Kabanata 22

30.8K 1K 207
                                                  


Kabanata 22


"W-Who's this?" kabado kong tanong.

Ang boses ko ay nanginginig, umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko dahil sa nakilala kong boses o sadyang imahinasyon ko lang.

"Ashiel, si J-Jella ito..."

My mouth parted in shock, I couldn't find my voice. I don't know what to say, I was right! Siya nga, sa loob ng anim na taon ganoon pa rin ang pakiramdam kapag kausap siya.

Ganoon pa rin ang kanyang boses pero ngayon ay may iba, parang may takot, lungkot at 'di ko malaman kung ano pa ang naroon. Huminga ako ng napakalalim, ang emosyon sa akin ay walang pinagbago.

I'm scared, I felt a hole in my chest, I felt so lonely, I felt the sadness, I felt like crying because of pain that brought me.

"A-Ate J-Jella..." I stuttered because of shaking.

A moment of silence, and then I heard her sobbed. My heart ached so bad, I don't know why is she have that space in my heart. Kumunot ang noo ko sa pagkalito.

"S-Shell, w-wala na si Tatay."

Huminto ang mundo ko habang pinoproseso ang ilang salitang sinabi niya. Ilang salitang muling dumurog sa puso ko, ilang salita lang na agad akong nalugmok na parang hindi kailanman sumaya sa loob ng mga taong lumipas.

Sinikap kong huwag maglabas ng emosyon pero ang mga luha ko ay tahimik na nagbagsakan, huminga ako ng malalim. Marahang napatango at tumingala para pigilan ang luha.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan siya n-ngayon? H-Hindi ako manggugulo sa buhay ninyo, gusto ko lang makita si T-Tatay." pigil emosyong sabi ko.

She sobbed.

"O-Oo naman, S-Shell. Itetext ko sa'yo ang address namin," huminga siya ng malalim. "I-I'm sorry..."

Iyon ang huli niyang sinabi at binaba ang tawag, napatulala ako sa blangkong pader ng aking kwarto. Walang tigil ang pagluha habang iniisip ang lahat ng nalaman.

Why...

First, Nanay. Second, Tatay. Should I be happy that I have no one to think, finally?

Fuck, sobrang sakit.

Bakit ganoon? Bakit kailangan ko na namang mawalan? I know that life is not forever but why this early again? Bakit hindi ko man lang naipakita kay Tatay na babawiin ko ang lupa nila sa La Santa at doon ko siya aalagaan?

Wala sa sarili akong naglalagay ng ilang damit sa aking bag, pagkatapos kong maligo ay naghanda na ako ng mga gagamitin patungong Isla Verde. Jella texted their address and I fucking hate it knowing that they were just living in La Santa!

Doon din! Malapit lang kila Wayne! Malapit sa dati naming bahay! Why did Tita Janice have to sell Nanay and Tatay's property!? Lalayas naman ako, hindi niya kailangang gumawa pa ng alibi para lang mapalayas ako at mawala sa landas nilang pamilya!

Bakit pati pag-aaring lupang pinaghirapan pa nila Tatay ay pinakealaman niya? Kung tutuusin ay wala siyang karapat dahil asawa niya ang anak nila Nanay at hindi siya.

I hate her now! She's a witch!

Naalagaan niya ba ng maayos si Tatay? Napapakain niya ba ng maayos si Tatay? Alam kong wala akong karapatang magtanong ng ganito dahil wala akong naitulong noon! Pero ang sakit isipin ng lahat, hindi ko maatim ang nangyari.

I have planned everything, na hahanapin ko si Tatay para makuha siya kay Tita Janice at ibabalik ko siya sa bahay nila ni Nanay. Pero paano ko pa gagawin ngayon iyon? Wala na si Tatay!

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon