Special Chapter

255K 5.5K 4.7K
                                    

Since a lot of u are asking for a special chapter, here it is. Thank you for loving my first installment of La Cuevas series! I love u guys <3

Btw sa mga naghahanap ng story ni Yana, El Nido #1: His Only Muse po.
---





6 MONTHS BEFORE THE WEDDING

Oh my God. Oh my God. Oh my God!

"Mommy! Mommy! Look, daddy's so fast! He's gonna win!" I heard Cohen's excited voice as I shut my eyes hardly. Praying that this would end, that he'd be safe.

I've always wanted to watch him compete on the track, but seeing him run his Lamborghini like a flash makes my soul almost want to come out from my own body! Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinapakinggan ang tunog ng mga tires na nagtatagisan at ang mga taong isinisigaw ang pangalan niya.

"GO ACER!!"

"SHIT ACER BILISAN MO PA!!! PLEASE BILISAN MOPA!!"

"OH MY GOD, ANG GALING!!! I LOVE YOU ACER!!"

"ACER! ACER! ACER!"

"Mommy, who's Acer?" Cohen asked while tugging my left hand. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang nakahawak naman sa bahaging dibdib ng damit ang kanang kamay ko.

"I-it's your dad, anak." I answered him, doubting if he even heard it because my voice is getting weak. Naninigas ang mga panga ko sa pagiigting ng mga ito.

Napamulat ako ng mata nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa likod.

"Excuse me.. yes, you. Thanks." Nilingon ko si Lea na nakikiraan sa hilera ng mga babaeng nakaharang. Mabilis namang tumalima ang mga ito at binigyang daan ang apat na babaeng nag-uumapaw sa dating. It was Lea and her friends.

Nang makalapit sa akin ay nanlaki ang mga mata niya at malawak na ngumiti. "Ate Celine! Hi!" She went to me and gave me a tight hug, squeezing me in between her perfect arms. Ang bango. Binati rin ako ng mga kaibigan niya. Ang gaganda nilang lahat.

Nang bumitaw siya at mapagmasdan ko ang kabuoan niya ay lalo akong namangha. Everything about her screams Chanel. From her tight dress, stilettos, bag, and accessories. I assume that even her perfume and make up is Chanel, too. She's a human Chanel.

"How is it going?" She asked me before looking at the huge screen above. Naroon makikita ang status ng mga racers at kung sino ang nangunguna kaya hindi ko na siya sinagot.

Mabilis naman siyang napangiti nang makitang nangunguna si Loren. "As always.." she murmured smiling before looking at me again. But her expression suddenly changed when she scanned my face.

"Wait, ate, are you sick? You look so pale." She commented with creased forehead and I just heaved a sigh before shooking my head.

I gave her a lazy smile to assure her that I'm fine. Ganoon na lang siguro ako ka-kabado ngayon para magmukhang may sakit. Damn, Loren. You better be safe after this.

Nagtataka man ay hindi nalang siya sumagot. Hinayaan ko silang pumuwesto sa row namin. Tumabi si Lea kay Cohen at mabilis na hinalikan sa pisngi kaya naman natulala ang anak ko at dahan-dahang napaupo sa kaniyang upoan. Napailing ako at naalalang pinagpraktisan niya talaga ang pronunciation niya para ma-impress si Lea.


"AAAAAAA LAST LAP!!"

"OMG! OMG! GO ACER!!"

"YES ACER! PASAKAY NAMAN!!"

"HEY SHUT UP!"

"BITCH?!"


Napakagat ako sa aking dila upang pigilan ang sariling lingunin sila. Bahala silang mag away diyan, sa'kin naman uuwi ang pinag-aawayan nila. Huminga ako ng malalim at itinuon nang muli ang paningin sa track.

La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon