My Baby cost 10 MILLION

By PurpleSwallow

1M 23.6K 1.5K

More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38
Chap. 39
Chap. 40
Chap. 41
Chap. 42
Chap. 43
Chap. 44
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 29

17.1K 434 57
By PurpleSwallow

Chap. 29 Kristine vs. Yheng

AN : IMAGINATION ANG KAILANGAN NATIN SA EKSENA NINA YHENG AT KRISTINE..walang edit ito..

Halos hindi makatulog si Kristine sa pag-iisip sa babaeng kasama ng kanyang asawa. Ayaw n'yang paniwalaan ang sinabi ni Marlon tungkol sa babae na s'yang surrogate mother ng anak ni Cydric.

"I don't care who the hell is she. All I want is my husband. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Pakiramdam ko parang may nililihim ang mga taong nakapaligid sa akin. At kung tama man ang kutob ko..dila lang ng babaeng 'yan ang walang latay sa akin.."

-Kristine

Kinabukasan, maagang nagising si Kristine. Halos nakalimutan n'ya ng mag-almusal. Kailangan n'yang makarating agad sa bahay ng matanda.

Pakiramdam n'ya parang may nais s'yang matuklasan. Sari-saring bagay ang naiisip n'ya.

Sa bahay ni Donya Elisa..

Paalis si Clint para sa isang appointment. Nagulat na lamang s'ya nang inabutang nasa kusina si Yheng at kasama ang ilang katulong na naghahanda ng pagkain.

"Wow, ang sarap kumain ng almusal sa umaga na kasama ka, Yheng." - Clint

"Mmmmmm..binubola mo naman ako eh."

"Gusto ko ang lahat ng bagay na ginagawa mo..Nakakainggit si Cydric."

"H'wag ka nang mainggit..MAHAL NAMAN KITA."

-Yheng

"Bakit kay Cydric wala ka bang nararamdaman?"

"Kaibigan ko si Cydric..And I love him for being so kind."

"Pasalamat na lang pala ako nito dahil nagkataong BAKLA si Cydric; kung hindi magiging karibal ko pa s'ya. Siguradong talo na ako."- Clint

Napailing si Yheng..

Samantala, dumating na ang sasakyan na lulan ni Kristine. Hindi man lang namalayan ng mga kasambahay na pinapasok na ng mga guard ang sasakyan.

Paalis na si Clint..bago s'ya umalis ay hinalikan nito si Yheng sa labi..

"Maaga akong uuwi mamaya..dahil may bagyong darating..h'wag kang matakot sa kulog at kidlat.."

"Opo."

Niyakap muli ni Clint si Yheng. Parang ayaw n'yang iwanan si Yheng.

Ligid sa kanilang kaalaman nakita lahat ni Kristine ang ginawa ni Clint kay Yheng.

Nakakubli lamang si Kristine sa isang sulok. Nanginginig ang kanyang mga kamay.

Nanatiling nakayakap si Clint at dahan dahang humiwalay kay Yheng..nang biglang..

"There you are..." - Kristine

Sabay napalingon ang dalawa sa papalapit na si Kristine. Gulat si Clint at tila hindi makakilos sa kanyang papalapit na asawa.

Palibhasa hindi kilala ni Yheng kaya napangiti s'ya sa babae; inaakalang kamag-anak lamang ni Clint ngunit..

Agad hinalikan si Clint sa labi ni Kristine..

Sa harap mismo ni Yheng..

Hindi magawang kumilos ni Yheng para s'yang tuod na kahoy sa nakita..

Hinarap s'ya ni Kristine at..

"Hi, ikaw ba ang surrogate mother ng magiging anak ni Cydric?" - Kristine

Walang lumabas na salita sa bibig ni Yheng.

Tumaas ang kilay ni Kristine. Maging si Clint at walang masabi.

"I'm Kristine Madrigallanes..Wife of Clint."

Parang biglang gumuho ang mundo ni Yheng matapos marinig ang sinabi ni Kristine..nagsimulang kinabahan si Yheng..

"Why you look pale? Are you sick? Nasaan na ba si Cydric at pinabayaan ka dito na kasama ang ASAWA ko? Tsk! Dapat nga nasa bahay lang si Clint. Perwisyo talaga 'tong si Cydric. Anyway, uuwi na kami ng asawa ko. Ciao!"

Parehong hindi alam ng dalawa kung ano ang sasabihin. Nagkatinginan lamang sila.

Hinawakan agad ni Kristine ang braso ni Clint sabay hila. Agad namang hinawakan ni Clint ang kamay ni Yheng..

Bumitaw si Yheng..

"Just go..." - Yheng

Sabay talikod ni Yheng at agad tinungo ang kanyang silid..

Naninikip ang dibdib ni Yheng sa nasaksihan..halos kinakapos s'ya sa paghinga..umiyak s'ya pakiramdam n'ya tumagos hanggang buto ang sakit na naramdaman n'ya..

"WALA AKONG ALAM...WALA AKONG ALAM...CLINT..BAKIT?!"

Sabay ang paghagulgol ni Yheng...

Agad naman pumunta si Diday sa silid ni Yheng..

"Maam Yheng..ano pong nangyayari? Bakit kayo umiiyak?"

"Manang Diday....wala ho akong alam..hindi ko po alam na may asawa si Clint..Manang!! Niloko n'ya ako...Ahhhhh!!!"

"Dios ko! Ang ibig mong sabihin nagkarelasyon kayo? Yheng, malaking gulo ito...naku, nakakatakot si Kristine..iba kung magalit 'yon..."

Hindi parin makapaniwala si Yheng sa ginawa ni Clint..

"Sabi n'ya mahal n'ya ako..sabi n'ya MAHAL N'YA AKO!!" Sigaw ni Yheng..

Niyakap s'ya ni Diday..

Sa loob ng sasakyan nina Clint..

"Clint, nasaan si Cydric bakit kasama mo ang babaeng 'yon? Anong papel mo sa babaeng 'yon?"

"Kristine, please..."

"Wala kang masagot..dahil may relasyon kayo ng babaeng 'yon?!" Singhal ni Kristine..

Nanatiling tahimik si Clint..Hinintay ni Clint na makarating sila sa pamamahay nila..Iniisip n'ya si Yheng..

"Ano Clint? Nandito na tayo sa bahay..sagutin mo ang tanong ko? May namamagitan na ba sa inyo ng babaeng 'yon?!"

Huminga ng malalim si Clint..

"Anong akala mo sa akin..hindi ko nakita ang pinaggagawa mo sa kanya kanina? Kaya pala hindi kita matawagan at hindi mo ako naalalang tawagan dahil may pinagkakaabalahan ka? O baka naman naikama mo pa ang babaeng 'yon kahit buntis na."

PAK

"Gusto mong malaman ang totoo..Oo, may relasyon kami..mahal ko s'ya..Ano masaya ka na? Ikaw ba, naisip mo ang bagay na makakapasaya sa akin? Wala di ba? INIISIP MO LANG ANG SARILI MO."

"Clint, akala ko ba maliwanag na sa atin ang lahat..akala ko ba naunawaan mo ang mga pinagsasabi ko sa 'yo..Damn! You're such an asshole!"

" Pagod na ako Kristine..Ano man ang nakita mo kanina ay totoo..ang narinig mo ngayon ay totoo rin..MAHAL KO S'YA. Sapat na ang haba ng panahon na ibinigay ko sa 'yo..ang haba ng panahon ng pag-uunawa ko sa 'yo...ang HABA NG PANAHON NA MINAHAL KITA NGUNIT SINAYANG MO!! AKO NAMAN NGAYON! AKO NAMAN!!"

Sigaw ni Clint.

"No Cllint..I'm your wife...I will fight for this.."

"No...even you will fight for it....THIS MARRIAGE IS OVER!"

Agad na niyakap ni Kristine si Clint..

"Clint, please don't give up..aayusin natin ito..." Nagsisimula nang gumaragal ang boses ni Kristine..Niyakap n'ya ng mahigpit si Clint.

"Kristine.."

"Clint, this is part of our marriage..hindi dapat tayo matatapos sa ganitong bagay..Clint give me a chance.."

Humagulgol si Kristine..

Pilit tinatanggal ni Clint ang mga kamay ng asawa..

"Clint..don't go..don't leave me...I will die..I love you."

-Kristine

Ngunit pawang walang narinig ni Clint..iniwan si Kristine..

"Saan ka pupunta? Babalikan mo ba ang babaeng 'yon?!"

"Shut up ! I have my appointment." Agad iniwan ni Clint si Kristine..

Nang makalayo si Clint..agad namang umalis din si Kristine..Tinungo nito ang bahay ni Donya Elisa..

Nagsimulang pumatak ang ulan..palakas ng palakas..kasabay din ng malalakas na kulog at kidlat..

Sa loob ng pamamahay..nanatiling umiiyak si Yheng..

Kasalukuyang nasa sala si Yheng..

"Oh, you're crying..why? Masakit ba tanggapin na isa kang KABIT.."

Nagitla si Yheng nang makita si Kristine..Hindi n'ya alam kung anong gagawin..aatras na sana s'ya dahil nakikita n'yang tila nanlilisik ang mga mata ni Kristine..huli na para umiwas si Yheng nang..

Agad s'yang hinila ni Kristine at itinulak sa sahig.. mabuti nalang at napaluhod lamang si Yheng..hindi pa man nakabangon si Yheng ay hinila na naman ni Kristine ang kanyang buhok..hinigit ito at kinaladkad s'ya papunta sa hardin na kung saan merong KOI pond..

Malakas ang ulan at umaapaw ang tubig ng koi pond..buong lakas na hinawakan ni Kristine ang batok ni Yheng at inilublob sa tubig ang mukha ni Yheng..

"Punyeta ka! Malandi ka!! ito ang bagay sa 'yo!! ummmm..."

"Ahhhh.."- Yheng

"Hindi ikaw ang babaeng papatay sa akin!! Hindi ka mapapakinabangan ni Clint..!"

Habol hininga si Yheng na makalanghap ng hangin sa bawat paglublob n'ya sa tubig. Hindi pa nakuntento si Kristine sa galit n'ya kay Yheng ay pinagkakalmot pa si Yheng at sinabunutan..hindi magawang lumaban ni Yheng, tanging nasa isip n'ya ay dapat protektahan nya ang bata sa tiyan. Halos punitin din ni Kristine ang damit ni Yheng.

Muli s'yang kinaladkad ni Kristine..dumating naman ang mga katulong..pinigilan nila si Kristine ngunit sadyang malakas ito..dumating ang mga guard at pinagtulungan nila na pigilan si Kristine..

Parang nawawala sa sarili si Kristine sa tinding galit na nararamdaman nito kay Yheng.

"Bitawan ninyo ako!"

Muling kumawala si Kristine..Muling kinaladkad si Yheng papunta sa gate..at doon buong lakas n'ya itinulak sa labas ng gate..

"D'yan ka nababagay AMBISYOSA!!"

Punit ang damit ni Yheng matapos ang lahat na sinapit n'ya kay Kristine..Kamot at galus sa kanyang mga braso at mukha ang makikita.

Mabuti nalang...nang dahil sa ingay ng mga katulong sa bahay ni Donya Elisa nagawang lumabas ang mga guard ng kompanya.

"Si Yheng!" Sigaw ng isang guard. Agad tinawag ang ilang empleyado sa loob ng opisina.

"Yheng!!!" Sigaw ni Jacky..

Napalingon si Yheng..agad tumakbo si Jacky kasama ang ilang kaibigan. Tinulungan nilang bumangon si Yheng..

Gulat man sila nang makitang buntis si Yheng ngunit kailangan nilang maipasok sa loob ng kompanya si Yheng..

Basang basa si Yheng sa ulan..

-------------------------------------

Sa loob ng kompanya natataranta ang lahat na makita si Yheng.. halos mawalan na malay si Yheng..nagawa parin n'yang sabihan si Jacky..

"Jack..si ..Cydric...please..call him..."

Pinilit ni Yheng na naisulat ang number ni Cydric..nang biglang..

"Ahhhh!!Ang tiyan ko... ang sakittt!"

Biglang may umagos ang tubig sa binti ni Yheng..

"Manganganak si Yheng!! Dali dalhin natin sa hospital.." Sigaw ni Jing..

Mabilis naman natawagan ni Jacky si Cydric..

"Cydric..si Jacky ito..si Yheng manganganak na...may nangyari yata sa bahay ng lola mo..hindi namin alam..nasaan ka ba?!"

( Nandito ako sa Airport pauwi na..Anong nangyari kay Yheng?)

Narinig ni Cydric ang pagtawag ni Yheng ng kanyang pangalan..

"Cyd!! Cyd!!"

AN : Ayan sinikap na matapos ang eksena na 'to..KUNG KAYO SI YHENG ANONG MAGING DESISYON N'YO? Comment naman kayo..tenk kyu!

Continue Reading

You'll Also Like

125K 2.2K 33
This is a collaboration between me and Aivan Reigh Vivero (@iamaivanreigh). Hope you guys like this story. :)
4.5M 83.1K 47
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Rian ran away from home. Magulo ang buhay na kinagisnan nito. One day she thought of runni...
1.4M 18.8K 49
Facing the past is the hardest thing to do. Then what if your ex back, yeah that's BIG TIME! How would she deal to the situation when he's totally ch...
243K 7.2K 63
Gabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)