The Angels Voices

Por IcedCoffee_99

1.1K 34 28

Más

The Angels Voices
☆ Tune one :: The start
☆ Tune two : Past (part-one)
☆ Tune Three :: Past (part-two)
☆ Tune Four :: past (part-three)
☆ Tune Five :: bump beat bump!
☆ Tune Six :: goodluck
☆ Tune Seven :: ms. chakadal-mr. chanak
☆ Tune Eight :: School Festival
☆ Tune Nine :: you and my eyebags!
☆ Tune Nine :: prince chanak & sleeing chakadal
☆ Tune Ten :: Masaya ka na?
☆ Tune eleven :: same goes here.
☆ Tune thirteen :: Meet Forty
☆ Tune Fourteen :: Lexa the new worlds amazona!
☆ Tune Fifteen :: No title
☆ Tune Sixteen :: Nurse for today
☆ Tune Seventeen :: practice time!
☆ Tune Eighteen :: Sweet dreams
☆ Tune Nineteen
☆ Tune Twenty : Gift Hunt
☆ Tune Twenty One : Rush Practice
☆ Tune Twenty Two : nightmare
☆ Tune Twenty Three :
☆ Tune Twenty Four : contract"
☆ Tune Twenty Five
☆ Tune Twenty Six : lollipop [Emmy-Forty]
☆ Tune Twenty Seven : New Nature
☆ Tune Twenty Eight : New Nature (2)
☆ Tune Twenty Nine
☆ Tune Thirty
☆ Tune Thirty One: i'm leaving...
☆ Tune Thirty Two : call
☆ Tune Thirty Three :Time Hop
☆ Tune Thirty Four
☆ Tune Thirty Five :: Crow
☆ Tune Thirty Six:: Japan tour
☆ Tune Thirty Seven :: Sisters
☆ Tune Thirty Eight :: Sisters (2)
☆ Tune Thirty Nine : Rival
☆ Tune Forty
☆ Tune Forty One
☆ Tune Forty Two; Truth
☆Tune Forty Three : Alexa
p☆Tune Fourty Four: Charity Work; First Kiss
☆Tune Forty Five : Project
☆ Tune Forty Six : the dance
☆Tune Forty Seven: Emotion
☆Tune Forty Eight : Training Camp
☆Tune Forty Nine : Confession A.1
☆Tune Fifty : Ran Away
☆Tune Fifty One: Found 'ya
☆ Tune Fifty Two: Raille's in a Relationship?!!!!
☆TUNE FIFTY THREE: Truth
☆TUNE FIFTY FOUR: Parents

☆ Tune Twelve :: Konsensya

20 0 0
Por IcedCoffee_99

(shaina)

Nakakainis ngayong araw. Bakit? Simple.

Unang-una, nag-aalaga ako ng may sakit na chanak.

Pangalawa, absent ako ngayon sayang ang grade at attendance ko.

Pangatlo, kanina pa ako kinukulit nitong hinayupak na 'to!  Kung wala lang 'tong sakit baka kanina ko pa 'to tinodas!

"Pakuha ako nun." Paki usap niya.

"May kamay ka naman diba? Bakit hindi mo kunin?" May sarkastiko kong sagot sakanya.

"Masakit katawan ko kaya pwede paki kuha nalang?"

"Tapos 'yang bunganga mo na kanina pa dada ng dada hindi masakit? Sipain kaya kita."

"Subuk-subukan mo si ninong ang magpaparusa sayo tandaan mo kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito."

Tsss...

"Kasalanan ko ba? Eh makapag sabi ka ng 'same goes here' sipa-sipain kita eh, at 'yung kaibigan mong 'yun buti nga at gano'n lang ang inabot niya eh, pagtripan daw ba kasi ang libro na hiniram ni Emmy."

Oo, lumala at nagkapasa-pasa sa katawan si chanak dahil kay Emmy, pati 'yung kaibigan niya puro pasa din kaya 'di sila pumasok pasalamat nga sila at 'yan lang naabot nila eh.

"Kasalanan ko ba'ng amazona 'yung si Emmy?"

"Tsss.." 'Yun lang ang sagot ko at nagbasa na ng libro. Walang magawa dito, hindi ko naman 'to p'wedeng iwan dahil sa peste n'yang sakit.

"Oy, gutom na ako." Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay alam niya naman siguro na wala akong talent sa pagluluto diba?

"Dali na magluto ka na, gutom na ako~"

Shunga! Kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtype pero naalala ko wala nga pala akong load. Kasalanan ko ba?! Eh wala rin naman kasing matinong ka-text.

"Ano ginagawa mo sa phone mo?" Bigla niyang sabi.

"Kinakain ko, bakit gusto mo rin?"

"No thanks, mas gusto ko pang kumain ng chocolate kaysa sa cellphone. Dali na magluto ka na!!"

Takte naman.

"Hindi ako marunong"

"What?!!! Paano ako mabubuhay kasama ang nilalang na kagaya mo!"

Ouch ha..Ouch!

" Kung ikaw kaya ang bumangon at magluto eh noh?" Tsaka ko siya inirapan.

"Tsk, alam mo bang magluto ng hotdog? Itlog?"

'may hotdog ka naman bakit hindi 'yun ang lutuin mo?'

Shunginerns na konsensya 'yan! Ang lantod at manyak ng isip. Pag pasensyahan.

"Hindi"

Napasapo naman siya sa muka niya.

"Asang lupalop ka ba ng mundo nagmula?"

"Sa planetang tinatawag na Earth, kung 'di mo alam ang lugar na 'yun. Balik ka sa grade one"

Sarkastiko kong sagot, eh obvious naman kasi ang sagot eh, magtatanong pa.

"Tsk."

Kinuha niya 'yung phone niya at nagdial.

" Lexa! Umuwi ka nga muna...ha!.... Ano ba 'yan, mamatay na ako sa gutom. .... Aba itong walang kwenta niyong kaibigan hindi marunong magluto... Tsk, sige sige, itext mo sakanya ang gagawin niya para makapag luto na siya gutom na ako"

'Yun lang tapos binabaan niya. Ang bastos nito ha.

*bzzzzt*

[magluto ka ng  tatlong itlog nalang.

Una, ilagay mo sa isang bowl ang itlog bitakin mo ha! Ibasura mo ang egg shells 'wag mong isama. Haluin mo tapos lagyan mo ng konting asin. Magpainit ka ng mantika sa kawali, pag uminit na tsaka mo ilagay ang itlog. 'Yun lang hintayin mong maluto.

PS: 'wag mong patayin si chanak paki usap lang.]

So mamatay tao na ako gano'n?

Pumunta ako sa kusina at ginawa ang sinabi ni Lexa. Asin...asin.. asan ka ba!

Tumingin ako sa sulok, ayun. May asin dun, kumuha ako ng table spoon at kumuha ng konti, tsaka hinalo.

Susunod, magpainit daw ng mantika ginawa ko naman hinintay ko hanggang sa uminit tsaka ko nilagay ang itlog, patalsik-talsik pa nga eh masakit sa kamay!

Medto umiitim na sa gilid kaya binaliktad ko na, ayun nahati sa dalawa. ayos lang 'yan.

Hinintay kong maluto tsaka ko nilagay sa plate.

Pumunta ako sa kwarto niya.

"Oh, chanak kain ka na dun" sabi ko tinignan niya lang ako ng masama. Ano nanaman?!

"Kunin mo, dito ako kakain."  Utos niya, inirapan ko siya at bumalik sa kusina kumuha ng natirang kanin kanina at 'yung itlog.

Bumalik ako sa kwarto niya at nilapag ang pagkain sa harap niya tinitigan niya lang ito.

"Ano 'to?"

"Pagkain, bulag ka na ba ngayon?"

"Tsk, pagkain nga ba 'to?"

"Ay! Paglulutuin mo ako tapos 'di mo kakainin sapak sapakin kita gustp mo?! Kainin mo nalang 'yan"

Inirapan niya ako at sumubo ng isa, nung una parang alanganin pa ang muka niya, tapos biglang unti-unting kumunot. Alam ko panget ang lasa dahil sunog na, at parang binagyo kasi hiwa-hiwalay na.

"Anong sinabi ni Lexa na ilagay mo?"

"Asin, bakit?"

"Sigurado ka?. Tikman mo" 

Kumuha siya ng itlog at pinakain sa akin.

"Diba maalat ang asin? Bakit ang tamis naman"

"Alin ba ang kinuha mo?"

"Asin nga! Patunayan ko pa eh" sabi ko at nagpunta sa kusina para kunin ang asin.

"Ito oh!" Hinaral ko sakanya nanlaki naman ang mata niya.

"Bobo ka ba talaga?! Asukal 'yan Asan ang taste buds mo?"

Asukal? Binuksan ko 'yun at tinikman matamis nga.

"Bakit kasi parehas na puti ang asukal at asin kasalanan ko?"

"Eh tanga ka kasi eh!"

Kinuha ko 'yung plato at sinapak ko sakanya ayun, nasa muka na niya ang pagkain. Aba, hindi porket may sakit siya pwede niya na akong mura-murain. Bigla naman siyang bumagsak sa kama.

Shet! patay na ba?!

Paano ba malaman kung buhay pa? Kasalan ng itlog 'yun kung hindi siya pumunta sa muka nitong nilalang na 'to edi sana hindi siya nawalan ng hininga.

"Shet!! Ano gagawin ko?!"

*ding dong*

Napatingin ako sa pinto. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba o hindi. Baka si sir Mat 'yan lagot pa ako. Pero baka sila Emmy rin 'yun eh, baka matulungan pa nila ako.

"Hoy! Ina! Aning ginagawa niyo jan?!"

Sabi ko nga sila Emmy dali-dali ko silang pinagbuksan at pinapasok nilock dinaganan at lahat-lahat na 'yung pinto para walang pumasok.

"Anong nangyari?"

Agad na tanong ni Lexa hinila ko sila sa kwarto.

"Hala! Ano ginawa mo?!"

" Eh kasi 'yung itlog natripan niyang lumanding sa muka niya ayun"

"Hala ka! Patay na siya!" Biglang sigaw ni Lexa. Nataranta naman ako, nyet lang?! 

"Kabaong ! Sementeryo! Dali maghanda na kailangang maitago ang katawan niyan"

Bigla naman akong binatukan ni Emmy.

"Shunga 'di pa 'yan patay!"

"eh--"

*ding dong*

"Hala si sir mat 'yan"

Dali dali nilang pinagbuksan at pinapasok sa kwarto.

" KN kum--- Hala?! Bakit 'yan?! " sigaw niya dali-dali siyang lumapit. At tinanggal ang plato na andun parin pati 'yung itlog.

Naiiyak na ako.

Isa akong criminal, nakapatay ako!

Ano ka ba sabi nga ni Emmy hindi pa siya patay.

Kahit na.

Pero sana nga patay na.

Shungang konsensya 'yan. Hilingin daw bang patayin ko ang chanak na 'yan.

"Bakit may itlog dito?" Biglang tanong ni Sir Mat.

" Sir, nagluto po si Ina kanina kasi wala kami, tapos nalagyan niya po ng asukal"

" a-asukal?"

Bigla namang namutla si sir.

"Opo"

"Ilang minuto na siyang nakatulog?"

"Mga hindi pa lalagpas na limang minuto--"

"Bakit ang ingay?!" Biglang sigaw ni chanak. Naka kunot ang noo niya at nakatingin sa akin ng diretso.  Katakot! Hindi na siya chanak, halimaw na siya.

"Oh ninong! P'wede umalis ka sa pagkakadagan sa akin?"

"o-ok..."  Lumayo naman si sir at pumunta sa sulok anong problema?

"Lexa at Emmy dito kayo sa tabi ko"

Utos ni sir tumabo naman sila kay sir lalapit sana ako eh.

"Diyan ka lang Ina"

Sigaw ni sir. Waaa.... Tinataboy na nila ako!

Nag-usap lang silang tatlo sa sulok at 'yung mata ng dalawa ayun lumaki. Nagpaalam na si sir at umalis hindi niya daw kaya si KN.

" hoy! Ikaw bobong babae!" Sigaw ni chanak.

"Gago! May pangalan ako!"

"Anong pake ko?"

Tumayo siya at lumapit sa akin, akala ko ba may sakit siya bakit parang ang lakas niya na ngayon. At iba ang ugali niya.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nakatingin lang ako sakanya naka kunot ang noo niya, 'yung mga matang iyon kakaiba nakakatakot.

Nakalapit na siya sa akin sobrang lapit. Sinandal niya ako sa pader.

"H-hoy anong ginagawa mo?" Tanong ko at tinulak siya pero tinulak ulit ako sa pader ngayon hinawakan niya ang balikat ko. At biglang....

HINALIKAN NIYA AKO.

Matagal, ang bagal ng oras, 'yung puso ko nagwawala na. Ilang minutong nagkadikit ang labi namin. Tapos bigla siyang nawalan ng malay ayun bumagsak sa lapag ako naka tulala lang.

F*CK!!! !  Ang first kiss ko wala na!

buti nga siya eh kaysa naman sa iba.

Ay ! Utak, lubayan mo ako!

'Di ko napansin na naka lapit na pala sa akin sila Emmy ag hinawakan ang balikat ko.

"Ayos ka lang?"

Tumango ako at umalis sa kwarto. Tinatawag nila ako pero 'di ko sila pinansin nagdiretso ako sa roof top.

Anong nangyari?

Walang nangyari diba?

Ang first kiss ko... T^T

Dapat sa taong pakakasalanan ko lang iyon eh. Napunta naman sa isang chanak.

------------

[ salamat sa mga nagbasa :) ]

:) love lots

---OLS

Seguir leyendo

También te gustarán

405K 22.6K 41
"ပိုင်ဆိုင်ချင်သောရပ်ဝန်းတစ်ခုအား ပိုင်ဆိုင်ရပါစေ" ၏ Season 2 ဖြစ်ပါသည်။ 18th Creation Start : 9 February 2023 "ပိုင္ဆိုင္ခ်င္ေသာရပ္ဝန္းတစ္ခုအား ပို...
487K 19.5K 18
uni ဦးနဲ့သာဆိုနောင်နောင်ကအပျော်ရဆုံးပါဦးရယ် နောင်လင်းသန့်# ကလေးမင်းလေးကိုကိုယ်လက်ထပ်ရတဲ့ကြောင်းအရင်းကမင်းအဖေကိုလက်စားခြေချင်လို့..မင်းကိုအသုံးချပြီ...
881K 108K 181
Story is available in both unicode and zawgi.This is not my own creation. I'm just having fun translation. I give full credit to original author and...
394K 31.9K 42
လွတ်လပ်ရေးခေတ်ဦး ၁၉၅၀နှစ်ပိုင်းလောက်က အပြေးနည်းပြနဲ့ အပြေးအားကစားသမားလေးတို့အကြောင်း (Own Creation) လြတ္လပ္ေရးေခတ္ဦး ၁၉၅၀ႏွစ္ပိုင္းေလာက္က နည္းျပနဲ႔ အ...