Chapter 3

139K 4.2K 1.8K
                                    

Ilang araw ang lumipas, at hindi na ulit nag-krus ang landas namin ni Loren. Maayos ang performance ko sa school, at hindi naman ako nagkakaproblema sa trabaho. Puwera sa paulit-ulit na attempt ng mga lalaki sa pagkuha ng numero ko.



Isang beses akong sinita ni ma'am Shiela dahil nakakaabala iyon sa pagtatrabaho ko, kaya minsan ay doon ako nahihirapan. Madalas akong ilagay sa counter para iwasan ang mga lalaki sa tuwing magseserve at maglilinis ng table, mas tumatagal kasi ang trabaho ko dahil kinakausap pa nila ako at ayoko namang maging bastos.



Ang apartment ko ay dalawang beses nang dinalaw ng landlady dahil hindi pa rin ako nakakabayad. This week na naman ang sahod ko kaya nangako akong magbabayad kung bibigyan niya pa ako ng panahon. Sa awa ng Diyos, ay pumayag naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.



Nandito ako ngayon sa The Lib, and as usual, I'm using my free time to digest some cases. Apparently, not all of these are mine. May mga ilan rito na galing sa ibang block at pinapagawa lang sa akin. Tinanggap ko na rin dahil within this week naman ang ibinigay na deadline sa akin, at may free time ako minsan since hindi naman whole day ang klase ko.



Nakuha ko pa talagang tumanggap ng karagdagang kaso kahit halos magkandaugaga na ako sa pagmamanage ng oras ko. Law school is probably the most time consuming part of my life, but thankfully, nakakaya ko naman. Wala, e, gusto ko talaga. Plus, ghostwriting is equal to additional income, so as much as I can, I always take the opportunity.



It's currently 4:15 pm. Wala na akong susunod na klase at wala rin kaming schedule ni Yana para sa tutorial ngayon, dahil Thursday at hanggang 6 ang pasok niya. Kung tutuosin, ay puwede pa dahil sakto iyon at may dalawang oras pa ako bago ang trabaho ko. Pero ayaw niya kasi ng sunod-sunod na aral kaya hinayaan ko na lang.



Dito ako magpapalipas ng oras since bukas naman 'to until 10, at 8 ang alis ko. Tahimik akong sumisimsim sa kape ko habang binabasa ang case nang umupo si Kate sa harapan ko.



Nagtaas ako ng kilay habang maingat na ibinababa sa coaster ang tasa.



"Ayos ka lang?" Tanong ko nang mapansin ang pamumutla niya. Nakasimangot siya habang umuubo at walang pasabing humigop sa kape ko.



Ngumiwi siya sa init at pagkatapos ay bumuntong hininga, "Sarap," sabi niya at inilapag ang mga codal at casebooks sa lamesa. "Grabe, ang lamig ng September, 'no." Dagdag pa niya.



Tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagbabasa. Kapagkuwan ay nagsulat na ako agad. Noong mga unang taon ko, ay parang kinalkal ng manok ang sulat ko dahil natural na pangit ang handwriting ko. Akala ko magiging disadvantage ko iyon sa law school, pero nang magsimula kaming mag digest nang mag digest, ay napilitan akong magsulat palagi. Dahil doon, kalaunan ay nag-improve naman ang handwriting ko, at hindi nalang ako ang nakakaintindi sa sulat ko ngayon. Madalas na kasing hiramin ng mga blockmates ko ang mga digests ko sa tuwing may biglaang recit at hindi sila nakapag basa.



"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.



"Digests." Simpleng sagot ko kaya napangiwi siya ulit at inirapan ako.



"May klase ka pa ba niyan?" Tanong niya pa.



Umiling ako at isinulat ang title at citation ng huling case. Ngumiti siya at mabilis na inilapit ang mukha sa akin.



"Inom tayo? Rb, tara." yaya niya kaya pailalim ko siyang tinignan.



"Manahimik ka nga, may trabaho pa ako mamaya." Sabi ko kaya inismiran niya ako. Natawa naman ako sa kabiguan ng hitsura niya at mukhang babahing pa siya.



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon