Chapter 8

125K 3.6K 872
                                    

It's another day today, as usual, may recitation mamaya so magdamag akong uminom at nag review kagabi. Mabuti na lang at may natira pa akong beer in can and junk foods noong nag grocery ako dahil 'yon talaga ang nagco-concentrate sa akin.



Medyo masakit ang ulo ko pag-gising kaya uminom ako ng kape at ni-recall ang mga binasa ko kagabi. Kusa naman akong napahinto nang biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Loren.



Habang nasa loob ako ng kotse niya kagabi ay hindi ko mapigilan ang pag-ngiti dahil alam kong huli na iyon. Pagkatapos niyon, ay hindi niya na ako guguluhin pa. Sabi ko sa isip ko.



Ilang beses niya akong sinulyapan at bumuntong hininga habang nagdadrive. "You're really that happy to get rid of me?" May bakas ng sarkasmo ang boses nito.



Mabilis naman akong tumango at tumingin na lang sa bintana. "Why won't you even let me kiss you at least? A farewell kiss, maybe?" Tawad niya kaya mabilis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.



"Just fucking drive and never show up again." I harshly said that made him gulp. Inirapan ko siya at ibinalik na ang tingin sa bintana. This would be the last time I'd be inside his car, beside him. I smiled even more.



Ipiniling ko ang ulo ko at ipinagpatuloy na ang pagrerecite mag-isa. Nang matapos ay naligo na ako at nagbihis ng stripe dress shirt at itinack-in ang kalahati sa high waist white pants ko. Nagsuot lang din ako ng ng white shoes dahil hindi naman maulan ngayon. Sa katunayan ay maganda ang panahon.



Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting liptint. Binitbit ko na ang gamit ko at lumabas ng bahay.



Nang makarating ako sa school, ay naging maaliwalas ang mukha ko. Just thinking about not seeing that jerk's face after class gives me positive chills.



"Grabe, sa lahat ng sasabak sa gyera, ikaw lang ang mukhang masaya!" Histerya ni Jessa kaya nginitian ko siya.



"Maganda ang araw ko kaya hayaan mo na 'ko." ani ko at inilabas ang mga libro para magbasa pa.



"Mukha nga! Bakit? May nagpapakilig na ba sa'yo, ha?" Maintrigang tanong niya kaya kumunot ang noo ko at umiling. "Suus! Sa ganda mong 'yan ay walang nanliligaw sa'yo?!"



"Wala."



"Paanong may manliligaw, e napakasungit." natigilan ako at sabay kaming napalingon ni Jessa sa babaeng nagsalita. It was Jam with her fancy blouse and skirt. Makapal ang make up at ngumunguya ng chewing gum. Lagot 'to mamaya kay Atty. Diaz.



Inilingan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagbabasa. "Hmp, 'wag mo nang pansinin at inggit lang 'yon. Balita ko kasi ay may gusto raw sa'yo ang boyfriend niyang si Clark." Lalong nagsalubong ang mga kilay ko.



"I don't even know him." Sabi ko dahil totoo naman. Kung hindi nga lang nagsalita iyong si Jam kanina ay hindi ko maaalalang blockmate ko pala siya. At mas lalo naman ang boyfriend niyang ngayon ko lang narining ang pangalan.



"Galvez!"



Sa tahimik na silid, ay naging klaro ang pagtawag ni atty. Ronnie Diaz sa apelyido ko. Kaagad akong tumayo ng tuwid at ipinahinga ang pareho kong mga kamay sa magkabilang gilid ko bago huminga ng malalim. 



"In the case of people of the Philippines vs. Manaligod in 2018, what was the issue?" Seryoso niyang tanong habang habang inaayos ang mga index card sa kaniyang kamay.



Sigurado akong nabasa ko ito kagabi. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata bago sumagot. "Whether or not appellant is guilty of statutory rape under RA 8353."



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon