Isla Verde #4: Too Far Away

By cinnderella

3.8M 117K 28.9K

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFEC... More

Too Far Away
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
To: Readers

Kabanata 38

80.4K 2.2K 794
By cinnderella

Cute!


Kabanata 38

Normal ang mga sumunod na araw pagkatapos ng kaarawan ni Jella ay kinailangan naming bumalik ng Maynila dahil sa aking trabaho. Sobrang kinukulit ako ni Cali na manatili muna sa Isla Verde dahil sinabihan naman raw niya si Rocket tungkol sa bakasyon.

Ayaw ko lang talaga, bukod sa hindi fair iyon para sa mga katrabaho ko ay masyado na akong nasasanay sa gawaing lumiban sa trabaho. Hindi talaga tama iyon, hindi ako nagtapos para tumambay.

Kailangan ko pang mag-ipon, babayaran ko si Cali. Ayaw kong tanggapin ng buo ang bahay at lupang iyon na siya ang gumastos, hindi ko sigurado kung magkano ang kailangan ko pang maidagdag sa binayad ko.

"Cali, nakakainis ka na talaga!" halos pasigaw at nanggigigil kong sinabi.

Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng nakakalat na paperbags at supot sa sahig ng apartment ko.

"I told you, I won't accept money from you. Ang kulit mo rin, baby..." naiinis pero banayad niyang sabi.

"Pero hindi mo ako naiintindihan! Kung ayaw mo sa pera ko, ibigay mo sa Nanay mo. Tutal ay siya naman ang bumili ng lupang 'yon!"

His eyes darted at me.

"I won't let you live there if she owns it! I bought it for your 21st birthday, that's my gift."

"Birthday!" I exclaimed in disbelief. "Nababaliw ka na ba?"

"Oo, sayo. Matagal na."

"Where the hell did you learn that, Caspian!?" pagalit kong tanong. "Napaka-jejemon mo! Ang corny!"

He laughed heartily and went closer to me. Hinila niya ang kamay ko at pinaupo ako sa kanyang hita. Nag-init ang pisngi ko pero nanatili ang tingin ko sa limpak-limpak na paperbags ng branded at imported na kagamitan sa sahig.

Halos pinuno niya ang buong living area, I'm not even sure if those would fit me! Alam niya ba ang size ng mga damit ko? Sapatos at kung ano pang pasok sa panlasa kong mga damit o bags? Lahat na yata naroon, e.

"Tss, selos. Luma na ang line na 'yon." he said, chuckling.

I rolled my eyes.

"Alam ko, Cali. Kaya nga ang jeje mo, e. Hindi ko alam na ganyang klase ka," patuyang sabi ko.

"Alam mo? Bakit mo alam? May mga gumamit na sayo noon?" he said hoarsely.

Sa panggigigil ko, kinurot ko ang ilong niya. He scrunched his nose and hugged my waist tightly, napahalakhak ako. Nagpatak siya ng maliliit na halik sa balikat ko at pisngi.

"Oo, marami na." pang iinis ko.

Umirap siya at pabirong tinulak ako kaya napatili ako dahil sa takot na malaglag sa sahig. Tumawa siya at agad ulit akong niyakap.

"Marami, huh? Sino? Si Rekta? Raleon? Bronson? Bentong? Ran? Matthew?"

Suminghap ako at matalim siyang tiningnan, hindi ako makapaniwala na seryoso ang kanyang mukha ngayon at bakas ang inis dahil sa tanong.

Wow, Cali. Wow.

"Seriously? May asawa na si Bronson at matalik kong kaibigan! Si Matthew ay kaibigan mo, ano ba naman 'yan, Cali?"

"They liked you! Anong gusto mo, matuwa ako na may nagkakagusto sa'yo? Ikaw ang baliw."

Nanlaki ang mga mata ko, I laughed mockingly and slapped him. He just frowned, lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya lalo akong nainis. Hinawakan ko ang braso niya at muling pinulupot sa aking baywang.

"Ako pa talaga ang baliw? Sino kayang magseselos sa kaibigan? Tss, haaay, Cali..." napapailing kong sinabi.

"And the most ridiculous, who would be jealous of dog?" ganti niya, pinipigilan ang matawa.

I glared at him.

"Alam ko ba na aso si Crystal! Ang sweet sweet ng pagkakatawag mo, malay ko ba kung niloloko mo pala ako!"

Hindi ko alam na mahilig pala siya sa aso at may alaga siyang shitzu, hindi ko naman alam! Noong isang araw lang iyon ang pinag-awayan namin, binlock ko ang number niya agad.

Aksidente niya lang kasing natawag ang pangalan ni Crystal habang hinihintay ko siyang matapos kumain at pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Napakalambing pa!

He laughed loudly.

"You're crazy! How would I do that when I'm fucking smitten by you? Humawak nga ng babae sa anim na taon ay 'di ko nagawa. Lokohin ka pa kayang ngayong akin ka na."

"Weh? Hindi ako naniniwala!" tinulak ko ang dibdib niya.

Payabang din 'to, e. Maniniwala na sana ako kung hindi ko nalaman noon na fuck boy siya at marami ng naging babae na pinaiyak.

Ngumuso siya.

"E, 'di huwag kang maniwala. Lagi naman, baby. You don't really trust me."

Ngumuso ako at napairap. Muling humigpit ang yakap niya sa aking baywang at marahang hinalikan ang pisngi ko.

Ngayon nagdrama pa!

"Sigurado ka? Hindi ka nagsisinungaling at nagpapakitang good boy lang?"

Hindi na mawawala sa mga lalaki ang kanilang pangangailangan, kaya talagang hindi ako naniniwala sa sinabi ni Cali. He never touch a girl for years? Wow, wala yatang ganoon.

Iyong iba nga may mga asawa na pero nakukuha paring gumamit ng ibang babae, ano pa kaya ang binata at lapitin ng kababaihan? Hindi ako maniniwala na hindi siya nagawi ng bar para uminom, at doon makakakilala ng mga babae!

He chuckled and nodded.

"Hindi ako nagsisinungaling, lalo na sayo. Why would I tell lies when my girlfriend is damn good to be true? Konsensya ko na lang 'yon."

Ngumuso ako at nag-isip.

"Engaged kayo ni Allison?"

He gasped heavily.

"Never." he shook his head. "Tatanda na lang akong mag-isa kung hindi ikaw ang makakasama at pakakasalan."

I rolled my eyes, my heart is beating erratically. Bwisit talaga si Cali pagdating sa mga salitaang ganyan, napapaisip ako kung saan niya natututunan ang mga iyan? Kay Rocket siguro?

Sabay kaming kumain ng tangahalian noon, he washed the dishes and left after for his meeting in Tagaytay. Sanay na ako sa kanyang schedule parati, hindi ko na rin siya hinahayaan na palaging kasama ako kahit na gusto ko.

May mga gawain siya na hindi pwedeng isawalang bahala dahil lang sa akin. May mga tungkulin din siya sa pamilya nila, syempre. Hindi naman pwede na kami ang laging magkasama at wala siyang nagagawa sa buong araw.

We can be together anytime after work, hindi naman iyon masama. Maganda na rin na may pinagkakaabalahan kami at hindi parating magkasama para hindi rin maumay.

Weh, Ashiel? Mauumay ka nga ba? Kahit yata minu-minuto ay hindi. Tss.

Kulang pa ang mga oras at araw na kasama ko siya kung iisipin ko ang anim na taong wala siya, kaya nga pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko sa maliliit na papel para ipunin muli iyon sa isang box. Dinala ko ang box na iyon, gustong kuhanin ni Cali pero hindi ko binigay.

Hindi ko sigurado kung nabasa na ba niya ang mga naroon o hindi pa, hindi ko naitanong dahil nahihiya ako. Hindi ko akalain na naitabi pa ang mga iyon, miski ang cellphone na puro litrato namin.

Maghapon akong gumawa ng mga disenyo para sa concept ng event na gaganapin sa makalawa, hindi naman ako nahirapan dahil masyadong inspirado ang araw ko ngayon.

Nang maghapunan ay nagluto na ako ng paborito ni Cali na caldereta, kadalasan na punta niya rito ay alas otso o kung minsan ay mas late pa kaya nakakatulog na ako sa paghihintay at hindi nakakakain.

Gusto ko kasi na magkasabay kami tuwing hapunan dahil pag tanghalian ay hindi kami madalas nagkakasabay. Minsan ay nasa trabaho na ako ng ganoong oras at siya naman ay parating maaga sa kaninang kumpanya.

Ang dami ko pang naiisip, kasama na rin ang kalagayan ni Cali. Ano kaya ang mga sinasabi ng nanay niya sa kanya? Pinapalayo kaya siya pero ayaw niya?

Damn. Bwisit sila kung ganoon.

Napanguso ako nang may mag doorbell. Pinunasan ko ang aking kamay, pati ang pawis sa aking noo at leeg dahil sa init sa kusina. Si Cali na siguro.

Lumabas na ako ng kusina para pagbuksan ng pintuan si Cali. Kumunot ang noo ko nang hindi si Cali ang naabutan ko roon.

A woman, wearing an elegant gray dress matched with her silver stilettos. Hindi ko makilala pero pamilyar ang kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya kahit na hilaw, baka kasi naligaw lang at magtatanong.

Kumunot ang noo niya agad nang makita ako, her eyes widened in shock. Umawang pa ang bibig habang nakatitig sa aking mukha, nababatid kong mas maliit lamang siya ng ilang pulgada sa akin at ang edad ay parang kay Tita Janice na.

"Magandang gabi, ho." I greeted nicely.

Her lips started quivering, hindi ko alam kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon nang makita ako gayong hindi pa naman ata kami ang nagkitang dalawa. Although, she looks familiar from a dream.

"A-Ashiel..." gulat at nanginig ang kanyang boses.

Kumunot ang noo ko. Magkakilala ba kami? Tinitigan ko siya dahil sa pagkakakilala niya sa pangalan ko, I looked at her intently.

"Uhm, mawalang galang na, po. Pero magkakilala ba tayo?"

Her eyes glistened in tears, nangungusap ang mga mata at hindi alam kung ano ang sasabihin. Sa pamamaraang iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib.

This woman... nakikita ko siya tuwing ako'y nagsasalamin, nakikita ko siya tuwing ako'y nananaginip tungkol sa aking pagkabata, nakikita ko siya noon araw-araw sa litratong nakadisplay sa aking kwarto.

My lips quivered, nangungunot ang aking noo habang nakatitig sa kanyang maamong mukha. Maamong mukha na nakikita ko ang aking itsura sa pagkatanda. Nagtiim bagang ako at lumunok.

Pinagdarasal na sana kasabay ng aking paglunok ang nakabukol na bato lalamunan ko, sana lahat ng nakikita ko ay panaginip lamang.

"Mommy,"

Nilingon ko agad ang tumawag sa kanyang likuran, Allison quickly shifted a dark glare at me. Tumabi siya sa babaeng nasa harapan ko.

"Mommy, what took you so long? Kakausapin lang natin siya."

Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi naalis ang tingin sa akin ng babae na tila nangungusap at may gustong iparating na hindi ko naman maintindihan.

Hindi ako nagsalita, nagbubukol pa rin ang bato sa aking lalamunan. Oras na mawala iyon ay alam kong sasabog ang puso ko sa sakit at pangungulila.

Anak niya si Allison? Anak niya ang babaeng kasama sa pagsira ng buhay ko? Anak niya ang babaeng kaagaw ko sa lalaking mahal ko...

What is this... can someone explain this. Ang sakit, ah.

"G-Good evening, p-po." magalang at nauutal kong pagbati muli.

Kahit gaano kasakit ang pag iwan niya sa akin noon ay hindi ko magawang magalit ngayong nasa harapan ko siya, kung may gusto man akong gawin ay iyon ang yakapin siya ng mahigpit at umiyak.

Wala sa sariling pinapasok ko sila ng bahay, Allison looked disgusted while looking around. Wala akong pakialam sa kanya ngayon. Nakatingin lang ako sa babaeng matagal ko nang pinangungulilaan.

Hindi ko naisip na mangyayari pa ang tagpong ito, my mind is haywired. My heart is ripping, hindi ko alam kung ano ang paunang sasabihin kaya nanahimik lang ako at naghintay sa kanilang pakay.

This feeling I wanted to wrap my arms around her so tight and never let go even for just a day, gusto ko siyang makatabi sa pagtulog at maramdaman ang presensya ng isang ina.

Yes, she's my mother... mother who left me for God knows how many years. My mother who I missed to be with, kailan ko nga ba siya huling nasilyan? When I was six? Or seven?

Hindi ko na sigurado basta ang tanda ko lang ay hinahaplos niya ang buhok ko para makatulog at kinukwentuhan ng tungkol sa mga paru-paro. Kahir paulit ulit ay hindi ko pinagsawaan noon at kinabisa pa.

Bakit ang sakit na masaya ang makita ko siya ngayon na buhay sa harapan ko at maganda lalo kesa sa huling pagkakatanda ko noon na simple at maganda ang ngiti parati?

Nangingislap pa rin ang kanyang mga mata dahil sa luha pero matindi ang pagpipigil. Kinalabit siya ni Allison.

"Mommy, siya 'yong babae ni Cali. Siya ang sinasabi kong babae na sumira ng engagement at emerging ng ating kumpanya at ng mga Segovia..."

Kumurap kurap ako. Nakaramdam ako ng hiya sa aking ina, naramdaman ko ang kanyang presensya pero hindi para sa akin kundi para kay Allison at sa problemang dinudulot ko sa kanilang pamilya.

Huminga ako ng malalim at hindi nagsalita, I bowed my head a bit. Tumaas ang sulok ng labi ni Allison.

"Naging alalay ka ba ni Mommy dati? Bakit ganyan ka kabait ngayon at para kang dagang nakulong sa isang kahon?"

My heart ached. Gusto ko siyang sabunutan at sabihin na ako ang tunay na anak, but then hindi ko rin sigurado kung sino ang nauna sa amin ni Allison. Kung tunay nga ba siya o hindi.

Sobrang nasasaktan ako sa paraan ng pakikitungo ng aking nanay, naging pormal siya at sinulyapan si Allison. Tipid na ngumiti siya bago ako balingan, walang naging pagpigil sa bungangang matalas ng anak.

"We're here to talk to you personally, Ashiel. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, I want to ask for this favor. Sana ay mapagbigyan mo..." she smiled formally.

My heart was beating so loud. Nabibingi ako sa pinaghalong pagkagulo, pait at panlulumo. Wala ba siyang balak na ipakilala ako bilang anak?

Damn, ang sakit sobra.

Huminga ako ng malalim, pinipigilan ang mapaluha dahil sa emosyon.

"A-Ano p-po 'yon?"

Konting konti na lang ay sasabog na ang emosyon ko, hindi ako makapaniwala na simpleng presensya at pagdating niya lang ay ginigiba na ang lahat sa akin.

She sighed and looked away.

"Allison and Caspian will be married soon, kung hindi ka lang dumating. Alam mo naman siguro iyon?"

"P-Po?" sinulyapan ko si Allison na nakangisi sa akin, halata ang tagumpay sa mukha.

"Hija, Caspian is bound to marry my daughter, Allison..."

My daughter... ano niya ba ako?

"If you didn't come back, kami na sana ang kasal ni Cali ngayon. You're a ruiner bitch, hindi ka na nga bagay ay makapal pa ang mukha mong makisawsaw sa dinner ng pamilya!"

Napalunok ako at sinulyapan muli ang Mama ko. She turned silent, hinahayaang magsalita si Allison ng masasakit sa akin at wala man lang akong makitang pagsisisi sa kanya.

Alam mo kung gaano iyon kasakita? Para akong ginigiba at pinipiga ng pino, saksak sa puso ko ang lahat ng nangyayari.

"H-Hindi naman kayo, Allison." nauutal at mahina kong depensa. "Si Cali ang kausapin mo tungkol sa iyong hinaing,"

Namula ang mga mata ni Allison sa galit at pagpipigil ng luha.

"You bitch! Hindi mo ako mauutusan, ikaw ang kerida, ikaw ang lumayo! Ikaw ang mas nakakaisip, ikaw na dapat ang nagtutulak sa kanya! But what are you doing, huh? You're satisfying his needs! Malandi ka kasi at pokpok."

Nanghihina ako. Hindi ko na alam ang sasabihin pa. Hindi ko na alam ang maigaganti pa, bawat pagsulyap ko lang sa Mama ko ay wala na akong nagiging laban. Masakit na agad.

Palaban pa lang ako ay nasaksak na ako...

"Allison, enough." she sighed.

Napanaangat ang tingin ko sa kanya, hanggang ngayon ay umaasa pa rin na sasabihin at aaminin niya kung sino ako. Umaasa pa rin ako na kinikilala niya akong anak.

She looked at me formally. My heart ripped. Uminit ang paligid ng aking mga mata.

"Break up with Caspian, Ashiel. That's for the better, we will pay you to live far away from here..."

Fuck. Bakit ganito?

Tila gatilyo iyon ng baril na pinutok diretso sa aking puso, it's fucking painful. Bakit wala akong mailaban?

Huminga ako ng malalim at nagtikom ng bibig. My eyes are heating so bad, malapit na ang pagbuhos ng mga luha.

Slowly, I nodded...

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
Wretched Choices By Nina

General Fiction

1.8M 63K 43
Keiandra Ariolla is tired of being played on and getting hurt. She swears to her wounded heart that she's gonna get her revenge even if it'll be the...
1.9M 65K 41
Sahara Israel's life is in Manila and it's been uprooted for her mother's love life, at least that's what she thinks. She had to leave her friends an...
4.3M 103K 44
Isaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend...