Chapter 28

159K 4K 3.1K
                                    

"Speak."



Nakatungo ako habang nilalaro ang aking mga daliri. Damn this is so childish. Para akong pinapagalitan ng magulang ko dahil may ginawa akong kasalanan. May kasalanan nga ako sa kaniya kaya siguro ako ganito kung makatiklop.



"Celine, fucking speak—"



"Ano?" I asked. Nakatungo pa rin ako, "Anong gusto mong malaman?"



"Everything."



"Hindi ko alam kung saan magsisimula."



"You don't know? Can you fucking hear yourself right now?!"



Napaigtad ako sa gulat. Umalingawngaw sa bawat sulok ng office niya ang kaniyang galit na boses. Nakakatakot, nakaka-kaba.



"A-ano bang gusto mong malaman? M-mag tanong ka nalang tapos sasagutin ko.."



Napapikit ako, grabe, para talaga akong bata ngayon. Mas malala pa ang kaba ko ngayon kaisa sa unang trial na ipinaglaban ko. Hindi ko talaga kasi alam kung saan magsisimula. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong tanungin, pero nanatili akong nakatikom. Hindi ako naging abogado para lang tumiklop sa isang doktor?!



Bumukas ang pintuan kaya napaangat ang tingin ko roon, papasok si Dra. Iran kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin, baka magtaka siya kung anong ginagawa ko rito.



"Loren.."



"Mamaya na, Iran."



"Uh, may pag-uusapan kayo?"



"Yes, please leave us first. Susunduin na lang kita sa bahay mo."



Tila kinurot ang puso ko nang marinig iyon.. aalis sila? Susunduin siya? Dati ako ang sinusundo niya, e. Mapait akong napangiti at pinigilan ang sariling manginig at dito pa magdrama.



Tumango si Dra. Iran at ngumiti sa akin, dumiretso siya sa table niya at kinuha ang kaniyang bag at blazer bago nagpaalam na aalis na.



Nang maiwan ulit kaming dalawa ni Loren dito ay naghurumentado na naman ang puso ko. Grabe, wala na ba akong kadala-dala? Bakit wala nang pinipiling sitwasyon ang puso ko? 



"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"



Typical question. Matagal ko nang pinaghandaan ang isasagot kung sakaling dumating ang araw na itatanong niya sa akin ito. Palagi ko itong iniisip tuwing gabi bago matulog, pero ngayon ay tila nawala ang lahat ng iyon sa isip ko. Kahit anong hagilap ko sa mga salitang matagal kong pinag-isipan ay hindi ko mahanap. Wala akong masabi. Bakit nga ba?



"K-kasi.."



"Look at me."



Napapikit ako.



"Look at me."



Huminga ako ng malalim bago unti-unting nag-angat ng tingin sa kaniya. The moment our eyes met again, I felt the urge to cry. Damn.. he's so near.



Ang lapit. Ang lapit-lapit.



Matiim ang tingin niya sa akin habang ako ay siguradong paiyak na.



Kasi naman.. ang tagal ko nang pinaghandaan ito, pero wala sa mga praktis ko ang maiyak sa harapan niya. Iniwan ko siya, kaya bakit ako iiyak? Kasalanan ko, kaya bakit ako iiyak? Ako 'yung mali.. kaya bakit.. ako.. umiiyak?



La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon