He Robbed My heart (editing)

By EommaBunny

77.1K 1.3K 733

♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihinga... More

Prologue
Teaser..
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Authors Note
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 Part 1
Paramdam...
Chapter 49 Part 2
Chapter 50
Epiclogue

Chapter 46

512 24 7
By EommaBunny

A/N:

Hi guys after this chapter nga pala I only have 4 chapters left to post. Mabigat man sa dibdib ko na tapusin na ang story na ito pero ayaw ko naman masyadong pahabain baka mabore na kayo. Salamat talaga sa mga walang sawang nag-aabang ng update ko at sa mga napamahal sa mga characters ko and I also hope that you will also support my new ongoing story ang "Sana" may 6 posted chapters na ako doon kung gaano niyo nagustuhan ito I'm sure ganon din sa SANA.

Feel free to give me some comments and suggestions.

Multimedia available:

Somewhere over the rainbow, imagine that Chelsea is singing it :D

----------------

"Hi baby who are you waiting for?"

"Hi Uncle Thor" malungkot na bati sa kanya ni Chelsea. Andito siya ngayon sa waiting area, hinihintay ang daddy niya. She sigh before answering his question. "My dad, our program are about to start but he's not yet here." Malungkot ito na sumagot.

"Oh I'm sorry to hear that." Magsasalita pa sana ito pero may tumawag na teacher na kay Chelsea.

"Common Chelsea your dad called us he can't make it."

Lalong lumungkot ang itsura ng bata. Magpeperform pa naman ito ng isang kanta at hindi ito makikita ng daddy niya.

"Hi Madam, I'm Thor maybe I can join Chelsea" suhestiyon niya sa teacher nito.

"Really Uncle Thor? Oh I'm so happy coz all of my classmates their dad were already here I'm the one left alone." Bigla naman sumaya ang itsura ng bata ng magpresinta ito na sasamahan siya.

"Oh sure Thor let's go. Were all excited for your presentation honey."

Nasa auditorium na sila ng eskwelahan tama nga si Chelsea na kumpleto na ang mga estudyante kasama ang mga daddy nito at lahat sila ay mukhang masaya, bigla naman naawa si Thor sa bata.

"Uncle watch me sing I supposed to dedicate it to my Dad but he's not here, he won't see me perform and be proud of me."

Kinandong niya si Chelsea. "Don't worry baby Uncle Thor is here, I know that you can make it I believe in you and I'm sure all of the people here will be proud of you."

"Really Uncle? Thanks for joining me I really appreciate it." Bumaba ito sa kandungan ni Thor at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Thor at ginawaran ito ng halik. Para naman nakuryente si Thor sa naramdaman. Simpleng halik lang ito halik na pasasalamat ni Chelsea pero sobrang naapektuhan siya.

"Sure my pleasure to make you happy baby. After your performance I have a gift for you."

Namilog naman ang mga mata nito ng marinig ang tungkol sa regalo. "Oh really Uncle thank you in advance I will do all my best. So from now on I will dedicate my song for you and my dad."

Naguumapaw ang kasiyahan ni Thor sa narinig, napakasweet ni Chelsea kung anak niya lang ito ay siguro isa siya sa pinakaswerteng ama sa buong mundo. Nagsimula na ang program madaming estudyante ang nagpakita ng mga talent nila may mga sumayaw, tumula, umarte at kumanta. Si Chelsea ang pinakahuling tinawag.

"Go baby you can do it. Always smile okay? Give me five" nakangiting umalis si Chelsea papunta sa stage at walang kabang nagsimulang kumanta. Kumakaway pa ito paminsan-minsan kay Thor. Ang laki naman ng mga ngiti ni Thor habang pinagmamasdan si Chelsea na masayang kumakanta. Sinimulan niya din itong kuhaan ng video.

Ang ganda ng boses ni Chelsea na tipong ang mga manonood ay napapa-nganga na lang at talagang titig na titig sa kanya. Hindi na namalayan ni Thor na nagiging emosyonal na pala siya, mamasa-masa na ang mga mata niya ng matapos ang kanta nito. Tumayo siya at buong lakas na pumalakpak, nagsunuran naman ang lahat at isang maingay na auditorium na ang sumunod napuno ng hiyawan at palakpakan ang paligid.

Hingal na hingal na tumakbo si Chelsea palapit kay Thor. "Uncle did you see them they all stood and applauded. I can't believe it." Hindi na naiwasan ni Thor lumuhod siya at pinantayan si Chelsea at niyakap ng sobrang higpit.

"I told you your very good. I'm so very proud of you baby."

"Thank you Uncle" humiwalay si Thor at dinampian ng halik sa noo si Chelsea.

"Your so great baby I'm sure that your parents will be proud of you too."

Sumama din si Thor sa kaunting salo-salo masaya silang kumain at nagtawanan. Bago din siya umalis dahil maguuwian na ay iniabot niya ang regalo niya kay Chelsea.

"That gift is for being an awesome singer, I want you to sing for me again next time we meet okay."

Sakto ang regalo niya kay Chelsea isa itong music player na hello kitty, napansin niya kasi na mahilig sa hello kitty si Chelsea dahil ang mga gamit nito ay puro ganito.

"Shocks Uncle your so great I so love this" nagtatalon pa ito sa tuwa ng buksan ang kahon. "But my dad might get mad at me."

"Why? Your very good that's why you deserve a gift."

"They don't want me to accept things from strangers." Dumilim ang mukha nito, naalala niya na naguwi siya ng cupcake from Thor nagalit ang mommy niya sa kanya.

"But I'm no longer a stranger to you right? We are now friends and I can also be your second dad." Magiliw na sambit niya. Lumiwanag naman ang mukha na ng bata.

"So you think Uncle they won't get mad at me if I said that?"

"Of course if they were here I'm sure you will also get a gift from them." Napaniwala naman niya ito sa huling sinabi. Masaya ang bata na kinalikot ang bago niyang music player at isinuot pa ang hello kitty na headphone din.

Nagpaalam na si Thor dito ng malapit na ang uwian nila.

"Thanks again Uncle Thor I so love it."

"Can I have a goodbye kiss baby?" wala naman alinlangan na pinagbigyan siya ni Chelsea.

***

"Love anong order mo?" agad na tanong ni Brandon pagbuklat ng menu, andito sila ngayon sa restaurant na malapit sa Eifel Tower. Niyaya niya kasi itong magdinner. Hindi naman maalis ang tingin ni Cham sa labas dahil ang ganda talaga ng Eifel Tower pag gabi sobrang liwanag nito sobrang romantic din kasi ng dinalhan na restaurant ni Brandon sa kanya.

"Ikaw na lang bahala" she looked at Brandon and smiled at bumaling ulit ang tingin niya sa labas.

Tinignan na ni Brandon ang iba't ibang pagkain sa menu at naghanap ng pwede nilang kainin. Lagi silang ganito tuwing Friday night ay niyaya niya si Cham sa isang dinner date sa iba't ibang restaurant sa Paris. Ito na din kasi ang oras nila na mapag-isa at laking pasalamat niya na andiyan ang ate ni Cham para alagaan si Chelsea pag wala sila.

Lumapit na ang waiter para kuhain ang order nila. " Porcini mushroom aracini with fontina cheese, citrus cured yellowfin tuna with crispy grinoa and grilled bread, chestnut and apple soup with bacon and hazelnut pesto and two hanger steak with porcini and leek panade and two Steal Magnolia for our cocktail drink." Inulit naman ng waiter ang order nila.

"Grazie Signore (Thank you sir)" sabi ng waiter ng makumpirma ang order nila.

"La Vostra Accoglienza (Your welcome)" tumango ang waiter at tumalikod na.

"Love nakaorder na ako hindi ka pa rin tapos mamangha sa nakikita mo ano?" puna niya kay Cham na nakangiti pa din habang kinukuhaan ng picture ang Eifel Tower.

"Oo nga eh papakita ko ito kay Chelsea gusto niya nga sumama kanina diba pero ayaw mo kasi." May tampo sa boses ni Cham, gusto kasi sumama ng bata pero kinausap ito na Brandon na date daw kasi nila pinangakuan na lang nito na dadalhan ng pasalubong at buti naman ay madaling kausap ang anak nila.

"Yea next time isasama na natin siya but of course love gusto kasi kita masolo hope you understand" magiliw na sabi niya sabay hawak sa kanang kamay ni Cham.

"Okay sige alam mo naman yun matandain yun when you promised dapat tutuparin mo katulad noong last week you said you will go to their program because it's father's day pero hindi ka sumipot hirap na hirap ako magexplain"

Napalunok naman si Brandon naalala niya kung paano hindi siya pansinin ni Chelsea coz he missed to go to that program, busy kasi siya para sa expansion ng business nila they were looking at putting a restaurant along with their bakeshop. "Sorry na love para sa atin naman itong ginawa ko for Chelsea's future din naman" pati kasi si Cham ay nagtampo sa kanya last time ang lungkot kasi ni Chelsea last time na umuwi ito after ng event sa school nila.

"I know but don't make promises if you already know that you can't."

"Opo hindi na mauulit."

Lahat gagawin ni Brandon para sa pamilya niya, lalo na ang lahat para kay Cham sobrang saya niya talaga sa araw-araw na ginawa ng diyos na kapiling niya ito at hindi naman siya nabigo dahil nararamdaman naman na niya ang kahalagahan niya kay Cham kaya kahit sobrang pagod na sa work at doble kayod pa din siya para mabigyan ng magandang kinabukasan si Chelsea.

Dumating na ang mga inorder ni Brandon nagulat naman si Cham sa sobrang dami nito. "Baka hindi natin maubos to ang dami ah."

"Hindi yan masarap daw dito ang mga foods sabi ni Anjo. Kaya madami ako inorder para matikman natin lahat" nirefer siya ng business partner niya na si Anjo at hindi nga siya nagkamali dahil unang tikim pa lang ay nanunoot ang sarap.

Nagsimula na sila kumain, tama nga si Brandon na masarap ang mga pagkain dahil hindi na nagsalita pa si Cham at patuloy lang sa pagkain sabayan pa ito ng magandang background na music na tinutugtog ng isang pianista.

"Cheers!" pagtaas ng baso ni Brandon na may lamang alak.

"Cheers" tugon naman ni Cham.

Hindi inakala ng dalawa na mauubos nila ang lahat ng inorder nagtake-out pa si Brandon ng pizza para sa anak at kay Mylez.

Akala ni Cham ay uuwi na sila pero hindi pa pala dinala siya ni Brandon tapat ng Eifel tower ilang metro lang ang layo nila. Ilang beses na din niya dinala ito dito pero ngayon lang sila nagpunta ng gabi dito. Madami pa rin na tao sa paligid at kadalasan ay mga couple din na katulad nila. Busy sa pagkuha ng picture si Cham ng maramdaman niya ang pagyakap ni Brandon mula sa likod niya.

"I love you love wala ka bang naalala today?" bulong nito sa kanya.

"Hmm wala naman Friday ngayon hindi mo naman birthday ano?"

"Ulyanin ka talaga ano? Nakakatampo na love ah."

Napalingon naman si Cham ng bahagya sa mukha ni Brandon na nakapatong sa kanang balikat niya. "I really don't know ano ba kasi meron today?"

She don't have any clue kung ano ba ang dapat icelebrate today most of the time babae talaga ang mahihilig sa mga monthsary sa mga special dates with their partner pero si Cham hindi kasi siya matandain talaga si Brandon ang mahilig sa ganon.

Lumayo ng bahagya sa kanya si Brandon hindi naman siya lumingon dito para tignan kung ano ginagawa nito. Hinawi naman ni Brandon ang buhok ni Cham at nagulat na lang ito ng may isuot ito sa leeg niya.

Iniharap siya ni Brandon sa kanya "Etong araw na to, 10 years ago this is the day we first met. Ito yung araw na tinanong mo ako if may katabi ako. First day kasi ng klase. Remember it love?"

Napangiti naman si Cham, hindi makapaniwala na pati yung araw na yun ay naalala pa niya. "Oo naman, grabe akala ko kasi I missed something grabe hindi ko inexpect naalala mo pa talaga ang date na to ah." Mangha talaga siya kay Brandon ang galing ng memorya nito.

"I will never forget it love una palang kasi kita makita napukaw mo na ang mga mata ko." Sinserong sabi nito habang nakatingin sa dalawang mga mata ni Cham.

Pinalo naman ni Cham ang braso nito. "Bolero! Kaw talaga."

"Totoo naman diba? Noong break time nga natin muntik mo pa akong matapunan ng pagkain mo, hehe naalala ko ang reaksyon mo ang cute mo non. Tapos ang dami mo pang dalang libro first day palang ng school." Tuwang-tuwa sila na inalala ang nakaraan. Ang college days nila ang panahon paano nagsimula ang pagkakaibigan nila.

"Haha si Aldwin? Grabe ka naalala mo pa yun ah." Nabanggit pa ni Brandon ang unang pinagselosan nito ang unang naglakas na manligaw noon kay Cham.

"Oo naman sarap kaya sapakin non dahil grabe kung makadikit sayo."

"Ah kaya pala may Amanda ka noon, pinagseselos mo ako? Hindi naman effective eh" pang-aasar ni Cham ng makwento bakit laging nakadikit sa kanya yung cheerleader na si Amanda.

Sobrang dami nilang pinagkwentuhan na masasayang alaala nila noon, lahat nagbalik-tanaw lalo na kay Brandon lalong umusbong ang pagmamahal niya kay Cham, sampung taon na niya itong mahal na mahal at handa siya na makasama pa itong ng matagal.

"Sampung taon na ang nakakalipas love pero ang puso ko hindi pa rin kumukupas sa nararamdaman ko sayo." Biglang pagiiba niya ng usapan, natahimik naman si Cham at binigyan lang siya ng tipid na ngiti.

"Oo nga ang bilis ng panahon." Kiming sagot niya, kinapa niya ang kwintas na nakasuot na sa leeg niya. Isa itong infinity necklace

"Nagustuhan mo ba? Ganyan kasi ang pagmamahal ko sayo walang hanganan. Walang katapusan, hanggang humihinga ako ikaw lang ang mamahalin ko love." He cupped her cheeks and give her a gentle kiss on her lips. "I really love you Cham hindi ako magsasawa na magpasalamat sa kanya for giving you to me." Itinuro ni Brandon ang langit, laking pasalamat niya na binigyan sila ng panginoon ng pagkakataon.

"Thank you Brandon for everything for your love at sa pagmamahal na binibigay mo kay Chelsea I love you too." Garalgal ang boses ni Cham pinipigilan niya kasi ang maluha .

Agad na niyakap ni Brandon si Cham ng sobrang higpit. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong saya. When Cham said that she loves him too parang nasa cloud 9, this is not the first time he heard it from Cham, but this is the first time he heard it with feelings.

Ito na siguro ang tamang panahon na sabihin niya ang matagal na niyang gustong sabihin dito.

"Love pwede ka bang pumikit?"

"Bakit naman?"

"Sige na please." Pagsusumamo ni Brandon. Sumunod naman si Cham at pumikit ito, may kinuha naman si Brandon sa bulsa nito. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Cham.

"Love saksi ang buwan at mga bituin sa gabing ito, hinihiling ko sana kung pwede mo ng sagutin ang matagal ko ng alok sayo." Pagkasabi nito ay binulungan niya si Cham na pwede na niyang imulat ang mga mata nito.

Tumambad ang isang maliit na kahon kay Cham binuksan ito ni Brandon. "Cham can you please be my Mrs Aleman. Will you please marry me?" malamlam ang mga mata nito kinuha ni Brandon ang singsing sa kahon at hinihintay ang sagot ni Cham. Hindi naman alam ni Cham ano ang isasagot.

Ilang beses na din kasi nagpapahiwatig si Brandon about sa kasal pero para lang siyang laging bingi at manhid na hindi tanggapin ang alok nito. Hindi naman sa ayaw niya kaya lang ay may phobia na siguro siya basta kasal ang pinaguusapan.

Tahimik lang na naghhintay ng sagot si Brandon, kimi lang na nakangiti si Cham. Nagulat siya ng maramdaman ang pagvibrate ang cellphone niya sa pouch niya.

"Teka lang baka importante." Paalam ni Cham ng sagutin ang tawag sa cellphone, halata naman ang pagkadismaya ni Brandon. Lumayo ng bahagya ito at kinausap ang tumawag.

"Sino yun love?" agad na tanong ni Brandon ng bumalik si Cham.

"Si Ate, uwi na tayo may paguusapan kasi kami." Nagyaya na si Cham, walang nagawa si Brandon kundi ang sundin ito. For the nth time bigo na naman itong mapasagot ito sa hiling na kasal. Pinipilit na lang niya itong intindihin kahit masakit sa damdamin.

Tulog na si Chelsea ng dumating sila hindi na sila nahintay nito. "Una ka na punta lang ako kay Ate." Sabi ni Cham at pumunta ito sa kwarto ni Mylez.

"Ate ano na?" bungad nito nanood ng telenovela si Mylez ng abutan niya.

"Ayaw talaga ni Tatay Cham"

May sakit ang Tatay ni Cham ngayon, inaalok na nga nito ang parents nila na pumunta na rin dito sa Paris pero ayaw talaga ng mga ito, lumalala na daw ang sakit nito noong una ay bronchitis lang pero mas madami pa ang naglalabasan na sakit nito.

"Mas magagaling ang doctor dito Ate bakit ba ayaw nila." Umupo si Cham sa gilid ng kama ni Mylez at napasapo sa mukha nito, simula ng pumunta siya ng Paris ay hindi pa siya ulit nakakabalik ng Pilipinas hindi niya kasi alam if kaya niya pang bumalik doon.

"Ikaw kaya ang kumausap nakakaloka ilang beses ko na pinilit ayaw daw ni Tatay sa malamig sumasakit ang rayuma niya pati si Nanay."

"Juzmeyo hindi naman laging malamig dito." Hindi alam ni Cham kung matatawa siya or maiinis ang tigas ng ulo ng parents niya. Gusto lang naman niya na mapabuti ang mga ito, dito kasi ay kumpleto ang mga hospital.

"Eh wala tayo magagawa ayaw nila, kung mamatay man daw siya gusto niya sa Pilipinas"

"Hays ano bang gagawin natin?"

"Ayaw mo ba talaga bumalik man lang ng Pilipinas kahit man lang dalawin sila doon?"

Huminga ng malalim si Cham hindi alam if ano isasagot sa tanong ng ate niya.

"I don't have a choice ate kung ayaw nila pumunta dito syempre kailangan kong umuwi."

Hindi alam ni Cham biglang nagiba ang pakiramdam niya, wala pa sa isip niya ang paguwi sa Pilipinas masaya na siya dito sa Paris kasama ang anak at si Brandon pero kailangan din siya ng Tatay niya kailangan na niyang kausapin si Brandon sa balak na paguwi sa Pilipinas.

***

Sinigurado muna ni Cham na lahat ng gawain sa bakeshop ay naihabilin na niya kay Mylez ito muna kasi ang hahalili sa kanya habang wala pa ito. Hindi naman makakasama pa sa kanila si Brandon dahil madami pa itong ikaasikaso sa expansion ng bakeshop at sa mga franchise application napag-paalam na din niya si Chelsea sa school nito na mawawala ito ng ilang lingo at mabuti naman na pumayag ang school nito but she need to hire a tutor para sa mga namiss na klase nito pagbalik.

"Love mag-iingat kayo ni Chelsea ah, I will try my best na makasunod." Habilin ni Brandon, andito na sila ngayon sa airport ngayon ang flight nila pabalik ng Pilipinas.

"Bebe send my kisses to Lolo and Lola okay" habilin din ni Mylez kay Chelsea pagkatapos nitong halikan ng napakadami ang pamangkin.

"Sure I'm so excited to meet them and I will kiss them right away and will tell that some of it came from you Auntie" magiliw na sabi nito. Ito ang unang pagkakataon na makikita ng personal ng parents ni Cham ang apo nila.

"Ay naku bebe mamimiss kita, Auntie will be lonely coz wala na ang makulit na pamangkin ko. Skype tayo palagi bebe" niyakap niya ng sobrang higpit si Chelsea.

"Love hindi ka pa nakakaalis namimiss na kita." Nakangusong sabi ni Brandon, first time lang ulit nila na magkakahiwalay ng matagal, ayaw man niyang umalis ang mag-ina niya pero kailangan din ito ng pamilya niya.

"Magpaka-busy ka lang hindi mo na mamalayan na nakauwi na ulit kami."

Natapos na ang pagpapaalamanan nila ng i-announce na ang they need to go na dahil tinatawag na ang mga pasahero ng flight to the Philippines.

"Mommy I wanna meet Auntie Ading too and my cousin." Si Chelsea nasa loob na sila ng eroplano at naghihintay na lang sila sa pag-alis nito.

"Yes they will all fetch us in the airport." Ngumiti lang ang bata at sinimulan ng kunin ang music player nito sa backpack niya at isinuot ang headphone.

Naalimpungatan si Cham ng marinig na ang mga announcement sa loob ng eroplano na malapit na sila ginising na din niya ang natutulog na anak, nagunat-unat siya ang tagal din kasi ng byahe nila.

Hindi naman sila nahirapan na makita ang Ate niya paglabas nila ng airport.

"Chammmmm" sigaw ni Ading ng makita na ang kapatid. Tinakbo nila ito kasama ng asawa nito at isang anak.

"Ate namiss kita." Bungad ni Cham sabay yakap dito, binati din ni Cham ang asawa nito ang dating empleyado ni Ellsworth. Bigla naman niyang naalala ang dating kasintahan ng maalala na dati niyang katrabaho ang asawa ng ate niya.

"Hi Chelsea it's me Auntie Ading." Tuwang-tuwa si Ading na makita ang pamangkin, sobrang ganda nito at palangiti.

"Hi Auntie nice to meet you."

"Ang ganda mo baby para kang si Cham noong bata."

Nginitian lang siya ni Chelsea, hindi kasi niya ito naintindihan. "Sorry Auntie I can't understand"

"Ay naku nosebleed pala kami dito sa pamangkin ko Cham unti lang ang baon ko na English." Nagtawanan naman silang lahat.

Lumilibot naman sa paligid ang tingin ni Chelsea ngayon lang kasi siya nakakita ng iba't ibang itsura ng Pilipino, lahat ay ngini-ngitian niya at kinakawayan. Nahagip naman ng mata niya ang isang kilalang tao.

"Uncle Thor!!" sigaw niya tatakbo sana siya papunta dito pero hawak ng mommy niya ang kamay niya.

"Mommy I saw Uncle Thor my friend in Paris, he's also here." Sagot ni Chelsea ng tinanong ni Cham kung bakit nakikipaghigitan ito ng kamay.

Ituturo na sana ni Chelsea kung nasaan si Thor pero hindi na niya ito makita. "So where is he baby?" tanong ni Cham, ipapakilala daw kasi siya ng anak sa friend nito.

"Uggh I can't see him anymore." Malungkot ang itsura nito na kahit anong lingon sa iba't ibang direksyon ay hindi na niya ito makita, sigurado ang bata na nakita niya ito.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Thanks sa suporta guys!

Thanks din pala sa mga nagfollow sa akin. ♥

For those who wants to follow me on Facebook:

https://www.facebook.com/shairaluane

Just don't forget to click on Vote or hit the star button, I would love to see your comments too.

Enjoy reading!

Shairaluane © May 2014

Continue Reading

You'll Also Like

206K 3.9K 21
Dice and Madisson
801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
757K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.