Kabanata 32

76.1K 2.7K 155
                                    

Nagbabalik! Masyado akong masaya sa 1k followers na naabot at mga nagcocomment, thank you.

Kabanata 32


Nanatili akong nakatitig kay Cali sa ilang minuto ng aking pagkagulat.

How? How did he know? How did he find out?

Hindi ko malaman ang sasabihin o ang pangunahing sasabihin dahil sa takot, natatakot ako na baka alam niya rin ang totoong pakay ko kung bakit parang kay dali kong nakalimutan kung ano man ang nagawa ng kanyang ina sa akin.

I don't want sympathy. Ayaw ko ng kanyang awa, nakaya ko naman ng ilang taon kaya bakit kailangan ko pang magpaawa ngayong narito ako at buhay sa harapan ng mga taong nangmaliit at dahilan ng paghihirap ko?

Paghihirap na nasuklian ng buhay na kuntento, nakuntento ako at naging malakas dahil sa ginawa nila. Pinilit kong abutin ang mga pangarap at hirap ng buhay.

Now that I'm a successful poor person, ano pa ang dapat kong patunayan? Mahirap ako pero naging successful sa buhay dahil na rin sa kanilang ginawa sa akin.

Para bang tinulungan nila akong maging malakas para labanan sila, hindi man sa paraan na makakatapat sila ay sa paraan ng pagpapakita ko ng galit sa kanila.

Kumurap-kurap ako at lumunok, Cali was just looking at me intently. Para bang wala siyang pakealam sa mga taong kasama namin ngayon. He's watching every move of my face, every reaction I would do matters to him.

"C-Cali," hindi ko maituloy ang sasabihin, sa pangalan niya lang ako kumukuha ng lakas.

It's like my life, calling his name giving me strength. Simula nang dumating siyang muli ay nakulayan ang buhay ko, pero kapag naiisip ko ang mga taong nakapaligid sa kanya ay nawawalan ako ng pag-asa.

He sighed heavily and nodded a bit. It looks like he got what I want. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinaplos bago balingan ng tingin ang kanyang ina.

"We will talk later." mariing sabi ni Cali, may pagbabanta roon na lalong ikinatakot ng mukha ni Carisse.

Lumunok siya.

"Why not now?" nauutal niyang tanong.

"Mas importante si Ashiel." he said. "Aalis na kami..."

"Saan kayo pupunta?" pasigaw na hinagpis ni Allison.

Nawalan ako ng lakas na makipagtitigan ng masama kahit kanino sa kanila. Hinayaan ko na lamang si Cali ang umasikaso sa mga taong iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na alam ni Cali.

Maaring iyong iba? Iyong pagpunta ni Allison sa bahay? Iyong tungkol sa aming pwesto noon at pagpapalayo ay hindi na siguro niya nalaman, hindi ba?

Hindi na sumagot si Cali, tinanguan niya lamang si Cyprian bago ako higitin papaalis. Napatianod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas ng mansyon at makaalis na ng tuluyan ay wala kaming imikan.

So I failed.. I failed the plan.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil hindi ko tuluyang ginawa ang plano para siraan sila bagkus ay si Cali ang gumawa ng lahat, hindi ako nahirapan pero natatakot ako.

Parang napakalaking kasalanan na sirain ang pamilya nila, lalo na kung masasaktan din si Cali sa mga sinasabi niya sa ina niya.

She's his mother, afterall she gave him a life. Hindi ko maalis iyon sa isip, sa isip ni Cali o ni Cyprian. Magulang pa rin siya kahit gaano niya winalanghiya ang buhay ko at ng mga importante sa akin.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon