Chapter 34

170K 3.9K 2.9K
                                    

Maaga akong natapos sa trabaho ko rito sa firm kaya naman naisipan kong ako na ang sumundo kay Cohen. Binitbit ko ang hand bag ko at nagpaalam na kay Raegan na aalis.




"Hmm." he just nodded like a boss at hinayaan ko nalang. Nasanay na rin ako sa ugali niyang ganiyan.




Nang makarating ako sa Therapy Center, ay saktong patapos na ang session ni Cohen kaya naghintay nalang ako sa labas kasama ang ilang mga magulang.




"Hi, ikaw ba ang susundo sa anak ni Doc?"




Napalingon ako sa babaeng mas matanda sa akin. Nakasuot siya ng long sleeve dress at medyo malaki ang katawan. Makapal din ang kaniyang make up at mataas ang kilay.




"Yes." sagot ko. Siguro naman ay si Loren lang ang doktor na may anak dito.




"Naku, sabi na nga ba at anak ni Doc Iran iyon, e! Itinatanggi pa.." Sabi niya na ikinakunot ng aking noo. Hinarap ko siya at tinitigan.




"What?" Hindi ko na napigilan ang pagkairita sa aking boses.




Natigilan naman siya at pilit na ngumiti, "Si Doc Iran, 'di ba? Anak nila ni Doc Loren iyong guwapong bata na bago lang." Sabi niya pa na parang ikinukwento sa akin ang bagay na hindi ko alam.




Hindi ako makapaniwalang tinignan siya mula ulo hanggang paa. I know this is rude but I am so much offended! I couldn't contain it!




"I'm afraid you're mistaken, miss. Cohen is MY son." in-emphasize ko talaga 'yung 'my' para mag-sink in sa kaniya na ako ang ina ng batang tinutukoy niya, at hindi si Iran.




Natigilan naman ang babae at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ko alam kung naghahanap siya ng kakampi o nahihiya na baka may nakarinig ng kamalian niya. I know it was a mistake but for her to assume things overboard and even talk about it randomly is just not right. Dineny na pala ni Iran, e bakit pinipilit niya pa?




"A-anak mo? E ba't si Doc Loren ang naghahatid kung ganoon? Magkamag-anak ba kayo ni Doc?"




Napasinghap ako at bahagyang tumingala dahil unti-unti na akong nauubusan ng pasensiya. Kung wala lang akong inaalagaang reputasyon ay kanina ko pa nasigawan ang babaeng ito. Mukha ba kaming magkadugo ni Loren?!




"No." Matigas kong sagot.




Nagtaas naman siga ng kilay, "Ah, baka magkaibigan kayo—"




"Look, I know I shouldn't be bothering myself to explain this to you, but just so you know, Cohen is OUR son. Anako ko, anak ni Loren, anak namin. Hindi ni Doc Iran. Now if you won't mind, may I excuse myself because MY son is waiting for me at pupuntahan pa namin ang DADDY niya." Sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya.




Mabilis ko siyang tinalikuran at sinalubong si Cohen na seryosong naglalakad papalapit sa akin. Agad na nawala ang inis sa sistema ko at napalitan ng tuwa dahil doon. Unti-unti akong ngumiti at yumuko nang makalapit na siya.




"Mommy!" Pasigaw na tawag ni Cohen na ikinalingon ng ibang mga magulang. Nahagip rin ng paningin ko iyong babae kanina na nagulat dahil sa sinabi ni Cohen. Napaikot nalang ako ng mata at sinalubong ang anak ko.




"Hey.." I called, "Are you tired?" I asked.




He just shook his head and grabbed my hand. I smiled and without any words, we went out of that sick therapy center. Ayoko na siyang makita.




La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon