Chapter 16

141K 3.9K 1.5K
                                    

"I-delete mo 'yan!" Binato ko si Loren ng unan dahil ayaw niyang burahin iyong picture na kinuha niya kanina habang tulog ako.





It was a photo of my back, as in buong likod, nakatagilid ako sa kama at walang kumot, hubo't hubad. Kita ang puwet ko!




Sinangga niya ang unan at ibinalik sa kama habang itinatago ang cellphone niya. "I shouldn't have showed you this," bulong niya sa sarili.




"What did you say?! You just took a photo of me without my consent! Let alone I was naked—"




I was shut with his sudden move. I found myself stunned in shock and parting my lips while looking at his glory. Ang malandi, bigla nalang naghubad sa harapan ko!




"Loren!" Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko at hinagilap ang isang unan para ibato sa kaniya. Nakaupo na ako ngayon sa kama niya at katatapos kolang mag-almusal. Nagbibihis ako kanina nang ipakita niya ang picture ko.




"C'mon, you can take a picture of me too. You have my consent, just to be fair."




Inalis ko ang mga kamay ko at tinignan siya ng masama. Pinilit ko pa ang mga mata ko na huwag tumingin sa baba at magkakasala ako ng todo!




"Isuot mo na nga 'yan!" Sita ko at tinalikuran siya. Masakit pa rin ang pagitan ng mga hita ko pero pinilit kong tumayo para makalayo sa kaniya.




"Why? Don't you like it? You were enjoying this last night." Muli ko siyang pinanlisikan ng mata at binato ng comforter.




"Shut up!" Kinuha ko sa tabi niya ang tray ng pagkain at mabagal na naglakad palabas ng kuwarto.




"Hey, I'm just kidding! Ako na niyan." Hinabol niya ako habang isinusuot niya ang brief at boxers niya. Inagaw niya sa akin ang tray at hindi na ako umapila.




Sabay kaming lumabas ng kuwarto at pinaupo niya ako sa sala. Nakasuot na ako ngayon ng puting t-shirt na may asul na 'One Big Fight' print at black shorts na halatang pambabae pero hindi ko alam kung kanino. Napaikot ako ng mata nang maisip na baka pag-aari ito ng isa sa mga babae niya.




Parang bigla ay gusto ko tuloy alisin at mag panty na lang dahil mahaba naman itong t-shirt. Itinack-in ko nalang ang t-shirt sa short.




Nang bumalik si Loren ay nakangiti siyang tumabi sa akin. "Hindi ako puwedeng magtagal, mag-aaral pa 'ko." Sabi ko.




Napatingin siya sa akin. "It's saturday."




"So? Baka nakakalimutan mong law student ako, at walang sabado linggo sa pagbabasa namin. Kahit holiday."




"Kaya mo na ba?"




"Malamang, hindi naman ako pilay."




"Hmm, okay, ihahatid kita."




Umiling ako. "Hindi na, kakausapin ko muna si Yana." Sabi ko.




"Oh, nandiyan siya sa unit niya."




"Alam ko."




"I'm just saying. "




"Tss. "




"Bakit ang sungit mo bigla?"




Inirapan ko siya at humalukipkip ako, "Masakit pa nga."




La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon