Chapter 19

127K 3.2K 555
                                    

"Mag-iingat ka palagi dito." bilin ko kay Yana habang lumalabas kami ng unit niya. It's already 5am in the morning, at handa na ako sa pag-alis namin ni Cole pabalik ng Nueva Ecija.

"Yeah, yeah, ingat din kayo.. hindi mo pa pinapakilala sa akin 'yong kababata mo, ah." Sabi niya.

Oo nga pala, mula noong nakaraang mga araw ay naging busy ako sa school— well palagi naman akong busy, pero kailangan ko kasing mag doble aral lalo pa't mahalaga ang GWA ko sa pag-aapply bilang undergraduate paralegal sa Manila and Associates Law Firm.

Dahil doon, ay hindi ko na na-meet si Yana para sa mga sessions namin. Umo-okay naman din ang performance niya sa school at tingin ko ay hindi ganoon kalaking diperensiya kung hindi ko siya matuturuan ng kahit dalawang lingo lang. Pag uwi ko naman sa unit niya ay diretso tulog na ako, ayan tuloy at hindi ko naipakilala sa kaniya si Cole.

"Next time," sabi ko na lang at tuluyan na kaming nakalabas ng unit niya. Suot niya pa ang terno niyang silk pajamas at hindi na siya nag-abalang maghilamos bago ako ihatid dito sa labas ng pintuan niya.

"Hmm, sige.." halatang inaantok pa niyang sagot.

Napalingon kami sa pintuan ni Loren nang bumukas iyon at lumabas siya na bagong ligo at may halatang eye bags. Kagaya ko kasi ay naging puspusan na rin ang pag-aaral nila sa ASMPH.

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid." Sabi ko dahil sigurado akong wala pa siyang tulog, at kung hindi pa siya matutulog ngayon ay wala na siyang pagkakataon para makatulog sa araw na 'to. Alas siyete nagsisimula ang pasok niya at buong araw na iyon kaya naaawa ako.

Mabilis siyang umiling at isinarado ang pintuan niya. "It's bad enough that I couldn't drive you to Nueva Ecija, I want to send you off to you apartment at least." Sagot niya at naglakat papalapit sa akin.

Inagaw niya sa akin ang isang backpack na dala ko dahil dalawang araw lang naman ako doon, at may mga damit pa akong naiwan sa Nueva Ecija.

Naaawa ako sa kaniya dahil mukhang pagod talaga siya. Dati ay hindi ko nakikita ang pagod sa mukha niya kahit pa matagal naman nang nakakapagod ang med school, pero ngayon ay unti-unti nang lumilitaw ang pagod sa katawan niya.

"Natulog ka ba?" Nagpapasalamat ako na tinanong iyon ni Yana, hindi niya nilingon si Yana pero sumagot siya.

"Yes."

"I don't think so." sabi niya at inirapan si Loren. "Ilang araw ka na kayang ganiyan. School is not always the center of our life, okay?" Humalukipkip siya at bahagyang humikab kaya tinagilid niya ng kaunti ang ulo niya.

"Sige na.. matutulog pa 'ko ulit. Ingat kayo." Kumaway siya at hinalikan ako sa pisngi bago hinampas ang balikat ni Loren. "Matulog ka!" Sita niya at umirap bago pumasok sa unit niya.

Nang maiwan kaming dalawa ni Loren sa labas, ay napatitig ako sa mukha niya. "Will you be okay?" Hindi ko alam pero iyon agad ang naitanong ko.

Kumunot ang noo niya at tinitigan ako sa mata, damn.. even his eyes looks so done. "Of course."

Naglakad kami patungo sa elevator. Nang sumara ito ay nakatingin lamang siya sa stainless steel na pintuan nito at hindi ako nililingon. I felt uneasy. Bakit parang may mali? Alam ko namang pagod siya, pero bakit parang may problema? Iyon bang iniisip niya pa rin ay 'yung huling tawag ng kapatid niya?

"Loren.." I called.

"Hmm?"

"Did you really sleep?" Tanong ko. Bumaba ang tingin niya at nilingon ako.

La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon