”

-Yheng

“Yheng..marahil ganun din s’ya sa ‘yo..pero..ito ang totoo..IBA ANG NOON SA NGAYON..”

-Cydric

Napayakap ng mahigpit si Yheng kay Cydric..

-------------------------------------

Nang araw na lumabas sina Yheng sa hospital..ay araw din mismo na makakalabas si Kristine..

Kalong kalong ni Yheng ang sanggol habang si Cydric naman ay dala dala ang ilang gamit ng bata..

Nagkita kita sila sa Parking area..magkatabi ang kanilang mga sasakyan.

Nakita ni Yheng na may benda pa ang kamay ni Kristine; At tila mukhang walang tulog. Ngunit masakit sa mga mata ni Yheng na makitang magkahawak ang mga kamay ng dalawa..Samantala, iniwas namang tignan ni Clint sina Yheng at Cydric..dahil alam n’yang SI CYDRIC NA ANG MAY KARAPATAN NGAYON KAY YHENG; DAHIL ISINILANG NA ANG BATANG MAGBIBIGKIS SA KANILA.

Naunang umalis sina Yheng at Cydric..sumunod naman sina Clint..sa loob ng sasakyang walang imikan ang mag-asawa. Malayo ang isip ni Clint..habang si Kristine naman ay nag-iisip kung anong gagawin upang mawala sa landas si Yheng.

“Habang nakadikit ang babaeng ‘yon kay Cydric, malaki ang posibilidad na magkikita parin sila ni Clint. Kailangang mapigilan ko ang lahat ng ito bago paman makapagdesisyon si Clint na maghain ng divorce sa akin.”

-Kristine.

CYDRIC’S POV

Magbilang ka na ng masasayang araw mo Kristine..nakahanda na ang lahat para sa ‘yo.

--------------------------------------------

Pagkaraan ng ilang linggo..napapansin ni Cydric na tila hindi gaanong nagsasalita si Yheng sa kanya..tanging nakatuon ang lahat ng atensyon nito sa bata..Iniisip ni Cydric na baka iniisip na ni Yheng ang gagawin pagsapit ng takdang araw.

Hindi maiwasan ni Cydric ang mangamba sa kinikilos ni Yheng..

Isang araw, dumating sa pamamahay ni Cydric ang mga kaibigan ni Yheng..masaya naman silang pinapasok ni Cydric. Iniwan sila sandali ni Cydric para makapag-usap ng mabuti..

“Yheng, ano ba talaga ang totoong nangyari? Ikwento mo naman sa amin..kasi hanggang ngayon gusto naming malaman ang totoo.” - Jing

“Alam n’yo, kung pupwede lang ayaw kong ikwento kahit kanino..nakakapagod isipin..” - Yheng

“Ay naku, magkwento ka na...makikinig kami..” - Rizzy

“ obvious talaga ang pagiging tsismosa ninyo..sinugod n’yo pa ako dito..” - Yheng

“Yheng, h’wag mo nang iiwas at baguhin ang usapan..nangangati na ang mga utak namin sa pag-iisip sa totoong nangyari sa ‘yo.” - Jacky.

Walang nagawa si Yheng..kaya naikwento nito ang buong detalye..

“So, anong balak mo ngayon?” - Mel

“Wala pa akong naiisip. Sa totoo lang habang nandito ako..pakiramdam ko may mga nakamasid sa akin sa bawat kilos ko..” - Yheng

“Nakakatakot naman..tsaka, alam mo ‘yong asawa ni Clint talaga nakakatakot ang mukha..hindi ko akalain ang bangis pala kung magalit..ANGELIC ang byuti pero deep inside parang napopossess ng LEGION OF DEMONS.”

Jacky

“Yheng, heto nga pala ang pinabibigay sa ‘yo ni Mr. Gutierez ( Manager of Cable Company ). Sabi n’ya kung gusto mo daw magtrabaho ulit..dito sa company na ‘to naghahanap daw sila ng tauhan na pwedeng gumawa ng trabaho katulad nung sa 'yo..Bilib din ako sa ’yo, kahit maging milyonarya ka na..magtatrabaho ka parin..” - Rizzy

Agad inabot ni Rizzy ang isang kapirasong papel na may nakasulat na address ng isang Cable TV Company.

“Aanhin ko ang pera kung wala ang anak ko..anak ko ang kailangan ko hindi ang ganung kalaki na pera.”

Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Yheng..

“Tawagan mo kami..ano man ang maging desisyon mo.”

-Mel

Tumango naman si Yheng.

-------------------------------------------

Dumating naman ang matandang Madrigallanes sa pamamahay nito. Binalitaan naman ng mga katulong ang tungkol sa nangyari..kaya pinatawag nito ang kanyang dalawang apo..kasama si Kristine..

Samantala, agad kinausap ni Cydric si Yheng..

“Yheng..alam ko na nasasaktan ka parin hanggang ngayon..mahal mo ba si Clint?”

“Cyd, anong magagawa ng pagmamahal ko kung makakasira ako ng pagsasama ng dalawang tao..”

Hindi na nagsalita si Cydric..

Habang pinapatulog ni Yheng ang sanggol iniabot ni Cydric kay Yheng ang isang cheque.

Nakasulat doon ang 10 milyon..

“Anong ibig sabihin nito Cydric? Minamadali mo na ba ako?”

-Yheng

“Hindi Yheng..ibinibigay ko na ‘yan sa ’yo..upang hindi na magbago ang isip mo sa ano man gusto mong mangyari sa buhay mo. Nasa sa ‘yo ang desisyon Yheng, wala sa akin.”

-Cydric

“Cyd, gusto kong malaman kung may nililihim ka ba sa akin?”

“Kung sasabihin ko ba sa ‘yo...matutuwa ka kaya..o baka naman magagalit ka..”

“Cyd, kausapin mo ako ng matuwid...makikinig ako..”

Nagdadalawang isip si Cydric na sabihin ang totoo..ngunit KINAKAILANGAN NA..

“Yheng, hindi si Clint ang nawalan sa relasyon ninyo kundi s’ya..S’YA ANG AMA NG BATA AT HINDI AKO.”

Nanlaki ang mga mata ni Yheng..halos hindi s’ya makapaniwala sa narinig kay Cydric..

“Paano nangyari ‘yon? Bakit mo itinago kay Clint? Cyd, tinanggal mo ang karapatan n’ya na gampanan ang pagiging ama n’ya!”

-Yheng

“Dahil kinakailangan..kailangang hindi malaman ni Kristine ang totoo..dahil siguradong madadamay ang bata..mas nakakabuting wala silang alam..kung malalaman man nila ang totoo dapat MASIGURO KONG LIGTAS KAYO.”

-Cydric

“Kaya ba hinayaan mo si Clint na samahan ako?”

Tumango si Cydric.

“Dahil gusto kong maranasan n’ya ang pagiging ama..maramdaman n’ya ang saya at pananabik sa bata.ㆍKahit patago lamang. Hindi ko inakala na ganun kalalim ang pagtingin ni Clint sa ‘yo..kahit pinagbawalan ko s’ya ay hindi s’ya NAKINIG..Sinuway n’ya parin ang nais ko.”

-Cydric

Muling napaiyak si Yheng..

“Yheng, makinig ka..hindi natin alam kung itutuloy ito ni Clint na ipaglaban ka..H’WAG KANG UMASA..KAHIT BALIKTARIN MO ANG MUNDO MAG-ASAWA PARIN SILA..SI KRISTINE ANG MAY KARAPATAN KAY CLINT. WALA MAN SILANG ANAK NGUNIT SA BATAS NG TAO AT DIOS..MAG-ASAWA PARIN SILA. AT IKAW, MATATANGGAP MO BA NA TAWAGIN KANG KABIT KUNG SAKALING IPAGPATULOY MO ANG LAHAT? ”

Umiling si Yheng...

“Cyd? Bakit hindi mo ginamit ang sarili mong semen para itarak sa akin? Wala sanang problema.”

“Dahil meron akong Peyronie’s Disease..umiinum ako ng gamot..Nangangamba ako baka maapektuhan ang sanggol..Yheng, kailangan ko ng operasyon para mawala ito..”

“Cyd, naguguluhan na ako..natatakot..anong gagawin ko?” Garagal na boses ni Yheng..

“Ano man ang mangyayari Yheng..H’WAG MONG TANGGAPIN SI CLINT..MASAKIT MAN NGUNIT KAILANGAN..HABANG NABUBUHAY SI KRISTINE MANATILING LIHIM ANG BATA.”

-------------------------------------------

Umalis si Cydric..naiwang mag-isa si Yheng..nang biglang..

KRINGGG KRINGGG

Hello?

( Kumusta? )

Kristine...

(Ha ha ha ha..you recognize me..)

Bakit ka napatawag?

( Well, I just want you to know..IWAN MO SI CYDRIC..)

At bakit naman?

( Dahil kung hindi..MALILINTIKAN KA SA AKIN..KUNG AYAW MONG LUMAKI PA ANG GULO. GAWIN MO. )

At kung hindi anong gagawin mo?

( MARAMI..maraming madadamay..PATI PAMILYA MO ISASAMA KO SA GALIT KO SA ‘YO! )

Kinabahan si Yheng sa sinabi ni Kristine.

“H’wag mong gagawin ‘yon..h’wag..wala silang alam..”

- Yheng

( Pwes, mag-isip ka kung anong gagawin mo. Alalahanin mo, KAHIT ANONG ORAS MAWAWALA ANG LAHAT SA ‘YO. AT H’WAG KANG MAGKAKAMALI NA MAGSUMBONG KAY CYDRIC AT CLINT..MAS MAPAPADALI KONG TAPUSIN ANG LAHAT SA BUHAY MO. )

At naputol ang tawag..

Nagsimulang kinabahan si Yheng..hindi s’ya sanay sa ganitong sitwasyon..Iniisip n’ya ang kapakanan ng bata at ng kanyang pamilya..

----------------------------------------

Dumating si Cydric sa pamamahay ng matanda..

“Cydric, mabuti naman at dumating ka na..” -Donya Elisa

“I don’t want to waste my time. Kailangang makabalik ako sa bahay. And besides, na nangangati na rin ang kamay ko na makaharap ang MAGANDANG ASAWA NI CLINT.”

“Cydric..mali ang nangyari kina Yheng at Clint..”

-Donya Elisa

“Mali rin ang ginawa ni Kristine..” - Cydric

Umiling ang matanda...tuloy nilang tinungo ang isang silid kung saan naghihintay ang mag-asawa..

“Hello, Kristine..I’m glad you’re here. Are you strong enough to face me?”

-Cydric

“Damn Cyd! Tama na.” Singhal ni Clint.

“Yes, Cyd. I’m ready for a battle.” - Kristine

“Oh, let me tell you this..I WILL DRAG YOU TO HELL.”

-Cydric

“Go ahead.” - Kristine

“Ano ba Cyd, tama na!” - Clint.

“I can’t. Gusto kong lunurin s’ya sa koi pond sa labas.”

- Cyd

“STOP BOTH OF YOU!” Malakas na sigaw ng matanda.

Hindi na napigilan ni Cydric ang sarili..agad itong nilapitan si Kristine at malakas na sinampal sa harap mismo ni Clint..

Natumba si Kristine at napaupo sa sahig.

“Cyrdric!!” - Donya Elisa

BOG

Sinuntok ni Clint si Cydric..

“TAMA NA!” Sigaw muli ng matanda..

“Sige! Clint..ituloy mo...ITULOY MO ANG KATANGAHAN MO SA BABAENG ITO..HINDI MO ALAM ANG PINAGGAGAWA N’YA SA LIKOD MO..PINAPATAY KA N’YA..DINUDUMIHAN KA N’YA SA ULO NA HINDI MO ALAM!!”

Sigaw ni Cydric..

“Sinungaling!” - Kristine

“Ako pa ngayon ang sinungaling?” Kasunod ang malakas na halakhak ni Cydric sabay hinampas kay Kristine ang isang malaking brown envelope sa pagmumukha nito.

“Pulutin mo Clint..at tignan mo ang lahat ng ‘yan. Ito ang gigising sa ’yo sa katotohanan..” - Cydric

Nanlaki ang mata ni Kristine..patuloy parin si Cydric sa pagsasalita...

“Kailan man hindi aaminin sa ‘yo ni Kristine na may anak s’ya sa Orphanage..at patuloy na nakikipagrelasyon sa ama ng bata..HINDI NA S’YA MAGKAKAANAK SA ‘YO CLINT DAHIL ILANG BESES NA S’YANG NAGPALAGLAG..MALAMANG SARILI NINYONG ANAK PINATAY N’YA NARIN.”

-Cydric

Halos hindi makapaniwala si Clint na isa isahing tignan ang mga larawang nakita n’ya..at ang birth certificate ng bata..pinulot ni Cydric ang CD at ipinakita ang kuhang video ni Kristine kasama ang karelasyon nito.

Halos hindi makapaniwala ang matandang Madrigallanes sa mga nakita..HINIMATAY ITO.

“Lola!” - Cydric

Dumating naman si Diday at tinulungan ang matanda..

Biglang binuhat ni Clint ang isang maliit na mesa at itinapon ng malakas.

BLAG!

“Clint!!!” Sigaw ni Kristine..natatakot na rin si Kristine..

Agad hinila ni Clint si Kristine at sinampal ng malakas..wala s’yang pakialam kung masaktan n’ya o masugatan ang magandang mukha ni Kristine..

“Minahal kita Kristine...nagtiwala ako sa ‘yo...umasa ako...binuo ko ang mundo mo kahit RAMDAM KONG WALANG PATUTUNGUHAN ANG BUHAY KO SA ’YO. Inisip kong ASAWA PARIN KITA ..BAKIT MO KO GINAGAGO!”

Dinuduro ni Clint si Kristine..

“Clint..I’m sorry...Let me explain..” Umiiyak si Kristine na tila nagmamakaawa kay Clint..

“No..that’s enough.. you can’t change my mind..AYAW KONG MAPATAY PA KITA.”

-Clint

Lumuhod si Kristine at hinawakan ang binti ni Clint...

“Clint..inaamin kong maling mali ako..Clint..h’wag mo akong iwan..mahal kita...ayusin natin ito..magbabago na ako..”

“Hindi...MATAGAL KO NA ITONG HININTAY..” Tinanggal ni Clint ang mga kamay ni Kristine sa pagkahawak nito sa kanya..at agad umalis.

Nakatayo lamang si Cydric..binalingan s’ya ni Kristine..

“Pagsisisihan mo ito Cydric..”

“Nakahanda ako Kristine..”- Cydric

AN : DYARANNN!  ABANGAN ANG SUSUNOD NA EKSENA..ANO KAYA ANG GAGAWIN NI CYDRIC AT YHENG? ANONG GAGAWIN NI CLINT? AT ANO KAYA GAGAWIN NI KRISTINE NGAYONG BISTADO NA S'YA?

Continue Reading

You'll Also Like

150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
253K 3.8K 30
"Is it wrong to love a person too much?" ~ Ryah
1.1M 29.4K 44
"Hindi mo talaga alam kung ano ako.?" "Harris sir. Isa lang ang alam ko sa inyo, ikaw ang CEO ng Delvo industries at boss ko. Na nakahalikan ko sa lo...
The Betrayed Wife By Yen

General Fiction

210K 2.5K 17
"I was the victim here. I only did was to love him. I taught I can bear all the pains for the sake of my happiness. But I was wrong. Loving him was n...