Kabanata 10

73.5K 2.4K 1K
                                    

I updated again since I cannot update later, ngayon ko na pinost. Enjoy reading!

Kabanata 10


Sabado ng umaga ay nagpunta kami ni Myla sa La Verde dahil doon ang aming sideline sa isang souvenir shop. Parehas kaming may suot na headband, ang akin ay bunny ears at ang kay Myla naman ay cat ears.

Matalik na kaibigan ng Mama ni Myla ang may-ari ng shop na ito, sinasama ako ni Myla kapag magsa-sideline din siya every weekends. Nitong nakaraang mga linggo ay hindi ako nakakasama dahil si Cali ang kasa-kasama ko parati.

Maaga akong umalis ng bahay at nagpaalam kila Nanay na tutungo sa shop. Wala naman silang naging pagtutol doon, sinabi lang na mag-ingat ako. Sumabay kami ni Myla sa kanilang service na van, dito din ang tungo para naman sa mga turista na walang dalang sasakyan.

Marami ng customers ang pumasok at namili sa shop, hindi naman nakakapagod iyon. Minsan ay palitan kami ni Myla sa kahera, hindi din siguro kumuha ng maraming sales lady si Tita Martha dahil hindi naman kalakihan ang shop. Sapat na ang dalawang sales lady.

I wonder if Cali went to our house? Hindi ko naman nasabi sa kanya na meron akong trabahong ganito dahil nakalimutan ko na rin, ngayong nagyaya lang ulit si Myla ako nakasama.

Dagdag na rin iyon sa ipon, 150 ang isang araw dito at hindi naman masyadong mahirap ang ginagawa at mas maganda kesa walang ginagawa sa bahay. Nakatayo lang kami kung may papasok na customer at may konting sales talk, si Myla ang madaldal sa aming dalawa.

"Ma'am, maganda ang mga t-shirt namin. Hindi mo malilimutan ang Isla Verde." sabi ni Myla sa pumasok na babaeng turista at isang lalaki na batid kong magkarelasyon.

Ganoon naman ang kadalasan tapos ang binibili nila panay magkakapareho, cute iyong tingnan sa mga couple. Lalo na kung hairband iyon na animal ears. Madalas kasi ay puro mga t-shirt ang binibili o kaya'y bracelet.

"How much is that shirt?" tanong ng babae.

"400 lang, kung tatawad kayo ay 350, Ma'am! Maganda ang tela niyan, hindi kupasin." nakangiting sabi ni Myla.

Ako ang nasa kahera ngayon, ewan ko kay Myla kung bakit dito ako pinapwesto ngayon. Ayaw daw niyang nakatayo ako at nagsesales talk dahil baka may mag-away daw na magjowa.

Kulit din ng isang ito. Bakit naman mag-aaway?

"Sige, kukuha kami ng dalawa." nilingon ng babae ang kanyang nobyo. "Anong kulay, babe?"

The man shrugged innocently. "You decide,"

Ngumuso ang babae at lumapit sa mga t-shirt, sinundan naman siya ni Myla sa pagpili sa kulay ng shirts doon. May limang nakahanger doon para sa sample ng mga kulay at shirt designs.

Iyong lalaki ay lumakad palapit sa mga pins na malapit dito sa counter, hinawakan niya ang mga iyon at nakita ko ang pasimpleng pagtingin niya sa akin.

Kumurap-kurap ako at ngumiti na lamang, bumaling ako sa notebook na nasa harapan ko. Doon nililista ang mga nabili ngayong araw at ibibigay mamaya sa may-ari, kay Tita Martha.

Medyo nailang na ako nang mahuli ko ulit ang tingin ng lalaki sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero halata na siya masyado, napatingin tuloy ako sa babaeng busy sa pamimili roon habang nakikipagkwentuhan kay Myla.

"Daughter of the owner?" he suddenly asked in his deep low voice. Sapat na para sa aming dalawa lang.

Umiling ako.

"Cashier in charge, po."

Kumunot ang noo niya at tinitigan ako hanggang sa dibdib ko ang counter kaya nahinto rin ang paggala ng kanyang tingin, bumalik sa mukha ko.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon