Chapter 15

157K 3.9K 1.8K
                                    

Matured content ahead, read at your own risk.




Mag-aalas dose na nang makarating kami sa rockwell. Bumaba kami sa sasakiyan at dumiretso sa elevator na nasa parking.




Mula nang makababa kami sa sasakiyan ay hindi niya na binitawan ang kamay ko. Paminsan-minsan iyong humihigpit at hindi niya hinahayaang makalayo ako. As if naman tatakas pa ako, e wala na ngang atrasan ito, 'diba?




Pumasok kami sa Elevator at nang sandaling magsara ang pinto ay isinandal niya ako sa sulok at mabilis na hinalikan.




Napakapit ako sa balikat niya at mariing pumikit, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako tutulad sa mga babae niyang kung saan-saan niya nahahalikan at nahahawakan, pero heto ako ngayon at gutom na tumutugon sa halik niya!




"P-pumindot ka kaya muna-"




"Sshh," muli niyang sinakop ang labi ko.




So ano, hindi na kami aakyat sa unit niya?! Itinulak ko siya ng bahagya at umurong naman siya. Parang lasing pa siya kung makatitig sa labi ko kaya natawa ako ng bahagya. Ako na ang pumindot ng 15th floor at mabilis na napahawak sa handle nang yakapin niya ako mula sa aking likod.




Hinawi niya ang buhok ko at itinabi sa isang gilid para mahalikan niya ang batok at balikat ko.




"Are you sure about this?" He asked while trailing soft kisses on my nape. Fuck, his lips feels so hot.




Tumango ako habang nakahawak sa stainless steel wall at handle.




"Say it," utos niya, ngayon ay humahalik na siya sa shoulder blades ko. Bakit ba ang ingay ng mga halik niya? I mean pwede naman siyang humalik ng walang tunog, pero bakit rinig na rinig ko ang paglapat ng labi niya sa balat ko? Lalo tuloy akong nag-iinit!




"Oo na nga!" Iritang ani ko kaya mahina siyang natawa at iniharap ako sa kaniya para muling mahalikan.




Tinanggap ko ang labi niya at nilasap ang tamis na dulot nito. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami kaya tumigil kami at laking gulat ko nang buhatin niya ako, bridal style.




"Loren!" Tili ko at napakapit sa balikat niya. Ngumisi lamang siya at lumabas na roon. Mabilis kaming nakarating sa unit niya dahil sa malalaki niyang hakbang. Ako naman ay namangha lang sa perpekto niyang panga. At kung paano niya nai-swipe ng ganoon kabilis ang card niya ay hindi ko na alam.




Namalayan ko na lang na wala na ang suit niya at nakaupo na siya sa sofa habang nakapatong ako sa kaniya. Yakap ko ang leeg niya habang sinisipsip niya ang labi ko. Dahil naka dress ako ay patagilid ang upo ko sa hita niya. Ang mga kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko, tila ayaw akong pakawalan.




I gave him wet kisses on his cheeks while he's gasping for air, I kissed his perfect jaw, down to the side of his neck. Naramdaman kong bumigat ang paghinga niya dahil sa ginagawa ko. Hinahalikan ko ang leeg niya habang tinutunton ang mga butones ng polo niya.




Tinulungan niya akong mahubad ang polo niya kaya naging mabilis ang pag-aalis noon. Agad na lumapat ang mga palad ko sa matigas niyang dibdib habang nagdadalawang isip ako kung mamarkahan ko ba siya o hindi. Nate-tempt kasi akong sipsipin ang balat niya pero baka hindi niya iyon magustohan.




"Pwed ba?" Tanong ko at bahagyang lumayo para makita ang mukha niya. Nakapikit pala siya at inaantok na nagmulat ng mata nang magtanong ako.




La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon