Ayoko Muna
Written by: QueenSandok
Date: December 19, 2017
Ayoko munang magmahal
Ayoko munang sumugal
Dahil alam kong hindi magtatagal
Maraming din sagabal
Ayoko munang umamin
Ayoko munang sabihin
Dahil alam kong alanganin
Maraming dapat ayusin
Ayoko munang umibig
Ayoko munang tumitig
Dahil alam kong tagilid
Marami pang umaaligid
Ayoko munang linawin
Ayoko munang diretsohin
Dahil alam kong maaari mo 'kong lisanin
Marami kang pwedeng gawin
Ngunit mahal
Natuto akong sumugal
Hindi ko na kayang patagalin
Nais ko nang umamin
Gusto ko nang ipaalam
Gusto ko na rin malaman
Ang maaari mong tugon
Kung bibitaw o tatalon
Gusto kong iparanas sayo
Itong pigil na pagmamahal ko
Na ikinakatakot ko
Dahil maaaring lumiko
Patawad kung nangyari 'to
Hindi ko rin ginusto
Walang nagawa ang sarili ko
Noong puso ko na ang namuno