Kabanata 2

44.8K 1.3K 335
                                                  


Kabanata 2

"Tara na! Bilis, manuod na muna tayo!" panay ang hila sa akin ni Myla patungo sa covered court.

"Myla, pupuntahan ko pa si Nanay sa pwesto." pilit kong binabawi ang aking braso mula sa kanya pero mahigpit na siyang nakahawak.

Hindi ako pwedeng magtagal dahil sabado ngayon at kailangan kong tumulong sa pwesto ni Nanay, paniguradong maraming namimili.

"Manunuod lang tayo saglit! Naroon daw 'yong kambal!"

Kumunot ang noo ko, tinitigan ko pa ang kanyang mukha na manghang-mangha at maligaya habang tinatanaw ang covered court na 'di kalayuan.

"Sino naman ang kambal na 'yon? Hindi ko naman kilala, kaya pwede bang ikaw na lang ang manuod ng basketaball na iyan? Wala akong interes diyan." masungit kong sinabi.

I'm not really interested to sports or whatever, mas makakatulong pa ako kung nagpunta na ako sa pwesto kesa sa panunuod ng mga ganoong sports na wala namang kinalaman sa buhay ko.

And it wouldn't help me up, ano naman ang mapapala ko sa basketball? Sa panunuod, e, kung iyong tinunganga ko ay itinulong ko na lang. E, 'di mas maganda pa.

Umikot ang mga mata niya at suminghap. Matalim ang naging titig niya sa akin, ngumuso lamang ako at umiwas ng tingin.

"Basta, huwag na maraming dakdak. Sumama ka na lang ng maayos at maglakad. Pinapahirapan mo pa ako sa kakahila sa'yo."

We walked towards the covered court, malayo ito sa palengke at iba ang daan. Pumunta kasi ako kila Myla para makigamit ng internet, may takdang-aralin kasi kami na makikita sa internet. It's a woodcraft and designs.

Doon ako kumuha ng iilang litrato na pwede kong kuhanan ng ideya sa pag didisenyo sa kahoy o pader. Hindi malapit ang kila Myla sa amin dahil tatawid pa sa highway at doon na ang kanila.

Ayos naman sa akin ang maglakad, lalo na't hindi mainit ang lalakaran dahil puro puno naman. Pero itong pagpunta ko dito ay sandalian lang sana para makatulong pa ako sa mga matitirang oras sa araw na ito.

It's past 4 PM, and the sun is setting now. Kulay kahel na ang kalangitan dito, sabi nila Nanay sa Maynila daw ay mas matagal lumubog ang araw at magdilim kesa dito sa La Santa.

Nagulat ako nang itulak-tulak ako ni Myla habang nagdadabog ang mga paa sa semento.

"Ayan! Kita mo! Nag-umpisa na! Hindi natin nasimulan!" maktol niya.

Napanguso ako, hindi ko man namalayan na narito na pala kami sa hamba ng covered court. May mga babaeng nanunuod, in fact most of the watchers here are girls and gays.

Ngayon ko lang napuntahan ang covered court na ito, noon kasi ay hindi naman ako nagagawi sa parteng ito. Ang tuloy ko lang ay kila Myla at bahay namin, iyon lang.

Pinasadahan ko ng tingin ang lugar, sa kabilang court side ang mga players na naglalaro ngayon at nag-aagawan sa bola na tila iyon ang kanilang goal.

Nagtilian ang mga kababaihan at kabadingan nang maagaw iyon ng isang matangkad na binatilyo. He quickly ran towards the other side and shoot the ball.

Napangiwi ako sa sobrang tilian nila.

"Go! Prian! Galing!"

"Cali! Cali!"

Kumunot ang noo ko, hinila ako ni Myla patungo sa bleachers na gawa sa bato. Nagmistulang hagdanan iyon, sa kabilang banda ay halos mapuno ng magkakaibigang babae ang bleachers.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon