Chapter 27

154K 4.8K 2.1K
                                    

"WHAT?! Oh, mierda! Why didn't you tell me?!"




Nasa labas si Cohen at naghihintay sa akin habang ako ay narito sa kusina para gumawa ng baon para sa sa kaniya. Ngayon ang simula ng session nila sa theraphy center at ihahatid ko siya.




"I'm sorry, ayoko lang na mag-alala ka-"




"Of course, mag-aalala ako! Alam ba ni tita 'to? Fuck, don't tell me hindi mo rin sasabihin sa kaniya?!"




Napangiwi ako dahil sa ingay niya kaya bahagya kong nailayo ang cellphone tenga ko. Binitawan ko ang sandwich na hawak at inilapag sa malinis na plato.




"He's fine now.. he's taking sessions in a physical-"




"I am asking kung alam na ni tita!"




Napapikit ako at bumuntong hininga. Damn, Marchessa. "Hindi pa.."




"Oh my gosh! Nabaril ang apo niya! She should know! At saka umalis na nga kayo diyan sa apartment mo, baka mamaya balikan pa kayo nung-"




"Yes, we already moved out."




"And you didn't tell me! Ano pa ba ang nangyari na hindi mo sinasabi sa akin, ha?!"




Naghila ako ng isang upoan at umupo dahil nauubusan na ako ng energy na magpaliwanag. Though kasalanan ko naman kasi.




"Well.. n-nagkita kami ni Loren sa hospita-"




"What the fuck?!"




"Yana!"




"Okay! I'm sorry, pero.. 'di nga?! Paano?"




Huminga ako ng malalim at nagkuwento. "Doon siya nagtatrabaho sa hospital na pinagdalhan kay Cohen.. nakausap ko naman siya, pero.. hindi ko nasabi."




Sandaling natahimik si Yana at tila iniintindi ang nangyari, "Bakit hindi? Nando'n na, oh, iyon naman ang dahilan ng pagpunta niyo riyan, 'di ba? Bakit pinapatagal mo pa?"




Napatitig ako sa sandwich at mapait na ngumiti.




"Mukhang masaya na siy, e. Ayoko namang.. makagulo sa kanila."




"Masaya? Kanila? Wait, does he have a girlfriend or something? May asawa na?"




"May girlfriend siyang doktor.. doon din nagtatrabaho. Doktor ni Cohen."




Natahimik na naman siya at tila nag-iisip. Napangisi ako at pilit na iwinaksi ang bigat na nararamdaman.




"Sige na.. male-late na kami-"




"Wait! Wait! May girlfriend? E ano naman? May anak kayo! And besides, I think hindi naman niya tatakbuhan si Cohen. Malay mo sustentuha-"




"Hindi ko kailangan ng pera niya, Yana."




"I know.. pero hindi mo dapat ipag-kait sa anak mo na makilala niya 'yung tatay niya. E ano nama ngayon kung may girlfriend? Hindi mo naman hinihingi na mag break sila, ah. Gusto siyang makilala ni Cohen so set aside your feelings. Pag-bigyan mo naman 'yung anak mo."




Tila nagbara ang lalamunan ko. Ilang beses akong napakurap at hindi malaman ang sasabihin. Am I.. being unfair? Dahil lang nasasaktan ako ay dapat ko na ring pagkaitan ng tatay ang anak ko? Mali ba ako?




La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon