The Angels Voices

By IcedCoffee_99

1.1K 34 28

More

The Angels Voices
☆ Tune one :: The start
☆ Tune two : Past (part-one)
☆ Tune Three :: Past (part-two)
☆ Tune Four :: past (part-three)
☆ Tune Five :: bump beat bump!
☆ Tune Six :: goodluck
☆ Tune Seven :: ms. chakadal-mr. chanak
☆ Tune Eight :: School Festival
☆ Tune Nine :: you and my eyebags!
☆ Tune Nine :: prince chanak & sleeing chakadal
☆ Tune Ten :: Masaya ka na?
☆ Tune eleven :: same goes here.
☆ Tune Twelve :: Konsensya
☆ Tune thirteen :: Meet Forty
☆ Tune Fifteen :: No title
☆ Tune Sixteen :: Nurse for today
☆ Tune Seventeen :: practice time!
☆ Tune Eighteen :: Sweet dreams
☆ Tune Nineteen
☆ Tune Twenty : Gift Hunt
☆ Tune Twenty One : Rush Practice
☆ Tune Twenty Two : nightmare
☆ Tune Twenty Three :
☆ Tune Twenty Four : contract"
☆ Tune Twenty Five
☆ Tune Twenty Six : lollipop [Emmy-Forty]
☆ Tune Twenty Seven : New Nature
☆ Tune Twenty Eight : New Nature (2)
☆ Tune Twenty Nine
☆ Tune Thirty
☆ Tune Thirty One: i'm leaving...
☆ Tune Thirty Two : call
☆ Tune Thirty Three :Time Hop
☆ Tune Thirty Four
☆ Tune Thirty Five :: Crow
☆ Tune Thirty Six:: Japan tour
☆ Tune Thirty Seven :: Sisters
☆ Tune Thirty Eight :: Sisters (2)
☆ Tune Thirty Nine : Rival
☆ Tune Forty
☆ Tune Forty One
☆ Tune Forty Two; Truth
☆Tune Forty Three : Alexa
p☆Tune Fourty Four: Charity Work; First Kiss
☆Tune Forty Five : Project
☆ Tune Forty Six : the dance
☆Tune Forty Seven: Emotion
☆Tune Forty Eight : Training Camp
☆Tune Forty Nine : Confession A.1
☆Tune Fifty : Ran Away
☆Tune Fifty One: Found 'ya
☆ Tune Fifty Two: Raille's in a Relationship?!!!!
☆TUNE FIFTY THREE: Truth
☆TUNE FIFTY FOUR: Parents

☆ Tune Fourteen :: Lexa the new worlds amazona!

16 0 0
By IcedCoffee_99

(Ina)

Isang linggo, isang linggo na akong binabangungot ng hayop na 'yun! Hindi ako makatulog, kada pipikit ako ang nakikita ko ay ang panget niyang mukha. Kapag uuwi ako siya lagi ang bubungad, pag kakain siya lagi ang nasa harap ko. Asan ang hustisya?!

"Hoy, Chakadal."

'Yan nanaman, sabado ngauon kaya wala akong magawa ayoko namang pumunta sa part time ko dahil baka magwala lang ako doon, ayos lang naman sakanila eh.

"Chakadal!"

"Ano?!"

"Oh, ba't galit ka?, wala pa nga akong ginagawa sa'yo eh."

" Manahimik ka nalang p'wede?"

"Last week mo pa ako hindi pinapansin at kinakausap ng matino problema mo?"

"Ikaw"

"Ha?"

Takteng 'yan, ayaw kong humarap sakanya baka mamaya eh halikan pa ulit ako, kawawa naman ang labi ko.

"Tsk. Peste." 'Yun lang ang sinabi ko at nagdiretso sa kwarto, pupunta nalang pala ako sa part time ko.

Kaysa naman nandito ako na minonolestiya ng hayop na 'yun. Baka nga sa utak niya eh, hinuhubaran na ako.

Konsensya: 'wag madumi ang utak Ina

Dali-dali akong nag bihis at umalis hindi naman niya ako pinansin mabuti naman. Naglakad ako papuntang Jep-O house medyo malapit naman eh kaya ayos lang.

Naabutan ko doon si Tyche na nakatingin sa mesa at parang malungkot? Walang masyadong costumer, at halos sila naka tingin sa direksyon ni Tyche, problem?

"Eva, anong nangyari?"

Tanong ko sa isang kasamahan ko na may pag-aalala sa mukha.

"Si Tyche kasi..."

"kasi?"

"kasi ano..." napakamot pa siya sa ulo.

"kasi????"

"Kasi ano...ganito...uhmmm paano ba."

"Eva pag 'di mo pa sinabi sasabunutan na kita!"

"Oo na nga diba?! Tsss... 'Yung isang VIP costumer nagreklamo kanina na natapunan ang coat niya ng coffee tapos ayun pinahiya niya si Tyche mula kanina pa ilang oras na nga siya doon eh. Ay ayan na 'yung lalake."

Napatingin ako sa tinutukoy ni Eva.

"Pffft." Ang...ang pangit niya!! Kung hindi lang seryoso ang mood dito baka kanina pa ako tumawa.

"Ina, anyare sa'yo?"

"wa--pfft--wala"

"Kung 'yung tinatawanan mo ay 'yung lalakeng mataba mali ka, hindi siya 'yun."

Napaseryoso ako ng mukha, hindi siya?! WTF akala ko pa naman. -3-

"'Yun oh, 'yung lalakeng puti ang tux."

Tinignan ko ang tinuturo niya, oo nga siya nga nasa harap siya ni Tyche. Maputi naman at kung titignan ng mabuti ay gwapo.

"So ano na? Babayaran mo ba ang coat ko o hindi?"

"S-sorry po sir pero wala po akong perang pambayad, mahirap lang po ako."

Kumunot naman ang noo nung lalake. Saglit parang pamilyar 'yung lalake, saan ko nga ba siya nakita, isip Ina, isip. Hmmmm....

*kuliling*

(Sorry, hehe 'yung bell po 'yan sa may pinto 'yung nakasabit na pag may bubukas eh tutunog.)

Tumingin ako sa pintuan. Pero nagsisisi akong tumingin, bakit pa ako sinundan dito at kasama pa 'yung dalawa ang malas ko naman ngayon.

"Ina?"

"Yeah?"

"Gaga kang babae ka, ba't andito ka?"

" Part time."

"Ba't 'di namin alam."

"Sinabi ko pero hindi kayo nakinig."

"Sinungaling" Tapos binigyan niya ako ng poker face. Bastos talaga 'tong si Emmy magtatanong tapos sasabihing sinungaling ako.

"Saan si ate Kera?"  Biglang singit ni Chanak.

"Eva si ms. Madrigal?"

"Wala pa siya mamaya pa."

"Narinig mo?"  Tanong ko kay chanak.

"Oo, 'di ako bingi-- uh? Anong meron bakit may kaguluhan sa resto ni ate?"

"May natapunan po kanina ng coffee na nasa VIP."

Nakatingin lang kaming apat doon sa direksyon ni Tyche na halos mangiyak ngiyak na. 'Yung lalake dada ng dada, tinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin si Tyche.

"Hoy! Panget na naka puting tux!"  Biglang sigaw ni Lexa.

Napatingin tuloy ang lahat sakanya pati na 'yung lalake. Ang gwapo...

"Anong sabi mo?"

"Panget ka sabi ko!"

Lumapit sa amin 'yung lalake or kay Lexa lang assumer lang ako na nilapitan ako ng gwapong 'to.  Pero oo nga, ang gwapo niya. Pinagpapantasyahan ko palang pero biglang may nagharang ng mata ko, agad ko itong tinanggal at tumingin ng masama sa nagtakip, bwisit na chanak.

"Alam mo miss, sa tingin ko kailangan mo ng magpatingin sa ophthalmologist lumalabo na mata mo eh."

"FYI mister, malinaw ang mata ko at kitang kita ang ebidensya na isa kang takas sa mental, pa check-up ka na sa psychiatrist."

Tila nabwisit naman 'yung lalake kay kinulong niya si Lexa sa dalawang kamay niya.

"Alam kong gwapo ako pero 'di mo kailangang magpapansin para lang mapansin ko, wait for your turn miss, dahil 'di pa ako tapos sa isang 'yun na nagtapon sa coat ko."

Tumalikod siya at babalik na sa pwesto ni Tyche na manghang manghang nakatingin sa direksyon namin.

"Assumer.... Ang panget mo! 'Di ka gwapo! Sinungaling ang nagsabi nun o kaya naman ay bulag!"

Lumayo ako ng konti, sana 'wag munang dumating si ms. Madrigal sana next year nalang o kaya habang buhay na 'wag na siyang bumalik dahil wala na siyang maaabutan sa resto niya.

"Desperate?, desperada ka na ba na mapansin ko at pati panlalait ay ginagawa mo?"

"Hindi ako desperada sadyang mahangin ka lang, dahil lang may naitapon sa coat mo sasaktan mo na ang babaeng 'yan? Wala kang karapatang saktan siya dahil maging magulang niya hindi siya sinasaktan."

Nakaupo na ako at kumakain ng tinapay na nakuha ko sa kusina, hindi naman sila magagalit kasi para sa aming mga workers talaga ito. Para lang akong nanonood ng sine. Title ay, Lexa na new worlds amazona!.

xD

"Miss, paborito ko itong coat at tatapunan lang ng coffee."

"So? Mananakit ka na?"

"Damn! Shut up miss, baka ikaw pa ang masaktan dito."

"Let's see kung sinong masasaktan."

" 'Wag kang magtapang tapangan miss."

"I am not."

Nag smirk lang 'yung lalake  at tumalikod. Eto na ang exciting part! Katabi ko na nga si Chanak eh.

"Don't ever turn your back." -me and Lexa.

'Yun ang favorite line niya, nabasa niya 'yun sa isang manga eh at ginaya.

*Pang!*

Stainless na serving plate ang binato ni Lexa sapul sa ulo nung lalake.

"Hey! Anong problema mo?!"

" Ikaw!"

"Geez,"

"Sabing 'wag mo akong tatalikuran kung nagsasalita ako eh!"  oops...

Binato niya ang isang naka serve na cake doon. Sapul. Masarap?!

"You!!"

Akma niyang sasampalin si Lexa pero biglang...

"WHAT'S HAPPENING HERE?!!!"

Tumingin ang lahat sa pintuan, nawalan naman ako ng kulay sana lamunin na ako ng lupa. Tumingin ako kay chanak, wala na ring kulay.

"Ms. Madrigal.."

We're dead.

"All costumers  we're closed, thank you for coming." Tatayo na sana ako para makihalubilo para makalabas eh.

"Ina stay." Sabi ko nga diba.

Lahat kami naiwan sa loob pati 'yung lalake malamang hindi pinalusot ni ms. Madrigal, pati nga sariling pinsan hindi pinauwi eh.

" So walang magsasalita?"

"Ma'am ako po ang may kasalanan ng nangyari kanina, hindi ko po sinasadyang mabuhos sa coat niya ang kape."

Paliwanag ni Tyche habang naka yuko.

"Kaya kailangan niyang bayaran ang coat ko." Singit nung lalake.

"Asan ba ang nabuhusan?"

" Ito" Pinakita niya ang sleeve niya, i can't see anything.

"Asan?" -3- Tanong ko. Promise wala akong makita.

"Parehas nga kayong magkaibigan bulag!, ayan oh!" Tinuro niya ang dalawang kasing laki ng sampung pisong coin. 'Yun na 'yun? Ang liit lang naman pala eh!.

" So?"

" Kailangang bayaran 'to, it cost, 10,550."

"Sinabi bang babayaran niya? Wala naman diba, so anong pake sa cost?"

Ang mahal naman simple coat pero 10 thousant agad-agad?! Mga damit ko nga wag-wag lang eh, kahiya naman.

"Pero kailangan parin nga niyang bayaran at ikaw may babayaran ka pa sa akin!, 5000 for salon!"

"Bading ka pre?!"

" Gago!, magpapasalon ako para lang matanggal ang lagkit ng buhok ko!"

One word for him. Arte.

Tumayo naman ang katabi kong si Emmy at lumapit sa lalake.

"Emm--y"

Agad niya kasing sinuntok right to the face.

"Problema mo?!"

"Ano pa'ng sasabihin mo?! 1 Million para sa pagpapa hospital mo dahil sinapak kita?! Gago!, kung alam mo lang ang kalagayan naming lahat 'wag kang magpasikat ng pera!"

"Tsk..Poor"

Walang nagsalita sa aming lahat hanggang sa napagdesisyonan  ni ms. Madrigal na pauwiin kaming lahat sinara ang resto dahil sa nangyari kanina bukas nalang daw. Wala naman kaming magawa kaya pumunta kami sa park na tinakbuhan ko noon, na may nakalaro akong lasing. -3-

"Sana naman natauhan 'yung lalakeng 'yun."

"Sigurado 'yan" sagot ni Chanak.

"Pero kilala niyo ba 'yun?"

"Hindi,"

Nakahiga lang ako at naka tingin sa langit maaga pa hindi pa mag gagabi hapon palang pero makulimlim na ang langit ang lungkot tignan unti-unting nahaharangan ang araw.

"Papa, bakit ang sama ng clouds!  Hinaharangan niya si Sun oh!" Napalingon ako sa gawing kanan. May mag-ama.

"Hindi, hindi lang sinasadya ng clouds na harangan si sun kaya hindi bad si clouds."

Parang kanina lang, hindi sinasadya ni Tyche kaya hindi niya kasalanan.

"Sorry, pala kanina." Bigla akong napabangon at tumingin sa nagsalita 'yung lalake na naka away ni Lexa.

Ang gwapo... *twinkle twinkle*

Bigla namang naharangan ulit 'yung mata ko. Problema nito?! Si chanak ulit kasi eh.

"Sorry mo mukha mo, baka pati paghingi mo ng tawag may bayad." Inis na sagot ni Emmy. Sinaway naman siya ni Lexa.

"Hindi sinasadya nung babae kanina na matapunan ka kaya hindi niya kasalanan. Diba Ina? Parang sayo lang, 'di ka niya sinasadyang halikan kaya 'di niya kasalanan kaya wala kang karapatang magalit at magmukmuk habang buhay dahil doon. Ayos lang 'yun basta doon ka sa babae humingi ng tawad."

Minsan talaga gusto kong patayin 'yang si Lexa. Kahit ano-ano ang sinasabi eh.

"Ina hindi ibig sabihin na 'wag kang magalit sakanya eh p'wede na kayong magyakapan." Napa isip ako sa sinabi niya. Magyakapan? Tumingin ako sa balikat ko may kamay, at hawak hawak ko pa. Agad akong napabitaw ng marealize ko kung kanino 'yun.

"Manyak ka talaga!!" Ayun nasuntok  ko sa muka.

"Hoy!, Pasalamat ka nga at nakachansing ka kahit sa kamay ko lang eh!"

"'Wag kang assuming!"

"Tsss..." Tumawa lang naman 'yung tatlo doon,

"Baki?" Tanong ko sakanila.

"Nagblu-blush ka kasi."

"Ha?! Blush?! Ano 'yun? Haha 'wag nga kayong magpatawa." Sabi ko sakanila at nag fake laugh mapapatay ko talaga sila.

"Oo nalang Ina deny mo pa ang ibendensya ha."

'Di ko nalang sila pinansin at nanahimik sa may puno.

--------

:)

Continue Reading

You'll Also Like

122K 9.6K 46
မင်းကို​ပြောပြချင်တဲ့အ​ကြောင်းအရာ​တွေအတွက်အခွင့်ရှိနိုင်ပါ့မလား....
1M 56.7K 36
"လွမ်းစေသော် မင်းငါ့ကိုဘာလို့ ချစ်ငယ်လို့ခေါ်တာလဲ" "ချစ်ငယ်က ငါ့ထက်ငယ်တော့ အငယ်ပေါ့ ချစ်ငယ်လို့ခေါ်မှတော့ အခြားဘာရှိသေးလို့လဲ" "..." "ကိုကို မင်းကို...
17.2K 1.2K 40
//High School Return of a Gangster//🍃✨️ Original name - 조폭인 내가 고등학생이 되었습니다 Original Author - 호롤저자 Status : 120 chapters (completed) Translated from...
861K 128K 200
This is not my own story just for offline reading and Myanmar transalation . full crd to original uploder and english transatator.