Chapter 31

168K 4.1K 1.7K
                                    

"I-It's my father.." bulong ko sa aking sarili, nag-angat ako ng tingin kay Raegan na seryoso lang akong pinapanood.



"Si papa 'to," sabi ko sa kaniya.



Nagtaas lang siya ng kilay sa akin na tila hinahayaan akong pagtagpi-tagpiin ang lahat. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaalala ang mga nangyari noon.



"Ito 'yung.. huling kasong hinawakan ni papa."



Tumango si Raegan habang nakahalukipkip. "Late prosecutor Galvez was shot in the chest 17 years ago, right before the preliminary trial of the plunder case filed against congressman Lavarias. Nang mapalitan ang prosecutor in charge, hindi na inabot ng actual trial dahil nalinis ang pangalan ni congressman Lavarias at din-rop ng bagong prosecutor ang lahat ng charges laban sa kaniya."



Napaawang ang labi ko at tila nanlabo ang aking paningin sa biglaang pamumuo ng mga luha sa aking mata. Hindi ko inasahang malalaman ko ang lahat ng ito sa isang bagsakan. Nagugulat ako sa mga nakikita ko, natatakot ako sa mga naririnig ko, at nag-uumapaw ang galit ko sa hindi mapangalanang dahilan.



"Tell me, Attorney, nahuli na ba ang pumatay sa tatay mo?" Tanong niya.



Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti niyang isinisiwalat sa akin ang lahat. Nanatili akong tulala sa kaniyang mukha. Hinihintay na manggaling mismo sa bibig niya ang gusto kong marinig. Ang matagal ko nang hinihintay.



"Iyong huling kasong naipanalo mo, napatunayan mong inosente 'yung pinagbintangan nilang pumatay sa kalaban ni Congressman Lavarias. Bakit isang mahirap na magsasaka ang papatay? Ano'ng motibo niya? Ano'ng mapapala niya? Wala. Sa pagkamatay ng politikong iyon, sino ang pinaka-nakinabang? Sino ang nanalo sa eleksiyon? Remember everything, Attorney. Anong pagkakapareho ng bumaril sa anak mo at sa pumatay sa tatay mo?"



Nanginig ang mga labi ko, nararamdaman ko ang pananakit ng aking lalamunan dahil sa mga hikbing nais kumawala mula sa labi ko. Nag-iinit ang mga mata ko habang patuloy ako sa pagluha.



Unti-unting pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Kyo. Dalawang nakaitim, naka-motor, nakatakip ang mukha.. iyon din ang naaalala kong bumaril kay papa. Kahit bata pa lang ako noon ay hinding-hindi ko makakalimutan kung paanong nabingi ako sa putok ng kanilang baril. Kung paanong bumagsak si papa sa mga kamay ko at hindi na inabot sa hospital.



At si Cole.. nakilala ko siya makalipas ang tatlong taon, naging magkaibigan kami pero hindi ko naisip na binabantayan niya lang ang mga kilos ko. Sinisiguradong wala akong naaalala at hindi ko nakilala ang pumatay sa papa ko. Putangina..



"Raegan.." I called in between my sobs.



Hindi siya sumagot pero batid kong hinihintay niya ang sasabihin ko. "I-iwan mo muna 'ko.."



"Attorney,"



"Please,"



Bumuntong hininga siya at pinagmasdan ako ng ilang segundo bago tumango at tinalikuran ako. Binuksan niya ang pinto at isang beses pa akong sinulyapan bago tuluyang lumabas.



Nang sandaling sumara ang pintuan, ay siya ring hudyat ng paghagulgol ko. I cried and cried while clenching my fists in range. All these time.. nasa harap ko na siya noon,  minaliit pa niya ako sa harap ko mismo, kung alam ko lang.. putangina.



Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko iyon pinansin. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga palad at doon umiyak. Patuloy sa pag-ring ang cellphone ko. Titigil, pero muli pa ring tatawag. Hindi ko na sana sasagutin kaso nakawalong tawag na ito kaya inis kong pinalis ang aking mga luha at inabot ang cellphone ko.



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon