Chapter 20

135K 3.3K 1.5K
                                    


Ako:

Hindi ako makakauwi ngayon, nagka emergency sa bahay. Kamusta ka?



I tapped the 'send' icon and waited for his reply. Kaninang madaling araw dapat ang balik ko, pero dahil nga walang kasama si mama rito ay pinili ko nang lumiban muna sa klase. Martes ngayon, November 3. Siguradong may pasok siya kaya hindi na ako nagtaka nang makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring reply.



Pero sana man lang ay nagawa niyang magtext o tumawag noong undas at kahapon. Mula kasi noong umalis ako ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi ako galit, sa katunayan ay nag-aalala ako dahil noong huli kong kita sa kaniya ay hindi talaga maayos ang lagay niya.



Wala naman siyang sakit, pero parang napapabayaan niya na ang sarili niya at masyado siyang tutok sa pag-aaral na hindi naman niya ginagawa dati.



Bumuntong hininga ako at iniwan na lang ang cellphone ko sa bahay. Umuwi lang ako rito para kumuha ng damit ni Gino at mama. Na-admit na nga si Gino sa isang public hospital, pero nang magsagawa ng chest x-ray at blood tests at nakumpirma ng doctor na may Pneumonia nga si Gino, ay nagpasya kaming ilipat siya sa isang private hospital ngayong araw. Gagamitin ko ang tira kong pera galing sa huli kong sahod na pambayad ko dapat ng apartment para sa buwan na ito.



Hindi kasi puwedeng magtagal si Gino sa public hospital na iyon, infected ang baga niya dahil sa bacteria at ayokong palalain iyon kung mananatili siya roon. Hindi malinis ang hangin, sama-sama ang mga pasyente at maingay.



Mabigat ang paghinga ko habang isinasara ang bag na may lamang mga damit namin ni Gino. Bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Cole na may nag-aalalang tingin.



"Celine.."



"Ano? Ikaw na naman ang magbabayad sa hospital? Hindi, Cole. Ikaw na nga ang nagbayad sa mga tests kagabi. Ako na rito.. maraming salamat talaga." Agap ko sa balak niyang i-alok.



Totoong sobrang laki ng pasasalamat ko sa kaniya mula noon at hanggang ngayon. Sadyang hindi na talaga kakayanin ng konsensya ko na pati ba naman sa pagpapaospital kay Gino ay siya pa ang magbabayad.



Bumuntong hininga siya at umupo sa kama kaharap ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa bag at pinagmasdan ko iyon. Shit. Huwag ngayon, hindi ko kailangan ng comfort dahil kagabi ko pa pinipigilan ang mga luha ko.



Inalis ko ang kamay ko sa kaniya at huminga ako ng malalim para pumeke ng ngiti. Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa akin.



"Ayos lang," labas sa ilong na sabi ko.



"Kung gusto mo.. pauutangin na lang kita, bayaran mo kapag may pera ka na.."




Umiling ako, "Kakasya pa ang pera ko, Cole."



"Celine, kapatid ko na rin si Gino. Gusto kong tumulong, okay? Utang naman 'to, hahayaan kitang magbayad kapag kaya mo na.."



Napatitig ako sa kaniya. Wala akong masabi, ang tanging nagawa ko lang ay tumitig sa magaganda niyang mga mata. Guwapo si Cole. Seryoso ako, noong high school kami ay kahit gaano ko pigilan, hindi ko maipagkakailang nahulog din ako sa kaniya katulad ng halos lahat ng mga estudyante noon.



I mean, sinong hindi magkakagusto sa kaniya? Matalino, mabait, gentleman, guwapo, masipag.. name it. Pero habang tumatagal ay narealize ko na mababaw lang ang pagkakagusto ko sa kaniya at mas gusto ko siyang maging kaibigan. At mas lalo ko iyong napatunayan nang mag kolehiyo kami. Ni minsan ay hindi siya nagka girlfriend, may mga panahong naiisip ko na bakla siya pero sigurado namang hindi.



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon