He Robbed My heart (editing)

Od EommaBunny

77.1K 1.3K 733

♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihinga... Více

Prologue
Teaser..
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Authors Note
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 Part 1
Paramdam...
Chapter 49 Part 2
Chapter 50
Epiclogue

Chapter 43

689 23 9
Od EommaBunny

Multimedia Available:

I'll say GOODBYE for the two of us....

“Cham patawarin mo ako. Hindi ko kaya mawala ka sa akin.” Nanlulumong sabi ni Ellsworth, basang-basa na ang mukha ni Cham sa sobrang daming luha na tumutulo sa mga mata nito. Tulala pa din ito at walang kibo.

“Sana naisip mo na malaking kalokohan ang ginawa mo kay Cham, sa tingin mo matutuwa siya sa ginawa mo?” singit ni Rico, sinamaan naman ng tingin ni Ellsworth si Rico.

“Hindi ko kailangan ng opinion mo Rico.” Matigas na sagot niya.

“Hindi ko pa rin maintindihan paano mo naatim na makasama ako ng halos dalawang taon at hindi mo man lang sa akin ito nasabi pinagmukha mo akong tanga.” Muling nagsalita si Cham pero parang walang buhay ang boses nito. Napakalamig ng tono nito.

“Dahil ayaw kitang mawala Cham, mahal na mahal kita. Siguro naman naramdaman mo yun diba?” pinipilit ni Ellsworth na maging malakas kahit unti-unti na siyang nawawalan ng lakas.

“Naging totoo ako sayo, minahal kita ng tapat binigay ko ang buong pagkatao ko at puso ko pero sa ginawa mo sa akin sana pala pinatay mo na lang ako noon….” Umagos na naman ang mga luha ni Cham parang may sariling buhay na ang mga mata niya hindi na ito mapigilan.

“Dahil daig ko pa ang pinatay ng paulit-ulit ngayon Ellsworth” napaupo na ng tuluyan si Cham sa sahig wala ng mga lakas ang tuhod niya manhid na din ang mga kalamnan niya sa paa sa tagal ng pagkakaluhod.

Muling tumarak ang isang napakahapdi na pakiramdam sa puso ni Ellsworth. Hindi niya alam paano lulusutan ang problema na ito. Mawala na lahat gagawin niya lang wag lang mawala si Cham sa buhay niya.

Madami man kasinungalingan siyang nagawa kay Cham pero totoo talagang minahal niya ito, pagmamahal na ngayon niya lang talaga naramdaman.

Ang mali lang ay nabuhay siya sa piling ni Cham na puno ng kasinungalingan.

“Lahat gagawin ko patawarin mo lang ako baby.” Pagsusumamo ni Ellsworth.

Umalis si Rico saglit at naiwan ang dalawa, walang imik pa din si Cham. Lahat ng sinasabi kasi ni Ellsworth ay hindi na niya maintindihan para buong katawan niya ang sistema niya ay namamanhid ngayon sa sobrang sakit.. Sakit na hindi niya alam ano ang magiging gamot.

Sumandal si Cham sa pader para makakuha ng lakas madami pa siyang gustong sabihin pero ayaw lumabas nito sa lalamunan niya.

“Cham look at me please.” Utos ni Ellsworth, wala naman siyang nakitang reaksyon mula sa dalaga.

“Masama ang loob ko, sobrang sama ng loob ko talaga ng mamatay ang nagiisang kapatid ko.” Panimula niya.

“Ang mali ko lang hindi ako nag-isip nilamon ako ng kagustuhan kong makaganti, wala akong inisip kundi ang makaganti at maging pantay ang sakit na nararamdaman ko para sa taong gumawa non sa kapatid ko. Mahal na mahal ko yung kapatid ko na yun na tipong… Handa ako pumatay ng mga panahon na iyon.” Kwento nito.

Pero si Cham hindi maganda ang dating nito sa kanya dahil muling bumalik ang alaala niya dito ang panahon na bugbog-sarado siya dito at walang awa kung saktan.

“Plinano ko lahat ng magiging hakbang ko, may nakapasok na writer sa Alban publishing ako ang may utos noon lahat” natatawa si Ellsworth na kasabay nito ang malungkot na mukha. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya.

“Ang writer na yun ang puno’t dulo ng pagkasira ng Alban publishing. Pati si Congressman ako din ang may gawa noon malayong pinsan ko siya.” Patuloy na kwento ni Ellsworth.

“Tama na!” sigaw ni Cham tinakpan niya ang tenga niya ayaw niya na makarinig pa ng mga kasinungalingan ni Ellsworth.

“Ang tanga lang ng mga tauhan ko dahil maling babae ang dinala nila sa akin.” Halakhak- iyak ang reaksyon ni Ellsworth. Dahil hindi niya pa rin maimagine until now na nasaktan niya ang babaeng mahal na mahal niya ngayon.

“Ayaw ko na marinig pa yun Ellsworth tama na. Lalo mo lang dinadagdagan ang sama ng loob ko. Hindi ko pa alam paano pa kita papatawarin.” Itiniklop ni Cham ang mga tuhod niya at sinubsob dito ang ulo niya.

Pero ayaw paawat ni Ellsworth sa pagkwekwento. He wants Cham to know everything now eto na ang tamang panahon para malaman niya lahat ng nangyari.

“Nang makita kita noong una, gigil na gigil akong saktan ka. Dahil ang alam ko si Sharm ka pero sa araw-araw na nakikita kita na madaming pasa at sugat ay nilalamon ako ng konsensya ko dahil may nararamdaman akong mali so tama nga ang hinala ko na hindi ka si Sharm at mas lalo kung napatunayan yun ng mahulog ka sa hagdan at bumalik ka ng Maynila.” Patuloy niya.

“Nang naangkin kita, isa yun sa mga paraan ko para masaktan ka. Pero simula noon hindi ka na talaga mawala sa isip ko. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan ay hindi na ako nagpalamon sa poot ng puso ko. Pero Cham kung hindi dahil doon hindi kita makikilala…”

“Tadhana man na magtagpo tayo hindi man ganoon kaganda ang umpisa natin sana patawarin mo na ako. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin, yun lang mali ko ang hindi ako naging tapat sayo sa nakaraan natin.”

“Sa tingin mo Ellsworth ganoon lang kadali kalimutan yun? Hinihingi mo ang kapatawaran sa ginawa mo sa akin? Dinamay mo ang puso ko araw-araw ako nangangarap na ikaw na sana ang lalaki para sa akin. Masaya ako dahil nakilala kita pero hindi ko pala alam ikaw din pala ang nakaraan ko ang mapait na alaala ko. Sa tingin mo paano pa ako mabubuo? Winasak mo na buong pagkatao ko.” Mariin na pinahid ni Cham ang mga patuloy na luha niya. Ang sakit-sakit pa din ng nararamdaman niya hindi niya alam kailan ito titigil. Napayakap siya sa mga binti niya.

Ito na naman ang luha niya na saksi sa lakat ng sakit na naramdaman niya. Ito na naman ang tanging kakampi niya ngayon.

“Mach” sigaw ni Brandon, naabutan niya sina Ellsworth na mukhang mahina na at si Cham na nakayuko na nakawedding dress, iniangat ni Cham ang mukha nito para tignan ang tumawag sa kanya. Napalunok si Brandon sa nakitang Cham ngayon. Mukha itong basang sisiw sa dami ng luha nito sa buong mukha nito nagkalat na din ang mga make up nito.

Tumakbo siya papalapit kay Cham at agad itong niyakap.

“Wag ka mag-alala Mach andito pa din ako, tahan na.” pag-aalo ni Brandon sa mahal niyang si Cham. Lumingon siya sa pwesto ni Ellsworth at nagkasukatan sila ng tingin. Masama ang tingin ni Ellsworth dito dahil alam niyang may gusto si Brandon kay Cham at ngayon imbes na siya ang yayakap dito para aluhin ito ay si Brandon ang gumagawa nito ngayon.

“Nrab ang sakit-sakit” mahinang sambit ni Cham. Lalong hinigpitan ni Brandon ang pagkakayakap kay Cham.

“Sshh tutulungan kita mawala ang sakit na nararamdaman mo, magtiwala ka lang sa akin.” Habang sinasabi ito ni Brandon ay nakatingin pa din siya kay Ellsworth at nakangisi, ngisi ng tagumpay ito. Wala naman magawa si Ellsworth kundi ang tiim bagang na titigan ang pananamantala ni Brandon sa kasintahan.

Humiwalay si Brandon sa pagkakayakap kay Cham at hinarap ang nanghihina na si Ellsworth. Dumoble ang sakit na nararamdaman ni Ellsworth dahil sa presensya ni Brandon.

Nakatikim si Ellsworth ng sunod-sunod na suntok at tadyak kay Brandon.

“Gago ka kulang pa yan sa ginawa mo kay Cham, parating na ang mga pulis ipapakulong kitang gago ka.” Galit na galit na sabi ni Brandon, hindi makapagreact si Cham sa mga nangyayari napapikit na lang siya sa nakikita. Ayaw niyang makitang nasasaktan si Ellsworth pero parang nilamon na siya ng galit din dito.

Hindi pa din nakukuntento si Brandon sa ginawa nagpatuloy pa din ito sa pambugbog kay Ellsworth.

“Lumaban ka? Babae lang ba ang kaya mo?” pang-aasar pa ni Brandon. Nagulat naman siya ng duraan siya ni Ellsworth na may mga kasama pang dugo.

“Gawin mo na lahat ng gusto mo hindi ako lalaban coz I deserve all of this.”  Mayabang na sagot niya kay Brandon. “Cham imulat mo ang mga mata mo tignan mo ako this is what i deserve.”  Nanginginig na ang mga kamay at tuhod ni Cham dahil kahit nakapikit siya ay nararamdaman niya ang pagsuntok, pagtadyak ni Brandon at ang pag-inda ng sakit ni Ellsworth.

“Pwede ba Brandon tama na..” suway niya dito ng saktong pagmulat niya ng mata niya ay  sinabunutan ni Brandon si Ellsworth at dinuraan pa sa mukha nito.

“Don’t tell me Cham naaawa ka pa din dito? Wala kasing sikretong hindi nabubunyag Ellsworth malas mo dahil hindi natuloy ang kasal niyo dahil hindi mo mahahawakan pa sa leeg si Cham. At syempre hindi ako papayag na matuloy ang kasal niyo. Para sa akin lang si Cham.” At tumawa si Brandon ng napakalakas umeecho pa ito sa paligid,

“Tadhana nga naman, tsk tsk Cham ako ang nakabunyag ng sikreto nitong magaling mong boyfriend may maganda din naidulot ang pagstay ko sa America kung hindi yun nangyari malamang buong buhay mo ka niyang lolokohin.”

Kinwento ni Brandon ang lahat-lahat paano niya nalaman ang tungkol dito. At paano sila naging magkakuntsaba ni Rico, plano nila lahat ito.

“I contacted Rico dahil alam kong magiging interesado din siya dahil siya ang pinakadahilan ng paghihinganti ng gagong to na si Sharm talaga ang prospect niya at hindi ikaw. Ang galing Ellsworth diba? Sa araw pa mismo ng kasal mo?” tumawa na naman ng malakas si Brandon, naninibago si Cham sa kaibigan, he looks like evil right now. Ang mga tawa nito ay nakakabingi. “Sa tingin mo ba hahayaan ka namin maging masaya Ellsworth? Of course not. Ganti ko na din ito dahil inagaw mo si Cham sa akin kung hindi ka pa bumalik sa kanya malamang masaya na kami ngayon at hindi niya mararanasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.” Sumeryoso naman ang itsura ni Brandon sa mga huling sinabi.

“Magtagumpay ka man ngayon Brandon isa lang ang alam kong hindi mangyayari, hinding-hindi mo makukuha ang pagmamahal ni Cham dahil alam ko at ramdam ko na mahal pa din niya ako. Kahit itanggi ni Cham yan hindi ako maniniwala.” Panunukso ni Ellsworth habang sunod-sunod na pagdura ang ginawa puno na kasi ng dugo ang bibig niya.

Akmang sasaktan na naman ni Brandon si Ellsworth ay inawat ito ni Cham.

“Hindi man ako tanggapin ni Cham na, kasalanan ko kasi ang lahat kung bakit siya mawawala sa akin. Pero Cham tandaan mo hindi ako mawawalan ng pag-asa na darating ang panahon na magmamahalan ulit tayo.” Kinilabutan si Cham sa sinabi nito at nakita din niya ang maliit na ngiti mula dito.

“Cham mahal na mahal kita, sinungaling ka kung hindi mo naramdaman yun kung hindi ko napatunayan yun sayo. Sana kung wala na talaga akong pag-asa pa sayo sana lang wag mo naman kalimutan na mas madami tayong magandang alaala, madami tayong pinagsamahan, madami tayong pangarap hindi ko talaga kaya mawala ka.” Ang pinipilit na yabang na gusto niya ipakita kay Brandon ngayon ay hindi na nakayanan pa ni Ellsworth bumigay na naman siya at hindi nahiyang ipakita kay Brandon ang mga saganang umaagos na luha.

“Mas madami tayong masasayang alaala, masaya tayo diba? Hindi naman ako nagkulang sayo diba? Malaki ang pagkakamali ko sa nakaraan pero sana wag mo naman itapon ang mga panahon na napasaya kita. Lagi mong tatandaan maghihintay ako na mawala ang galit mo sa puso mo sana we can start all over again.” Sobrang lungkot ng boses ni Ellsworth ramdam na ramdam dito ang senseridad at buong puso niya itong sinabi.

Si Cham hindi niya alam kung ano ba ang mananaig.

Ang galit at poot sa nakaraan.

O, ang pinagsamahan nila ni Ellsworth, tama siya sobrang dami nilang masayang alaala.

Their relationship is actually almost perfect. Yung kasal na lang talaga ang kulang.

Ang tanong ba ay kaya ba niyang pakawalan si Ellsworth? Ano na siya pag wala na sila? Mabubuo pa kaya siya?

What if she will forgive him? Mahirap naman kalimutan din ang mga masamang ginawa niya sa kanya.

Hati ang puso niya pati ang utak niya. Hindi niya alam kung saan papanig.

Ang puso niya ang sinasabi ay hindi niya kayang mawala si Ellsworth.

Pero ang utak niya, sinasabi nito na hindi na tamang pakisamahan pa ang taong minsan ay ginusto kang patayin.

“Bessss” sigaw ni Sharm. Kasama nito si Rico at ang mga pulis.

Nagsimula na namang maiyak si Cham ng makita si Sharm.

“Bes are you okay? Wag ka na mag-alala you will have your justice now.” Ani Sharm, napakalas naman si Cham ng pagkakayakap dito ng makita na may mga 5 pulis silang kasama.

“Papahuli na namin si Ellsworth for rape and attempted homicide” dugtong ni Rico.

Parang napunit ang pandinig niya na parang isang malakas na ingay ang narinig sa mga sinabi nila. Makukulong si Ellsworth?

“Don’t worry bes ilalayo na kita sa kanya inayos ko na lahat magbabagong buhay ka. Tutulungan kita bes makalimot wag ka mag-alala.” Ani Sharm pero hindi ito rumerehistro sa isip ni Cham. Napatingin siya kay Ellsworth, namamaga na ang mukha nito nahahabag siya dito. Kahit naman papaano ay mahal niya pa din ito.

“Sige Sir pakidampot na yan.” Utos ni Brandon sa mga pulis.

Pinagtulungan ng mga pulis na itayo si Ellsworth dahil nga sa hirap na itong kumilos dahil sa dami ng bugbog sa katawan.

Sinundan nila ang mga pulis at si Ellsworth palabas ng bahay. Dahan-dahan lang ang lakad nila dahil sa mahina ang binata. Hindi makapaniwala pa din si Cham na darating sila sa ganitong tagpo sa mismong arw pa ng kasal nila.

“Chammm” sigaw ni Ellsworth ng malapit na ito sa tabing dagat.

Inipon ni Ellsworth ang buong lakas niya at sumigaw ulit…  “I will always love you, mamatay man ako ngayon hindi ako titigil mahalin ka.”

Parang dinaganan ng pison ang dibdib ni Cham sa narinig, buong pwersa niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Brandon sa pwesto niya at tinakbo si Ellsworth na malapit ng isakay sa Bangka.

Hindi niya alam bakit kailangan niya pang tumakbo palapit dito. Ang alam niya lang ay may sariling buhay ang paa niya at dinala siya sa piling nito.

“Ellsworth” tawag niya dito at lumingon naman ang binata.

“Teka lang kuya pwede po bang bitawan niyo muna ako.” Anito sa mga pulis na hawak siya.

“Cham?” anas niya hindi na kasi ulit nagsalita ito ang mga mata lang nito ang nangungusap.

“Pasensya na kailangan mong harapin ang batas. I hope you understand it.” Ani Cham.

Pumakawala ng isang mapait na ngiti si Ellsworth..

“Don’t worry baby I also want to do this. I need to be punish with what I did to you. But please wag mo akong kalimutan kung sakali mang hindi na tayo magkikita pa kahit kailan, sana pag maalala mo man ako, masagi man ang isip mo sa akin , sana yung masasayang panahon lang natin ang maalala mo. Gusto ko maging masaya ka. I’m letting you go now Cham.”

Parang isang malakas ng bomba ang narinig niya mula kay Ellsworth. Hindi na siya makahinga pa sa sobrang bigat ng pakiramdam.

I’m letting you go now Cham….

Tinignan muna siya ni Ellsworth ng may sobrang lungkot na mga mata sabay tumalikod at sumama na sa mga pulis.

Habol-habol ni Cham ang hininga, parang nagkukulang na ang hangin na nahihigop niya. Ang sikip ng dibdib niya na parang anytime ay mawawalan na siya ng malay. Napaluhod siya sa buhanginan at walang tigil ang pag-iyak habang pinagmamasdan ang papalayong Bangka nila Ellsworth.

“Mahal na mahal kita Ellsworthhhhhhh” sigaw niya. Nagulat na lang siya sa sarili ng tumayo siya hinawakan niya ang wedding gown niya hanggang tuhod at mabilis na tinakbo ang dagat. Wala siyang pakialam kung madapa siya basta ang alam niya gusto niyang habulin si Ellsworth.

“Ellsworthhhhhhh” sigaw niya ulit.

Natigil ang pagsulong niya sa dagat ng kumirot ang tiyan niya sobrang hapdi nito napakislot talaga siya sa sobrang sakit. Bumigat ang katawan niya dahil sa nabitawan na niya ang wedding gown niya dahilan para mabasa ito at dumagdag sa bigat..

“Macchhhh” sigaw ni Brandon ayun na lang ang huling narinig niya at naramdaman na lang niya na  lumubog na siya sa tubig at nawalan ng malay.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

A/N:

Kaasar maga na naman mata ko nito bukas :)

Ang sakit sakit sakit sakit sa bangs >.<

 Thanks sa suporta guys!

Thanks din pala sa mga nagfollow sa akin. ♥

For those who wants to follow me on Facebook:

https://www.facebook.com/shairaluane

Just don’t forget to click on Vote or hit the star button, I would love to see your comments too.

Enjoy reading!

Shairaluane © May 2014

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
774K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...