Kabanata 37

39.9K 1.1K 318
                                                  

Twitter: @Cinnderellala



Kabanata 37


"Did you like it?"

Mangha ako nang makalabas ng kwarto, hindi ko na kailangan lumabas kanina para makaligo dahil ang dati kong kwarto ay kumpleto na sa loob. Kung noon ay wala akong banyo, ngayon ay meron na at dumoble ang laki kesa noon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating bahay namin ay ganito na ang itsura ngayon. Paanong nangyari? Alam ba ni Ate Rika? Ang sinabi niya sa akin ay naibayad na niya ng buo ang binigay kong pera at hindi nagbago ang itsura ng bahay namin.

Awang ang bibig ko habang ginagala ang tingin. Lahat ay nagbago, ang dating pasilyong maliit na may iilang baitang ng hagdanan ay humaba at mas lumawak pa. The cream granite floor looks very expensive and new, parang ngayon lang may nakatapak na paa.

I can't believe this!

Tumaas ang bubong, naroon sa itaas ang magarbong chandelier. Suminghap ako at nagpatuloy sa paglalakad para pasadahan pa ng tingin ang buong bahay.

Hindi ito kasing laki ng mansyon nila Rekta o Cali pero sobrang ganda ng pagkakagawa, ang dating malayo sa garbo ay siksik sa kagarbuhan ngayon. Hindi ko na makitaan ng bakas ng itsura nito noon.

Did I really live here back then?

Ang interiors ay tila pinagplanuhan ng isang inhinyerong propesyonal sa larangan, ang dating gawa sa kahoy ay matibay na bato na ngayon. Sa tanggapan naman ang malaking flatscreen television, expensive couches at carpeted floor.

Hinaplos ko ang sandalan ng couch at muli akong napasinghap sa pagkamangha. Cali is just standing near me, watching my priceless reaction. Kumurba ang kanyang labi dahil sa reaksyon kong hindi makapaniwala.

"Cali! How..." napapailing kong tanong.

"Secret..." he smirked. Lumapit siya at humawak sa baywang ko, napasandal ako sa likuran ng couch.

I pouted and gasped for the nth time, hindi ko alam ang itatanong pa o masasabi dahil sa nangyaring ito sa bahay namin na wala man lang akong kaalam-alam. Ni hindi ko alam kung kailan pa inumpisahan o natapos ang pagpapagawa rito dahil hindi ko naman nadalaw kahit isang beses.

Humawak ako sa dibdib niya, marahang humaplos doon at hindi ako makatitig sa kanya dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

He caressed my waist gently, marahang pumulupot ang isang braso sa baywang ko.

"This is yours." he whispered. "Wala ka bang napapansin?"

Kumunot ang noo ko at inangat ang tingin sa kanya, nakangisi siya at nakatitig sa akin habang nakataas ang kilay. Nilingon kong muli ang paligid ng bahay.

"This is your very first design..."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kumpirmasyong iyon, kasabay ng pagpasada ko ng tingin sa buong bahay. This home design is on my very first portfolio I passed to my professor!

Just what the hell...

Pinasa ko iyon at alam kong gagawin niya iyon para sa kanyang bahay noon dahil nagustuhan niya ang disenyo at plano sa aking portfolio, paano nakuha ni Cali 'to?

Tumindig ang mga balahibo ko habang naalala kung paano ko ginuhit ang bawat plano at disenyong ito noon na ngayon ay buhay at nasa loob ako ng mismong ginawa ko.

"How d-did you... Oh! Cali, what the freaking hell? Ano 'to? Paano mo nakuha ang-" Hindi ko maituloy ang sasbihin sa pagkamangha.

Panay ang iling at tulak ko sa dibdib ni Cali, naluluha ako pero hindi rin mailabas dahil sa kalabog ng dibdib ko ng talagang nangunguna ngayon sa aking kabuuan.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon