He Robbed My heart (editing)

By EommaBunny

77.1K 1.3K 733

♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihinga... More

Prologue
Teaser..
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Authors Note
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 Part 1
Paramdam...
Chapter 49 Part 2
Chapter 50
Epiclogue

Chapter 45

556 22 20
By EommaBunny

Lumipas ang mga buwan malamig ang simoy ng hangin ngayon sa Paris. First time ni Cham makaexperience ng nyebe. Sobrang kapal ng suot niya ngayon dahil sobrang siyang nilalamig pati ang guantes niya ay makapal at ang boots na suot din. Andito siya ngayon sa photoshoot ng advertisement ni Sharm para sa isang cosmetic company, simula ng sinama siya ng matalik na kaibigan ay naging personal assistant siya nito.

“Are you okay Ms. Cham?” tanong ng assistant producer sa kanya na isang French. Napansin siguro nito na kanina pa siya nagkikiskis ng mga kamay niya at dinadampi sa mukha niya.

“Yes Mr. Rice i’m okay I’m just not use to this kind of weather but I’m sure I will be fine soon.” Kiming ngiti niya. Umalis din kaagad ang lalaki dahil humudyat na ang director na magsisimula na ang shooting nila. Binigyan naman siya ng isa sa mga staff ng isang mainit na tsokolate para maibsan ang lamig na nararamdaman.

Sobrang ganda talaga ni Sharm kaya ang daming mga offer nito halos hindi ito mabakante sa mga projects na inoofer sa kanya. Noong bago nga siya dito sa Paris ay inoferan din siya magcommercial pero tumanggi siya ilan beses na din siya kinulit ng manager ni Sharm na siya hahawak sa kanya pero ayaw niya talaga.

Nagulat siya ng magvibrate ang celphone sa pouch niya buti na lang at naka silent ito kundi hindi nakakahiya at gagawa pa siya ng ingay.

Nang tignan niya isang text galing kay Brandon.

“Love i really feel so empty if I’m not beside you I miss you so much will be there soon. Arggh miss na miss na kita I love you thank you for giving me a chance I promise na babawi ako pagdating ko diyan I love you talaga love”

Napangiti naman siya ng makita ang mensahe ng kasintahan, hapon ngayon sa Paris at sa California ngayon ay sobrang aga palang bagong gising siguro si Brandon ng magtext sa kanya. Simula ng dumating sila sa Paris ay hindi na siya pinabayaan nito katuwang si Sharm, pinadama ni Brandon sa kanya na talagang mahal siya nito na karapat-dapat siyang maging masaya ulit.

Madami siyang napagtanto sa araw-araw na andito si Brandon noon at dinadamayan siya. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip at hinayaan na niyang makapasok sa buhay niya na ng tuluyan si Brandon hindi naman na iba sa kanya si Brandon kung tutuusin mas kilala niya pa ito since ilang taon na din silang magkaibigan. At hindi nga siya nabigo dahil lagi siyang pinapasaya ni Brandon.

Ayaw niyang maging unfair ka Brandon sinabi niya dito na hindi pa niya ito mahal ng lubusan pero susubukan niya at wala naman ito sa binata tinanggap niya ng buong-buo si Cham sa panahon na wasak na wasak ang pagkatao nito. Walang pakialam si Brandon kung ano man ang nakaraan ni Cham ang mahalaga ang pinakamamahal niyang babae ay nasa kanya na ngayon.

“Love text me if pwede na ako tumawag may good news ako sayo. Love you love” text ulit nito.

Hindi na muna niya ito nireplyan hihintayin na lang niya matapos ang trabaho ayaw niya kasing mawala sa paningin ni Sharm baka may bigla kasi itong kailanganin tapos wala siya sa tabi nito. Sobrang laki na talaga ng utang na loob nito sa kaibigan laking pasalamat niya lang at may Sharm na kaibigan siya kung wala ito hindi niya alam paano na siya ngayon.

Sa ilang buwan na nakalipas simula ng umalis siya sa Pilipinas hindi niya pa din masabi sa sarili if nakalimot na ba siya ng tuluyan, aaminin niya na mahirap ang gawin yun lalo na sa taong nagbigay sayo ng sobrang kaligayahan at naipadama naman nito ang pagmamahal sa kanya pero kailangan na niyang magsimula at sa tingin niya ay nagagawa naman niya. Sa tulong na din ni Brandon, kaya lang minsan ay pakiramdam niya ay nasasaktan niya ito lalo na pag hindi siya nagreresponse sa mga I love you nito.

 “Hello love buo na naman ang araw ko narinig ko na naman ang boses mo.” Bungad ni Brandon pagkasagot niya ng telepono, tapos na kasi ang shooting ni Sharm andito sila ngayon sa isang café at magdidiner with other staff. Nagpaalam muna siya kay Sharm na lalabas para kausapin si Brandon.

“Hi good morning sayo nagbreakfast ka na ba?”

“Oo tapos na, pakausap nga ako kay baby itapat mo sa tummy mo mommy love.” Hiling ni Brandon ganito siya lagi pagkausap si Cham lagi din kinakausap ang baby na nasa tiyan nito. Buntis kasi si Cham at sa isang buwan ay maari na itong manganak.

“Oh baby ang laki-laki mo na wait mo si Daddy uuwi na diyan malapit na excited na ako makita ka love na love ko kayo ni mommy Cham mo magiingat kayo palagi ah daddy always think of you.” Malambing na sambit ni Brandon habang nakatapat ang cellphone ni Cham sa malaking tiyan niya. Itinapat na ulit ni Cham ang telepono sa tenga niya.

“Ang lakas ng sipa ng baby love hehe excited na ako umuwi diyan malapit na matatapos na ang mga papeles na ginagawa ko para matayo ko na diyan ang branch ng bakeshop ni Mama, at ang sabi ay this week ay matatapos na ito kaya lagi na tayo magkasama pagbalik ko diyan. Nakahanap na din ako ng bahay na malapit lang diyan kina Sharm para titirahan natin.” Masayang balita ni Brandon, kaya ito umuwi ng America para maayos ang itatayo na business nila diyan sa Paris isang bakeshop na kapangalan ng sikat na bakeshop na ng Mama niya dito sobrang nagclick kasi ito at may sampung branch na din ito sa iba’t ibang parte ng America at ang balita ay mas dadami pa ito by next year.

“Wow magandang balita yan masaya ako at naayos mo ng napakabilis, hinihintay ka na nga ni baby ang likot-likot niya lagi sa tiyan ko minsan nagigising pa ako dahil sa lakas ng sipa niya.”

“Sana nandyan ako at nakikita ang pangungulit niya kay Mommy Cham namimiss ko na kayo pag natapos ito this week lilipad na ako papunta diyan by next week.” Ani Brandon.

Medyo matagal din silang nagusap at nagpaalam na din si Cham ng makita na madami ng nakahain na pagkain sa table nila sa loob gutom na din siya pero binawalan siya ng doctor niya na wag masyado kumain lalo na malapit na siya manganak para hindi siya mahirapan. Malaki din ang itinaas ng timbang niya.

“Bes oh ano balita kay Brandon?” bungad ni Sharm pagkaupo niya pa lang.

“Sabi niya malapit na matapos ang ginagawa niya at baka umuwi na siya dito next week.”

“That’s nice mabuti na yun makauwi na siya kaagad baka manganak ka bigla wala pa siya dito. Sige kain kana ng makauwi ka na mauna ka na pagkatapos kasi may pupuntahan pa ako hindi na kita isasama para makatulog ka ng maaga.”  ani Sharm at nagsimula na silang maghapunan. Masaya naman si Cham sa binalita na Sharm na meron itong isang malaking project pipirmahan mamaya, sobrang successful na ang kaibigan pero hindi pa rin ito nagbabago kung ano sila dati ay ganon pa din ang pakikitungo nito sa kanya.

***

“Love handa na ang hapunan halika na kain na tayo” si Brandon bed rest na kasi ngayon si Cham maari na kasi siyang manganak any moment, lagi na din nasakit ang tiyan niya kaya hindi siya masyado pinapakilos ni Brandon.

“Ang bango naman ng niluto mo” puna ni Cham pagkalabas pa lang ng kwarto nila, inalalayan siya ni Brandon papuntang dining area.

“Syempre dapat matuto na akong magluto ng mga favorite na ulam mo, gusto ko kasi ako na lagi magluluto pag may time ako.” Pinaupo na ni Brandon si Cham at nilagyan ng pagkain ang plato nito, nagluto siya ng pork sinigang na paborito ni Cham.

“Ang sarap pati si baby nasasarapan yata ang likot-likot niya.” Agad naman na tumayo si Brandon at inilapat ang palad nito sa malaking tiyan ni Cham, ang laki ng ngiti nito ng maramdaman ang baby na sumisipa.

“Ang lakas ng sipa niya ngayon ang galing.” Mangha sambit nito.

“Grabe ang likot niya talaga tignan mo lumipat siya ng pwesto.” Pinakita ni Cham ang tiyan at kita ang umbok ng ulo nito sa may bandang kaliwa ng tiyan niya kinapa naman ito ni Brandon. Ang laki ng ngiti ni Brandon excited na talaga siya makita ang baby.

“Love sobrang saya ko talaga.”  Lumuhod ito sa gilid ni Cham at hinawakan ang isang kamay nito. “I feel so complete right now, hindi mo alam gaano mo ako pinapasaya. Sa bawat pagmulat ng mga mata ko ikaw ang nakikita ko akala ko pangarap na lang kita dati hindi ko talaga inaasahan na magiging totoo lahat ito. Ang corny man love until now hindi pa din ako makapaniwala na kapiling kita at magiging isang pamilya na tayo.” Maluha-luha na sabi ni Brandon saka dinampian ng halik ang kamay ni Cham.

Sinuklian naman siya ng isang matamis na ngiti ni Cham. “Thank you dahil hindi ka sumuko sa akin, halika na nga kumain na tayo ulit nagaalborota na si baby gusto pa daw niya ng luto ni Daddy niya.” Tumabi naman si Brandon kay Cham at siya na ang nagprisinta na magsusubo ng pagkain kay Cham.

“Sarap ba luto ng daddy baby?” tanong ni Brandon sabay himas ulit sa tiyan ni Cham. Para naman talagang naiintindihan siya nito dahil sumipa na naman ito.

“Aray. Wag mo na nga siya kausapin muna ang lakas na niya manipa.” Nakangiwing sabi ni Cham, medyo nasaktan siya sa huling sipa nito.

“Sorry love. Baby magsorry ka din kay mommy nasaktan mo siya.”

Natapos na magdinner ang dalawa, naupo naman si Cham sa sala para manood ng balita, si Brandon naman ay inayos ang pinagkainina nila. Kanina pa hinihimas ni Cham ang tiyan niya dahil simula kanina ng sumipa ang baby niya ay sobrang sakit na ng tiyan niya. Malamig ang klima pero parang tumatagaktak ang pawis niya sa noo niya.

“Love dinalhan kita ng fruits mango and watermelon.” Ani Brandon, pagkakita kay Cham na nakaupo sa couch ay nagulat siya dahil parang namumutla ito. “Love ano nararamdaman mo?” mabilis na tinakbo niya si Cham mula sa kusina.

“Ang sakit ng tiyan ko.” Hinihingal na sabi nito.

“Teka lang aayusin ko lang ang mga gamit mo baka manganganak ka na” dali-daling tinakbo ni Brandon ang kwarto nila at hinanap ang nakaready na bag nito. Ilang minuto lang siyang nawala pagkabalik niya ay basa na ang sofa na inuupuan ni Cham.

“Brandooooonnn ang sakit” daing ni Cham, sumabog na ang panubigan nito. Hindi naman alam ni Brandon ano ang uunahin, hindi pa niya mahanap ang susi ng kotse bigla siyang nawala sa sarili niya.

“Teka lang love ah. Inhale exhale Inhale exhale” lumapit ito kay Cham at pilit na pinapakalma.

“Shit nasaan na ba ang susi ng kotse” inis na sigaw niya sa sarili niya.

“Bilisan mo ang sakit na talaga hindi ko na kaya.” Sigaw ni Cham. Namimilipit na ito sa sakit.

***

Isang magandang bata ang naging anak ni Cham. Apat na taon na ito ngayon, mahal na mahal ito nila Cham at Brandon.

“Chelsea mommy will get mad at you if you will not kain your breakfast” pananakot ni Mylez sa pamangkin. Magiisang taon na rin siya dito sa Paris kinuha siya ni Cham para mag-alaga kay Chelsea, tinutulungan kasi ni Cham si Brandon sa business nila at walang tiwala kasi ito sa ibang tao para mag-alaga sa anak niya.

“Auntie I don’t like the food you prepared for me. It’s nasty” depensa ng bata kay Mylez.

Hirap na hirap si Mylez makipagusap sa pamangkin dahil nga sa English speaking ito at may british accent pa. Ang hirap din suyuin nito pagdating sa pagkain kailangan yung gusto niya ang masusunod katulad ngayon ang breakfast nito ay pancake, omelet at vegetables.

“So what do you want?” mahinahon na tanong sa pamangkin.

“Just cereals”

“Cereals again? It’s not healthy bebe you mom wants you to eat vegetables.”

“No I won’t eat that.” Tumayo na ang bata at padabog na pumunta sa sala.

“Chelsea you’ll be late eat now.”

Ilang minuto din silang nagbangayan ng pamangkin bago ito napapayag na kumain na, mauubusan siya ng english dito para pakiramdam niya nga simula ng tumira dito sa Paris ay anemic na siya low-blood na sobrang nosebleed. Pero buti na din at andito siya dahil nagbaba-kasakali siya na makabingwit ng foreigner, si Ading kasi ay nag-asawa na din kung sino pa ang panganay ay siya pa ang single.

Andito na siya sa school ni Chelseaa hatid sundo niya ito, umuuwi muna siya pagkahatid dito dahil mga 4 na oras din ang klase nito. Minsan ay doon siya sa bakeshop natambay pag tapos na siya sa gawaing bahay baka nga naman doon niya makita ang Mr. Right niya.

“Oh ate nahatid mo na ba si Chelsea?” bungad ni Cham pagkakita sa ate niya.

“Oo bebe nahirapan na naman ako sa pamangkin ko na yun ang tigas ng ulo.” Agad na sumbong nito.

“Bakit naman ate?” sabat ni Brandon ng marinig ang sinabi ni Mylez galing ito sa loob at narinig pa ito.

“Paano ba naman ayaw kainin ang luto ko gusto cereals na naman aba eh wala naman siya makuhang sustansya doon ah.” Lahad nito.

“Tama ka doon ate napakain mo ba?” usisa ni Cham.

“Aba syempre ako pa. Nilutan ko siya ng mash potato with carrots saka omelet at pancake ayun kumain naman.”

“Very good ka ate ah. Salamat sa mahabang pasensya mo kay Chelsea.” Pasasalamat ni Brandon kay Mylez.

“Aba syempre naman dapat hindi ang bata ang masusunod sa pagkain, kailangan disiplina para hindi maspoiled.” Pagpaparinig nito sa dalawa, minsan kasi ay napapansin niya na grabe mangspoiled sila Cham at Brandon kay Chelsea na minsan ay nagiging brat na din ito at ayaw naman niyang lumaki ang pamangkin niya na ganon.

“Tama ka doon ate.” Ani Brandon nagpaalam ito na may aayusin muna sa opisina nila. Medyo malaki na din ang business nila ngayon maganda talagang business ang tungkol sa pagkain at sobrang pumatok din ito sa Paris. Sa apat na taon na pamamalagi nila dito ay meron ng 5 branch sila dito at madami pa ang interesado na mag franchise din.

“Penge ako ng gagawin Cham ng malibang naman ako.” Ani Mylez habang naghihintay ng labasan ni Chelsea kadalasan ay tumutulong din ito sa bakeshop since sanay na ito sa gawain na ito, ito din kasi trabaho niya sa Maynila.

***

“Hi are you alone baby?” bungad ng isang lalaki kay Chelsea, nakaupo ito sa waiting area at hinihintay ang sundo niya.

“Sorry I don’t speak to strangers” tinignan ni Chelsea ang nagsalita na katabi na pala niya at inirapan ito, iilan na lang sila na natira ditong mga bata na naghihintay din sa mga sundo nila.

“Oh I just found you cute, by the way i have something for you.” Inilahad nito ang dalang pagkain at iniabot kay Chelsea. Isang malaking box na puno ng cupcakes.

“Sorry my mom told me not to accept foods from strangers.” Napangiti naman ang lalaki sa asal ng bata, magaling ang magulang nito at tinuruan talaga na wag kumausap ng hindi kakakilala at wag tumanggap ng kahit ano from strangers.

“Let me introduce myself so I won’t be a stranger anymore. You can call me Uncle Thor I just like giving gifts to cute babies like you.” Nakangiting pagpapakilala niya dito. “So cutie may I also know your name?”

“Hmm your not a bad guy right?” paninigurado ni Chelsea. Tumango naman ang lalaki at nakangiti pa din sa kanya. “Alright I’m Chelsea Hontiveros Aleman” mas lalong natuwa ang kausap dahil talagang buong pangalan nito ang binigay.

“What a beautiful name it suits you I bet that you look like your mom? Is she gorgeous like you? ”  

“Yes she’s the most beautiful mom in town.” Nakangising sabi nito.

“That’s why your so beautiful too.” Kumuha ng cupcake ito at kinain para hindi matakot na kuhain ni Chelsea din ang binibigay nito.

“Go get one it’s delicious” alok nito, napapayag naman ito at mukhang nasarapan naman ang bata sa cupcake.

“Yeah your right this cupcake taste good. But our cupcake is the best we also have a bakeshop.”

“Wow really can you tell me the name of your bakeshop so I can visit and taste your cupcake there.”

Hindi naman nahirapan ito makuha ang loob madaldal pala si Chelsea, matagal din sila nagkwentuhan ng makita ng lalaki ang parating na sundo nito ay nagpaalam na ito.

“I’m happy to meet you Chelsea see you again don’t forget my name you take care baby.” Paalam nito.

“Goodbye Uncle Thor”

“Sorry bebe Auntie is late. Oh who gave you that cupcake?” usisa ni Mylez ng makita na may box ng cupcake sa gilid nito.

“My new found friend Auntie.”

“Where na siya?” tanong nito at palingon-lingon sa paligid pero wala naman makitang ibang tao na.

“He already left Auntie he’s nice so don’t you worry”

“Naku naman bebe next time don’t accept any food again from any person you don’t know that’s a big no no no no okay?” nag-aalala na sabi ni Mylez mahigpit na bilin kasi ito nila Cham at Brandon sa anak.

“Let’s go Auntie that’s okay he is really nice he is not a bad guy.” Pagtatanggol nito.

“Ah whatever bebe don’t do that again. Naku malalagot ako nito if your Mom will find out.”

“Auntie nothing happens we are just chit chatting I’m kinda bored waiting for you.”

“Ay ako pa tuloy ang may kasalanan. Halika na were going home.”

Sa hindi kalayuan ay nakatayo si Thor at tinitignan lang ang paalis na sila Chelsea na kasama ang sundo nito. Nakasakay na siya sa kotse niya at handa na itong sundan ang dalawa hindi dumeretso ang mga ito sa bahay nila bagkus ay nakita niya na bumaba ang mga ito sa bakeshop na sinabi ni Chelsea kanina na business nila. Pagkababa palang ni Chelsea ay may sumalubong na dito na isang babae at lalaki ito siguro ang magulang nito.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

A/N:

Mommy na si Cham J … Okay lang ba sa inyo na si Brandon ang makatuluyan ni Cham?

Hahahahahahaha :D

Multimedia: Cham with her baby :)

 Thanks sa suporta guys!

Thanks din pala sa mga nagfollow sa akin. ♥

For those who wants to follow me on Facebook:

https://www.facebook.com/shairaluane

Just don’t forget to click on Vote or hit the star button, I would love to see your comments too.

Enjoy reading!

Shairaluane © May 2014

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
750K 26.6K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.