Group Chat (GC SERIES #1) - c...

By Vinauxx

2.5M 99.2K 115K

MYSTERY | ROMANCE | PSYCHOLOGICAL THRILLER | HORROR Group Chat tells the story about a girl, Zhavie Fuentes... More

GC 1
GC 2
GC 3
GC 4
GC 5
GC 6
GC 7
GC 8
GC 9
GC 10
GC 11
GC 12
GC 13
GC 14
GC 15
GC 16
GC 17
GC 18
GC 19
GC 20
GC 21
GC 22
GC 23
GC 24
GC 25
GC 26
GC 27
GC 28
GC 29
GC 30
GC 31
GC 32
GC 33
GC 34
GC 35
GC 36
GC 37
GC 38
GC 39
GC 40
GC 41
GC 42
(ViVis) OFFICIAL GROUP CHAT
GC 43
GC 44
GC 45
GC 46
GC 47
Axiel (1st)
GC 48
GC 49
GC 51
GC 52
GC 54
GC 55
GC 56
GC 57
GC 58
GC 59
GC 60
GC 61
GC 62
GC 63
GC 64
GC 65
GC 66
GC 67
GC 68
GC 69
GC70
GC 71
GC SHIRTS NEW DESIGNS (ON SALE)
GC 53 (CHAPTER 53)

GC 50

27.3K 1.2K 3.7K
By Vinauxx

ZHAVIE

Shall I stay? Would it be a sin?

Napakanta na lang ako habang nakasakay sa napakakupad na bus na 'to. Papunta ako ngayon kina Aeron pero pakiramdam ko aabutin pa ako ng isang araw bago makarating doon.

Pwede bang maging si The Flash na lang 'tong bus?

Hindi ko namalayang ubos na pala ang mani na kinakain ko kaya pasimple kong itinapon ito sa bintana dahil hindi ko abot 'yong basurahan. Alangan ako pa mag-adjust, 'di ba? Char!

Napapikit na lang ako at kinuha ang phone sa bag. Puro scroll down lang ang ginawa ko sa dahil wala naman akong ka-chat. Hanggang sa mapagdesisyonan kong makipagchismisan muna sa GC upang malibang ako. 

May silbi din naman pala itong GC kahit papaano.

-σκοτώνω-

21st: Ilang taon ang pinakabata dito?

4th: 17.

Zhavie: Goodmorning po.

13th: Ang galang haha. Good morning, 20th.

3rd: Morning.

9th: Goodmorning.

10th: Oh 3rd! Nabuhay ka.

3rd: Of course. Di pa naman ako patay.

2nd: Hi 3rd. Lagi ka na lang wala. Nagleave na si 15th tapos may exchange member si 21st.

3rd: Oh.

6th: Miss you 3rd.

Zhavie: Nagbreak fast na kayo guys?

21st: Yeah. Hi 20th!!

Zhavie: Hello. :)

11th: Hi dito na pogi.

3rd: Lol.

3rd: Ang alam ko kasi, kanina pa ako nandito, 11th. Lol.

Zhavie: Wow! Ano raw?

2nd: Lakas ng hangin!!!

11th: Bro! Sige pagbibigyan kita hehe.

3rd: Bro?

11th: Edi sis kung ayaw mo. Ba't lagi ka na lang wala 3rd?

3rd: What do you mean?

21st: Hello 3rd.

3rd: Hello, 21st.

10th: Tayo lang online?

11th: Guys may joke ako pampaganda ng umaga haha.

Zhavie: Wag na. Baka hindi gumanda at lalo lang masira.

11th: ikaw lang naman yung di maganda haha

Zhavie: Ha ha.

2nd: Sige ano 'yung joke mo.

11th: Knock knock

4th: Who's there?

2nd: Who's there

11th: Farm ville.

2nd: Farmville who

11th: Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Farmville-ang kong sampo nakatago na kayo. (may accent yung taya)

11th: oo alam ko corny wag niyo na ipamukha sakin.

Zhavie: Corny mo pota haha.

11th: Kakasabi lang eh. :(

3rd: Eh bat ka nagmumura, 20th?

Zhavie: Kasi hindi naman ako minamahal.

Zhavie: Charing HAHAHA

8th: Hugot.

3rd: Edi mahalin kita.

3rd: Jk.

3rd: Haha

Zhavie: Tatawa na ba ako?

11th: Tangina naman oh.

11th: Pati ba naman ikaw 3rd nakiki agaw.

3rd: Huh?

16th: Ang bagal magdrive ng lecheng driver na to. Sarap iuntog yung ulo.

2nd: San ba punta mo?

16th: Aeron.

Zhavie: Pupunta ka kila Aeron? See you hehe.

Zhavie: Btw, ang bagal din ng sinasakyan ko hehe.

11th: Sml?

3rd: Ha? Sml?

Zhavie: ano yun?

4th: Ano ba yung sml?

Zhavie: Iba naiisip ko haha.

11th: Ayeih kasi naiisip mo ako?

11th: Joke hehe.

8th: kapal talaga ng mukha nitong si 11th.

2nd: sinabi mo pa hahahahahaha

16th: HAHAHAHAHAHA

11th: sml 8th?

3rd: Ang sasaya niyo ah.

Zhavie: Di ka kasi makarelate.

Zhavie: Ay teka. Ba't pala kita kinakausap.

Zhavie: Diba sabi mo wag kita kausapin. Asar! Ba't ba kita kinausap grr!

3rd: ask yourself.

Zhavie: Oo gago. Kausap ko sarili ko.

6th: Wag mag-u? Kelan niya sinabi sayo?

13th: Ayieh nag-uusap sila ng patago.

Zhavie: Tsk. Last na 'tong pakikipag-usap ko sa'yo 3rd. Di na kita kakausapin. Marunong akong sumunod sa utos.

3rd: k. edi wag.

3rd: your choice.

Zhavie: Ay talaga! Ge. Off na ako. Malapit na ako kila Aeron. Bye.

2nd: Bye 20th.

Zhavie: Di ba kayo pupunta?

4th: Tignan ko kung makapunta ako.

2nd: Hindi eh.

11th: Pupunta siguro.

8th: Siguro yung iba pupunta.

6th: Haha. Anong gagawin ba kay Aeron? Ba't kailangan pa siyang puntahan? Para patayin ulit?

16th: Double kill haha.

11th: Botcha na tawag don kapag na double kill haha.

Zhavie: pinagtatawanan niyo pa talaga tsk. Off na nga ako.

Zhavie: Hintayin niyo kapag kayo yung namatay tatawanan ko din kayo.

9th: Sure why not haha.

16th: 20th, paano kapag ikaw yung unang namatay?

Zhavie: Edi ako ang tawanan niyo. Ge bye.

11th: Pangatlong bye mo na yan hehehehe.

Zhavie: Pake mo?

11th: lab u hehe

3rd: 20th

Zhavie: Oh? Anong sasabihin mo?

Zhavie: Dali! Mag o-off data na ako.

3rd: Ingat ka.

**

Padabog kong ibinalik ang hawak kong phone dahil sa inis. Gagawin pa talagang kalokohan 'yong patay? Tss! Hindi na sila naawa kay Aeron!

Sa wakas, nakababa na rin ako kaya pumasok kaagad ako kung saan pinaglalamayan si Aeron habang hawak ang binili kong bulaklak. Sobra daming tao sa loob kaya dumiretso kaagad sa kabaong niya. Ewan ko tuloy kung kaya ko siyang tignan sa kalagayan niya.

Napalunok na lang ako matapos siyang makita lalo na't ito ang unang beses. Kahit may makeup, medyo halata pa rin ang mga pasa sa ibang parte ng leeg niya dahil sa pagsakal gamit ang dog chain.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya, pogi pala talaga siya lalo na sa personal. Sayang! Mukhang bagay pa naman kami. 

Charot!

Pasimple kong pinunasan ang luha ko dahil ayokong makita ako ng ibang tao na umiiyak. Napakarami rin kasing estudyante rito sa loob, siguro ay mga kaklase ni Aeron.

Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang bigla akong madulas dahil sa isang bottled water na nasa sahig. Akala ko ako na ang susunod na paglalamayan dahil muntik nang mabagok ang ulo ko, pero hindi natuloy iyon dahil biglang may anghel na sumalo sa akin.

Poging anghel!

Saglit akong napatingin sa mga mata niya habang hawak niya ang bewang ko dahil sa bigla niyang pagsalo. Jusko! Kung ganito ba naman ang sasalo sa akin ready akong madulas any time!

He was wearing a black hoodie jacket at ang bango niya, huhu. Alam kong pogi siya kahit saglit lang akong tumingin sa kaniya dahil sa hiya.

"Miss, wala ka bang balak umayos? Nangangawit na 'tong kamay ko, tss."

Uwaaahhh! Pati boses niya ang pogi feeling ko malalaglag ata yung panty ko. Ano bang nasuot kung panty ngayon? Baka yung may maluwag na garter? Wag naman sana. Pero hihi. Ok lang kahit mahulog 'tong panty ko basta siya ang sasalo bwahaha!

"Tss, can you hear me? Are you deaf?" umayos kaagad ako sa pagtayo matapos marinig iyon. Mukha kasing shunga iyong posisyon ko kanina. Naka-bend talaga katawan ko at hawak niya.

"Shuri po kuya hihi." Kinikilig na sabi ko tsaka napatakip ng bibig.

"Tss. You're so clumsy. Pati nananahimik na bottled water inapakan mo." Aniya.

"Clumsy? Hehe. Diba artista yun?" Pagtawa ko.

"Huh?" he raised a brow.

"Artista yun haha! Si clumsy si Derek Clumsy (Ramsy) hahaha!" Pagtawa ko ng malakas. Napahinto naman kaagad ako dahil nakabusangot na ang mukha niya habang tinitignan ako.

"Ah, hehe corny ba?" dagdag ko.

"Yeah," he nodded, smirking. "Buti alam mong corny ka. Next time be careful, okay?"

"Be careful din, with my heart hihihi. Oy wait lan----" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumalikod at naglakad. Nawala na kaagad siya sa paningin ko dahil sa sobrang dami ng tao. Sino kaya yun? Baka siya na yung forever ko hehehehe.

Sayang, hindi ko nakita 'yong buong hitsura niya, but one thing for sure, ang gwapo niya!

Umupo muna ako sa gilid matapos pumili nang makakain. Mayaman ang pamilya nila Aeron kaya hindi na ako magtataka kung bakit sosyal ang mga nakahaing pagkain, akala mo tuloy kung may buffet. Kulang na lang pati kape maging Starbucks dahil sa sobrang yaman. 

Marami akong narinig na kuwento tungkol kay sa kanya, ewan ko kung papaniwalaan ko ba iyon dahil ang iba ay hindi magandang pakinggan sa tainga.

Binilisan ko na ang pag-kain dahil pakiramdam ko may mga matatalim na matang sikretong pinagmamasdan ako. Gusto ko pa sanang makita ang parents ni Aeron ngunit mukhang wala sila rito kaya napagdesisyonan ko nang umuwi.

Bubuksan ko na sana ang pintuan palabas pero bigla akong nakatanggap ng isang chat galing sa isa pang taong kinabubwisitan ko. 10% na lang ang baterya ng phone ko kaya agad kong tinignan ang message niya.

Alex Alex sent you a message

Alex Alex
Hey.

Alex Alex
Zhavie.

Zhavie Fuentes
Why? Akala ko ba ayaw mong nag-uusap tayo? Ba't ngayon kinakausap mo ako?

√Seen5:13pm

Zhavie Fuentes
Wow seen. Dalian mo lowbat na phone ko.

Zhavie Fuentes
Hoy!

Alex Alex
Nevermind.

Zhavie:
Wala kang kwentang kausap.

Alex Alex
I know.

Alex Alex
Bye.

Alex Alex
Miss clumsy.

Zhavie Fuentes
ha????

Zhavie Fuentes
Tanga. Zhavie ang name ko. Anong miss clumsy ka diyan.

√Seen5:14pm

Zhavie Fuentes
Clumsy Fuentes lang ganern?

ZhavieFuentes
Ang magseseen pangit!

√Seen5:15pm

Zhavie Fuentes
hahahaha pangit!

Alex Alex went offline

Author's Note:
If you love reading or watching BL STORIES feel free to visit and read my first rom-com bl story here on Wattpad.

Title: Chanted Hearts (BL SERIES #1)

Continue Reading

You'll Also Like

6.3M 245K 49
|COMPLETED| Despite coming from a non-magical family, Snow Brielle Sylveria still yearns to become one of the gifted. When the opportunity to attend...
140K 4.6K 13
Second Installment: http://www.wattpad.com/24389763-cifer-lead-me-to-hell-my-guardian-is-fresh-from#.UiDDMdJmidk
80K 1.4K 6
Ang akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang...
Chained Memories By arsi

General Fiction

1.7K 106 33
Tierra Esperanza 1 Hera Lastimosa de Huestas was living her life peacefully with only her brother, her bestfriend, and to add her annoying bodyguard...