Kabanata 28

34.9K 1K 152
                                                  


Kabanata 28


Tahimik lamang kaming dalawa nang marating ang apartment, he was silent the whole time. His eyes were a bit puffy, nose is red.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng apartment, nakatitig lang siya sa akin nang muli akong bumaling sa kanya. Nakakatunaw iyon pero masakit sa puso dahil alam kong nasaktan ko siya.

Ngumuso ako at bumuntong hininga. He slowly held my hand, kumalabog ang puso ko. Hinayaan ko siyang gawin iyon, he gently caressed the back of my palm while looking at it.

"I miss you..." he whispered so low.

I gasped softly, it feels so good to feel his hold. I missed his huge and rough hand that I want to hold forever, hold that I miss for damn long years.

Why does it feels so right? Why does feel so good?

"I-I'm sorry..." mahina at bulol kong sambit.

Gusto kong humingi ng tawad para mapatawad ko rin ang sarili ko sa pananakit sa kanya. Hindi ko lang matanggap na nasasaktan siya dahil sa ginawa ko at nasasaktan ako dahil siya ang dahilan ng pagkawala ng pamilya ko.

He inhaled deeply and nodded his head slowly. Inangat na ang tingin ngayon sa akin, I see contentment in his eyes. Walang halong pagkalito o pagtatanong, talagang kuntento lang.

My heart hurt. I wanted to tell him everything... I want to tell him why did I leave him, I want to tell the reason... but seeing him right now? I know he will do something about it, mukhang magagalit siya.

Magagalit siya sa ginawa ng kanyang ina, alam ko at hindi ako makapaniwala roon. Ayaw kong mapunta pa sa puntong ganoon ang mangyari sa kanila ng ina niya, parang lalong hindi magiging tama ang lahat sa amin.

"You are forgiven," he said quietly. "Even without the word..."

Kumurap-kurap ako para mawala ang panlalabo sa aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. How can I hurt him? I'm still... into him. It's the same feeling back then, nothing's changed.

"H-Hindi mo ba ako t-tatanungin?" I stuttered.

Pumungay ang mga mata niya at tinitigan ako, marahan niyang inangat ang isang kamay para haplusin ang aking pisngi at iayos ang buhok na nakakalat.

"I want to," he sighed. "But I don't think you are ready to explain, even without explanation nothing will change. You are acceptable."

Suminghap ako at nagyuko ng ulo, I don't want to look at him with my blurry vision. I want him always clear in my sight. Mapait at mahina akong natawa.

"You're... idiot." I mumbled. "Reaching my goal is the reason."

Ganoon na lang siguro? Para hindi na ako mahirapan magpaliwanag at hindi masira ang ina niya sa kanyang paningin. Kung sakaling sasabihin ko ang lahat ay nasisiguro kong tapos ang masasayang araw ni Carisse.

"I doubt." he chuckled. "It hurts, I know. Everyone leaves for their goal but it was six long years, Ashiel. You left me halfway, you did not come back after two years."

He sighed heavily.

"Akala ko rin babalik ka pagtapos ng dalawang taon kaya hinayaan ko. You graduated, I waited, but no. You didn't."

Naglandas ang mga luha sa aking pisngi. Tumitig lamang ako sa kamay niyang nakahawak sa aking kamay at marahang humahaplos roon.

I feel so guilty. Pero ano ang magagawa ko? Namumuhi ako sa kanilang pamilya, sa kanyang ina na mismong nagluwal sa kanya.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon