Kabanata 19

58.5K 2.3K 391
                                    


Kabanata 19


Hanggang sa huling hantungan ni Nanay ay hindi nawala si Cali sa aking tabi, he never left for Manila, he never left my side. He never made me feel alone.

Her mother's warning kept on ringing in my head but I just do not care now. Kahit ano pa man ang sinabi ng kanyang ina at ni Allison ay nawalan ako ng pakealam, I need him. I need someone to hold on, I need strength and he's giving me that...

Pagkatapos ng araw na 'to, hindi ko alam ang aking magiging buhay pero sigurado akong hindi iyon magiging madali. Si Nanay ang nagbibigay sa akin ng buhay, siya ang umaruga sa akin magmula pa noong bata ako at hindi niya ako hinayaang maging mahina.

Hindi niya ako hinayaang maging mahina... ngayon lang.

Nag-aalab sa sakit ang puso ko dahil sa nangyayari sa aking buhay, hindi ko alam kung ano ang dahilan ng tadhana at ganito ang sinasapit ko.

Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong tinapakang tao, wala akong ginawang masama kahit kanino pero bakit ganito kasama ang nangyayari?

Sobrang hirap, sobrang sakit, sobrang lungkot. Iyon ang nararamdaman ko sa mga araw. Lumilipad ang isip ko sa mga maari pang maganap at sa mga kailangan kong gawin kapag natapos ang araw.

Iniisip ko kung paano ako gigising na walang Nanay na maabutan sa lamesa na naghahain ng aking umagahan bago pumasok, kung paano matatapos ang araw na hindi ko na madidinig ang kanyang boses sa pagtawag ng aking pangalan.

I want to sleep and dream about her, hugging me and smiling at me. Caressing my hair gently, laughing with me and all that could make me remember her.

How will I continue my goal now without her? Alam kong mali ang naiisip ko dahil ang gusto ni Nanay ay mag-aral ako at makakuha ng magandang buhay balang araw.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Cali sa aking kamay habang hawak iyon at nasa kanyang hita. Nakatulala lamang ako sa pwesto ng aming bahay na pinag-alisan ng kabaong ni Nanay.

Alas tres ng hapon siya inilibing kanina, napuno ng iyakan ang mga nakiramay doon lalo na ang mga kaibigan ni Nanay. Sila Jella at Jessa ay nagdadalamhati ng sobra. Ganoon din si Tita Janice pero hindi iyon pinapahalata kahit na alam kong nanghihina siya.

Pagkatapos ng libing ay dumiretso sa kanilang kwarto sila Jessa, si Tita Janice naman ay inasikaso ang aming bahay. Ginugol niya ang oras sa paglilinis at paglalaba ng mga damit, bagay na hindi niya madalas magawa noon dahil nagbabayad siya sa tao para labhan iyon.

Batid kong ginagawa niya iyon para abalahin ang sarili at hindi maisip ang lahat ng nangyari. Si Nanay din ang umaruga sa kanila pamilya matapos siyang iwanan ni Tito kaya hindi rin madali kay Tita ang sinapit ni Nanay.

Tumitig ako sa kamay namin ni Cali, ang kamay ko ay lanta lamang na hawak niya at marahang hinahaplos iyon.

"Everything will be fine..." banayad niyang sabi.

Huminga ako ng malalim, hindi makasagot o makapagsalita. Basta ang alam ko lang ay hindi madali ang buhay na haharapin ko sa mga susunod.

"Wala na, Cali. Iniwan na ako ni Nanay." matamlay kong sinabi na parang hindi niya iyon alam.

He sighed heavily and shifted a bit, he caressed my cheek gently. The warmth of his hand is giving me comfort, pakiramdam ko ay siya lang ang may kayang magparamdam ng ganito sa akin ngayon.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon