Best Friends

By L-3-X-1-E

74.2K 854 192

Lexie and Jake Love Story - (A whirlwind romance of two people who started out as bestfriends.) This is my fi... More

1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40

5

2.4K 33 3
By L-3-X-1-E

Lexie

Awtomatikong umangat ang mga kamay ko sa mga balikat ni Jake nang makita kong parang pagod na pagod sya.

Kahit hindi sya nagsasabi sakin ay alam kong may dinadala sya.

Hinilot ko ang balikat nya at napatingin naman sya sakin.

May nakita akong lungkot sa mga mata nya. Hindi ako sanay na malungkot sya. Masayahing tao ito.

Lumipat ang kamay ko sa batok nya at hinilot yun. Napapikit sya at huminga ng malalim na para bang gumaan ang pakiramdam.

Napatingin ako sa mga labi nyang medyo naka-awang. Hindi ko maintindihan kung ano itong kakaibang nararamdaman ko sakanya.

Naamoy ko ang pabango nya na sinalihan pa ng mabango nyang hininga at ang amoy ng beer sa hininga nya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin, pero parang kusang kumilos ang kamay ko para hawakan ang baba nya at iharap sya sakin.

Unti unti syang dumilat at nasa mata ang pagtataka pero may lungkot parin akong nakikita.

Sa hindi ko maipalawag na dahilan, gusto kong pawiin ang lungkot na yun. Dahilan para ilapit ko ang mukha ko sakanya at halikan ang mga mata nya.

Napigil naman nya ang knyang paghinga at napapikit.

Nakapikit parin sya nang mag angat ako ng mukha. Napatingin ako sa labi nya at hindi ko napigilang haplusin iyon.

Narinig ko ang paglunok nya nang maramdaman ang daliri ko sa mga labi nya.

Nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa daliri kong humaplos doon ay hindi ko na napigilang halikan sya.

Napaawang ang mga bibig nya. Hindi ko alam kung para tanggapin ang halik ko o dahil sa pagkagulat. Pero dahil sa ginawa nyang iyon ay mas lalo akong nadala ng nararamdaman ko.

Kinulong ko sa mga palad ko ang mukha nya at kinagat ko ang ibabang labi nya.

Napaungol sya ng mahina kasabay ng paglalim ng paghinga nya.

Hindi ko alam kung saan ako natutong humalik pero parang kusang gumagalaw ang mga labi ko.

First kiss ko ito at hindi ko akalain na ako pa ang unang humalik sa lalaki.

Nang marinig ko ang munting ungol nya ay napahawak ako sa batok nya at medyo idiniin ko pa ang labi ko sa labi nya.

Muli syang napaungol nang marahan kong sipsipin ang ibabang labi nya. Na parang nag udyok sakanya para hapitin ang bewang ko.

Ako naman ang napa ungol na lalo namang nagpa init sakanya.

Naramdaman ko ang dila nya na parang gustong makapasok sa bibig ko.

Kusa namang bumukas ang bibig ko at tinanggap ang dila nya na tila may hinahanap. Sinalubong ng dila ko ang dila nya nang bigla nyang sipsipin iyon.

Napatigil kami sa ginagawa namin nang tumunog ang cellphone nya.

Napaungol sya na para bang nagrereklamo dahil sa istorbo.

Natauhan naman ako. Nahihiyang lumayo sa katawan nya.

Inayos ko ang buhok ko at tumayo ako para iligpit ang mga bote. Para narin makaiwas ako sa tingin nya.

Hinawakan nya ang kamay ko para pigilin sa paghawak sa bote. Napatingin ako sakanya at mataman syang nakatitig sakin na para bang nalilito.

Muli akong umupo bago nagsalita.

"I... I'm sorry..." Mahinang sabi ko sakanya sabay yuko.

"Sorry? Para saan?" Nakatitig pa rin nyang tanong sakin.

"Sa... Sa ginawa ko... H-hindi ko alam kung b-bakit ko nagawa yun." Nauutal kong sabi sakanya.

"Bakit nga ba?" Nalilito pa ring tanong nya.

Lalo naman akong namula.

"Look at me," masuyong sabi nya sakin. Umiling lang ako.

"Pag di mo ako tinignan, ako naman ang hahalik sayo." Pananakot nya.

Pagtingin ko sakanya ay nangingiti na sya dahil sa nakikitang pamumula ko.

"Hindi kita pipilitin kung hindi mo pa alam ang sagot sa tanong ko kung bakit mo ginawa yun." Nakangiting sabi nya sabay pisil sa baba ko. "Pero ako... May gusto akong sabihin sayo."

Napatingin ako sakanya, tingin na nagtatanong.

Bumuntong hininga sya bago nagpatuloy.

"Potz, naalala mo yung sinasabi kong kaibigan ni Drew?" Tanong nya na tinanguan ko lang.

"Ako yun. Ako yung may bestfriend na mahal na mahal ko. Ako yung natatakot na baka mawala sakin ang bestfriend ko pag nalaman nya ang nararamdaman ko." Seryosong sabi nya. "Ako yun potz... At naalala mo ung sinabi kong isang beses palang ako nainlove? Ikaw yun potz... Mahal na mahal kita. Matagal na, mga bata palang tayo... Kaya walang tumatagal na babae sakin ay dahil kahit anong gawin ko, ikaw parin talaga. Ikaw lang talaga..."

Napakurap ako sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

Pero nagulat din ako sa narealize ko. Na mahal ko din pala sya.

Hindi ko alam kung kailan nag umpisa, basta ang alam ko mahal ko sya.

Akala ko naiinis lang ako sa mga nagiging gf nya dahil maarte ang mga ito, pero hindi pala. Naiinis pala ako dahil nagseselos ako.

Akala ko umiiwas ako sakanya pag may gf sya dahil ayokong maka istorbo sakanila, pero hindi pala. Umiiwas pala ako dahil ayokong nakikita syang may kasamang iba.

Bakit ngayon ko lang narealize lahat ng ito?

Kaya pala ganun nalang ang lungkot ko nang makita ko sya kaninang malungkot.

Kaya pala gusto kong pawiin ang lungkot na yun dahil gusto ko lagi lang syang masaya.

Kaya pala hinalikan ko sya dahil hindi ko na napigil ang nararamdaman ko.

Kaya pala....

"Potz," pukaw sakin ni Jake. "Galit ka ba?"

Umiling ako at bumukas ang bibig ko para sumagot pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Talaga? Hindi ka galit?" Tanong nya ulit.

Tumikhim muna ako at sinikap kong magsalita.

"H-hindi... N-nagulat lang ako." Sabi ko sakanya.

"Sorry kung nabigla kita." Sabi nya sakin. "Hindi naman kita pipiliting suklian yung pagmamahal ko, gusto ko lang talagang malaman mo na."

"Hindi," umiiling kong sabi. "Oo, nabigla ako.. pero mas nagulat ako sa mga realizations ko na sabay sabay kong napagtanto."

"Tulad ng??" Takang tanong nya.

"Na.... Na mahal din pala kita... Na hindi pala totoong di ako boto sa mga nililigawan mo dahil maarte sila. Ang totoo pala, hindi ako boto kasi ayokong mag gf ka... Na hindi pala totoong ayokong makaistorbo sainyo ng gf mo kaya hindi ako nagpapakita sayo kapag may gf ka. Ang totoo pala, ayaw lang kitang makitang masaya sa iba..." Napa nganga sya sa mga sinabi ko at nagpatuloy lang ako.

"H-hindi ko alam kung kailan pa kita minahal.... Basta sigurado akong mahal kita. At yung sagot sa tanong mo kanina? Kung bakit kita hinalikan? Dahil hindi ko na napigil ang nararamdaman ko. So siguro matagal ko nang tinatago yun kaya umapaw na kanina." Mahabang sabi ko.

Akma syang magsasalita pero pinutol ko yun at muli akong nagsalita.

"At yung sinabi ko kanina na sorry? Binabawi ko na... I'm not sorry at all. Dahil gusto ko yung ginawa ko..." Pagtatapos ko.

"I-ibig mo bang sabihin, mahal mo din ako??" Hindi parin makapaniwalang tanong nya.

"Sa haba ng sinabi ko, hindi mo narinig yung part na mahal din kita?" Nakairap kong sagot sakanya.

Natawa naman sya.

"So, mahal kita, mahal mo din ako... Ibig bang sabihin nyan tayo na???" Excited na tanong nya. Wala na ang lungkot na kanikanina lng ay nasa mata nya.

"Hmmm.." Ginalaw galaw ko ang labi kong nakatikom at kunwari ay nag iisip.

Bigla naman nya akong hinalikan.

"Don't do that again. You make me want to kiss you pag ginagawa mo yun." Mahinang sabi nya. "Kung alam mo lang kung gaano karaming beses kong pinigilan ang sarili ko na halikan ka."

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Tapos ikaw, ganun ganun lang ninakaw mo na ang first kiss ko." Pagbibiro pa nito.

Natawa naman ako. Sabay hampas sa braso nya.

"First kiss ka jan," nakalabi kong sagot. "Dami mo na nga naging gf eh."

"Oo marami na. But trust me, wala akong hinalikan sakanila." Masuyong sabi nya sabay halik sa noo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
23.3K 295 11
SIX SISTERS SERIES #1
2.4M 109K 43
SIS (Social Issue Series) #2: Stereotyping Piercing, Tattoo, Dyed Hair. Usual indications of a badass. Kapag babae ka at meron ka nito ay malamang fu...
353K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...