Kabanata 21

68K 2.3K 731
                                    

Kabanata 21

Raleon immediately caught my arm. I was about to go inside the Company building, dala ang aking mga dokumento sa pag-aapply bilang isang fashion designer.

"Ral, hayaan mo na ako. Kaya ko ang sarili ko." medyo iritado kong sambit habang binabawi ang braso.

"What is this, are you really that stupid? Rekta is there! He's a model and he wanted you to be his personal designer to get you!"

"What?" sambit ko. "Baliw ka ba? Wala akong pakealam kahit sino pang modelo ang nasa kumpanyang ito! I want a job! I want this work!"

I pursued Fashion Design, as well. After Interior Design. Naging madali ang dalawang natitirang taon kong pagtapos sa kursong iyon, I can pursue Fashion Design that time but I wanted to finish the remaining years of Interior Design dahil iyon ang naabutan ni Nanay na kurso ko noon.

Pagkatapos ng dalawang taon sa Interior Design gamit ang sariling dugo at pawis ko ay nagdesisyon akong mag Fashion Design para sa dagdag kaalaman, I worked hard for myself, for my study.

Marami akong pinagdaanan sa lumipas na mga taon dito sa Maynila, marami akong naging kaibigan na kapantay ko at walang tumututol sa aking paaralan, St. Jude College. Isa ako sa naging paborito ng aming mga propesor dahil sa talento sa pagdidisenyo ng mga bagay-bagay.

I designed my professor's wedding gown, doon nakita ang talento ko para sa Fashion Design. I became the favorite scholar in our school kaya hindi ako nahirapan sa aking matrikula dahil sa tulong noon.

Hindi madali dahil wala akong masandalan kundi ang sarili lang. Wala akong pamilyang malapitan kapag masaya ako dahil sa mga nagawa kong maganda, wala akong malapitan kapag wala akong maisip na disenyo at nalukungkot.

I worked so hard. Nag part time ako sa fast food chain para matustusan ang araw-araw na pangangailangan, nagtatrabaho ako tuwing bakasyon sa isang factory ng mga basket para makaipon sa mga susunod na pangangailangan.

Hindi ako huminto sa isang tabi o isang lugar, nagtrabaho lang ako para sa aking sarili. Para maabot at makatapos ng pag-aaral, hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang lakas na iyon para magpatuloy matapos ng bangungot sa buhay ko.

Maybe, because Nanay is in my heart. Siya ang naiisip ko, siya ang inspirasyon ko kahit wala na siya at hindi ko na mayayakap pa. This is all what she wanted, always. Ang maging maayos ako at makapagtapos ng pag-aaral.

Six years, I finished two degrees with my own. Walang tulong mula sa iba, sobrang pagod ang nararamdaman ko sa lumipas na taon para sa pag-aaral at pagtatrabaho pero lahat iyon ay napalitan ng sobrang pagkaproud sa sarili dahil heto ako ngayon at may natapos na.

Everything is all worth it, the hardships I've been through... it's all worth it.

Rekta and Raleon, they've been good to me. That year I went here in Manila, Rekta's been my good friend. He never left my side, he even offered a help to be in the university he was in but I refused. I want to help myself without the help of others.

Binawi ko ang braso kay Raleon at matiim siyang tinitigan.

"Why are you being like this? Ano naman kung narito si Rekta? We're friends, Raleon! Ano ang masama na maging stylist niya?"

I can't understand him, he's way too protective over me. Lalo na kapag tungkol kay Rekta at nasa paligid ito. He's always kidnapping me everytime Rekta's going to me. Hindi ko na siya maintindihan at ayaw ko sanang intindihin ang nararamdaman ko dahil natatakot ako.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now