Tenses of Love (Tennis Knight...

By OhCheeseball

96.4K 4.8K 1.5K

Enzo had always thought that he wasn't good enough to be loved. Pakiramdam niya ay hindi siya buo. Pakiramdam... More

X
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas

Kabanata 9

2K 124 24
By OhCheeseball

Kabanata 9



NAPAKUNOT ang noo ni Allie nang mapansing nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay ng mga Guttierez. Hindi sila sabay umuwi ni Enzo ngayon dahil marami raw itong tatapusin sa club nito.

Ayos na rin 'to. At least, magkakaroon siya ng oras para maintindihan 'tong damdaming umuusbong sa puso niya kapag nasa malapit si Enzo. Kapag nasa malapit kasi si Enzo, para bang hindi siya makapag-isip nang matino. Kaloka.

Pagkapasok niya sa bahay ay kinabahan pa siya. Hindi siya sanay na ganito kadilim. Naalala niya 'yong horror movie na pinanood nila ni Enzo. 'Yong pagbukas ng ilaw ay biglang may lalabas na multo sa harap ng babae. Shet. 'Wag naman sanang mangyari 'yon sa kanya.

Kinapa niya ang switch sa dingding. Mariing pumikit si Allie saka pinindot ang switch. Parang may mainit na hangin siyang nararamdaman sa mukha niya. Instantly, the scary feeling disappeared. She knew this smell.

Kaagad na napadilat si Allie. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagmasdan si Enzo. Unti-unti siyang napangiti. Enzo was wearing a Doraemon party hat and was holding a cupcake with a candle on top.

"Happy birthday, Little," he softly said.

Sa likuran ni Enzo ay sina Tito Miguel, Tita Lily, Avi, Ashleigh, at ang apat pa niyang mga kaibigan.

"Sabi mo kahit kami lang, ayos na sa 'yo, 'di ba? So, happy birthday, Allie!" nakangiting bati ni Avi sa kanya. Sumunod na bumati sina Ashleigh.

"Here's the first installment of your birthday cake. Make a wish, Little."

Na-realize ni Allie na tinawag siya ni Enzo ng "Little" ng dalawang beses. That was more than enough birthday gift to her.

Pumikit si Allie at imbes na humiling ay nag-usal siya ng mahinang pasasalamat sa Diyos.

Nang dumilat siya at inilibot ang tingin sa iilang tao na nandito ngayon, bumalot ang init sa puso ni Allie. Itong mga 'to ang mga taong importante sa kanya. She didn't need millions of people. She only needed them.

"Thanks, Renz," mahinang aniya kay Enzo.

Ipinatong nito ang palad sa ulo niya at marahang ginulo ang kanyang buhok. Iniabot nito sa kanya ang cupcake. Ginagap ni Enzo ang palad niya saka sila pumunta sa dining area.

"Sino ang nakaisip nito?" tanong niya.

Si Ashleigh ang sumagot. "Si Captain Enzo, siyempre."

Pagkalapag ni Allie ng cupcake sa mesa ay kaagad niyang niyakap si Enzo. Naramdaman niya ang pagpalibot ng isa nitong braso sa baywang niya.

"Salamat, Renz. Salamat."

"You're welcome."

May kumiliti sa tainga ni Allie nang tumama ang mainit na hininga ni Enzo roon. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito saka pumikit. Slowly, she was realizing why she was feeling this warmth whenever she was with Enzo.

She was falling for her friend; for the person who was always there for her.

Kaya pala kapag kasama niya si Enzo, pakiramdam niya ay buo siya. Alam ni Allie, malaking parte niya ang nawala nang mamatay ang mommy niya. Hindi 'yon napunan ni Enzo.

Instead, he was holding her whole heart. She wasn't even aware she gave it to him. She just found herself missing it because it now belonged to him.

Nang kumawala siya sa pagkakayakap ni Enzo ay isa-isa niyang niyakap sina Tita Lily at ang iba pa.

Kapagkuwan ay binalingan na ni Allie ang three-tier cake sa mesa. Eighteenth birthday niya. Siguro sa iba, gusto ng magarbong handaan. Pero masaya na siya sa ganito. Simple pero kasama niya 'yong mga taong importante sa kanya.

"Here's your official cake, Allie," ani Enzo.

Now she was back to being "Allie" to him. Hmp.

Kinantahan siya ng mga ito ng birthday song. Matapos kumanta ay pumikit si Allie at humiling.

I hope, wherever my mom was, she could see me right now. So she could know that I am happy and doing fine.

Dinutdot niya ang icing sa may cake at wala sa sariling ipinahid iyon sa pisngi ni Enzo. Tumalim ang tingin nito sa kanya. Nagulat siya nang walang-kibong ginaya siya nito. Ipinahid naman nito ang icing sa tungki ng kanyang ilong.

"Payback," simpleng saad nito.

Thus, the icing fight begun.





TUMINGALA si Allie sa kalangitan saka napabuga ng hangin. Lagpas alas-dose na nang madaling-araw. Unang araw ng pagiging disi-otso anyos niya.

Pinagmasdan niya ang bilog na buwan. Hindi na niya pinigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Last na 'to.

"Mom, eighteen years old na ako. Hindi man natuloy 'yong pangarap nating birthday party, naging masaya pa rin ako," mahinang aniya sa hangin na tila ba kausap niya talaga ang mommy niya. Napahugot ng hangin si Allie. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi pero walang epekto dahil sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng mga luha niya. "Unang birthday ko na wala ka, Mom. Sana... sana nandito ka ngayon."

Nang maalala ang mga nakasama ngayong birthday niya ay napangiti na rin si Allie sa kabila ng mga luha sa mga mata. "Pero may mga kasama ako, Mom. Hindi ako nag-iisa. Kinakaya ko. Masaya ako. Mahirap sa umpisa pero nakaya ko. Malakas 'tong anak mo, eh. Makakaya ko lahat. Kahit masakit na minsan, kakayanin. Sana, Mom, masaya ka d'yan. Sana... sana marinig mo ako. Sana... kahit sandali lang, mayakap kita ulit. Sana... nakapagpaalam man lang ako sa 'yo."

Nakagat ni Allie ang ibabang labi. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil nagbara na ang lalamunan niya. Umiyak na lamang siya nang umiyak. Pagkalipas ng ilang minuto ay napagod din ang mga mata niya. Pinahid niya ang pisngi saka napabuga ng hangin.

"I think I'm starting to fall for him, Mom. No. He has my heart already." Napailing si Allie saka napangiti nang maliit. "Nakakatakot lang dahil hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya. We're friends. We've known each other since forever. Then suddenly, nakaramdam ako ng ganito. What if hindi mag-work out? What if friend lang ang tingin niya sa 'kin? Ayokong masayang ang friendship namin dahil sa feelings ko para sa kanya. Kaya, Mom, kahit mahirap, itatago ko na lang 'tong nararamdaman ko para sa kanya. I want him to stay by my side forever. Even if it means staying as his friend forever... even if my heart wants more."

Napapikit si Allie nang mariin. Inisip niya na may iba't ibang kabitan ng padlock sa puso niya. Sa bawat pagkabit niya ng padlock ay ang pagtatago niya sa nararamdaman niyang ito para kay Enzo. Itinapon niya ang mga susi. Hinding-hindi niya ito bubuksan. Hindi niya pakakawalan ang nararamdamang ito.

Hindi na namalayan ni Allie kung ilang oras siyang nandito sa garden ng mga Guttierez. Kuntento siya sa katahimikan at sa pagtitig sa kalangitan.

Napapitlag siya nang may naramdaman siyang pumatong sa balikat niya. Nang masamyo ang amoy na nagmumula sa jacket, alam niyang si Enzo ang may-ari niyon. Pinagmasdan niya ang isinuot sa kanyang jacket ni Enzo. Ang Tennis Knights' jacket pala nito iyon.

Umupo ito sa tabi niya. Pagtingin niya rito, nakita niyang nakatingala rin ito sa kalangitan. Wala siyang mabasang anumang emosyon sa mga mata nito. But somehow, it seemed as if his body was screaming sadness.

Wala sa sariling ginagap ni Allie ang palad ni Enzo at marahan iyong pinisil.

Padlock. Don't open it. Stay as his friend. Padlock. Don't break it. Don't, mantra niya sa isip.

"Renz..."

"Hmm?"

I think I love you already. Pero hindi puwede, eh. Natatakot ako. Ayokong masira ang anumang meron tayo. Kaya kahit mahirap, pipigilan ko. Sana, minsan, masabi ko sa 'yo kung gaano kita kamahal. "Nothing."

Patlang.

"Little..."

"Yes?"

Napahugot muna ng hangin si Enzo bago sumagot. "Nothing."

Humigpit ang pagkakahawak ni Allie sa palad ni Enzo. Pero pakiramdam niya, hindi nito ginantihan ang pagkakahawak niya sa palad nito.

Sumandig si Allie sa balikat ni Enzo. She was feeling so cold a while ago. Hindi na ngayon.





NANG marinig ang patag na paghinga mula sa babaeng katabi ay unti-unti itong nilingon ni Enzo. Marahan niyang hinawi ang buhok na tumabing sa pisngi ni Allie at inipit iyon sa likod ng tainga nito.

For Enzo, this day was probably one of the happiest yet saddest days of his life.

Pinangko ni Enzo si Allie. Nang gumalaw ito ay nahinto siya sa paggalaw. Hindi nagising si Allie. Nagsimula siyang maglakad habang buhat-buhat ang dalaga. Dinala niya ito sa silid nito.

Inilapag ni Enzo si Allie sa kama nito. Kinumutan niya ito at marahang hinalikan sa noo. Hinaplos niya ang pisngi ni Allie at mariing napapikit.

"I'm sorry, Allie. I'm sorry," mahinang aniya.

He didn't want to hurt her. But in the end, he has to.

Continue Reading

You'll Also Like

60.9K 2.5K 49
As a punishment for the mess she made, Persian Audrey Valderama, a spoiled brat slash playgirl, was forced to spend her vacation at her cousin's hous...
197K 7.6K 56
Elyse Sierra's life isn't exactly stuck in a rut but for years now, she's been living like a hermit with no dreams to chase and plans for her future...
103K 2.4K 59
UP Series #1 Adam Trevino- a famous and heartthrob basketball player of UP Fighting Maroon, a model and engineering student at UP Diliman. Ariadne G...
17.1K 401 37
Xylene Amara Montemayor, a college student who is so determined and passionate on having that RMT, MD title on her name someday. As she pursue this d...