Kabanata 14

31.3K 1K 58
                                                  



Double update!

Kabanata 14

Tired and lifeless. Pagkauwi galing palengke ay nagpaalam ako kay Nanay na tutungo muna sa falls kasama ang mga kaibigan. Iyong mga teammates ni Myla at iilan pang kaibigan na pinakilala niya rin sa akin noong nakaraan.

Hindi sila mahirap pakisamahan dahil mga kalog at masasaya kasama kahit saan, sa tatlong araw na wala si Cali ay sila ang kasa-kasama ko.

Cali and I've been texting everyday, mabilis siyang sumagot at kahit nasa meeting ay nagkakaroon ng oras na magreply sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo doon pero miss ko na siya.

Ganoon pala kapag nasanay na kasama siya, hahanap-hanapin na ang presensya. Miski amoy niya ay namimiss ko. Ang ngiti niya at ang seryosong mukha.

Kumurap-kurap ako at ngumuso habang pinapanuod na nagtatawanan sila Myla at Dixie. Ang iba'y nagtalunan na sa tubig at inenjoy ang falls.

"Oo nga pala, sino ang mag-iihaw ng dala ni Shell na bangus?" tanong ni Tina.

"Diyan na muna 'yan, maliligo tayo, e. O kaya ipaihaw mo na kay Ian."

"Wait lang! Kukuhanin ko ang uling sa pick-up!" sabi ni Ian at lumabas na ng lugar.

Tumayo ako at tumungo sa lamesang kahoy na dala rin sa pick-up nila Ian. Naroon ang aming mga pagkaing dala, nagdala ako ng tatlong bangus na binigay ni Nanay para daw may maiambag ako sa aming swimming.

Marami pang pagkain doon gaya ng manok, pork chop, barbecue, may mga prutas din na dala ni Ian. Si Ran ang nagdala ng aming mga softdrinks, si Myla naman ay mga barbecue. Ang mga paper plates ay dala ng iba at ang mga disposable spoon and fork.

"Sige, ako na ang bahala rito." I smiled. "Lalagyan ko na muna ng sahog sa loob, mas masarap ang ganoon."

Kinuha ko ang mga kamatis, sibuyas at mangga. Hinugasan ko muna iyon at inumpisahan ko ng hiwain sa maliliit, ihahalo iyon lahat at ilalagay sa loob ng bangus para mas malasa iyon.

"Ay, oo, Shell! Masarap talaga iyon! Tawagin mo kami kapag kailangan mo ng tulong. Lulusong na muna ako para mawala ang lagkit ng pawis." halakhak ni Dixie.

Tumango lang ako.

Nagtalunan na sila sa falls kasama si Myla, sumobra ang ingay sa falls dahil sa kanila. Kung dati ay tahimik ito, ngayon ay pinaghaharian na ng kanilang tawanan at sigawan.

"Shell! Ako na diyan." si Ran.

Kinuha niya iyong nalagyan ko na ng laman na bangus, si Ian naman ay nag umpisa na magsindi at magpabaga ng uling malapit sa puno para sa pag-iihawan namin.

Ngumiti ako kay Ran at tumango.

"Pakibigay na lang kay Ian, siya na ang mag-iihaw. Last na 'tong lalagyan ko."

His lips puckered and nodded. Tumungo na siya kay Ian para dalhin ang dalawang bangus na nalagyan ko ng laman, pagkatapos ng isa ay inasikaso ko naman ang pagbabad ng baboy sa toyong may kalamansi.

Trenta minutos nila iyon bago naihaw ng tuluyan. Naupo ako sa isang bato habang pinapanuod lang sila Myla na nagsasayawan pa sa tubig at naghahabulan.

Si Ian ay lumusong na rin doon para makisali sa kanila, apat ang aming lalaking kasama na puro sa team ng soccer at ang iba pa ay puro mga babae na. Nagmula sa ibang sections at kurso, mga kaibigan ni Myla.

"Shell! Tara na!" sigaw ni Myla. "Pagkatapos dito ay kain tayo pagkatapos ay aakyat ng bundok!"

Tumango naman ako, mamaya pagtapos dito ay mamumundok kami na dito lang din ang daan sa falls. Malayo-layong lakaran pa iyon kaya doon na kami magpapaumaga sa bundok.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon