Kabanata 6

39.8K 1.3K 342
                                                  

Kabanata 6

Mabilis ang mga araw na dumaan, hindi ko napapansin ang parati naming pagsasama ni Caspian. Naging routine ko ang magising pa ng mas maaga para lang makaligo ng maaga bago siya dumating sa bahay.

Hindi ko mabilang kung ilan ang araw na narito siya, kahit may pasok ako ay nagpupunta siya at siya din ang naghahatid sa akin sa school. It feels weird, kahit nagagalit sa akin sila Jella parati ay masaya ang pakiramdam ko dahil nakakasama siya.

"Good morning, Shell!"

Nagliwanag ang mukha ko agad at nilingon ang labas ng aming bakuran. Kumunot ang noo ko nang si Wayne pala iyon, nakangisi siya at pumasok na sa maliit na gate roon para malapitan ako.

Ngumiti ako, I thought he was Cali.

"Oh! Saan kang lupalop nagpunta at halos dalawang linggo kang wala?" patuyang sinabi ko habang nagwawalis ng mga dahon.

He's been missing these past weeks, hindi ko naman nakakausap si Wena kahit nakikita ko o nakakasalubong dahil parati siyang nagmamadali at tumatakbo pauwi ng bahay nila.

Mahiyain kasi iyon kaya hindi sanay sa mga tao, parati lang nasa loob ng bahay nila at nag aadik sa mga K-Pop. Ewan ko ba, noon namang nakakasama ko siya ay iniimpluwensiyahan niya akong manuod ng mga korean drama.

Noong una ay sinunod ko siya, nanuod ako ng korean drama pero inaantok lang ako kaya nakakatulugan ko rin. By episode kasi ang mga korean drama kaya minsan ay hindi mo talaga matatapos lalo na't kung abala sa school.

Kinuha ni Wayne ang isa pang walis para tulungan ako gaya ng dating nakagawian. Napangisi ako.

"Nagbakasyon ako sa Manila,"

I nodded.

Nagbakasyon pala siya? Halos dalawang linggo iyon, ah? Wala ba siyang pasok? O hindi na talaga pumapasok? Ano naman kayang ginawa niya roon?

He smiled and winked at me.

"Namiss ko ang magwalis." aniya. "Nag try-out din ako sa isang unibersidad roon, gusto kasi ni Papa na doon na ako magpatuloy. Pero baka sa susunod na taon ko pa maisipan."

Humalakhak ako.

"Bakit naman? Ayaw mo sa Maynila? Balita ko maraming maganda roon, ah? Ayos 'yon, Wayne! Sasaya ka ng sobra!"

He's a playboy, surely he'd enjoy Manila if that's the case. Sabi kasi ni Zafkiel ay marami daw magaganda roon at kadalasan ay mga modelo, lalo na sa dati niyang school na puro artista ang nag-aaral o 'di kaya'y anak ng politicians.

I bet Manila is a happy place, hindi ko naman pangarap pumunta roon pero meron pa rin sa akin ang gusto din kung mabibigyan ng tsansa. Well, what more I'd look for when I'm living in such a pradise like this? La Santa...

His forehead creased. Tinapon niya sa sako ang mga dahong nawalis bago ako balingan ng mapaglarong tingin.

"Masaya nga, pero wala naman 'yong taong gusto kong makita parati. I better stay here in La Santa..." aniya habang nakatingin sa akin.

My breathe hitched. Suminghap ako at umirap sa kanya para lang mapaiwas ng tingin dahil sa kaseryosohan niya.

"Sus! Sino naman ang gusto mong makita rito? Si Yen? Ikaw, ah? Luma-lovelife ka!" halakhak ko.

Yen is our friend way back in Elementary, ngayon ay nag-aaral siya sa La Riva at lumipat rin sa La Verde ang kanilang pamilya kaya madalang na kaming makasama. O ako lang? Dahil si Wayne ay sinasadya naman siyang dalawin sa La Verde.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon