My Baby cost 10 MILLION

By PurpleSwallow

1M 23.6K 1.5K

More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38
Chap. 39
Chap. 40
Chap. 41
Chap. 42
Chap. 43
Chap. 44
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 16

19.5K 502 57
By PurpleSwallow

Chap. 16 Living with Cydric (2 )

Matapos kumain nina Cydric at Yheng hinanap ni Cydric ang kanyang cell phone..

“Cyd, nandito nga pala ‘yon cell phone mo..Kagabi kasi naiwan mo sa sala. May tumawag pa nga sa ’yo kagabi eh..pinsan mo raw.” Sabi ni Yheng.

“A-ano daw ang kailangan n’ya? May iniwan bang message para sa akin.” Nakakunot ang noo ni Cydric na humarap kay Yheng.

“Wala naman..pero ako tinanong n’ya ang pangalan ko. Pero hindi ko binigay. Alam din ba n’ya ang tungkol dito?”

-Yheng

“Mmmmmm..Oo. Sige, salamat tatawagan ko na lang s’ya.” At nagmadaling umalis si Cydric.

Nang makalayo si Cydric..

“Damn! Sana hindi maisipan ni Clint na hanapin ako. Siguradong kukulitin ako nun. Mabuti nalang hindi alam ni Clint itong bagong bahay ko. Ano kaya ang dahilan bakit s’ya napatawag?”

Agad nag-dial si Cydric..

“Clint, tumawag ka daw kagabi? Anong problema?”

( Ahh..hihingin ko sana ‘yon number ni Willson.. )

“Ahh..ganun ba..akala ko kasi kung ano na..Mmmm ititext ko na lang sa ‘yo ang number.”

-Cydric

( Cyd, talagang napaka sigurista mo ibinahay mo na pala ang babae mo. Ayos, marunong ka na pala ngayon..Keep it up dude! )

“Yeah, dapat lang. 10million ang kapalit ng isang bata. Kailangan kong subaybayan ang bawat pagbabago sa kanya. I want her to be safe. Baliktarin man ang mundo S’YA ang INA.”

( Cyd, ano ang feeling mo ngayon? I want to know.. )

“Masaya..I can’t explain.”

( I’m happy too. I hope maramdaman ko rin ang ganung feelings. By the way, aalis kami ni Kristine papuntang Japan. Siguro aabutin kami ng isang buwan doon. Bisitahin mo na lang si Lola. )

“Okay. Sana pagbalik mo MAKABUO NA KAYO NI KRISTINE.”

( Cyd, sana magdilang anghel ka. )

Matapos nilang mag-usap ni Clint..NAPANGITI HANGGANG TENGA SI CYDRIC.

Agad n’yang binalikan si Yheng at sinabing..

“Yheng, maghanda ka..pupunta tayo sa Davao..Bibisitahin natin ang isa sa mga properties ko..Sigurado akong magugustuhan mo doon..” Utos ni Cydric kay Yheng.

“Aalis tayo agad?” -Yheng

“Oo, babalik rin tayo dito. ”- Cydric

Pumunta na sila sa airport. Doon naghihintay ang isang eroplano na sasakyan nila papuntang Davao.

----------------------------------------------

Davao..

Malayo layo pa ang biniyahe nina Yheng bago narating ang isang 300 sq. foot single floor Bungalow na nakatayo sa isang burol. Makikita dito ang malawak na dagat sa di kalayuan.

“Wow, ang ganda naman dito.” Namangha si Yheng sa paligid.

Agad s’yang inakbayan ni Cydric.

“Come. Let’s go inside. H’wag kang mahiya.” At sabay silang pumasok sa loob ni Cydric.

Moderno ang desinyo ng loob ng pamamahay. Masasabing mahilig talaga si Cydric sa mamahaling antigong kagamitan ngunit may isang bagay na nakaagaw pansin kay Yheng..

“Cydric, meron kang Fabergé Egg Collection..Kaya mong bumili ng ganito kamahal na mga bagay..”

-Yheng

“Hindi ‘yan ang mga original ng collections ko, Yheng. Nasa  Vault ko ang mga original. Minana ko ang mga 'yan sa mga magulang ng aking ina.  ” - Cydric

Hindi parin makapaniwala si Yheng sa mga nakitang dekorasyon sa loob ng bahay ni Cydric.

Marami pang ipinakita si Cydric na mga replica ng kanyang mga koleksyon. Inisip ni Yheng na maaring aabutin ang mga koleksyon ni Cydric ng milyon milyong halaga.

Nang gabing ‘yon niyaya ni Cydric na maglakad sila ni Yheng sa dalampasigan..

Habang naglalakad sila nakapulupot naman ang mga kamay ni Yheng sa binata..

“Cyd, maganda palang maglakad sa tabing dagat kapag bilog ang buwan..”

“Oo, naman. Ngayon mo pa lang ba naranasan ito?” - Cydric

“Mmmmm..”

“Marami pa pala akong dapat malaman sa ‘yo. Anyway, I still have time to know you better..AT SANA HINDI KA MAGBABAGO KUNG SAKALING MAKILALA MO ANG TUNAY NA AKO.”

-Cydric

“Walang dahilan para magbago ako sa ‘yo. Sana ikaw rin.”

-Yheng

Nakadama ng lamig si Yheng..Mabuti nalang nakasuot ng Jacket si Cydric kaya hinubad ito at pinasuot kay Yheng.

Pumunta sila sa isang malaking puno at gumawa si Cydric ng bonfire para maibsan ang lamig na nararamdaman ni Yheng.

Malapit sila sa apoy..wala silang imikan sa isa’t isa..nakadama ng antok si Yheng habang nakamasid sa apoy...Samantala si Cydric naman ay tila hindi alam kung ano ang gagawin.. Para s’yang tuod na kahoy..Ngunit nanatiling nakaakbay ang kamay ni Cydric sa babae.

Dala ng antok ni Yheng..nakatulog s’ya sa balikat ng binata..

“This is it. Kailangan ko na talagang buhatin s’ya. Ito na ang napala ko sa gabing ito..MULI KO NAMAN MAGAGAMIT ANG SUPERMAN POWER.”

Bulong ni Cydric sa sarili.

Nang buhatin n’ya si Yheng..

“Arrgh! Grabe..ang bigat... Parang susuko yata ang tuhod ko nito..” - Cydric

Walang nagawa si Cydric tiniis na buhatin si Yheng pabalik ng bahay. Ang hindi n’ya alam gising si Yheng..at pinipigilan nito ang tumawa.

“Simula pa lang ito Cyd..kikilalanin kita..at kikilalanin mo ako. Mag-ienjoy talaga ako nito sa ‘yo.”

-Yheng

-------------------------------------------------

Kinabukasan, nang lumabas si Yheng sa kanyang silid..napansin n’yang umuulan sa labas..Hinanap n’ya si Cydric ngunit hindi n’ya nakita..

“Cyd...Cyd..” Nagsimulang kabahan si Yheng.

May narinig s’yang may kumakalampag sa kusina..dali dali s’yang pumunta...AT INABUTANG NAGLULUTO SI CYDRIC NG CHAMPORADO.

“Cyd..”

“Hi. Gumawa ako ng champorado. Tamang tama ito dahil malamig ang panahon..”

Natawa si Yheng dahil naka-apron pa si Cydric.

“Cyd, You’re so sweet. Inuunahan mo ako sa paggising..tapos ginagawa mo ang mga bagay na dapat kong gawin bilang babae. Nakakahiya tuloy.”

“Nagpapractice lang..” -Cydric

Biglang lumapit si Yheng at niyakap si Cydric..

“Alam kong maging mabuti kang ama..Hindi ako magsisisi na bigyan ka ng anak..” -Yheng

“Ah..eh...syempre naman..Ginusto ko ‘to..kaya dapat lang gampanan ko ang pagiging ama.” Sabi ni Cydric habang tinatanggal ang mga kamay ni Yheng sa pagkayakap sa kanya.

Naupo silang sabay sa mesa at sinimulang kumain ng champorado.

Ligid sa kaalaman ng binata ay pinagmamasdan ni Yheng ang kilos nito.

Mula sa paghawak ng kutsara..sa pagkain nito...sa pagpunas ng tissue sa bibig lahat ay pinagmamasdan ni Yheng..

Nang tumayo si Yheng..sa di n’ya inaasahan ay natipalok ang kanyang paa..

Agad naman lumapit si Cydric at kusang hinilot ang kanyang paa.

Magaan ang mga kamay ng binata. Ramdam ni Yheng ang lambot ng mga kamay nito. NAPASOK SA ISIP NI YHENG NA DADAIGIN PA NG MGA KAMAY NI CYDRIC ANG KAMAY NG ISANG BABAE.

“Cyd, ang lambot naman ng mga kamay mo. Dinaig mo pa ang kamay ng isang babae..ang lambot.” -Yheng

Biglang napatigil si Cydric. At tumayo.

“H-hindi ako nagbubukid kaya nasabi mong malambot ang kamay ko.” - Cyd

“Kung sabagay, mayaman ka naman kaya malambot ang mga kamay mo.” - Yheng

Napansin ni Yheng na mahilig ding maglinis ng paligid si Cydric. Nagawa ni Cydric linisan ang ilang parte ng bahay..hanggang sa hardin nito.

Gustong tulungan ni Yheng ang binata, ngunit pinigilan nito at sinabihang magpahinga na lang.

------------------------------------------------

Naisipang mamasyal ni Cydric at magshopping sa mall, sinama nito si Yheng upang bilihan ng mga gamit.

Napunta sina Yheng sa Lingerie Section ng Victoria Secret. Napansin ni Yheng na tila maraming alam na mga kasuotan pangbabae si Cydric. Pati sa mga sapatos na pangbabae ay alam na alam n’ya. Ultimo Brand kabisado ni Cydric.

Napagawi naman sila sa Beauty and Cosmetic Section..gulat si Yheng dahil si Cydric pa mismo ang pumili ng make-up na magbabagay sa kanyang skin tone. Tuwang tuwa naman si Yheng sa kasama.

Pumunta sila sa isang food court section.

“Nag-enjoy ka ba Yheng?” Bulong ni Cydric.

“Enjoy na enjoy.” Nakangising sinabi ni Yheng.

“Oo, Cydric enjoy na enjoy ako sa pinapakita mong TUNAY NA IKAW..” Ang sabi ni Yheng sa sarili habang pinagmamasdan niya si Cydric na lumilingon sa isang grupo ng kalalakihan sa isang mesa.

Itinikum ni Yheng ang kanyang bibig.

----------------------------------------------

Nang umuwi sina Yheng sa dating bahay. Napansin ni Yheng naumiiba na naman ang kinikilos ni Cydric.

Hanggang sa may naisip na isang kalokohan si Yheng..gustong n’yang patunayan sa sarili n’ya na tama ang kanyang hinala..

Tinawagan n’ya si Karen upang..

“Karen, bilihan mo nga ako ng WATUSI..may paggagamitan lang ako..”

( Ate saan naman ako bibili n’yan? Hindi pa naman pasko. )

“Basta sundin mo na lang ang utos ko. Pumunta ka sa kakilala ko sa palengke. Sigurado akong meron kang mabibili doon. ”

-----------------------------------------------

Nang dumating si Karen agad inabot kay Yheng ang isang maliit na box ng watusi. Inabangan ni Yheng na lumabas si Cydirc sa may veranda ng bahay. Habang nagtataka naman si Karen sa gagawin ng kapatid.

“Dito ka lang Karen, pagmasdan mo si Cydric..PASASAYAWIN KO S’YA..”

Hindi maunawaan ni Karen ang sinasabi ng kapatid..

Nang nasa malapitan na si Yheng, agad ikiniskis nito ang 5 watusi sa magaspang na bahagi ng semento at sabay sabay na itinapon malapit kay Cydric..

Sa gulat ni Cydric agad itong napalundag..na para bang sumasayaw ng tinikling..

“Ay! Ay! Ay!” - Cydric

Habang tawa ng tawa si Yheng..Nang matapos ang pagputok ng watusi..

“Yheng anong ginawa mo?!” Sigaw ni Cydric.

“Hoy, Cydric magpakatotoo ka na! Iladlad mo na ang katotohanan..myembro ka ng KGB!” Sigaw rin ni Yheng.

“Anong pinagsasabi mo? Anong KGB?” - Cydric

“KGB means KUNG GABI BINABAE..kapamilya ng LGBT. Aminin mo na kasi. H’wag ka nang magkunwari.” Nakapamaywang na sinabi ni Yheng.

Gusto pa sanang magsalita ni Cydric ngunit biglang hinalikan s’ya ni Yheng sa labi. Nagulat naman si Cydric at nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ni Yheng..

Agad n’yang naitulak bahagya si Yheng.

“Yheng..Ano kasi..”

Hinihintay ni Yheng ang sasabihin ni Cydric..

“YES, YOU ARE RIGHT. I’M A GAY.” - Cydric.

AN : DYARAAAANNN! CONFIRM. 

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 169 16
"My aim has always been modest; I wanted to transform the arranged marriage into a love match." - Marcelle Ferron Meet Severina Zyx a.k.a Seven. Liv...
1.3M 38.2K 68
Maureen believes that everything happens for a reasons, ngunit wala sa hinagap niya na masusuong siya sa ganitong kagulong sitwasyon. Kailangan niyan...
4.5M 83.1K 47
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Rian ran away from home. Magulo ang buhay na kinagisnan nito. One day she thought of runni...
125K 2.2K 33
This is a collaboration between me and Aivan Reigh Vivero (@iamaivanreigh). Hope you guys like this story. :)