Chapter 24

143K 3.8K 1.5K
                                    

Inilipat na sa recovery room si Cohen matapos ang successful operation sa kaniya. Ang akala ko ay sa intensive care unit ang pasok niya, pero sinabi ni Dra. Iran na wala naman siyang malalang sakit at hindi rin siya kritikal. Sadyang kailangan niya lang makarecover sa operation.




Ayon kay doktora, six or more months ang bibilangin bago siya tuluyang maka-recover. Sa unang dalawang buwan niya, ay kakailanganin niyang magsuot ng shoulder immobilizer o sling. Inirekomenda niya rin sa akin ang pagregister ko kay Cohen sa isang physical therapy na nasa tabi lang ng hospital para asa agaran niyang pag-galing.




Nanlumo ako nang mapagtantong kailangan niyang danasin ito sa murang edad. Tulog siya ngayon sa kama at ako lang ang kasama niya rito sa kaniyang kuwarto. Nakaupo ako sa tabi niya. Wala pa akong tulog at wala rin akong balita sa firm dahil ayokong umalis at kuhanin ang cellphone ko sa kotse.




Naisip ko na baka magising si Cohen at biglang gutumin, pero walang pagkain dito. Bukas pa yata ng umaga darating ang pagkain na pinoprovide ng hospital kaya kailangan kong bumili ng pagkain. Bababa na rin ako at kukunin ang cellphone ko.




Yumuko ako para halikan siya sa noo at muling sulyapan bago ako lumabas. Naglakad ako patungo sa nurse station ng floor na ito at nagrequest ng puwedeng titingin sa kuwarto ni Cohen kahit hindi siya bantayan sa loob.




"Uh.. nurse," tawag ko sa babaeng nurse na nasa countertop at nakasandal lang. Nakita ko ang maliit niyang name tag sa dibdib. Maris.




Mabilis naman siyang tumalima at dumiretso ng tayo habang nakatingin sa akin, "Yes po?" She scanned me from head to foot and was kind of intimidated, I think. Well, I have that aura and I need that in court.




"Uh, bababa kasi ako. Walang kasama 'yung anak ko sa room 201. Baka puwedeng pakitignan-tignan na lang?" I asked in the most feminine way I could so she won't freak out.




Nakasuot pa rin ako ng black coat and slacks, heels at inner blouse. Halata siguro na abogado ako sa lagay kong 'to. Mabilis siyang tumango at ngumiti sa akin.




"Sure, sure po!"




Ngumiti ako at tinanguan siya ng isang beses bago walang lingong naglakad patungo sa elevator. Sinulyapan ko pa ang office ni Loren pero nang makita kong pasara na ang pintuan ng elevator ay mabilis kong naglakad at iniharang ang kamay ko para muli itong bumukas.




Nakahinga ako ng malalim nang bumukas ang pinto. Pumasok ako at kusang natigilan nang makita kung sino ang nasa loob. Kunot ang noo at seryoso ang mga matang nakatingin si Loren sa akin.




Napalunok ako at tahimik na pumasok, pinindot ko ang ground floor at tumabi sa gilid. Nakakarindi ang katahimikan. Naalala ko naman ang CT scan kanina kaya naisip ko na magpasalamat.




"Uh.. thank you pala."




He was quiet, nang tignan ko siya ay doon lang siya lumingon sa akin ng seryoso pa rin ang mga mata. Mag-iiwas na sana ako ng tingin, nang bigla siyang magsalita.




"You left your son." It wasn't a question. Nakita niya sigurong umalis si Kyo kanina kaya sigurado siyang walang kasama si Cohen ngayon.




"Binilin ko kay nurse Maris, bibili ako ng pagkain niya."  Sagot ko.



"Avoid processed foods and dairy products, it might cause constipation and increase his pain."




Natigilan ako at ngayon ay napatitig na sa kaniya, marahan akong tumango dahil malaking tulong naman talaga ang sinabi niya. Balak ko kasing ibili ng milk and chocolates si Cohen dahil iyon ang comfort food niya. Mabuti nalang at nalaman ko kaagad.




La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon