La Cuevas #1: When The Star F...

By Jojissi

6.2M 164K 82.8K

Celine Galvez, a graduating law student and a famous man hater from the University of the Philippines, dedica... More

WHEN THE STAR FALLS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
EPILOGUE
Special Chapter

Chapter 24

145K 3.8K 1.5K
By Jojissi

Inilipat na sa recovery room si Cohen matapos ang successful operation sa kaniya. Ang akala ko ay sa intensive care unit ang pasok niya, pero sinabi ni Dra. Iran na wala naman siyang malalang sakit at hindi rin siya kritikal. Sadyang kailangan niya lang makarecover sa operation.




Ayon kay doktora, six or more months ang bibilangin bago siya tuluyang maka-recover. Sa unang dalawang buwan niya, ay kakailanganin niyang magsuot ng shoulder immobilizer o sling. Inirekomenda niya rin sa akin ang pagregister ko kay Cohen sa isang physical therapy na nasa tabi lang ng hospital para asa agaran niyang pag-galing.




Nanlumo ako nang mapagtantong kailangan niyang danasin ito sa murang edad. Tulog siya ngayon sa kama at ako lang ang kasama niya rito sa kaniyang kuwarto. Nakaupo ako sa tabi niya. Wala pa akong tulog at wala rin akong balita sa firm dahil ayokong umalis at kuhanin ang cellphone ko sa kotse.




Naisip ko na baka magising si Cohen at biglang gutumin, pero walang pagkain dito. Bukas pa yata ng umaga darating ang pagkain na pinoprovide ng hospital kaya kailangan kong bumili ng pagkain. Bababa na rin ako at kukunin ang cellphone ko.




Yumuko ako para halikan siya sa noo at muling sulyapan bago ako lumabas. Naglakad ako patungo sa nurse station ng floor na ito at nagrequest ng puwedeng titingin sa kuwarto ni Cohen kahit hindi siya bantayan sa loob.




"Uh.. nurse," tawag ko sa babaeng nurse na nasa countertop at nakasandal lang. Nakita ko ang maliit niyang name tag sa dibdib. Maris.




Mabilis naman siyang tumalima at dumiretso ng tayo habang nakatingin sa akin, "Yes po?" She scanned me from head to foot and was kind of intimidated, I think. Well, I have that aura and I need that in court.




"Uh, bababa kasi ako. Walang kasama 'yung anak ko sa room 201. Baka puwedeng pakitignan-tignan na lang?" I asked in the most feminine way I could so she won't freak out.




Nakasuot pa rin ako ng black coat and slacks, heels at inner blouse. Halata siguro na abogado ako sa lagay kong 'to. Mabilis siyang tumango at ngumiti sa akin.




"Sure, sure po!"




Ngumiti ako at tinanguan siya ng isang beses bago walang lingong naglakad patungo sa elevator. Sinulyapan ko pa ang office ni Loren pero nang makita kong pasara na ang pintuan ng elevator ay mabilis kong naglakad at iniharang ang kamay ko para muli itong bumukas.




Nakahinga ako ng malalim nang bumukas ang pinto. Pumasok ako at kusang natigilan nang makita kung sino ang nasa loob. Kunot ang noo at seryoso ang mga matang nakatingin si Loren sa akin.




Napalunok ako at tahimik na pumasok, pinindot ko ang ground floor at tumabi sa gilid. Nakakarindi ang katahimikan. Naalala ko naman ang CT scan kanina kaya naisip ko na magpasalamat.




"Uh.. thank you pala."




He was quiet, nang tignan ko siya ay doon lang siya lumingon sa akin ng seryoso pa rin ang mga mata. Mag-iiwas na sana ako ng tingin, nang bigla siyang magsalita.




"You left your son." It wasn't a question. Nakita niya sigurong umalis si Kyo kanina kaya sigurado siyang walang kasama si Cohen ngayon.




"Binilin ko kay nurse Maris, bibili ako ng pagkain niya."  Sagot ko.



"Avoid processed foods and dairy products, it might cause constipation and increase his pain."




Natigilan ako at ngayon ay napatitig na sa kaniya, marahan akong tumango dahil malaking tulong naman talaga ang sinabi niya. Balak ko kasing ibili ng milk and chocolates si Cohen dahil iyon ang comfort food niya. Mabuti nalang at nalaman ko kaagad.




"Thanks," sagot ko. "What should I buy, then?" Trying to extend our conversation. Hindi ko alam, after all those years.. I am longing for his stare, his voice, and the mere fact that he's right here in front of me.




He stared at me and played his tongue inside his cheek before answering. Damn, every move he makes screams hotness. He's still the deal for me.




"Better focus on high fiber foods. Whole grain, fruits, and unprocessed vegetables."




Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya, it was like I'm a patient and he's a caring doctor to me. Oo sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya namimiss. Pero masaya rin talaga ako na makita siyang maging professional at maabot ang mga pangarap niya. Kahit makita ko lang siyang ganito, ayos na sa'kin.




Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Mabilis akong lumingon sa pintuan at lumabas nang bumukas iyon. Tumigil ako para hintayin siyang makalabas pero sino bang niloko ko? Dire-diretso siyang naglakad patungo sa mga ward at hindi man lang ako nilingon.




I get it, he gave me an advice to what and what's not good for our son. That's normal, he's a doctor. Ako lang naman itong nag-assume ng masyado dahil lang sa mabilis naming pag-uusap. Stupid Celine, kontento ka na 'di ba?




He talked to me, he mend my scars, and he checked me. All of that is simply because he's a doctor and that's his responsibility. Even if I left him three years ago, he remained professional and civil. I.. am so proud. And hurt.




Bumuntong hininga ako at lumabas na ng hospital para dumiretso sa parking. Kinuha ko ang bag at cellphone ko roon. May missed calls galing sa firm at kay Cole. Hindi ko na muna sila tinawagan at namili na ng pagkain ni Cohen.




May healthy grocery at cafeteria sa baba ng hospital katabi ng sariling botika nila. Doon na ako bumili dahil madaling araw na at sigurado namang wala na akong mabibilhan ng pagkain sa labas. Kung mayroon man, ay ayoko ring umalis dahil baka magising na si Cohen at wala ako roon.




Bumili ako ng tinapay at cereal para kay Cohen, at normal na pagkain sa akin. Bumili rin ako ng dalawang take out coffee, balak kong bigyan ng isa si Maris para sa pagbabantay kay Cohen. Namili rin ako ng ilang prutas sa grocery at wala pa namang nirereseta si Dra. Iran kaya hindi na muna ako namili ng gamot.




Inabot ng isang oras ang pagbili ko dahil iniscan ko pa ang nutrition facts ng mga produkto at pinili ko lang talaga ang ipapakain sa anak ko. May mga kakilala rin ako na nakakasalubong at kinakausap ako kaya minsan ay napapahinto ako para sagutin sila.




Nang umakyat ako ulit ng 4rth floor kung nasaan ang kuwarto ni Cohen, ay bumagal ang paglalakad ko nang mapansing bahagyang nakabukas ang office ni Loren.




Nang makalapit ako ay narinig ko si Loren at Dra. Iran na nag-uusap.




"How did the operation goes?" It was Loren who asked the female doctor. Pertaining maybe to my son's operation.




"Very well, hindi naman kritikal 'yong bata.. mabuti na lang naidala kaagad dito.."




"You tired?"




"Hindi naman, doc.. inaantok lang,"




"Then sleep. And I told you to drop formalities when we're alone."




"Ay, sorry, hahaha.. hmm, magra-rounds pa ako mamaya. Kumain ka na?"




"Not yet."




"Sabay na tayo?"




"Mauna ka na, may titignan pa akong pasyente."




"Okay.."




Nang maramdaman kong papalabas na sila, ay mabilis akong nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko habang naglalakad. Pakiramdam ko ay lumulutang ako habang samu't-saring scenario na ang pumapasok sa isip ko.




Bakit nga ba sila magsasama sa iisang office? Bakit hindi ko naisip na may namamagitan sa kanila? Kaya pala ganoon makatitig iyong doktora habang ginagamot ako ni Loren. But come to think of it, hindi naman masama ang ugali niya kagaya ni Ella noon. At isa pa, mukha siyang propesyunal na doktor. Napabuntong hininga ako nang makarating sa kuwarto ni Cohen.




Me and my insecurities.




Naabutan ko si nurse Maris na inaayos ang IV cannula sa kamay ni Cohen. Nang makita niya ako ay tumayo siya ng tuwid at maingat na ibinaba ang kamay ni Cohen, nginitian ko siya at inilagay ang mga pinamili ko sa cabinet table.




"Thank you.." sabi ko at iniabot sa kaniya ang isang kape. Napatitig siya roon at sa akin, tila nagtataka at nahihiya.




"Naku, ayos lang naman po."




Umiling ako, "Take it. Binili ko talaga 'yan para sa'yo, Salamat." Sabi ko kaya wala na siyang nagawa kundi tanggapin iyon at magpaalam na dahil kailangan daw siya sa station.




"Thank you po rito.." ipinakita niya ang kape at ngumiti ako.




Nang makalabas siya ay inayos ko ang mga pinamili ko at inihanda ang pagkain ni Cohen sakaling magising siya. Umupo ako sa upoan at inilabas ang cellphone ko. Madaling araw na at ayaw ko namang istorbohin si mama, kaya wala sa sariling naidial ko ang number ni Cole. Dalawang beses nag ring ang tawga bago niya ito sinagot.




[Hmm..]




Halatang natutulog siya at nagising lang dahil sa tawag ko kaya bigla tuloy akong na guilty at naawa sa kaniya.




Law firm is not a joke. And everyday, there comes a pile of work to do— excluding the cases that is given to us everytime there is a chance. Kaya naman agad akong nagsisi na tinawagan ko pa siya.




"Hey, it's me."




[Hmm, Celine. Napatawag ka? may problema ba?] Naiimagine ko tuloy siya na nakapikit at nakahiga habang nagsasalita.




Ginawa ko ang lahat para pakalmahin ang boses ko at magtunong hindi masamang balita ang sasabihin ko para hindi siya magulat. Dapat kasi ay pinag-isipan ko muna kung sasabihin ko pa, e. Madaling araw oh. Baka atakihin pa 'to sa gulat.




"Ah.. si Cohen kasi nabaril, e."




[Hmm, si Cohen nabari— PUTANGINA, CELINE!]




Mabilis kong nailayo ang Cellphone mula sa tenga ko dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Literal na sigaw talaga. Kung kasama ko lang ito ngayon ay siguradong napatalon na ako sa gulat.




Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Dra. Iran kaya natigilan ako at pilit na ngumiti.




Ngumiti rin siya sa akin at nang mapansing may katawagan ako ay iminuestra niyang magpatuloy lang ako kaya tumango ako at hinayaan siyang tignan ang anak ko.




[Celine sumagot ka!]




Napangiwi ako. "Oh?"




[Anong 'oh'?! Kamusta siya? Kailan pa 'yon nangyari? puta, nasaan kayo ngayon?!]




Napalunok ako at bahagyang lumayo dahil kahit hindi naka loud speaker ang phone ko ay pakiramdam ko naririnig siya ni Dra. Ang ingay talaga.




"Sa hospital, matulog ka nalang ulit—"




[Anong matulog?! Nabaril si Cohen! Pupunta ako diyan!]




Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Narinig ko ang nga tunog ng bumubukas na cabinet kaya nalaman kong nagbibihis na siya ngayon. Napapikit ako.




"Teka-teka, Cole. Nasa Cebu kami, QC ka pa. Kung aalis ka ngayon ay bukas kapa makakarating at gagastos ka lang sa flight mo. Okay lang kami rito. Na-operahan na rin si Cohen at nagpapagaling na.. babalitaan na lang kita."




[Pupunta ako diyan kahit anong oras pa ako makarating. I-send mo sa akin ang address ng hospital ngayon na.]




Napapikit ako at napalingon kay Dra. Nang tawagin niya ako.




"Attorney, right?"Bulong niya kaya tumango ako habang nasa tenga ko pa rin ang cellphone. "Here's the medical prescription for baby's medicines.."




Iniabot niya sa akin ang reseta at binasa ko iyon, hindi katulad ng mga typical na magulo at tila linya nalang na reseta, ay maayos naman ang sulat niya at siguro ay dahil bata pa siya.




"Nakalagay na rin diyan kung ilang times ang pag-take everyday.."




Ngumiti ako at tumango sa kaniya, "Thank you, Doc." pasasalamat ko, tumango din siya at ngumiti.




"Just call me if you have any questions. I'll come here often to check on him, good night." lumabas siya ng kuwarto at napatitig ako sa pintuan.




[Nakikinig ka ba?!]




Nagulat ako nang sumigaw na naman si Cole mula sa kabilang linya.




"Oo.." itinupi ko ang reseta at naglakad patungo sa bag ko.




[Pupunta ako riyan, patayin mo na ang tawag at i-text mo sa akin ang address. O kahit pangalan lang ng hospital.] Nakarinig ako ng kalansing ng susi at mabibigat niyang mga yabag palabas ng unit niya.




Bumuntong hininga ako at sumuko na nang marinig ko ang pagbuhay ng makina ng sasakiyan niya. Isiniksik ko ang reseta sa loob ng aking bag bago nagsalita.




"Seriously, Cole, ayos lang talaga—"




[Fucking send me the address, Celine.]




"Pero late na, puwedeng bukas nalang, tapos matulog ka muna para makapagpaalam ka ng maayos sa firm."




[I'll text Francis to inform them.]




Bumuntong hininga ako ulit sa kakulitan niya. Ibinaba ko na ang tawag at i-sinend nga sa kaniya ang address ng hospital.




Hindi na siya nagreply at pakiwari ko'y nagdrive na'yon paalis. Bumalik naman ako sa tabi ni Cohen at pinagmasdan siya, even when he's sleeping, he still reminds me of his dad. Hindi ba 'yon napapansin ni Loren?




Hindi ko namalayang nakatulog ako, nagising na lang ako nang makarinig ng mga stainless na natatamaan kaya nagmulat ako ng mata at nagulat nang seryosong mukha ni Loren habang nagtuturok ng gamot sa kamay ni Cohen.




Napaayos ako ng upo at kinusot ang aking mata. Tulog pa rin si Cohen, pero ang ipinagtataka ko ay bakit siya ang nagbibigay ng gamot sa anak.. namin?




Hindi niya ako tinignan, patapos na siya sa ginagawa niya sa anak ko at wari kong paalis na siya pero ni hindi man lang ako kinakausap.




Bumukas ang pintuan at pumasok si Kyo na naka unipormeng pang medisina. God, he even reminds me of Loren when he was in med school too. Pareho silang malinis at matalinong tignan. Ang pinagkaiba nga lang, malambot ang ekspresyon ni Kyo, masarap kausap at hindi nakabusangot palagi. He's the total opposite of Loren when it comes to personality.




Natigil din sa ginagawa si Loren at napalingon sa pintuan pero ulo lang ang gumalaw. Nang makita si Kyo ay muli siyang bumalik sa pag-aayos ng mga gamot at mabilis na binitbit ang tray bago walang salitang lumabas ng pintuan.




Kapwa kami nagkatinginan ni Kyo nang sumara ang pintuan, "Ako na muna rito, ate, maaga pa naman."




Tumingin ako kay Cohen at kapagkuwan ay umiling, "Ayos lang—"




"Baka gusto mong maligo muna?"




Nilingon ko siya at natigilan ako. Oo nga pala, mula kahapon ay hindi pa ako nagpapalit. Ngumisi si Kyo kaya bahagya akong nangiti bago nagpasyang umuwi na nga muna at maligo. Babalik na lang ako kaagad dahil may pasok pa si Kyo.





JOJISSI

Continue Reading

You'll Also Like

802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.1M 31.3K 51
When Daniella Selene entered the most famous university in town she immediately turned to be the apple of the eye of everyone, including the heartthr...
1.3K 160 18
Xavier Arebalo X Krizha Canoy Story Kinakatakutan, gwapo, sikat. Yan kung ilarawan ng mga tao si Xavier Arebalo. Ang panganay na anak ng mga Arebalo...