Kabanata 27

34.2K 1.2K 374
                                                  


Kabanata 27

"Tiring ang araw, puro milat pa ang sinukatan! Gosh! I felt so insulted! We should've male models," stressed na sabi ni Chen.

Kung titingnan silang tatlo, si Chen ang mukhang hindi bading dahil sa kanyang itsura at porma na normal lang sa lalaki. Leri and Rusty are both gays, wearing make ups, fancy clothes, feminine. Si Chen ang madalas kong nakakasama dahil panay ang dikit niya sa akin simula pa lang noong mag umpisa ako.

Jella:

Hi, Shell! Kumusta ka diyan? Hindi ka ba bibisita ng Isla Verde? Your boyfriend texted me.

Kumunot agad ang noo ko.

Textmates sila ni Rekta? Sa pagkakaalam ko hindi naman sila nagkahingian ng numero noon, ah? How come? And why did he text Jella?

"Kaya nga, ka stress talaga ang araw pag walang mga nots!" halakhak ni Leri.

Nakikitawa ako sa kanilang usapan. Nakakatawa talaga silang mag-usap, noon hindi ko makuha ang ibang words nila dahil mahirap intindihin. Ngayon pinag-iinitan ako ng pisngi sa mga usapan nila at ginagamit na salita.

I typed a reply.

Ako:

I'm fine. Kayo? Uhm, what did he say?

Nanlaki ang mga mata ko nang matanto ang nireply. Oh my gosh! Rekta is not my frigging boyfriend!

Jella:

We're fine! Nagtanong siya ng lugar na paborito mong puntahan dito sa La Santa. He asked me things about your likes, and if you had a boyfriend here...

Kumalabog ang dibdib ko. Dali-dali akong nagreply.

Ako:

What!? He's crazy! What did you say?

Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako sa pinagagawa ni Rekta, nasisiraan na siya ng ulo. Bakit siya magtatanong ng ganoon? At kay Jella pa talaga, huh. Naniniguradong masasagot ng tama ang kanyang mga tanong.

Jella:

I said, yes, you had. I'm sorry, hindi ko alam ang isasagot ko at nalilito ako. He's crazy about you! So interested, Shell. At nag-aaksaya siya ng load! Nasa US pala siya?

Napanguso ako para magpigil ng ngisi.

Hay, Rekta... you are freaking stalker!

But... I did not. Hindi naman ako nagkaroon ng nobyo, hindi naging kami ni Cali. We just shared the mutual feeling. And now... I'm not so sure if...

Huminga ako ng malalim nang makita ang pangalan ni Rekta na nagtext. I quickly opened it, hindi ko muna nireplyan si Jella.

Rekta:

Baby shark, shark! We need to talk when I get back. I miss you all time! Send me a selfie!

Ngumisi ako. Agad kong binuksan ang camera ng phone ko para magsend ng selfie. I pouted and closed my eyes, pagkatapos ay natawa ako dahil nasa likuran ko si Chen para mag photobomb!

"Sige na, Sis." nagbeso na sila Leri at Rusty sa amin ni Chen.

I sent the picture to Rekta and he replied fast!

Ngumiti ako sa kanila at kumaway.

"Thank you for treating me!" halakhak ko kay Leri.

Umirap siya. "Ikaw manlilibre sakin bukas! Sana magdala ka ng luto mo, I want sinigang with veggies! Labyu, Shelly! Paganda ka pa!"

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon