Group Chat (GC SERIES #1) - c...

By Vinauxx

2.5M 100K 117K

MYSTERY | ROMANCE | PSYCHOLOGICAL THRILLER | HORROR Group Chat tells the story about a girl, Zhavie Fuentes... More

GC 1
GC 2
GC 3
GC 4
GC 5
GC 6
GC 7
GC 8
GC 9
GC 10
GC 11
GC 12
GC 13
GC 14
GC 15
GC 16
GC 17
GC 18
GC 19
GC 20
GC 21
GC 22
GC 23
GC 24
GC 25
GC 26
GC 27
GC 28
GC 29
GC 30
GC 31
GC 32
GC 33
GC 34
GC 35
GC 36
GC 37
GC 38
GC 39
GC 40
GC 41
GC 42
(ViVis) OFFICIAL GROUP CHAT
GC 43
GC 44
GC 45
GC 46
GC 47
Axiel (1st)
GC 48
GC 49
GC 50
GC 51
GC 52
GC 53
GC 55
GC 56
GC 57
GC 58
GC 59
GC 60
GC 61
GC 62
GC 63
GC 64
GC 65
GC 66
GC 67
GC 68
GC 69
GC70
GC 71
GC 72
GC SHIRTS NEW DESIGNS (ON SALE)

GC 54

34.5K 1.3K 3.2K
By Vinauxx

N O T I C E !
Please check GC53 before niyo basahin 'tong chapter 54 para hindi kayo malito. Napunta kasi sa pinaka last 'yong Chapter 53. Ewan ko kung paano nangyari, haha. Happy reading!


**

Halos maibato ko ang unan ko dahil sa inis. Alas-siyete pa lang ng umaga pero akala mo may nangyayari ng gulo dahil sa lakas nang pagkatok. Aish! Sino kayang nambubulabog ng ganitong oras? Ang sakit pa naman ng ulo ko dahil naparami ako ng inom kagabi.


"Teka lang! Punyeta!" Sigaw ko dahil sa tuloy tuloy na pagkatok.

"Good morning, friend!" nakangiting bati ni Rhea nang mabuksan ko ang pinto.

"Friend?! Friend?!! Umagang-umaga mambubulabog ka para sabihing good morning friend?!"

Natawa niyang tinapik ang balikat ko, "Umagang-umaga galit ka na. Kalma lang!" 

I rolled my eyes, "Umagang-umaga rin iniistorbo mo 'ko. Ang sakit ng ulo ko dahil sa alak."

"Hangover 'yan. Tara ikain mo lang, sabay na tayo mag-almusal sa convenience store."

"Ayoko, kulang pa ako sa tulog. Ikaw na lang, ge bye!" Isasara ko na sana ang pinto pero bigla niya itong pigilan.

"Teka teka teka! Tara na kasi! Sabay na tayo."

"Kulit mo, Rhea. Tinatamad ako," natawa na rin akong bumitaw kanya dahil sa mukha niya habang pinipilit ako.

"Libre ko. Tara na! Kahit ano." Nakangiting sabi niya.

Agad akong napatigil dahil sa narinig ko.

"Ok go! Wait lang friend maghihilamos at toothbrush lang ako. Ikaw kasi di mo sinasabi kaagad. Hindi ako tumatanggi sa libre hehe. Pasok ka muna, friend. Hehe!" Sagot ko.

"Magic word talaga iyong libre e, 'no?" pagtawa niya saka sinundan ako.

"Dito ka muna sa kwarto ko. Pasensya na kung makalat, tinatamad kasi ako maglinis. Ay! Wait, kailan ba ako sinipag? Hilamos lang ako," paalam ko.

She took a look around my room before nodding. I immediately brush my hair after exiting the bathroom. Rhea, on the other hand, sat on my bed, holding the silver necklace.

"Ang ganda naman nito, ang unique tignan. Sa iyo ba 'to? Bakit hindi mo sinusuot?"

"Hindi 'yan akin. Napulot ko lang, nahulog ng lalaking nabangga ko riyan sa baba. Malapit sa store. Ay, ewan ko nga ba kung lalaki 'yon e, not sure," sagot ko at tinitigan ang mukha ko sa salamin.

"Lalaki? Eh ba't parang pambabae naman 'tong necklace?"

"Wala. Hula ko lang, hindi nga sigurado, hehe. Pero sa tingin ko lalaki."

She nooded, still looking at the necklace, "Ano kaya itong maliit na nakalagay? Dalawang V ba na magkadikit?"

"Huh? Patingin nga," panimula ko sabay kuha ng necklace. "Gaga! Anong V na magdikit? Letter W 'yan. Tignan mong mabuti kapag binaliktad mo letter M."

"Hay nako, Zhavie! Paano naging letter W 'to? Hindi naman talaga nagdikit 'yong letter, saka anong letter M ka riyan?"

Humarap ako sa kanya, "Ang sinasabi ko kapag binaliktad 'yong W magiging letter M, try mong baliktarin 'yan."

Nakakunot ang noo niyang binaliktad 'yong necklace.

"O, 'di ba? Letter M! Hahaha!" dagdag ko.

"Paano nga magiging W o M 'yan? E, hindi nga sila magkadikit, tignan mo may space 'yong letters," pamimilit niya.

Bakit ba pinag-aawayan namin itong necklace na 'to?

"Malay mo kung nabura. Hindi naman ata bago 'yang necklace, mukhang luma na. Teka! Bakit ba natin pinag-aawayan 'yan? Alis na tayo, gutom na ako."

"Ay! Oo nga, 'no? Hahaha! Tara na nga!" sang-ayon niya at umakbay sa akin.

Ramdam ko ang lamig nang makalabas kami dahil nakasando lang ako at pajama. Hindi ko na nagawang magpalit dahil sa baba lang naman ng dorm 'tong convenience store, pero at least naghilamos, 'di ba?

"Wait lang, friend. Bibili lang ako ng puto bumbong. Ang tagal ko nang hindi nakakakain niyan, e," paalam ni Rhea.

Tumango ako at naunang pumasok sa loob ng convenience store. Pinili ko ang isang big size na cup noodles at ensaymada. Dinagdagan ko na rin ng tubig, siyempre sulitin ang libre, hehe!

Sakto namang papasok na si Rhea kaya inilapit ko ang palad ko sa kanya, pero bigla siyang napakunot ng noo at i-napiran ako.

"Ang slow mo naman, Rhea! Pera ang hinihingi ko pambayad, hindi ako nakikipag apiran sa iyo, gaga!" I laughed.

"Slow? Hiyang-hiya ako sa iyo, ah." she laughed. "Wait lang, kukuha lang ako ng akin para sabay nang bayaran."

Pumili na lang ako kung saan kami uupo habang binabayaran niya ang mga kinuha naming pagkain, pero pinalipat ako ni Rhea sa direksyon malapit sa pintuan upang makita raw namin ang view sa labas habang kumakain.

"Thanks, Rhea. Mukhang richkid ah. Daming pera, puro na lang libre, haha!"

Umiling siyang natatawa bago umupo, "Hindi ah, umaasa nga lang ako sa padala ng gago kong tatay."

"Hmm? Bakit mo ginagago? Saka padala? Nasaan ba siya?" tanong ko habang binubuksan ang ensaymada.

"Siya kasi yong dahilan kung bakit namatay si Mommy. Nasa Kuwait siya ngayon, may bago na siyang asawa. Ako lang nag-iisang anak niya kay Mommy, buti nga hindi nakakalimot na padalhan ako, e."

"Ay, ganun ba? Sorry.. natanong ko pa."

"Ayos lang, buti nga may suporta pa rin 'yon, e. Hindi ko pa naman alam kung paano ako mabubuhay lalo na't wala na 'yong buhay ko."

"Hay nako, Rhea Lexi Lambojo! Iyong ex mo nanaman? Ah, ang ibig kong sabihin, siya nanaman? Hindi mo pala ex, hehe," napakamot ako sa ulo.

Nahiya siyang tumango habang malungkot na kumakain kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Rhea Lexi Lambojo, I'm sure may darating pa na mas better sa kanya. Nasasayang lang luha mo sa kanya, e. Huwag mo na masyadong iyakan iyong taong malabo mo nang makita.

Napatigil siya sa pag-iinom ng soda, "Putek! Kailangan talaga complete name? Pft! Daig mo pa may asawa, ah. Bakit? Nagkagusto ka na ba? Nasaktan ka na ba?"

"Hahaha! Naalala ko tuloy si Axiel, tinawanan last name mo, pero hmm... oo naman nagkagusto na ako, pero hindi pa ako nasasaktan."

"Axiel? Iyong admin? Gago 'yon ah, kawawa sa akin iyon kapag na-add na ako sa GC," sabi niya sabay bigay sa akin ng puto bumbong. "Gusto mo?"

Umiling ako, "Ayos na ako sa ensaymada, hehe. Ako ay isang ensaymada lover pero walang lover, haha!"

"Paborito niya kasi 'to. Dati kapag nagpupuyat kami sa online games kahit wala pa akong tulog lalabas talaga ako ng computer shop at bibili nito," malungkot niyang tugon.

"Kailan ka ba magmo-move on? Hay nako!" Ewan ko ba, pati ako affected sa kalungkutan niya.

"I don't know. Pati nga ako naiinis kung bakit iniisip ko pa rin iyong tarantadong 'yon! Nga pala, iyong sinasabi mong na-inlove ka na pero hindi ka pa nasaktan totoo ba? Bago 'yan ah."

"Hehe, oo ang bata ko pa kasi noon. Kaya ko sinabi iyon dahil minsan na akong umiyak sa taong malabo ko nang makita," I answered.

"Huh? Bakit? Malabo rin ba kayong magkita ng ex mo? Wait, nagka-ex ka na? Weh?" nanlaki ang mata niya.

"Maka 'weh' ka naman! Bakit ito bang mukhang ito walang karapatang magka-ex?" tanong ko sabay turo sa mukha ko. "See? Ang ganda, 'di ba? Saka wala pa akong ex, first love ko lang 'yon."

"First love? Naks! Kwento mo nga, bakit mo iniyakan 'yong first love mo? Pero sa bagay, first love, e." Umayos siya ng upo at humarap sa akin.

"Ganito kasi 'yon.. lumuwas kami ng probinsya noong bata pa lang ako kasi nga namatay 'yong kapatid ni Papa kaya binisita namin dito sa lungsod. I was really stupid that time, haha. Takbo ako nang takbo, first time ko lang kasing makaalis ng probinsya, e. Hindi ako sanay sa mga matataas na building."

"Galing ka pala sa probinsya? Wait, sige continue!" aniya matapos isarado ang soda.

"So ayun na nga.. nawala ako, tapos napunta ako sa isang Childrens' Park, iyak ako nang iyak, halos mamatay na nga ako kaiiyak buti nga hindi ako namatay, pft!"

"Hmm, tapos? Huwag kang pabitin! Pero tanga ka na pala talaga since birth. Hahaha, joke!" pagbawi niya nang makitang sumimangot ako.

"8 years old pa lang ata ako, hehe. Uhuging bata pa. Tapos may batang lalaking lumapit sa akin. Mukhang ka-edad ko lang, o mas matanda sa akin. Sabi niya tumigil daw ako kaiiyak dahil nakakairita raw pakinggan, saka ang pangit ko na nga raw tapos umiiyak pa ako kaya lalo raw akong pumapangit. Ang sama niya, 'no?"

"Siya yong first love mo? Haha! Infairness bata pa pero laitero na, ah. Bakit ka naman nagkagusto sa kanya? Ang bata pa noon, pero ang harot mo na Zhavie!" tumawa siya at mahina akong hinampas sa braso.

"Wait lang kasi, haha! Edi hindi pa rin ako natigil sa pag-iyak. Ikaw ba naman mawala tapos 'di mo alam pupuntahan, 'di ba? Nakaupo ako sa grass field malapit sa palaruan, tapos bigla niya akong nilapitan, pinunas niya 'yong damit niya sa mata ko kasi nga umiiyak ako."

She giggled, laughing, "Sweet naman, sana all!"

"Sinabi mo pa! Kita ko tuloy 'yong tiyan niya. Ang bango pa ng damit niya amoy detergent tapos sabi niya swerte ko raw dahil nadampian ng damit niya 'yong mukha ko haha, bwisit!"

Natatawa na lang akong uminom ng tubig habang inaalala iyon.

Nasaan na kaya iyong lalaking 'yon?

She laughed, "Tang'na, yabang ah! O, tapos? Anong pa nangyari?"

"Tinanong niya ako kung paano ba ako mapapatigil sa pag-iyak dahil nakakairita raw talaga, tapos sabi niya magjoke na lang daw siya para mapatawa ako. E, 'yong unang joke niya korni kaya mas lalo akong naiyak, haha! Pero 'yong sumunod nakakatawa naman na kaya natawa na rin ako."

She chuckled, "Ano ba 'yong joke niya?"

Isinarado ko muna ang tubig na ininom ko bago sumagot, "Hmm, ano na nga ulit 'yon? Ah! Alam ko na, sabi niya ano raw ang ginagawa ng mga baso kapag nagkikita sila."

"Mga baso? Haha! O sige, anong ginagawa ng mga baso kapag nagkikita kita sila?"

"Edi nag bebeshoe beshoe hahahaha!" Sagot ko.

Napalakas ang tawa naming dalawa kaya pinagtinginan kami, pero mukha siyang walang pakialam, so I just kept talking.

"Edi sobrang halakhak ako nun kaya pati siya natawa na rin. At dahil sa mga ngiti at tawa niya kaya ako nagkagusto sa kaniya, hehe. Ang cute kasi, e. Sayang lang, 'di ko nalaman pangalan niya, kahit nga pangalan ko hindi ko nasabi."

"Aw. Sayang! Tapos? Anong ending?" usisa pa niya.

"Hmm, nang natigil na ako sa pag-iyak tinanong ko siya kung anong ginagawa roon kasi mag-isa lang siya. Ang sagot naman niya wala raw akong pakilam, pero napilit ko pa rin siyang sumagot."

"Ano raw rason?" she asked, chewing the food.

"Lumayas daw siya sa bahay nila dahil nag-away sila ng Dad niya, pero babalik din daw siya ng gabi kasi daw may sakit Mom niya. Ang cute niya, ano? Lalayas pero babalik din."

"Lumayas tapos babalik kapag gabi? Layasero naman pala 'yang first love mo. Anyway, nakwento ba niya sa iyo kung bakit siya naglayas?"

"Ayaw niyang sabihin, e. Tapos pala nagutom ako nun kaya inaya ko siyang kumain dahil may 50 pesos ako sa bulsa ko. E, sakto may nakita akong nag-iihaw sa labas ng park kaya bumili ako. Inaya ko pa siyang kumuha dahil ililibre ko siya, pero umayaw siya dahil weird daw iyong hitsura, pft!"

Muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ayaw pa rin niyang tanggapin alok ko kaya ininggit ko na lang siya habang kumakain ng isaw. Ayun, sumuko rin siya dahil na rin siguro sa gutom. Nagustuhan din niya 'yong isaw, hehe. After that, bumalik ulit kami sa loob ng park at nag-usap. Random topic lang pero walang personal."

"E? Hina mo naman, Zhavie," pang-aasar niya, nag-thumbs down pa.

"Natawa nga ako nang nakita ko 'yong sukli ko kasi sobra, kaya binili ko na lang ng cotton candy kasi sabi niya huwag ko na raw ibalik dahil kasalanan daw ng nagtitinda 'yon, bakit daw kasi hindi alam magbilang."

"Eh? Lakas ng tama niya, ah! Lumaki sigurong bad boy 'yon," said Rhea, laughing.

"Baka nga, pft! 8 pesos ata iyon, e. Pero alam mo ba? Sabihin ba namang bakit daw ako kumakain ng pink na bulak. Kailan pa naging pink na bulak ang cotton candy?" 

Napahawak sa tiyan si Rhea dahil sa sobrang pagtawa kaya muli akong nagsalita.

"Ayun, pinatikim ko sa kanya. Kabado pa nga ako pagkatapos nyang tumikim kasi bigla siyang namula. Allergic pala siya sa sweets."

Rhea's jaw dropped, "So anong ginawa mo?"

"Wala. Hindi ko rin alam gagawin, e. Ayun, sinigawan lang niya ako. Bakit 'di ko raw sinabing matamis, edi ang sagot ko hindi naman siya nagtanong, hehe. Tapos nang malapit na sumapit 'yong gabi.. naghiwalay na kami.

"Maghiwalay? Haha! Naging kayo ba?" pagtawa ni Rhea, nang-aasar pa.

"Hindi 'yon.. ang ibig kong sabihin babalik na raw kasi siya sa kanila. Sabi ko maiwan na ako roon sa park dahil 'di ko naman alam kung saan ako pupunta, tapos ang sagot niya bahala raw ako sa buhay ko. Akala ko nun aalis na siya pero hindi..."

"Omg! Anong ginawa niya?" kinikilig niyang tanong.

"..bigla niyang hinawakan 'yong kamay ko, may pupuntahan daw kami."

"Yieh! Saan kayo pumunta?" kinurot pa niya ang tagiliran ko sa sobrang kilig.

"Sa police station. Akala ko nga ipapakulong  niya ako dahil hindi ko binalik 'yong sobrang sukli, pero kung ganun ang nangyari pareho kaming makukulong dahil sabi niya huwag ko na raw ibalik."

"Anong pinunta niyo roon?"

"Kasi nga nawawala ako kaya sabihin ko raw para tulungan ako ng mga pulis. Bago ako pumasok sa loob nagpaalam muna siya sa akin. Ewan ko kung bakit ako naluha nun, siguro dahil feeling hindi na kami muling magkikita. Hindi ko man lang natanong 'yong pangalan niya. Inuuna ko kasi iyong harot, e."

Lesson learned, tanong muna pangalan bago harot.

She giggled, "Gaga ka! Sayang naman, edi sana nahanap mo na siya ngayon, o baka nga jowa mo na."

"Jowa agad? Pero nagpasalamat siya sa akin dahil daw sa kadaldalan ko nawala 'yong inis niya sa dad niya. Hindi raw niya ako makakalimutan dahil ako lang daw 'yong babaeng pangit na nakilala niya. Kaasar talaga siya. Pareho pa kaming blue shirt ang suot nun, e. Sabi ko parang destiny ganun. Harot ko talaga!"

"Girl! Buti alam mo, haha! Pero infairness, ha. Taga-saan daw ba siya?"

"Hindi ko nga alam, teka lang! Kinikilig pa ako. Wait! Hahaha!"

"Go, keri mo 'yan!" she whispered, giggling.

"I asked him kung naniniwala ba siya sa destiny, pero hindi daw siya maniniwala hangga't walang patunay. Sabi raw kasi ng Mom niya, lahat ng tao sa mundo ay itinakda para sa isang tao at sila na mismo ang gagawa nang paraan kung paano sila magtatagpo."

"So parang hindi tadhana ang magtatagpo sa kanila kundi ang mga sarili rin nila, tama ba, Zhavie?"

Tumango ako.

"Naks! Ang lalim siguro nang pinaghugutan niya, 'no? Talinong bata," she smiled.

"Kaya sabi niya kung kami raw talaga ang nakatadhana para sa isa't isa kami raw ang gagawa ng paraan kung paano kami muling magkikita, at kung sakaling magtagpo ulit kami in the future, ibig sabihin itinadhana nga kami."

"Hoy, pwede na gawing teleserye!" she said with excitement.

"Kaya kung swertehin at nagkita raw ulit kami, pakakasalan daw niya ako dahil doon na siya mag-uumpisang maniwala sa destiny."

"Jusko! Tama na kinililig na ako. Sana all! Sana nga magkita kayo kahit medyo malabo. Hindi mo alam pangalan niya, at kung taga-saan siya. Ang babata niyo pa noon, baka mahirapan ka nang makilala siya, syempre habang lumalaki may nagbabago pero sana nga magkita kayo at sana maalala ka niya. Sayang 'yon, Zhavie!"

I was about to respond when I was interrupted by a man sitting next to me. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil nakatalikod siya at may suot na sumbrero.

Natawa naman si Rhea nang makitang nilapag ng lalaki 'yong isang chuckie sa table. Napangiwi naman ako nang makita 'yong bandage sa palad niya.

Ano kayang nangyari sa kamay niya?

Bigla namang nilapitan ng crew ang lalaking katabi ko at sinabihan siyang tanggalin 'yong sumbrero niya, pero hindi siya pinansin nito at kinuha lang 'yong iniinom niya sabay labas ng convenience store.

"Shit! Zhavie! Sinama na ako sa GC!" sigaw ni Rhea na dahilan upang magulat ako.

"Bwisit! Akala ko kung ano na!" sambit ko.

"Hahaha! Kawawa sa akin itong 1st na 'to. Tinawanan ba niya 'yong last name ko? Nga pala, mababait ba sila rito?" 

Talaga? Sinama na siya sa GC? Hindi pa ako nagdedesisyon, ah. Ano kayang trip ng Axiel na 'yon?

"Iyong iba lang, mamaya ka muna mag-chat, sabay na tayo. Ubusin ko lang 'to. Anyway, iyong mga ugali ng members uhm... si 11th 'yong lalaking korni at laging nagjo-joke. Si 1st 'yong pinaglihi sa yelo dahil ang sungit at sobrang cold."

Umiling naman siyang natatawa at sumipsip sa iniinom kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.

"Si 6th.. attitude 'yon, haha! Si 10th mahangin pero mabait din naman. Si 2nd medyo okay naman ugali niya medyo weird lang, and parang curious lagi sa mga ibang bagay."

"Parang malilito ata ako ah, buti kabisado mo na kung sino sila."

"Oo sa nicknames, madali lang namang tandaan. Si 13th medyo okay din kaso naalala ko pa rin 'yong ginawa niya sa aso niya. Si 21st exchange member 'yan ni 15th. Basta iyong iba medyo okay naman ugali, weird lang."

"Hindi ko naman sinabing i-explain mo lahat, pft! Salamat!"

"Ah, may nakalimutan pala ako 'yong laging offline na isa ring bwisit."

"Sino?" she raised a brow.

"Si 3rd."

"Ah, 22nd 'yong nickname ko, pwede na ba akong magchat?"

"Okay, teka. Kunin ko lang phone ko," sagot ko.

-σκοτώνω-

4th: Newbie nanaman?

7th: Shit. May nagleave nanaman ba? Exchange member ba siya?

4th: 7th, di ko nga alam e kagigising ko lang.

Zhavie: 7th, new member hehe.

22nd: Good morning! Newbie here. Obvious naman.

9th: Hi 22nd.

21st: Hi newbie! :)

11th: 22nd, Lambojo yung last name mo? Kaano ano mo yung si Mojojojo ng power puff girls?

22nd: Ah yung unggoy do'n? Tinatanong mo ba ako kung kaano ano kita? Hahahahahahaha.

10th: boom!

Zhavie: Apply cold water to the...

Zhavie: Hindi ko na alam sunod. Haha!

1st: to the burned area, idiot.

20th: Gandang bungad ah! Idiot kaagad.

11th: 22nd, ahhhh magkadugo pala tayo? Edi unggoy ka rin? XD

22nd: Oo. Ako magandang unggoy. Pero ikaw pangit na unggoy.

13th: Morning. Jwu!

11th: Hahaha sige pagbigyan! At dahil newbie ka bibinyagan kita ng jokes ko.

1st: Not again, 11th -_-

20th: Bakit nong newbie ako rito 'di mo ako binyagan ng jokes mo, 11th. Daya! :(

1st: Why? Gusto mo ba magpabinyag?

10th: Gusto ata haha!

11th: Selos ka naman agad 20th ko hehehe. Ik4w langszxc shapat nua.

22nd: di ako nainform may jejemon pala dito tangina.

21st: Hahahahaha! Bagay kayo, 11th and 20th.

20th: Ew. Plastic please!

2nd: Anong gagawin mo sa plastik, 20th? Hahaha!

20th: Susuka ako dahil sa sinabi ni 21st.

22nd: Nasa'n na yung joke mo 11th?

11th: otw pa lang traffic daw kasi hahaha!

11th: Joke haha! Ito na nga.

11th: Ano ang paboritong tinapay ng buwan?

22nd: Ano?

11th: Edi MOONay hahahaha!

10th: Corny bro.

11th: tumawa ka hoy 22nd. newbie ka pa lang dito ako oldie na at ako ang pinakagwapo dito kaya tumawa ka.

22nd: Totoo ngang corny siya, 20th.

11th: Hoy! Pinagkalat mo ba?
Fake news ka masyado 20th, ha. Hindi na kita bati! Sa labas ng gate ka matutulog mamaya.

20th: 11th, kahit sa kalsada na ako matulog wag lang sa tabi mo. Ok na ako.

1st: Tsk. Why so corny, 11th?

11th: Aba admin! Ikaw nga magjoke kung di ka corny? Hahaha.

13th: Hinahamon ka 1st oh.

20th: Isa rin namang corny yan si 1st. Wag niyo na pag joke-in parang awa niyo na umagang umaga.

1st: 20th, are you sure?

22nd: Ang sama mo friend! Haha.

7th: naks friend daw! Magkakilala sila.

22nd: O sige tutal naghahamon 'yung isa at may gustong patunayan 'yung isa, mag joke na lang kayo both haha!

11th: Sige tara, para malaman na kung sino ba talaga ang corny! At kung sino ba talaga ang magaling magjoke.

7th: Ikaw agad sa corny.

22nd: magbibigay na lang ako ng isang word tapos kayo na bahala gumawa ng joke gamit yun.

1st: K.

11th: Use it in a sentence ba?

22nd: kayo nga bahala ang bobo mo.

1st: Drop the word 22nd. dami mong sinasabi!

20th: edi madumi na kung drinop niya haha! charing!

22nd: Shoe yung word.

20th: Lah? Hahahaha!

1st: shoe?

11th: ^ bobo haha.

11th: sapatos yun, admin.

1st: I know. Ge, una ka 11th.

11th: Sure haha. Ikaw na sumagot 22nd.

11th: Anong shoe ang masarap kainin.

22nd: Ano.

11th: Edi. Shoemai! Hahahahaha!

20th: Hahahahaha pwede ring shoepao!

13th: HAHAHAHAHAHA! corny

20th: Pero LT hahaha bet! Hahaha.

11th: ^ i bet you too hehe.

1st: Tsk. Ok, my turn.

10th: kinakabahan ako. Ewan ko kung anong magiging reaksyon ko.

1st: 22nd, Anong shoe ang pinang-iinom?

22nd: Ano.

1st: Edi, bashoe.

2nd: Hahahahahahahaha.

11th: benta yan ah haha! Natawa ako.

10th: Hahahahahaha. Ok ka lang 1st?

20th: Ay bet ko din yan hahaha.

11th: Oh ako na. Anong shoe ang nagmumura?

22nd: Ano.

11th: Edi. Is-shoe-pid! Hahahaha! Nakakatawa diba. Hahahaha!

10th: Shoetangina mo, 11th. HAHAHA.

4th: pota haha!

1st: Send corns. Ok, its my turn again.

20th: ^ nagsalita ang hindi corny

1st: Shut up, 20th!

20th: Paki mo ba anong gagawin mo kung di ako tumahimik!!!!

1st: Hahalikan

1st: Ipapahalik kita sa leon*

20th: Pano ba yan? Ako yung leon rawr! Sino hahalikan ko.

11th: Ako, willing ako magpalapa sa'yo. I mean, magpahalik hehehehehehehe.

10th: mamaya na yang landian.

4th: Sabihin mo na joke mo admin. Tagal! Hahaha.

1st: Anong shoe ang palabas ng mga sasakyan?

22nd: Ano.

1st: Edi carshoe.

7th: Hahahahahahahahahaha. Tama na mamamatay na ako.

11th: Oh, guys. Sino mas magaling mag joke?

22nd: Gawa na lang ako ng poll. Bumoto nalang lahat ng online hahahaha!


Poll
Question: Sinong mas magaling mag joke?

Option1: Axiel Axiel

Option2: Vince Vince

22nd chose Vince Vince

10th chose Axiel Axiel

4th chose Axiel Axiel

13th chose Vince Vince

7th chose Axiel Axiel

21st chose Vince Vince

2nd chose Axiel Axiel

22nd: sino pang di bumoboto?

13th: 9th and 20th. 11th and 1st

10th: Hindi boboto sila 11th and 1st. Kaya si 9th and 20th lang.

11th: Be honest sa sagot ah!

9th chose Vince Vince

9th: Si 20th na lang.

11th: Thanks 9th! Hahaha.

20th: Di ko alam kung sino iboboto.

22nd: Kahit sino na.

20th: K.

20th choose Axiel Axiel

1st: Oh tnx. Hindi na kita ipapahalik sa leon, 20th.

Author's Note:
Add me on Facebook for more updates and announcement~ FB: Vinassy Park

Continue Reading

You'll Also Like

135K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
2.4M 85K 47
Book 2 of Mysterious Nerds meets Campus Royalties. ----- A battle for faith. A war for peace. A fight for love. The battle gr...
17.1K 1.4K 34
Cursed Stories #1 | A lie will cause harm, so is the truth. *** A novelette. "Rain, rain, go away. Come again another day." There's a curse in Lorrai...
40K 1.7K 26
Mysterious Trilogy #1 [COMPLETED] -Ang kahapon ay hindi kailanma'y matutuldukan, hangga't ito'y hindi pa tuluyang natatapos.- Felix, Oira, Usef, Rose...