Chapter 4

129K 4K 2.8K
                                    

Humigpit ang kapit ko sa polo niya na nakabalot sa akin. Masyado kasing malamig dito sa loob ng sasakiyan niya, at basa pa ang damit ko kaya halos pigilan ko nalang ang sarili ko sa panginginig.




Nang mapansin niya ang ginawa ko ay mabilis niyang pinatay ang ac. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa rin agad naibsan ang panlalamig ko dahil hindi pa naman nawawala ang lamig doon.




Tahimik akong tumingin sa daan at paminsan-minsan ay napapasulyap sa kamay niyang mahigpit rin ang kapit sa steering wheel. Dahil doon ay napansin ko ang mga ugat niyang naglalabasan sa maputi niyang kamay. Lihim akong napairap nang maisip ang madalas na sabihin ni Kate sa tuwing makakakita siya ng lalaking maugat ang kamay.




'Ibig sabihin ay madalas iyong magsarili!'




Mabilis akong umiling at mariing pumikit para i-waksi ang naisip. Wala namang dudang iyon nga ang ginagawa ni Loren, pero bakit bigla nalang sasagi sa isip ko ang imahe niya habang ginagawa iyon? Nakakadiri!




"Are you going to work?"




Napamulat ako nang magsalita siya kaya lumingon ako sa kaniya. Diretso pa rin ang tingin niya sa daan.




Wait, paano niya nalaman na nagtatrabaho ako? Atsaka bakit siya nandito sa Diliman? Taga rito ba siya? Bakit hindi ko siya kilala? Pareho lang naman kasi ang itsura ng uniform ng mga med students dito, kaya mahirap malaman kung saan siya nag-aaral. At bakit ba gusto kong malaman?




"Uuwi muna ako.. basa ako." sabi ko at marahan siyang tumango. Nag-iwas na rin ako ng tingin at sinabing dito lang din sa Diliman ako nakatira. Inihatid niya ako sa apartment na tinutuluyan ko at nang huminto ang kotse, ay hindi ako kaagad nakagalaw. "S-salamat." sabi ko at hinawakan ang door handle pero agad ding natigil nang magsalita siya.




"I'll give you five minutes. Ihahatid kita sa trabaho mo." Sabi niya kaya mabilis akong napalingon sa kaniya. Ilang beses pa akong kumurap para hintayin ang 'joke' sa sinasabi niya pero seryoso lang siyang tumingin sa akin.




"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.




"4 minutes and 56 seconds," sabi niya kaya kumunot ang noo ko.




"Wait, I think you're missing something. I already said thank you, okay? I didn't even asked you to fetch me. Hindi mo na ako kailangang ihatid, hindi naman kita kilala." Sabi ko pero hindi nagbago ang ekspresiyon niya.




"4 minutes and 43 seconds," walang emosyong ani niya kaya napaawang ang bibig ko at kumapit sa door handle.




"Why are you doing this?" Mahinang tanong ko.




"We'll talk later, go change."




Ipinatong niya sa hita ko ang isang payong galing sa likod at sa huli ay wala na akong nagawa. Magulo ang isip ko nang lumabas ako ng sasakiyan niya at pumasok sa loob.




Alam kong hindi naman siya seryoso sa limang minutong ibinigay niya kaya hindi ako nagmadali, baka nga pagkatapos ng limang minuto ay mainip siya at umalis na lang. Tinignan ko ang oras at nakitang male-late na ako kaya napabuntong hininga ako at tuluyan nang nagbihis.




Nagpalit lang ako ng simpleng black polo shirt at denim jeans. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya at inipit iyon ng buo. Nang matapos ay binitbit ko na ang sling bag ko at lumabas.




La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon