My Baby cost 10 MILLION

By PurpleSwallow

1M 23.6K 1.5K

More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38
Chap. 39
Chap. 40
Chap. 41
Chap. 42
Chap. 43
Chap. 44
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 4

27.3K 658 15
By PurpleSwallow

  

Pauwi na si Cydric naging palaisipan sa kanya si Yheng..

Nang biglang meron s’yang naalala..

“Tama, naalala ko na...S’ya ‘yong babaeng nakasalubong ko nung madaling araw akong lumabas galing sa isang bar..umiiyak s’ya sa daan..Tulad ng sinabi ni Clint nakasuot s’ya ng damit na halos lumuwa na ang kanyang dibdib..

Inabot ko sa kanya ang jacket na suot ko.. ‘Yon din pala ang gabing may nangyari sa kanila ni Clint.”

Cydric

Hating Gabi na, hindi parin dinadalaw ng antok si Yheng. Hindi maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa Department Store. Naguguluhan parin s’ya sa ikinilos ng lalaking nakabanggaan kanina.

“Napakaweird naman ng lalaking ‘yon. Ano kaya ang alam n’ya tungkol sa kwintas na ‘to? Kilala n’ya ba ang may ari nitong kwintas? O baka naman ninakaw lang ito sa kanya nung lalaki na ‘yon. Tapos matagal nang hinahanap..at sa akin natagpuan..WAAAAAAA!!! Baka pagkamalan pa akong magnanakaw. ’Lang hiyang buhay ‘to! Wala na nga akong boypren pagkamalan pa akong magnanakaw.”

Ginulo ni Yheng ang kanyang buhok.

------------------------------------------------

Umaga, habang nagbabasa ng magazine si Kristine sa mahabang sofa, lumapit ang asawa nito at humiga sa kanyang kandungan.

“Babe, wala ka bang photo shoot this weekend?” Tanong ni Clint.

“Wala naman pero, I need to go to the clinic for my facial and foot massage. Bakit mo naman natanong?” - Kristine

“Maganda siguro kung pumunta tayo ng Samal.. Para makapagpahinga tayo. Tsaka matagal na tayong hindi nakapagbonding.” - Clint

“Clint, we need to work. This is our life. Alam mo naman ‘yon.” - Kristine

“Hon, this is not good anymore. Nakalimutan na natin ang isa’t isa. Kaya nga tayo nagpakasal para magkaroon ng pamilya. Pero anong nangyayari? Tayo paring dalawa. Kailangan na nating magkaanak.”

-Clint

“Clint, wala sa usapan natin ang madaliin mo ako. Alam ko namang pangarap mo na magkaanak tayo..pero hindi sa ngayon. Marami pang pagkakataon.”

Kristine

“Kailan kung 70 years old na ako at menopause ka na?” Pabalang na sinabi ni Clint.

“Clint, please h’wag mo akong bigyan ng stress.” - Kristine

“Ganun ka naman parati. Ayaw mong pag-usapan natin ang mga bagay na ‘to. Anong pang dahilan para nag-asawa pa tayo kung hindi lang rin tayo magkakaanak.” Biglang tayo ni Clint at umalis ng walang paalam.

“Clint! Come back!” Sigaw ni Kristine. Ngunit hindi bumalik si Clint. Kinuha nito ang susi at sumakay ng kotse.

“Shit! Parati nalang ganito ang issue namin sa isa’t isa ni Kristine. I really tried to save this marriage..pero pakiramdam ko unti unting nabubuwag kami sa isa’t isa. Bakit ba hindi pwedeng maintindihan ni Kristine ang pangangailangan ko?”

Clint

Patuloy si Clint sa pagmamaneho..natagpuan n’ya ang sarili sa isang Childrens’ Park.

Lumabas si Clint sa kotse at naupo sa isang swing..

Nakita n’ya ang isang batang babae na naglalaro ng bubble gun; habang ang ibang bata naman ay tuwang tuwa na hinahabol ang mga bulang lumilipad.

“Kailan ako magkakaroon ng katulad nila..kailan?” - Clint

-----------------------------------------------

Samantala, sa opisina nina Yheng..

“Good Morning. Gusto kong mag-apply ng cable connection..saan ba ako pwedeng lumapit?” Tanong ng isang lalaki sa Guard.

“Pumasok lang po kayo doon sa loob, tapos makikita n’yo ang Information desk.” - Guard

Ngumiti lang ang lalaki at natuloy sa loob ng opisina. Napansin ng lalaki na halos nakikita n’ya na mga babae sa loob ay mga buntis.

May iilang technicians din ang naduroon.

“Good morning Sir. Ano pong kailangan n’yo?” Tanong ni Rizzy.

Hindi agad sinagot ng lalaki ang tanong ni Rizzy, bagkus palinga linga pa ito na tumingin sa paligid..

“Ahmmm, gusto kong mag-apply ng Cable Connection sa bahay..bagong lipat lang kasi ako dito..” Sabi ng lalaki

“Ah, sandali lang po tatawagin ko ang kasama ko.. Yheng!!” Biglang tawag ni Rizzy.

Mula sa isang pinto..lumabas si Yheng at may kausap sa cell phone..

“Please send us the equipments within this week..We need those equipments for our expansion..”

Pinutol ni Yheng ang tawag at lumapit sa telepono..Sumenyas s’ya kay Rizzy na maghintay sandali..

Hindi n’ya napansin si Cydric.

“Station 1, please Check the Channel **..nawawala sa ere..Kung hindi n’yo maibalik tawagan n’yo si Jacky para mafollow-up ang Subscription natin sa Channel. ASAP!”

Napansin ni Cydric na maraming trabaho si Yheng.

“Yheng, may new subscriber paki entertain naman..ANG GWAPO..laglag tuloy pustiso ko!” Bulong ni Rizzy.

“Try mo lagyan ng Mighty Bond..kung hindi pa makaya TURNILYO ang kailangan mo..” Nakatalikod si Yheng nang sagutin n’ya si Rizzy..upang sa pagharap n’ya ay..

“Ikaw!!” Napalakas ang boses ni Yheng.

“Hi.” - Cydric

“Kilala mo s’ya? Pakilala mo kami..dali!” Biglang tumayo ang 4 na buntis..

Hindi alam ni Yheng anong sasabihin..

“My name is CYDRIC MADRIGALLANES. Gusto kong magpakabit ng Cable sa bahay..” - Cydric

Sabay ding kumaway ang 4 na babae kay Cydric. Samantala walang reaksyon si Yheng.

“Hi. Nice to meet you.” Sabi ng apat.

Ngumiti lang si Cydric at nakipagkamayan sa 4. Agad naman umalis ang mga babae.

Nanatiling nakatulala si Yheng. Hinawakan n’ya ang kwintas na suot n’ya. Napansin naman ‘yon si Cydric.

“Hindi ko naman ‘yan kukunin sa ’yo..” Biglang nasabi ni Cydric.

Natauhang muli si Yheng..

“Ah..I..I’m sorry Sir..Nagulat kasi ako sa inyo.” Nakayukong sinabi ni Yheng.

“Again my name is Cydric Madrigallnes. Apo ako ni Donya Elisa.” Pakilala ni Cydric.

“I’m Ysabelle Heidi Calangitan. Please call me Yheng.” Sagot naman ng dalaga.

At nagkamayan sila.

“You look tense. Hindi naman ako nangangain ng tao.”

- Cydric

Ngumiti lang si Yheng.

Binigay ni Yheng ang isang application form at pinermahan agad ni Cydric.

“Mamaya palalagyan ko ng linya ang bahay mo. If there’s a problem with your connections; don’t hesitate to call us.”

-Yheng

Agad ibinigay ni Yheng ang phone number ng opisina.

“Paano kung hindi ako makapasok sa linya ninyo dito..meron bang ibang number na pwede KITANG TAWAGAN ?” Sa sinabi ni Cydric..umiling si Yheng.

“Okay..magtatanong nalang ako sa iba.” - Cydric

Tumaas ang kilay ni Yheng..

“I don’t entertain calls from a stranger.” - Yheng

“I’m not a stranger anymore..YOU KNOW MY NAME. I KNOW YOUR NAME. ” - Cydric

Napakuyom ng palad si Yheng.

Pigil hininga ang ginawa ng dalaga.

“By the way, about last time.. Napatingin lang naman ako sa kwintas mo..it looks familiar to me.” Pagkukunwari ni Cydric.

Agad namang umalis ang binata. Saka lamang huminga si Yheng. Tumawag agad si Yheng ng mga techinicians na maglalagay ng Cable line sa pamamahay ni Cydric.

Bago pa man nakalabas ang mga technician, pinagsabihan na sila ni Yheng na h’wag ibigay ang mga personal number nila sa opisina.

Habang si Cydric naman ay..

“Natatawa ako sa naging reaksyon ng mukha ni Yheng. Parang nakakita ng multo nang makita ako. Ayaw n’yang ibigay ang number n’ya. Pwes, nakuha ko na sa mga security guard ang number n’ya. Kikilalanin ko s’ya paunti unti...baka pwede s’yang maging CANDIDATE na pipilian namin ni Clint.

-----------------------------------------------

Uwian na nina Yheng, nagyaya ang kanyang mga kasama na kumain sila sa labas..

Tinungo nila ang isang restaurant...

“Ayan, mabubusog na naman ang mga alaga natin sa tiyan.”

Jing

“ Ang hirap nang maglakad..halos hindi ko na makita ang daanan.” - Mel

“Mabuti ka pa nga Mel..isang buwan na lang lalabas na ‘yan.” - Rizzy

“Ako ang mahuhuli sa inyong lahat..” - Jacky

“Nakakainggit naman kayo..magkakaroon na kayo ng baby..ako kaya kelan ‘yon? Turuan n’yo naman ako paano LUMUNOK NG BOLA.”

-Yheng

“Loka! Ang sabihin mo MAKAMANDAG ang kailangan mo..kung gusto mo agad magkabeybi.” -Jing

“Ha! Kailangan ko pa pala magkaroon ng AUDITION para sa maging PAPALICIOUS ko..kailangan EXPERT para SWAK na SWAK..” - Yheng

“Korek!” Sabay sagot ng 4. At nagtawanan silang lahat. Hindi nila alam na may nakikinig sa kanila sa di kalayuan ng kanilang mesa.

“Problema nga..hindi ko parin nakikita si Prince Charming..stranded lang talaga siguro s’ya..”

-Yheng

“Eh, kasi ba naman ayaw mong malapitan ng mga GUYS. Sino pa ba ang hinihintay mo? Sige ka, hindi si Prince Charming ang darating sa buhay mo kundi si SHREK..payag ka?”

-Jacky

Nakasimangot tuloy si Yheng. Dumating ang order nila at sabay sabay silang kumaing 5.

Matapos nilang kumain, tinawag nila ang waiter para magbayad.

“Maam, wala na po kayong babayaran. Binayaran na po ni Mr. Madrigallanes. Ayon po s’ya.”

Tinuro ng waiter si Cydric na kasalukuyang may kausap sa kabilang mesa.

Kumuha agad ng stickynote si Jacky at sumulat..

“Magpasalamat tayo sa kanya..”- Jacky

Agad naman pinaabot nila ang note para kay Cydric. Nang mabasa ni Cydric kumaway lamang sa kanila.

Ligid sa kaalaman ng 4 na kasama ni Yheng..kumakalabog na ang dibdib ni Yheng. Hindi maunawaan ni Yheng ang kanyang nararamdaman..para s’yang natatakot kay Cydric.

Paalis na sana sina Yheng nang lumapit si Cydric sa kanila..

“Nagpapasalamat ako sa agarang pagkabit n’yo ng linya sa akin ng Cable .” - Cydric

“Sir, nagpapasalamat din po kami dahil naging subscriber namin kayo.” - Rizzy

Ngumiti si Cydric..Ngunit hindi maalis ni Cydric ang mga mata nito kay Yheng..tila na may gustong sasabihin..

“Mauna na ako sa inyo..See you next time!” Agad nagpaalam ang lalaki.

Sinundan ng tingin ni Yheng si Cydric. Hindi s’ya nagpahalata sa kanyang mga kasama na kinakabahan s’ya sa lalaki.

Paalis narin sina Yheng, nang biglang lumapit ang waiter kay Yheng at inabot ang isang note..

“I’LL BE YOUR KNIGHT IN SHINING ARMOR.” - Cydric

Nilingon ni Yheng ang kinaruruunan ni Cydric..

Kumaway ito sa kanya..

AN : Kung feel ninyo bitin..abangan ang next chapter. THANK YOU!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 18.8K 49
Facing the past is the hardest thing to do. Then what if your ex back, yeah that's BIG TIME! How would she deal to the situation when he's totally ch...
243K 7.2K 63
Gabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)
49.1K 2.1K 32
Masipag at mabuting anak si Maria Gabriela Tereza Centeno o Gabbie, for short. Pangarap niyang makapag-abroad upang maiahon ang kanyang pamilya sa ka...
1.3M 38.2K 68
Maureen believes that everything happens for a reasons, ngunit wala sa hinagap niya na masusuong siya sa ganitong kagulong sitwasyon. Kailangan niyan...