The Angels Voices

By IcedCoffee_99

1.1K 34 28

More

The Angels Voices
☆ Tune one :: The start
☆ Tune two : Past (part-one)
☆ Tune Three :: Past (part-two)
☆ Tune Four :: past (part-three)
☆ Tune Five :: bump beat bump!
☆ Tune Six :: goodluck
☆ Tune Seven :: ms. chakadal-mr. chanak
☆ Tune Eight :: School Festival
☆ Tune Nine :: prince chanak & sleeing chakadal
☆ Tune Ten :: Masaya ka na?
☆ Tune eleven :: same goes here.
☆ Tune Twelve :: Konsensya
☆ Tune thirteen :: Meet Forty
☆ Tune Fourteen :: Lexa the new worlds amazona!
☆ Tune Fifteen :: No title
☆ Tune Sixteen :: Nurse for today
☆ Tune Seventeen :: practice time!
☆ Tune Eighteen :: Sweet dreams
☆ Tune Nineteen
☆ Tune Twenty : Gift Hunt
☆ Tune Twenty One : Rush Practice
☆ Tune Twenty Two : nightmare
☆ Tune Twenty Three :
☆ Tune Twenty Four : contract"
☆ Tune Twenty Five
☆ Tune Twenty Six : lollipop [Emmy-Forty]
☆ Tune Twenty Seven : New Nature
☆ Tune Twenty Eight : New Nature (2)
☆ Tune Twenty Nine
☆ Tune Thirty
☆ Tune Thirty One: i'm leaving...
☆ Tune Thirty Two : call
☆ Tune Thirty Three :Time Hop
☆ Tune Thirty Four
☆ Tune Thirty Five :: Crow
☆ Tune Thirty Six:: Japan tour
☆ Tune Thirty Seven :: Sisters
☆ Tune Thirty Eight :: Sisters (2)
☆ Tune Thirty Nine : Rival
☆ Tune Forty
☆ Tune Forty One
☆ Tune Forty Two; Truth
☆Tune Forty Three : Alexa
p☆Tune Fourty Four: Charity Work; First Kiss
☆Tune Forty Five : Project
☆ Tune Forty Six : the dance
☆Tune Forty Seven: Emotion
☆Tune Forty Eight : Training Camp
☆Tune Forty Nine : Confession A.1
☆Tune Fifty : Ran Away
☆Tune Fifty One: Found 'ya
☆ Tune Fifty Two: Raille's in a Relationship?!!!!
☆TUNE FIFTY THREE: Truth
☆TUNE FIFTY FOUR: Parents

☆ Tune Nine :: you and my eyebags!

22 0 0
By IcedCoffee_99

(shaina)

waaaaaaaaaaaaaa!!!

kung siguro may contest lang ng palakihan ng eye bags aba panalo na ako!. Ang laki ng eye bags ko para silang isang bansa lumalago ang ekonomiya sa palakihan.

-__-

Ilang araw na kasi akong binabagabag ng mga 'stalker' kuno. Text dito, text doon, tawag dito, tawag doon. Hindi ko nalang sinasagot dahil akala ko eh itigil pero lalong dumami. Ang bastos naman kasi, may nagkalat ng napaka ganda kong number. Pero ang nakakapagtaka ay sino naman? Imposible namang yung dalawa dahil alam nilang wala akong pera na pangload para replayan ang mga 'to. Pwera nalang sa super duper na obssesed sa akin.

"oy, tara na. Malapit na magtime remember maglalakad pa tayo. "

Sabi ko nga diba? Malapit na magtime. Ibig sabihin oras na para maging walking zombie ako.

Tumayo ako at sumunod sakanila di pa ako kumakain nakakawalang gana kasi eh.

*bzzzzzt*

p*ta! Tinignan ko ang nagtext. unknown number.

Binuksan ko at binasa.

'dalian niyo! andito ako sa bungad!'

sabi one of my stalkers pa'no naman nalaman neto ang tinitirhan namin? ang nakaka alam lang ay si Chanak at wala ng iba.

pwera nalang kung.....

'wag assuming hindi 'yon pupunta dito.

"Ano ba?! Ina dalian mo! ---ay sino yun?" sabay turo ni Emmy sa may bungad. May lalake nakatayo at nakasandal sa sasakyan habang nakatitig sa cellphone niya.

Naglakad kami papalapit doon ko lang napagtanto kung sino siya. Ang walang ibang nilalang na galing aa outer space si Chanak A.K.A  K.N.

"Oh? sir, ikaw po yung naghatid kay Lexa nung may sakit siya last month at ikaw rin yung binabanggit ni Ina na chanak. Ano po ginagawa niyo dito?"   tanong ni Emmy

Kumunot naman ang noo ni chanak.

"chanak? talaga? Dapat pala hindi ko nalang kayo pinuntahan tsk."

"so ikaw yung nagtext? pano mo nalaman ang number ko? stalker kita no?! umamin ka!"

dinuro-duro ko pa siya aba ang lalakeng to himala at naging stalker ko?

"'hoy chakadal wag kang assuming pwede? kung nakikita mo ang mga lalakeng andun sa kanto, good luck ka nalang. Pasalamat ka nga at pinuntahan ko kayo dahil naaawa ako"

"awa? sure ka may awa ka?! at yung tinutukoy mo ba ay yung mga andun na nakasilip na animoy naka kita ng diamante kung maka tingin."

"hindi ka lang pala chakadal tarsier ka rin. Oo sila yun. Kung pipilitin niyo pang mag lakad papunta sa school niyo sige goodluck nalang sainyo." Pagkasabi niya nun pumasok na siya sa loob ng driver seat. 'Yung dalawa kinakalabit lang ako at tila pinipilit akong makisabay kami sa chanak na 'to.

Pero kung tutuusin dapat nga kaming sumakay kasi yung mga andun sa kanto shocks!! para kaming lalamunin at kung maglalakad pa kami ay male-late na kami dahil sa lalaking to.

Agad naman akong pumasok sa loob sumunod yung dalawa na may pusang ngiti.

"papasok din pala. tsk. Kumapit kayong lahat"

"ha?---Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!"

Ayoko na!!!

"ibaba niyo ako!! please lang!! nagmamakaawa ako ibaba niyo ako!!"

A-ayoko na mama! papa!! ayoko na po!! Sa mga ganitong pangyayari ay naaalala ko sila mama at papa, hindi man ganito kabilis ang pagpapatakbi nila papa ay pakiramdam ko mangyayari sa akin ang nangyari kanila mama at papa ayoko pang mamatay!

"uy! sir! paki bagalan po!! " sigaw ni Emmy na nakatingin sa akin. May halong pag dududa naman ang mukha netong chanak.

bumabaliktad na ang aking sikmura!! 

"bakit?!" sigaw niya bumabagal na rin naman ang byahe kaya medyo kunalma na rin ako.

"bakit?  edi late na tayo? maslalo na kayo"

"kasi po...--"

hindi nila natapos ang sinabi nila dahil bumaba ako at nagsuka ako grabe ang imbak na pagkain ko sa tiyan ko nawala na. Putik naman daw kasi!

" ayos ka lang ba? "  tanong ni emmy at hinagod ang likod ko.

"naman kasi sabi sayo kuya na bagalan eh. Kahit sumakay siya sa kotse basta hindi mabilis ang pagpapatakbo nito ayos lang dahil di ---"

"tama na.." hinang hina kong sabi ayokong may iba pang maka alam ng nakaraan ko tama na ang dalawa ayokong madagdagan pa dahil sa mayaman siya at ayokong maka ramdam siya ng awa o kahit ano man sa akin.. sa amin.

"pasensya na di ko alam  eh. pero ayos ka lang ba"  Nabigla naman ako sa tono niya kasi naman ang naaalala kong tono ng boses niya ay yung. Masungit, mapanghusga, at may pagkamataray. 'Yun ang alam kong tono niya pero ang tono naniyon bago.

Tumango-tango ako at pinunasan ang bibig ko gamit ang kamay ko pero  hinila niya ito at pinunasan ng panyo na galing sa likod niya. Napangiti naman yung dalawa sa likod. Tinignan ko nalang sila ng masama. Ano nga bang masama sa pagpunas niya sa bibig at kaunti sa kamay ko?

" ayan, tara na ulit" tumango ako at pumasok muli.

Pinatakbo niya ang sasakyan ng mabagal

"anong oras na" tanong ko kanila Lexa.

"ah... mag e-eight thirty na.. at oras na para sa second subject. "

sagot ni lexa napatango ako.. at minulat ang mata na akala mo eh hindi na maimumulat pa bukas.

"8-8:30?!!!"

"sabi sainyo late na eh! damay pa ako!"

sinakal ko nalang sa inis si Chanak sa likod nagpagewang gewang naman yung sasakyan buti at walang dumadaan. Tumigil din naman ako sa pagsakal at kumalma pero hindi ko magawa!

At ganun na nga second subject na kami naka pasok umalis narin si  Chanak. Pinagalitan lang naman kami ng teacher at isang oras na pagsasalita.

Sa natirang subject kami  pumasok, lecture dito lecture doon. At walang katapusang sagutan sa papel.

Zero nga ako sa isang quiz eh, lutajg kasi isip ko.

Pagdating ng hapon ay uwian na pero dinagsaan kami ng mga kalalakihan at hinihingi ang number namin. Kailan ba sila titigil?

Kalaunan ay nakalabas kami ng matiwasay pero gusot gusto ang uniporme. Pagkaguluhan daw ba?

Habang naglalakad ay  tumigil sa  amin ang isang kotse nakasilip dito si Chanak. Inirapan ko siya atsaka pumasok ngiting abot langit naman ang ngiti ng dalawa sobra ang kanilang tuwa habang ako nanlulumo dahil naaalala ko ang mga nangyari kanina baka maulit kasi.

Ngunit tila nasaniban ng magandang kaluluwa si Chanak at dinadahan dahan ang pagd-drive.

Nang makarating kami ay natanaw ko si 'nay Cyntia na palapit sa amin at tila nahihirapan itong huminga, baka inaatake nanaman ng hika.

Lumapit ako at at inalalayan siya tumingin siya sa akin at umiyak.

"p-pinapalayas na kayo ng may-aring apartment."

Pagkasabi nun ni 'nay Cyntia ay napatakbo ako sa tinutuluyan namin. Nadatnan kong nakalabas ang mga gamit namin pati ang lumpo namin mesa.

"Aling Nora?" tawag ko sa may-ari lumingon ito ng may galit at lungkot sa mata.

"Lumayas na kayo. Akala ko pa naman mababait kayo hindi pala osya layas na"

Napakunot ang noo ko hindi ko maintindihan ang sinasabi ni aling Nora.

"wala naman po kaming ginawa?"

"yun ang akala niyo. Osiya layas na bago pa ako magpatawag ng tanod sa baranggay para mapalayas kayo"

Pagkaalis naman ni Aling Nora ay dumating narin sila Emmy at Lexa na may lungkot sa muka kasunod din nila si Chanak.

"tara na Lexa, Emmy pulutin na ang mga gamit iwan nalang ang hindi kayang kunin" mahinahon kong sabi sakanila sinunod naman nila ito iniwan namin ang mga gamit naming hindi namin makuha kukunin nalang namin pag may bagonna ulit kaming tirahan. Maiintindihan naman ni Aling Nora yan eh.

Pagkatapos ay pumunta kami sa bahay ni 'Nay Cyntia at tinanong kung pwede muna kaming makitira kahit saglitan lang pero hindi pwede.

" mga hija naaawa ako pero maliit lamang ang aking bahay at mamaya ay dadating ang aking mga apo upang bumisita. Kaya sigurado akong hindi tayo magkakaysa dito. pasensya na."

Nagpasalamat nalang kami aakanya at umalis andoon parin sa bungad si Chanak at nakatingin nanaman sa cellphone niyang magara.

"Tara" sambit niya. Pero hindi kami pumasok. Pare-parehas kami ng nararamdaman ayaw namin may mayroong mararangyang tao na naaawa sa amin.

" salamat nalang po, pero hindi po namin matatanggap ang alok niyo"

sabi ni Emmy at naglakad palayo. Sumunod nalang kami sakanya. Si Lexa umiiyak na, ganoon din si Emmy.

" papairalin niyo pa ba iyan? Ang pride niyo? hindi ako naaawa sainyo gusto ko lang kayong tulungan---"

"hindi namin  kalangan ng tulong mo, ayaw namin sa mga katulad niyo" sambit ko at umalis na ng tuluyan.

Hiindi niya kami pinigilan kundi ay sumunod ito sa amin. Buntot lang?

Hinintay ako ng dalawa at sabay kaming naglakad nagtitinginan naman sila kung sino ang unang magsasalita. Alam ko na ang nasa isip ng dalawang 'to. Hindi nila makakayanan ang mabuhay sa lansangan katiting lamang ang ipon namin.

"wag niyong aasahan na sasama ako sakanya."

"eh, ano....Ina alam mong katiting lang ang ipon natin. Pwede naman siguro nating tanggapin kahit ngayon lang ang alok niya diba?"

"oo nga kahit ngayon lang?"

" nakalimutan niyo ata ang ginawa ng mga mararangya sa atin?"

" hindi naman sa ganun ina."

" Ina hindi lahat ng mararangyang tao ay masama tulad nila." wika ni Emmy na nagpainis sa akin. Naiinis na nga ako sa Chanak na sumusunod pati pa ba sakanila?

"sige sumama kayo sakanya kung gusto niyo basta ako maghahanap ako"

sabi ko at tumakbo palayo dala ang mga gamit ko. Hindi ko pinapairal ang pride ko kundi pinapairal ko lang ano ang nasa isip ko. Ayokong maulit muli iyon. Hindi ko alam kung anong kakahinatnan ng pagsama namin sakanya.

si Chanak mabait yan, maaalalahanin pero may dark side rin.

'hindi lahat ng mararangyang tao katulad nila'

Oo hindi lahat pero makaka sigurado ba?

Naglakadlakad ako patungo sa sementeryo kung saan nakalibing sila mama at papa. Dito muna ako. At namimiss ko na rin sila  eh.

Pagkarating ko doon ay humiga ako sa tabi nila.

"ma, pa, wala na kaming tirahan hindi ko alam ang rason kung bakit, alam niyo naman po kung bakit ayoko sa mga mararangya diba? ma, pa, sana po bantayan niyo ako pati na rin po ang mga kaibigan ko. "

Sabi ko at umiyak, dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Sila Emmy at Lexa sana ayos parin sila kay Chanak.

--------'-------

(okay? hindi ko alam kung paani napunta sa ganito ang story pero echos lang iyon.

-salamat po

)   :D

VOTE and COMMENT

love lots!

Continue Reading

You'll Also Like

977K 184K 124
◆ Title - My Underachieving Seatmate Doesn't Need Any Comforting ◆ Author - Long Qi《龙柒》 ◆ Total Chapters - 122 ◆ Genre - Comedy , Modern , Fluffy , S...
405K 22.7K 42
"ပိုင်ဆိုင်ချင်သောရပ်ဝန်းတစ်ခုအား ပိုင်ဆိုင်ရပါစေ" ၏ Season 2 ဖြစ်ပါသည်။ 18th Creation Start : 9 February 2023 "ပိုင္ဆိုင္ခ်င္ေသာရပ္ဝန္းတစ္ခုအား ပို...
109K 4.5K 29
မိဘ သဘောတူထားတဲ့ လူကို မယူနိုင်ဘူးလို့ တစ်ထစ်ချ ပြောဆိုထားတဲ့ ကောင်လေးတစ်ယောက် မထင်မှတ်ဘဲ ချစ်မိသွားချိန် လယ်လောက်ထိ ဂျေဝင်ပြီး ဆိုးမလဲဆိုတာ ဖတ် ပေးက...
1.4M 236K 123
Author - 木瓜黄 (Mu Gua Huang). He Zhao x Xie Yu 贺朝 x 谢俞 Original title - 伪装学渣 / Wei Zhuang Xue Zha (ေက်ာင္းသားဆိုး အေယာင္ေဆာင္) / (ကျောင်းသားဆိုး အယေ...