Chapter 17

143K 4.6K 2.4K
                                    

Matured content ahead, read at your own risk.




"T-teka lang, magkakilala kayo?" Tanong ko na bumasag sa katahimikan at nagtatagisan nilang mga tinginan. Sa hitsura ng mga mata nila ay parang handa na silang magsuntukan.




Sa halip na sumagot ay nagulat ako nang hawakan ni Loren ang palapulsuhan ko at hilahin palapit sa kaniya. Kumunot ang noo ni Cole at lalong sumama ang tingin kay Loren.




"Celine, we'll talk." iyon lang ang sinabi ni Loren bago niya ako hinila palabas ng sarili kong apartment. Mabilis kong nilingon si Cole at binigyan siya ng nangungusap na tingin. I want to apologize to him but I couldn't talk.




Mataman lamang siyang nakatingin sa kamay kong hawak ni Loren hanggang sa makalabas kami. Kinunotan ko ng noo si Loren at pasaring na binawi ang aking kamay.




"Ano ba naman 'yon? Napaka bastos ng ginawa mo sa bisita ko!" Sita ko sa kaniya at sinamaan din siya ng tingin. Ngayon ang nanlilisik niyang mga mata ay nakatuon na sa akin at kung hindi lang ako irita sa kaniya ay kanina pa bumigay ang mga tuhod ko sa panghihina.




"Bisita? Bakit walang damit? Kilala mo ba 'yon?" Pabalang na tanong niya.




"Aba malamang! Kababata ko 'yong si Cole at dito siya tutuloy—"




"What the fuck?"




"'Yang bibig mo nga!" Sita ko dahil medyo tumaas ang boses niya at napatingin sa amin iyong matandang babae na dumadaan. Nakakahiya, sana ay hindi siya nakakaintindi ng mura sa ingles.




"Why is that fucker staying at your place, Celine? He has a fucking house!"




Kaagad na napakurap ako at nagtaka sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasabi mo?! Galing siya ng Nueva Ecija, at nandito lang siya para sunduin ako. Wala siyang matutuluyan dito at ayos lang naman sa'kin—"




"Really? Naniwala ka naman sa kaniya? "




"Loren, kilala ko siya! Ano bang pinuputok ng budhi mo diyan?!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses, "Dito siya tutuloy, at iyon na ang desisyon ko. Wala kang karapatang makielam dahil magkaibigan kami at—"




"At ano? Ano?"




Hindi ako nakapagsalita. Tila umurong ang dila ko at nahirapan akong makapag-isip ng maayos dahil sa timbre ng boses niya. Idagdag mo pa ang nakakatakot niyang mga mata. Ano ba kasi ang ikinagagalit niya?!




"Celine, believe me, he has a goddamn home. If he'll stay here, you better sleep with me tonight—"




"What? Bakit ako sasama sa'yo? Kaibigan ko si Cole, matagal na kaming magkakilala. Kung meron man akong dapat pagkatiwalaan, siya 'yon."




Nakita ko ang pag-iigting ng kaniyang panga, sanhi ng pagngitngit ng kanuyang mga ngipin. Ramdam ko ang pagpipigil niyang sigawan ako at ibuhos ang galit niya kaya bahagya akong nakaramdam ng takot. He looks so ruthless when being provoked so I just shut myself up. I couldn't risk it.




"But you had sex with me."  sabi niya sa malalim na boses.




Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nilingon ang paligid. Nang humarap ako sa kaniya ay seryoso na ang kaniyang mga mata pero may multo ng ngisi sa kaniyang labi.





"Why would you give your first to someone you don't even trust, Celine?" Mahinang tanong niya.





Napatitig ako sa kulay tsokolate niyang mga mata. Nakakapanghina talaga kapag nakikipagtitigan ako sa kaniya, lalo pa ngayon at tila nang-aasar siya!




La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon