Kiss and Run

By ItsariahS

178K 12.6K 4.5K

Maria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister fina... More

Disclaimer
Dedication
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Special Chapter
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXIV pt. II
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLV
Chapter XLVI
Wakas
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLVIX
The Final Chapter
Author's Note
Maria Natalia Dimalanta | Natnat
Eiveren James Cross | EC | Eren
Fluffy 😽 Cuddly
FAQs
SPECIAL CHAPTER

Chapter XLIV

1.8K 146 96
By ItsariahS

NATALIA

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Eiveren sa'kin, kahit hindi ko man siya lingunin ay alam kong nagpipigil siya ng ngiti.

"Ayoko na," usal ko habang sinusuklay ang magulo kong buhok. Maya-maya'y naramdaman ko ang pag-akbay niya sa'kin upang maalalayan ako sa paghakbang, bahagya pa kasing umiikot ang paningin ko"Uwi na tayo," yaya ko. Dito ko na tuluyang narinig ang mahina niyang pagtawa. "What?" naiinsulto kong wika at huminto. "Halos humiwalay na sa'kin ang kaluluwa ko dahil do'n 'no!" katwiran ko habang tinuturo ang direksyon ng isang extreme ride na sinubukan namin ngayon-ngayon lang.

"Why do I feel that you're blaming me?" biglang naging blanko ang ekspresyon niya. "You asked for it."

"Ugh," I huffed and resume on walking. "Mukha kasi silang nagi-enjoy kaya gusto ko ring subukan," mukmok ko. "Tsaka paano kung biglang nasira 'yon at na-stuck tayo sa pinakatuktok?" problemado kong sabi.

"We have high maintenance here," pagtatanggol niya sa kanyang amusement park. Pinili ko na lamang hindi sumagot at pinagpatuloy ang lakad habang bitbit ang malaking teddy bear na napalanunan niya kanina para sa'kin. Sandali pa'y malakas na umihip ang hangin kaya nawala sa ayos ang suot kong headband na may design na tainga ng pusa. Sandali akong huminto upang ayusin 'to bago pinagpatuloy ang paglakad.

Dalawa ang binili ko nito, isa sa akin at ang isa ay para kay Eiveren, ngunit katulad ng inaasahan ay hindi siya pumayag. I know this is made for girls but can a Maria Natalia hope? I saw guys doing it para lang mapasaya ang girlfriend nila. But then again...he's not my boyfriend. Ultimo nga ang muling pagsabi ng Natalialalabsko ay pinagkakait na niya sa kabila ng ilang beses kong pagpupumilit sa kanya.

Sana kasi kung magsasabi siya ng endearment namin sa isa't-isa—yes, that's our official endearment—ay bigyan muna niya 'ko ng abiso para mai-record ko ang boses niya. Alam kong 'di mangyayari 'yon. Hmpf.

Masungit na nga, madamot pa.

Sa paglalakad din namin kanina ay napag-alaman kong pinagawa niya ang amusement park na 'to para kay Annalisse. "I promise to bring her in a park but never happened since she..." he trailed. Died. I remember him said. Halos maluha ako kanina nang binahagi niya 'to ngunit pinigilan ko ang sarili, sa halip ay hinila ko na lang siya papunta sa isang skill game na malapit sa'min, pilit na winili ang sarili at pansamantalang winaglit sa isipan ang nakaraan.

Ang dami naming nasubukang laro at rides at ang pinakahuli nga ay ang isa sa mga extreme na meron sila. Tower na may nakakabit na upuan na napo-protektahan ng seatbelt at matibay na railing upang makapitan ng rider. Dito ay unti-unti kang iaangat sa ere...at kapag nasa pinakatuktok ka na ay bibilis ang pagbaba niya niya, pakiramdam ko'y pinagtaksilan ako ng naturang ride at itinulak sa pinakamataas na gusali sa mundo. Sa sobrang bilis ng pagbaba nito pakiramdam ko'y literal na humiwalay ang kaluluwa ko sa'king katawan.

Hindi ko na rin na-appreciate pa ang view mula sa taas dala ng matinding takot. Alam kong tawang-tawa na si Eiveren sa tabi ko kanina ngunit hindi ko na siya inantala pa. Abalang-abala ako sa mataimtim na pagdarasal at mahigpit na pagkapit sa railing sa tuwing pabilis nang pabilis ang pagtaas at pagbaba ng naturang ride.

Ilang beses pa 'kong napasigaw ng, "animal, lechekaeiverencross, huhu, Lordie," at higit sa lahat ay ang sustain na, "maaam-maaaa!" Hindi ko alam pero mas lalo siyang natatawa sa tuwing tinitili ko 'yon. Ilang minuto lang naman ang itinagal ng ride ngunit pakiramdam ko'y isang oras akong nabilanggo roon.

That's also probably the longest moment I heard Eiveren laughing. Heck, I should be thrilled but I felt the opposite. It is really not amusing at all since he is laughing at my expense! How could he love seeing me miserable?

Leche talaga huhu.

Inayos kong muli ang aking headband at niyakap ang stuff toy na kasing laki ko. Natatanaw ko na ang kotse niya nang mapansin kong hindi na siya nakasunod sa akin. Lumingon ako sa direksyong tinahak ko at nilibot ang aking paningin, hinahanap siya. Where is he? Kamot-kamot ang aking ulo ay muli akong humarap upang ipagpatuloy ang pagpunta sa kotse ngunit isang malaking rainbow cotton candy ang humarang sa paningin ko.

It's him.

"What are you doing?" Tanong ko't humakbang palayo upang makita siya, ngunit mas lalo lamang niyang itinago ang kanyang mukha sa likod ng matamis na pagkain na 'to.

"Smile," bagot niyang utos.

"Why would I have to?" Nagtataka kong wika.

"Just smile," iritable niyang tugon bago ibinaba ang cotton candy.

"Ohmygod." Mabilis kong tinakpan ang aking bibig. "You look..." gusto ko sana siyang purihin ngunit bigo ako. Ang ngiting hinihingi niya sa'kin ay nahantong sa paghalakhak.

He is wearing the kitty headband I gave to him!

"I know I look ridiculous," pag-amin niya, mas lalong naging blanko ang ekspresyon.

Hindi na 'ko makahinga nang maayos dahil sa katatawa. Oh, Lordie he is so cute! Inirolyo niya ang kanyang mga mata sa'kin, kumurot ng cotton candy at isinubo 'yon habang bagot na bagot akong pinagmamasdang tumawa, mukhang tahimik niyang hinihintay kung kailan ako hihinto.

"Do you want some?" alok niya. I didn't answer since I'm busy snapping photos of him on my phone, he didn't even try stopping me. He seems not to mind at all and I'm grateful for it. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to. "I can't finish this alone, you know," he added, but then again, I ignore him and took ten successive photos of us instead, hindi pa 'ko nakontento at dumagdag pa ng lima.

I made seven different wacky poses and eight pa-cute poses.

Eiveren's expression remains impassive thoroughout the shoot.

"How cooperative," komento ko, mangiyak-ngiyak pa rin sa katatawa. "I'm definitely gonna frame this," I decided, smiling widely.

God, he looks ridiculous and mine.

Then I suddenly remember Ms. Eloise's words, he would do anything just to make you happy. My laughter instantly subsided and was replaced by a genuine smile.

"What?" He asked, wondering.

"I love you, Eiveren Cross," I whispered.

Nahinto siya sa pagsubo ng kanyang cotton candy, kitang-kita ko ang paglunok niya, waring kinakabahan siya. Kinakabahan dahil alam kong hindi niya kayang gantihan ang tatlong salitang 'to. I know I won't receive any vocal response to these three words but his actions are telling me that my love for him is not unrequited after all.

He loves me too.

And this realization has me floating with this unexplainable cloud of euphoria. I heard a small thud on the ground when I let go of the toy from my grip. I throw my arms around him and burrowed my face on the crook of his neck. "I love you so much," I mumbled in between of my sobs.

"Please don't cry," he asked in a calm way but I know he is getting anxious.

"Sorry," humiwalay ako sa kanya't pinunasan ang aking luha. Ngumiti ako ng malawak sa kanya. "Masaya lang," paliwanag ko.

Tumango siya sandali't kinuha ang kamay ko. Akala ko ay gusto niyang magkahawak ang kamay namin habang naglalakad patungo sa kanyang kotse ngunit binigay lang pala niya sa'kin ang cotton candy at iniwan na 'ko!

Seriously?! Minsan talaga panira siya ng moment eh!

"Hey!" naiinis kong tawag sa kanya habang nahihirapan sa pagdampot ng teddy bear gamit ang isa kong malayang kamay. "Ang hilig mo talagang mang-iwan, ano?!" Singhal ko sa kanya habang hinahabol siya.

Ang dami na lang nangyari sa'ming dalawa pero hindi pa rin niya makuhang magpaka-gentleman?! Tanggap ko na ring hindi niya 'ko pagbubuksan ng kotse ngunit sa gulat ko'y binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inalalayan ako sa pagpasok dito.

"Oh," tanging bulong ko sa hangin. Inilagay ko ang malaking teddy bear sa backseat at sinimulang lantakan ang cotton candy habang pinagmamasdan siyang naglalagay ng seatbelt sa akin. Higit pa sa pagka-gentleman ang ginagawa niya. He is invading my personal place. But who am I to protest? We already did more. I offered him a pinch of the sweet candy which he gladly accepted. To my surprise, he slightly tongues my fingertips while his dangerous eyes are glued to mine. I fidgeted on my seat and snatch my hand away from him.

I hide my face behind the huge candy.

I heard his deep, titillating chuckle.

Ugh, why everything about him is too...sensual?!

Tinitigan ko ang daliri kong naging biktima ng bibig niya at pasimpleng nilasahan 'to. Matamis, parang gusto ko p-Ugh, ang kadiri ko na! Leche talaga 'to si Eiveren, kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko!

Muli akong napalundag sa kinauupuan ko nang makaupo na siya sa driver's seat at sinara ang kotse. Pasimple akong umusog palayo sa kanya. Kinakabahan ako. Dapat nga'y masanay na ako pero hindi ko mapagkatiwalaan ang sarili ko kay Eiveren. Pakiramdam ko kasi'y pagtataksilan ako ng isip, puso at katawan ko anuman sa oras na 'to.

"Relax," usal niya habang inaalis sa pagkakaparada ang kotse. "May mga bata." Namilog ang mga mata ko sa kahihiyan at sinimulan siyang hampas-hampasin. Ang bastos talaga! "We can do it slow though," he murmured like he is having second thoughts. "No one will notice," he shrugs.

Then he stops the car and gazes yearningly at me.

That's it. Hinawakan ko ang bukasan ng pinto upang hindi na marinig pa ang kamanyakan niya ngunit napagtanto kong naka-lock na pala ito.

Great. Just great.

"Why in a rush, Kisstealer?" he asked playfully.

"Nawiwiwi ako," lame kong katwiran at muling sinubukang buksan ang pinto.

"Just a taste," he drawls in urgency. My breath automatically hitches when he finally move close, granting me slow, penetrating kisses.

A rush of excitement travels around my belly and my eyelids became too heavy. I throw the spun sugar somewhere in this car and allow myself to be lost in the ecstasy of his lips traveling underneath me.

Yes, he tastes better than the cotton candy.

"May mga bata," I reminded in a way of stopping him but my eager-responding kisses are, of course, telling him the opposite.

Great. Just great.

***

Kumportable na akong nakasuot ng damit pantulog ko, inaabala na lamang ang sarili sa pagsuklay ng aking buhok dito sa loob ng CR. I am doing my usual habit of combing my hair with a hundred strokes before going to sleep.

Yes, I am back at Dimalanta's residence.

Yes, I am back in my room.

Yes, I am going to sleep. Alone.

I have no reason to watch Eiveren again since he's fine already. Ayoko rin namang magsinungaling kay papa. Lumipad ang tingin ko sa kisame, "Sorry na, 'ma," bulong ko rin kay mama.

Alam kong nakalagpas na ako sa isandaan ngunit pinagpatuloy ko ang pagsusuklay at pagkausap kay mama. "If Eiveren wants to see me again, he will find a way, right? Like what I always did." My shoulders sag. "I don't want to get my hopes up."

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin, partikular na sa labi ko at muli na namang napausal nang mataimtim na patawad 'ma dahil sa ginawa namin ni Eiveren kaninang hapon.

We ended up almost half-naked inside his car when a stranger knocks at the window. I remember how my cheeks burn in humiliation that I want to hide under his shirt. Good thing that his car is tinted or I might gonna faint with embarrassment. I remember Eiveren uttered curses against my lips before freeing me. He rolls my t-shirt down to cover my stomach and wear his shirt in a flash.

Shit. When did he removed his shirt? Or did I just do that?! Ohgod.

I fish my phone in my bag and pretend that I'm engrossed scrolling at my Facebook's news feed. My heart is beating wild when he rolled down the window. From the corner of my eye, I saw a guy, looking pissed, asking Eiveren to move his car properly on the side.

Right. We are about to leave when he seduced me!

"We are leaving," tugon lamang niya sa lalalaki at muling tinaas ang bintana. Hindi man lang siya nag-abalang humingi nang tawad sa naabala naming estranghero kaya inilabas ko na lamang aking ulo upang isigaw ang sinsero kong patawad sa kanya.

"You told me just a taste," akusa ko pagbalik sa loob.

"As if it's enough," tugon niya kinalaunan. Sinapak ko siya nang malakas sa kanyang braso. "Ouch!" Hinimas niya ito gamit ang kaliwang kamay, habang ang kanan ay nakahawak sa manibela. "You shouldn't hang out with your sister," naiinis niya pang dugtong.

"Well, I should be," kontra ko. "You're becoming dangerous for me."

I think I hit a nerve because the atmosphere abruptly changes. For a moment, he didn't dare to speak. Maybe he thought I didn't notice since he conceals this with his wicked smile and say, "My touch is dangerous for you a lady like you, Natalia. It can steal your innocence."

My innocence. I repeated on my head. Funny, he already did.

But why did he reacted that way?

A loud crash snaps me out with the earlier events, bringing me back to the recent. Tinigil ko ang pagsuklay at mabilis na humayo palabas ng banyo. Dito'y huling-huli ko si Eiveren na inaayos ang natumbang plastic na upuan at malakas na pinitik si Fluffy pababa ng aking kama.

"Eiveren!" mariin kong tawag sa kanya, naiinis at gustong maglunsad ng rebolusyon dahil sa panlalapastangan niya sa pusa ko.

Agad siyang napaharap sa'kin. "What?" pa-inosente niyang tugon at itinago ang masasama niyang daliri sa paningin ko.

"You evil!" I stomp my feet towards my feline and cradle her in my arms. I throw him a speculating glance but didn't utter any single word. He attempts to bridge the distance between us but I step backward, protecting my beast away from his. I gaze down at Fluffy who is slightly struggling to get out of my overprotectiveness. "You poor, little one," I cooed, hugging her carefully.

"This is crazy," Eiveren can only whisper to himself, slightly amused and disappointed.

"You're crazy," pagtatama ko. "Whatever the cat has done to you?"

"Stealing your attention? Like, right now?" He muttered in disbelief, regarding Fluffy with his reprimanding gaze.

"What? As if I can lift you, Eiveren," di-makapaniwalang sambit ko rin sa kanya at mas lalong prinotektahan ang pusa sa bisig ko.

"It's not a problem at all when I can lift you," unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "I just did, remember," he uttered suggestively and attempt to move closer to me again.

"No," lumayo akong muli sa kanya, "hindi ka pa nga nagso-sorry sa kanya, eh!" Eiveren murmured curses under his breath, he always did that when he's disappointed and unsated, I notice.

Umupo ako sa sofa ko't tinakpan ang tainga ni Fluffy. This feline is forever young to me at bawal makarinig ng bad words katulad ng pagiging bad ng daliri ni Eiveren. Kung makapitik kasi 'tong CEO na 'to 'kala mo kinalmot siya ng pusa ko. Echusero rin talaga minsan.

"Fine," he said, putting his palms on the both sides of his hips. "I'm sorry," mabilis at insinsero niyang sambit.

"Napipilitan," komento ko.

"I. Am. Sorry," nagtitimpi niyang ulit.

"Galit na," komento kong muli.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumapit at lumuhod sa harap namin ni Fluffy, na para bang isa siyang magiting na sundalo sa isang malayong kaharian na nagi-exist lamang sa mga libro.

My lips stretch into a wide smile the moment he held Fluffy's small, rounded paws and drop a kiss in it, showcasing how gallant he can be and murmured, "I'm sorry," with his deep, manly voice. I squeal in delight and stifle a laugh, afraid that my father would hear me and discover that my everything is inside my room again.

"Sana all," I whispered to my feline while patting her head.

"Now," Eiveren said, removing the cat on my lap with extra gentleness. "Time to sleep," he announced.

Magla-landing na ang labi niya sa'kin nang bigla akong umiwas at tumayo. "Hindi mo sinara ang bintana," pag-iiba ko ng usapan at lumapit dito. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin.

Okay na sana ang lahat ngunit bago ko pa man masara ang pinto ay nakita ko si ate Fifteen at kuya Shinichi na mahinang nagtatawanan sa maliit na veranda ng kanyang kwarto. Itutulak ko pa sana si Eiveren palayo sa akin ngunit huli na ang lahat. Nakita na siya ng kanyang kaibigan.

"EC!" Masayang bati ni kuya Shinichi't kumaway sa direksyon ko, partikular na kay Eiveren.

Bigla akong nag-panic.

Ganoon din si ate.

Pambihira! Napalakas ang boses niya! Baka narinig siya ni papa!

"Oopps, sorry," tangi na lamang nasambit ni kuya Shinichi nang marinig na namin ang boses ni papa! Ang nakakainis pa rito ay insinsero niya! To think na nilagay na niya sa kapahamakan ang kaibigan niya!

"I hate you!" sabay naming usal na magkapatid bago ko itinago si Eiveren sa loob ng CR.

Sandali ko siyang pinukulan ng tingin. "How can you be this calm?!" Singhal ko. Hindi siya sumagot bagkus ay sumandal lang sa pader, bagot na bagot.

"I just want to sleep," tugon niya kinalaunan.

"I am panicking right now and all you can think about is sleep?!" I asked incredulously, pacing, thinking of a perfect alibi to save our asses.

"Not true," he replied and roams his hungry eyes all over my body to prove his point.

"Ohgod!" I pull my hair in frustration. "Ang tigang mo!" I witness his appalled and amused expression with my sudden outburst before I shut the door at him.

My blood is boiling with these men! Magkaibigan nga sila.

"EC? What do you mean by EC?" Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Si papa ay nasa loob na ng kwarto ni ate!

"Fifteen's harassing me to kiss her and I told her, easy." I could laugh with kuya Shin's ridiculous alibi if our situation is different right now. Pero hindi, mas lalo lang akong nangamba.

"Harassing you?! I could punch you right now, Shinichi Ho!" rinig kong banta ni ate sa kabilang kwarto.

"That's the lamest joke ever," I heard Eiveren commented behind me. I slowly turn around and face him. "What?" My fists curl into a tiny ball, obviously fuming. "I can't stay there with your undies scattered around.

"What?!" I asked in mortification and almost dash in urgency to my comfort room. Wala naman akong ini—"This is not the time for jokes," naiinis kong sabi nang mahuli siyang nagpipigil ng tawa. I am turning to hate this playful side of his.

"Where's Natalia?" rinig kong usisa ni papa. "I heard her voice a while ago," dagdag pa niya. Napakagat na 'ko sa'king hinliliit at kabadong lumapit sa bintana. "Natalia?" tawag niya. Nang hindi pa rin ako nagpapakita ay muli ko siyang narinig magsalita. "Eiveren Cross is inside her room, isn't he?" he deduced.

"Damn, he's good," rinig kong papuri ni Eiveren sa tabi ko.

Nawala na ang abilidad ko sa paghinga. Parang gusto ko munang maglaho sa mundo ngayon. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at inilabas ang frustration ko sa pamamagitan ng pagkurot sa biceps ni Eiveren.

"Maria Natalia Dimalanta," tawag ni papa, gamit-gamit na ang kumpleto kong pangalan.

"Hi, 'pa," alanganin kong bati sa kanya. Naabutan ko siyang nakahalukipkip, samantalang sila ate Fifteen at kuya Shinichi naman ay nasa likuran niya, tahimik na nagtatalo.

"Where's Eiveren?" tanong niya na hindi ko kaagad nasagot. Magalaw ang aking mga kamay na pasimpleng tumatapik-tapik sa gilid ng hita ko, kinakabahan. Leche naman. Akala ko'y payapa na ang gabi ko, eh. Naka-plot na nga ang kilig moments namin ni Eiveren para sa magiging scripted kong panaginip mamaya tapos ito pa ang nangyari. Tanggap ko na ring hindi ako dadalawin ni Eiveren dito.

"Natalia," tawag niyang muli makalipas ng ilang segundo. "Where is he?"

"He's—"

"Good evening, sir," sabad ni Eiveren para sana sa natatakdang pagsisinungaling ko at pumwesto sa tabi ko.

Hindi gumanti sa pagbati si papa bagkus ay pinalipas lamang ang mga segundo sa pagtitig sa'min bago muling nagsalita.

"In my office. Now."

ang pe

Continue Reading

You'll Also Like

428K 7.8K 24
He left. And then he came back. || ©2015 - Cover made through CANVA
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
74.8K 2.4K 38
Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang pag-i...
380K 11K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...