Chapter 2

144K 4K 1.2K
                                    

"Anong nangyari? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Napakurap ako nang pumitik sa mukha ko si Yana.



"A-ah.. wala, saan na nga tayo?" Tanong ko nang bumalik ako sa ulirat. Naalala ko na naman kasi iyong lalaki kanina. Ewan ko ba at natutulala ako sa tuwing naiisip siya. Dalawang beses lang naman kasi akong napahiya sa harapan niya.



"Hmp, ayoko na, tama na 'to." Sabi niya at isinara ang libro.



Napakunot naman ang noo ko, "Huh? Hindi puwede, huwag ka ngang tamad." Sita ko at inagaw ang libro para buksan ulit.



Hindi pa nga siya ganoon ka pamilyar sa basics, kaya lalong hindi siya puwedeng magpabaya. At ako at tutor niya kaya sa akin din ang bagsak kapag hindi maganda ang performance niya.




"Ano ka ba, bukas na 'to, may pupuntahan pa 'kong party, e." Sabi niya kaya natigilan ako at napatitig sa kaniya.



"Party?" Tanong ko.



Napaikot naman siya ng mata, "Sì. Party." Sagot niya at inagaw ulit sa akin ang libro tsaka ipasok sa bag niya.



"Saan?" Tanong ko dahil may kutob akong iisa lang ang party'ng tinutukoy nila ni Kate.



Nanliit ang mga mata niya habang inaalala ang lugar kung saan. "Uhm.. I think it's in Redblack? not sure. I'm gonna check it later." Sabi niya at nagkibit balikat.



I knew it. Marahan akong tumango at hinayaan na siyang magligpit. "Ano'ng oras ka pupunta ro'n?" Tanong ko pa.



"Why are you asking palagi? Eight or nine, I think." Sagot niya kaya napangiwi ako.



"Why are you asnwering palagi?" I mocked her and she glared at me so I just laughed a bit.



"There, mas maganda ka kapag nakangiti." Sabi niya na ikinatigil ko. Tumayo na siya at at binitbit ang kaniyang bag. "I'll go na. Wait, do you want me to drop you off first?" Huminto siya para itanong iyon kaya napangiti ako.



Marahan akong umiling. "Ayos lang, ingat ka." Sagot ko. Tumango siya bago lumabas. Bumuntong hininga ako at inayos na rin ang mga gamit ko bago tumayo at pumunta sa trabaho.




"One Japanese cake and iced americano for Raegan." sabi ko sa mic at hinintay na makarating ang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.  He's a regular here every night, so I kinda know him.



"Thank you, Celine." sabi niya at kinuha iyon.



Ngumiti ako at nagpasalamat din bago pa humaba ang usapan. Alas dose na at tapos na ang shift ko kaya nag pull-out na ako bago i-pasa kay Annie ang post.



Dumiretso ako sa locker room para magbihis, nang buksan ko ang locker ko, ay nakita ko ang ilang missed calls ni Yana sa akin. Kunot noo kong pinagmasdan iyon hanggang sa muli na naman siyang tumawag.



Mabilis ko iyong sinagot, "Yana?"



"Sheline! Hi!" Maingay ang background kaya hindi ko siya masyadong marinig. "Can you pick me up here? I don't think I can shtill drive, e.. hahaha!" Rinig ko ang kantiyawan ng mga kasama niya kaya napabuntong hininga ako. I just hope she's not doing any shits there.



"Okay, wait for me there." Sabi ko at pinatay na ang tawag. Marunong naman akong mag drive dahil may kotse kami noon. Ngayon, siyempre, wala na dahil ibinenta.



Mabilis akong nagbihis ng isang white fitted polo shirt at denim jeans. Inayos ko ang pagkakaipit ng buhok kong nagulo na at mabilis na lumabas ng locker room.



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon