Kabanata 20

32.9K 1K 151
                                                  


Kabanata 20

Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o nag-iilusyon. Mangha akong palinga-linga sa maliwanag na siyudad kong binabaan.

It took almost ten hours of bus ride to get here, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagpunta rito dahil lang sa may nakapagsabi sa aking isang estranghero sa Isla Verde na mas makakatulong sa akin ang pagpunta rito at mapapadali ang buhay ko sa paghahanap ng pagkikitaan ng pera.

Isang linggo akong palaboy sa Isla Verde, tumungo ako sa La Cerde para lang malayo kung saan ang pamilya nila Cali. Walang gabi na hindi ako umiiyak mag-isa dahil sa aking sinapit na bangungot sa buhay.

I avoided their family in able to stop the pain I'm feeling when hearing their fucking name. Kahit mahal ko si Cali ay pipiliin kong saktan na lang ang sarili ko at kalimutan siya kesa makasama siya habang kinamumuhian ko ang pamilyang meron siya.

Kinuha ko ang cellphone na maliit at de-pindot, binigay sa akin ni Rika para may contact kami sa isa't isa. Siya iyong babaeng nagpatuloy sa akin sa kanilang tirahan noong mapunta ako sa La Cerde at walang matulugang bahay.

Tinipid ko ng sobra ang pera na binigay ni Nanay at Tita Janice, ang naipon kong pera ang ginastos ko para sa pagkain sa araw-araw at pamasahe patungong La Cerde.

Rika:

Nasa Maynila ka na ba?

Rika:

Magreply ka, nag-aalala ako. Siyam na oras lang ang byahe patungo riyan at sampung oras na, Shell ay wala pa 'kong balita sayo.

Ako:

Oo, nasa Maynila na ako, Ate. Nasa istasyon pa rin ako ng bus. Hindi ko alam kung saan ako dito magtatanong.

Palinga-linga ako sa paligid, maliwanag ang siyudad kahit na madilim ang kalangitan at gabi na. It's past six in the evening and I have no eat since morning, hindi ako makaramdam ng gutom dahil sa paghilab ng aking tiyan sa sobrang kaba.

A minute after I sent my reply, she called me.

"Sorry natagalan, nagpaload ako na may pantawag para matawagan ka. Nasa istasyon ka pa rin?"

"Opo, Ate." sabi ko habang palinga-linga.

Grupo ng mga lalaki ang bumaba sa isang bus, sumakto iyon kung saan ako nakatayo. Panay ang kanilang tawanan na nagbibigay ng kakaibang kaba sa akin. They are talking about things they did on their vacation.

"It was fucking hard to rode a bus. I won't commute again." sambit ng isang lalaki sa matigas na ingles.

Hindi ko na nasundan ang kanilang usapan dahil sa pagsasalita ni Ate Rika sa kabilang linya.

"Narinig mo ang nagsalitang 'yon?"

"Ang alin, Ate?" litong tanong ko.

"Iyong nag-ingles! Tanungin mo 'yon, itanong mo kung saan ang Celestina." utos niya.

Nilingon ko agad ang grupo ng lalaking iyon, nasa pito silang lalaki na nakatayo lamang sa tapat ng isang tindahan na parang may inaabangan. Nahuli ko agad ang tingin sa akin ng isang lalaki roon na kumalabit sa kanyang katabi kaya tumingin rin sa gawi ko.

I just now realized that they are all looked fine and dashing standing there, kahit maraming tao sa istasyon ay malinaw silang makikita dahil sa kanilang itsura at katangkaran. They were wearing casual clothes and have the same red shirt, Rockwell University was printed in the middle.

Uminit ng sobra ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Damn it! Sino diyan ang tatanungin ko at bakit sa kanila pa?

"Ate, s-sigurado po kayo?"

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon