Kabanata 35

46K 1.1K 166
                                                  


Kabanata 35

"Mamili muna tayo ng pagkain bago mag Isla Verde." nakangiting sinabi ko kay Cali.

Ngumuso siya at tumango habang nasa kalsada ang tingin. Patungo kami ng Isla Verde, Jella invited us. Kaarawan ni Jessa bukas at magkakaroon ng handaan sa kanila, I felt so happy when they invited me to join them.

Dadalawin ko rin ang bahay nila Nanay roon, naipadala ko na ang kabuuang bayad noon kay Ate Rika noong nakaraan pa para wala ng problema at mapasaakin na talaga ang lupa nila Nanay na pinaghirapan.

Na kay Ate Rika na ang mga papel at titulo ng bahay, pwede ko iyong kuhanin at pwede rin naman na ipahawak na muna kay Ate Rika tutal ay sa Maynila pa naman ako nakatira sa ngayon.

I decided to saved more, pagkatapos noon ay pwede na akong lumipat muli ng Isla Verde. Meron naman maliit na firm sa bayan para mapagtrabahuhan ko kahit papaano, I just want to continue my life in La Santa, Isla Verde. I miss Nanay and Tatay so much.

Pagpaplanuhan ko pa ang pagpapagawa ng bahay namin roon, gusto kong gawing matibay na at hindi gawa sa kahoy para kahit pang habang buhay na.

I can't help but feel emotional thinking about things that happened, ang dami kong nakaligtaan at lubos akong nangulila sa aking pamilya na kahit kailan ay hindi ko mababalikan dahil wala na at hindi ko na makakasama pa kahit kailan.

Namili kami ni Cali ng pagkain at nag grocery na rin sa mall na malapit bago mag Isla Verde, marami ding nagbago sa Isla Verde. Kung dati ay puro lang mga barong-barong ang kabahayan at walang mga gusali, ngayon ay may iilang gusali na rito na ginawang pamilihan.

Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi dahil hindi ako roon nasanay, convenient na merong mga malls na maliliit pero mas maganda kung hindi sirain ang mga kagubatan para doon.

Isla Verde is a paradise itself, hindi na kailangan pa ng mga gusali para gumanda at gumarbo. But then, who am I to judge everything here now? Hindi naman sa akin ang lugar, probinsya lang ito na kinalakihan ko pero hindi ko pagmamay-ari.

Marahil ay mas gusto rin ng mga kababayan namin na merong ganitong malapit na mapagbibilhan ng pagkain hindi kinasanayan.

Cali opened my window, ganoon rin sa kanya nang makapasok na kami ng Isla Verde. Napahinga ako ng malalim dahil sa sariwang hangin na humaplos.

Ang kalangitang kulay kahel ay nagbibigay ng maraming alaala sa akin at sa amin, I want to go to our favorite place again but the sun is setting now. Hindi na namin naabutan pa iyon. Pwede pa naman sa susunod na araw o bukas.

"Cali, punta tayo sa burol! Namiss ko!" I giggled.

"We will." he chuckled. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likuran ng palad ko.

Ngumiti ako at tumingin sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya habang nasa daanan pa rin ang mga mata, binawi ko ang kamay ko kaya napasinghap siya at matalim na tiningnan ako.

Ngumuso ako sa daanan at pinandilatan siya.

"Sa daan ang tingin!"

"I'm not looking at you, assuming." he tsked.

"Aba! Sumasagot ka pa! Sige, huwag kang titingin kahit kailan, huh?"

"What!?" he hised and glanced at me. "Kaya ko ba 'yon?"

Inambahan ko siya ng suntok, I laughed mockingly and shook my head.

"Bawat tingin, suntok." I warned and rolled my eyes. "Assuming pala, e!"

Kairita ito, ako pa ang assuming, ah? Siya nga ang tingin ng tingin na parang mawawala ako oras-oras. Hmp! Asa naman siya!

He chuckled.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon