Chapter 9

124K 4.4K 1.2K
                                    

"How 'bout this? Cosa ne pensi?"



Ipinakita sa akin ni Yana ang maikling sequin halter backless dress na kumikinang sa glitter. Kulay pula iyon at kung susuotin niya ito ay siguradong lilingon sa kaniya ang lahat ng mga kalalakihan at pati mga kababaihan sa bar.



Ngumiti ako sa ika-pitong beses at tumango. "Bagay 'yan sa'yo." sabi ko at ngumiti rin siya.



"Veramente? I know right!" Napailing ako nang humagikgik siya at talikuran ako. Humarap siya sa full size mirror at sinipat ang dress na nasa kaniyang harapan.



"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong niya pa kaya natahimik ako. Wala naman akong duty ngayong gabi, sabado bukas at walang pasok. Nakapagpahinga na rin ako dahil hindi naman masyadong marami ang inaral namin ni Yana ngayon.



Bumuntong hininga ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakaupo ako ngayon dito sa sofa niya at pinapanood siyang mag-ayos.



"Wala naman akong damit." sagot ko kaya nanlaki ang mga mata niya.



"Omg! Don't worry, marami akong dress dito! Basta sumama ka, ah?"



Napailing ako at hinayaan siyang bumalik sa kuwarto niya. Nang mawala siya sa paningin ko ay nagreplay na naman sa utak ko ang nakita kanina. Though normal lang naman siguro 'yon dahil pareho sila ng school. Though,  not same campus. Sikat si Ella at ganoon din si Loren. Kung titignan mo nga ay bagay talaga sila.



Pero napapaisip pa rin ako. Bakit sinabi ni Loren na hindi pa siya nakatikim ng law student? I mean, I'm just curious kasi mukha namang may nangyayari sa kanila noong si Ella.



Ella is a good catch. Kung lalaki man ako ay magugustohan ko rin siya. Paano pa kaya si Loren na lalaki nga at may kamunduhan sa pag-iisip? Napalingon ako sa pintuan at iniimagine sa labas ang unit ni Loren.



Maybe they're fucking right now? How would I know? And why am I suddenly thinking about it? It's not my business anyway. Bahala sila at matatanda na rin naman sila.



I just hope Loren won't break Ella's heart. She seems so kind and warm to everyone. Sana ay hindi siya umiyak dahil kay Loren.



"Here! look!"



Napalingon ako kay Yana na kalalabas lang ng kiwarto niya at may bitbit na hanger at heels. Namilog ang mga mata ko nang ipakita niya iyon sa akin.



It's a sequin bodycon mini dress in rose gold. Kumikinang din iyon at malalim ang A-line. Dahil matangkad ako ay pakiramdam ko sakto lang sa puwet ko ang haba nito kapag naisuot ko, kaya napalunok ako habang pinagmamasdan iyon.



"I-sukat mo na!" Aniya at inihagis iyon sa kandungan ko.



"Oh my god, Yana, are you serious? Ilang dangkal lang ba 'to, bakit ang ikli?!" Histerya ko habang nilaladlad ang dress sa aking harap.



Hindi naman siya backless pero malalim na ang tela niya sa likod kaya parang ganoon na rin! Baka magka pulmunya pa ako rito e.



"Ano ka ba! Tama lang 'yan sa'yo, for sure. Atsaka bar iyon, Celine, hindi tayo a-attend ng misa!" Sabi niya at ibinato pa ang pares ng heels sa tabi ko. "Ayan, magandang ipares diyan, sige na magbihis ka na!" Sabi niya at mabilis na pumasok sa kuwarto niya para magbihis.



Hindi pa rin ako makapaniwalang isusuot ko ito, may matatakpan pa ba kapag naisuot ko na ito? Jusko.


Lumabas ako ng common bathroom na iika-ikang maglakad. Fuck, bakit ba sila nag-eenjoy na magsuot ng heels, e ang hirap namang ipanlakad?!



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon