Kabanata 9

71.4K 2.4K 466
                                    





Kabanata 9

Ganoon ang naging araw ko sa nagdaang mga linggo, Cali is always fetching me. We were walking from Los Santa to Macopa, minsan tinatanong ko siya kung hindi ba siya napapagod sa ganoong paghatid-sundo.

Pagkahatid daw sa akin sa umaga ay natutulog na siya sa kanila ng buong araw at gigising na lang ng alas quatro para sunduin naman ako.

Tapos hapon na kami nakakauwi at magdidilim ang kalangitan dahil nagpapalipas kami ng oras sa burol at hindi na din ako halos kumakain ng hapunan sa bahay dahil kila Aling Betcha kami kumakain o kaya naman ay sa park na may mga street foods.

Nangiti ako habang nakahilig sa kanyang dibdib, pinagmasdan ko ang mahabang tulay sa harapan mula sa malayo. The cars looks so small from here, ang mga bahay na malalaki sa ibaba ay nagmistulang mga leggo dahil sa liit.

"Hindi ka ba naboboring sa ganitong ginagawa natin sa araw-araw? Hatid-sundo, tapos kumakain ka lang sa karenderya ni Aling Betcha. Alam ko namang hindi ka sanay sa ganitong buhay."

Bumuntong hininga ako.

"Pinakain pa kita ng street foods at iyong iba pang hindi mo kilalang pagkain. Tapos naglalakad ka pa ng mahaba para lang ihatid sundo ako, hindi ka ba nahihirapan?"

Pwede naman kasi niyang sabihin iyon, mas gusto ko iyong sa isang lugar nalang kami magkikita para hindi siya mahirapan sa paglalakad papunta sa school at pabalik.

Ayaw ko naman iyong nahihirapan siyang ganoon, tuwing ihahatid niya ako ay nalulungkot ako dahil mag-isa nalang siyang maglalakad pabalik. Kaya gustong-gusto kong matapos ang klase ng mabilis bawat araw para makita siya.

Huminga ako ng malalim at bahagyang umupo para makaahon mula sa pagkakahilig sa kanyang dibdib. Nilingon ko siya para makita ang mukha niya.

Ngumuso siya at pinilig ang ulo habang nakatitig sa akin gamit ang mapungay na mga mata. I can't help but smile at the sight, pinigilan ko ang ngiti para magmukhang seryoso.

He lifted his huge hand to touch my cheek,  hinila niya ang isa kong braso para ilapit muli at ihilig sa kanyang dibdib. I suppressed my smile.

"My life turned so simple but damn special." he whispered, he gently caress my hair. "So special that I want to live like this for the rest of my life..."

Huminga ako ng maluwag at nanatiling tahimik, nakangiti na ako habang nakatingin sa aming magandang tanawin sa harapan. Ang kabundukan sa malayo ay maliliit din kung titingnan dito pero parang abot na iyon.

Just like this man behind me, he was high as mountain when I met him. Hanggang ngayon naman pero ngayon ay naaabot ko siya at nahahawakan, hindi ko alam kung paano pero pinaparamdam niya sa akin na pantay kami.

He sighed heavily and sniffed on my hair. He loves doing that, pansin ko iyon palagi.

"Ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng ito, Ashiel. You made me feel everything, even the smallest things. I want a life like this... because of you." bulong niya.

My heart is beating so mad. Gusto kong mangiti pero kapag naiisip ang lahat-lahat na maaaring mangyari ay nawawalan ako ng buhay. Paano kung hindi ganito ang gustong babae ng pamilya niya para sa kanya? Paano kung hindi ako kailanman magustuhan ng mga magulang niya?

Syempre iyon ang susundin niya dahil magulang niya iyon, hindi ko alam kung ano ang pinaparamdam ni Cali sa akin pero sobrang saya noon sa pakiramdam lalo na kung maayos ang lahat at walang ibang problema o may ayaw.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon